Simula't sapul, mas maayos talaga mag alaga ng talent ang abs kasi sila daw talaga gagawa ng paraan para ma-expose yung artista nila. Sa GMA hindi. Pag bumenta ka sa masa aalagaan ka talaga nila kaya nga karamihan ng talents nila tumatagal lalo na yung mga batikan na sa industriya. Balitang balita noon na kaya lumipat si angel sa abs kasi nung pumutok yung balita about her alleged scandal, GMA network did not even bother to protect her so naturally she got pissed off and ayun napalipat sya ng di oras. Similar thing about vhong's case, binackupan talaga sya ng network kaya naabswelto sa kaso. Tapos si daniel padilla, wala naman alam sa pag arte yan noon, kitang kita na he's just throwing his lines walang emote, sinabak lang talaga agad sa mainstream pero kalaunan kinagat ng masa ang tandem ng kathniel so they capitalized on it at winorkshop si daniel kaya kahit papano nahasa sa pag arte.
Pagdating sa entertainment, mas malakas ang hatak ng abs kasi mas malawak ang broadcast ng network nila kesa sa gma kaya mas marami ang audience dahil malawak ang naaabot ng signal nila kahit sa mga probinsya at abroad. Di pa kasama dyan yung star cinema nila kaya mas madali rin sa kanila makapag produce ng movies compared to other networks. Ang ayoko lang talaga sa abs is yung pagiging bias nila so pag news I just tune in to GMA or online sources na lang.
btw, i based my opinion sa dati kong alam at sa mga nababasa ko sa tabloid from time to time so i could be wrong too.
![Laughing :lol:](./images/smilies/icon_lol.gif)