xgh0st12x wrote:^
Curious... how long were you in the industry for and majority of it was spent in what role? (Agent, tl, om, etc?)
I've started late in the industry pero total would be
7+ years lang and most of which as an
agent pero that is accumulation of both local and abroad. Yung posisyon ko dito sa pinas was for agent lang pero sa abroad no choice kasi foreigner ako at kelangan maging flexible - I became a rep/admin/IT/messenger/taga linis all rolled into one doon, di pa kasama dyan yung mga monthly deliverables na diretso sa director at client mo ire-report at madalas kelangan pa mag uwi ng trabaho. Pag may palpak na trabaho, hindi sa manager ang sisi kundi sa akin and thankfully it never happened naman. Pero ganun pa man, dun ako tumagal at dun ko na-enjoy mag work kasi bukod sa well-deserved compensation, kahit papano, maituturing pa rin na "normal" ang buhay ko. It is very tiring syempre pero the fact that I'm even getting more praises and commendation from my superiors there regardless of my efforts than I ever got than my companies here in pinas is a big motivator for me. Sadly, madami sa min had to leave kasi our project needs to wrap up na, hirap na rin makalipat kasi higpitan na rin sa foreigners kaya no choice but to go back here. Btw, hindi official BPO yung kumpanya ko sa abroad tulad ng mga BPO na nakasanayan natin dito sa pinas, IT company yun na meron lang dedicated team for reps.
Dito din kasi sa pinas atleast pag agent ka alalahanin mo lang metrics mo - as long as nahi-hit mo then everybody's happy. Dati I was being groomed as a trainor/coach pero right before formal induction ako na mismo umatras kasi despite na maganda nga yung offer sa kin that time saka naman dumating yung opportunity na makapag abroad ako. And naturally I picked it up.
Just like you I am not completely dissing the industry as a whole kasi this is where i started out. I am merely just giving a "heads-up" warning on what to expect. Thankful pa nga ako kasi it is practically the first industry that fed me so I also owe "some" of my acquired skills and experience sa BPO kasi nga nagamit ko din ang mga natutunan ko sa training kahit nung sa pag abroad ko pero yun nga lang not everything. Later in life mapapaisip ka din kasi, hindi lang naman skill sets ang labanan or kung gaano na katagal ang tenureship mo sa kasalukuyang kinalalagyan mo, magkakatalo pa rin talaga sa kung saan mapapanatag ng husto ang loob mo so dyan na rin papasok ang diskarte ng bawat indvidual. I've thought long and hard until I decided to just leave that life behind in exchange for doing what I really like... it was a big gamble kasi kung tutuusin mabigat bigat pa din ang ginagawa ko ngayon pero kalaunan narealize ko na it's been the best decision I've made after all simply bec I am happy where I'm at right now.
Crazycajun wrote:Pero, hindi ba nagiging issue yan sa mga "normal" jobs? The only thing na nakikita ko na hindi applicable sa "normal" jobs ay yung job referrals and yung attrition rate. Parang lahat naman ata yan nae-experience ng mga normal nine-to-fivers.
Atleast sa normal jobs (as in non-BPO type of work environment with normal working hours), you still get to have a life talaga na hindi pangkaraniwan sa mga yuppies. Oo malaki nga kita sa call center pero iba pa rin yung nakaka-enjoy ka ng long weekend at holidays kasama pamilya mo at yung nakakapahinga ka ng maayos.
Sa una ok lang kasi sa isip isip mo "kakayanin ko yan" dahil um-oo ka sa interview sa mga conditions ng position na inaaplayan mo pero later on, no matter how hard you pretend that it is not happening, BPO environment will take its heavy toll on anyone
faster than any other jobs out there, it will literally drive you nuts from the inside and out. Hanggang sa kalaunan mararamdaman mo na lang na nawawalan ka na lang ng gana sa ginagawa mo kaya anong ending? karamihan ng mga pumapasok sa call center eh nauuwi bilang mga "job hoppers," kasi ba naman ultimo pag banyo lang ng higit sa dalawang beses at work eh mamatain ka na agad ng manager mo, ma-late ka lang ng isang minuto from break kahit isang beses lang sa buong isang taon magkakaron ka agad ng mahiwagang memo kinabukasan, umabsent ka lang dala ng legal na pagkakaroon ng sakit eh pwede mo na ikatanggal agad (kahit may dala ka namang med cert) - now tell me, sa normal working hours na trabaho madalas ba mangyari yung mga ganun, hindi rin di ba?
At sa dulo ng bawat usapan, masasabi ko na lang na
subjective pa rin to depende sa tao at sa situation na kinabibilangan nila - may mga iba kasi alam na nila na ganun ang kahahantungan nila at meron pang dala-dalang katangian na "never say die" pero ano nangyari, sa huli sila rin ang nga-nga.
kurtsky wrote:Kaya minsan napapagisip ko rin mag normal job dahil narin sa oras ng trabaho
Pero sayang din yung 15% na night diff.
Uunahan na kita brad, hindi ganun ka-worth it ang 15% night diff sa klase ng buhay na pagdadaanan mo sa BPO (assuming hindi ka pa nakapag BPO). Ok dagdag kita sya pero madalas kakainin lang yan ng tax mo, tapos kung gastador ka pa at hindi ka makaipon then wala din.
Kaya namin inuudyok na kumagat ka sa normal hours na trabaho is simply bec for the lifestyle, yung pagkakaroon ng normal na buhay eh hindi matatapatan ng malaking kita. Take it from someone who experienced the best of both worlds and decided to just drop it all off. Gawin mo na lang last option ang call center pag walang wala ka na talaga mapasukan. Besides, nagkalat naman ang mga call centers, madaling pumasok at magpalipat lipat kung tutuusin.
![sweat :sweat:](./images/smilies/sweat.gif)
Having a healthy mind and body is much more priceless.
But then again, wag basta papabulag sa mga naka-advertise na malaking kita
pag isipan mo muna ng husto at saka mo piliin kung saan sa tingin mo mas magiging masaya ka.
![agree :agree:](./images/smilies/agree.gif)