Page 13 of 13

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Mon Apr 17, 2017 6:02 pm
by grayfox17
I dont snap easily naman. Mahaba pa rin ang pasensya ko sa mga small things pero yung direktang panggagago ang hindi ko talaga magawang mapalampas. Buti nga natuto na ko manahimik at magtimpi ngayon hindi tulad noon na talagang konting tira sa kin papalagan ko talaga. I was never a confrontational type of guy - basta nasagad ang pasensya ko ako na lang talaga ang kusang lalayo at iiwas sa taong tumitira sa kin. Naging specialty ko nga ang pandededma bec of this.

siguro growing up being constantly bullied had something to do with it and does have a long term effect on me that never went away ...

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Tue Apr 18, 2017 3:53 am
by Daniel
Strange sa Pilipinas. Or Asia. Hindi tayo prangka e.

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Tue Apr 18, 2017 5:35 pm
by VincH
i dont think that's strange. ako napaka bihira magalit pero once na hindi ko n ma control ang galit prangkang prangka ako :D

------

Kapag holy week ayoko mag bakasyon. gusto ko staycation lang.

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Tue Apr 18, 2017 5:39 pm
by grayfox17
Yan ang isang weakness ng mga pinoy - yung pinaprangka at napapahiya. Dun sila mas nadadala eh. Di bale nang ma-offend basta importante hindi na umulit sa pagkakamali nila.

Ang level kasi ng kaprangkahan ko is pag alam ko na marami akong bala against someone at sigurado ako sa sasabihin ko talagang raratratin ko ng pagka-prangka kahit pa mag away-away kami. I only do this pag kinups talaga ako ng hindi ko naman inaano AT pag alam ko rin na sigurado ako sa mga ibubulgar ko. Pag medyo hearsay lang ang pinanghahawakan ko hindi na lang din ako nagsasalita, mahirap na baka mapahiya pa ko. :sweat:

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Sat Apr 29, 2017 7:40 am
by DarkRushBeat
- I change my PC Wallpaper every 2 weeks
- Hindi ako tinatablan talaga sa Hentai. Instead, natatawa lang ako....

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Sat Apr 29, 2017 1:43 pm
by skp_16
^ Ako naman depende pa panahon yung PC and phone wallpaper.

Summer - beach/tropical scenery
Sept to late Oct - autumn scenery
Late October - halloween/scary
Mid Nov to Dec 29 - Christmas
Dec 30 to mid Jan - fireworks
Mid Jan to mid March - snow/winter scenery
Rainy season - rain or cloudy scenery

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Sat Apr 29, 2017 1:56 pm
by grayfox17
pagdating sa wallpaper, either i keep it as plain black para magaan sa mata or pag sinipag naman ako i make my own.

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Sat Apr 29, 2017 5:45 pm
by DarkRushBeat
- I always ensure meron akong panyo sa bulsa each time aalis ako, kahit mamalengke lang.
- Nag lilista na ko ng bibilhin at least a day or two in advance
- Hindi pwedeng wala akong baon Halls or Maxx or any Menthol candy sa kabilang bulsa.
- Meron akong baon extrang handtowel sa bag

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Sat Apr 29, 2017 6:52 pm
by abbadon
I tend to smell the thing I'm reading. Books, comics, magazines... especially when they are new. :ashamed:

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Sat Apr 29, 2017 7:28 pm
by grayfox17
considered bang strange ang pagiging OC? :sweat: ganun kasi ako in most cases like gusto ko organized lahat ng gamit ko tapos pantay pantay sila. Di ako mapakali pag may konting gulo or kalat sa paligid ko. :lol:

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Sat Apr 29, 2017 7:52 pm
by Sn@kemaru
Bago ako umalis ng bahay, ilang beses ko muna kakapain/i-check kung dala ko na wallet, coin purse, panyo at susi ng bahay.

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Sat Apr 29, 2017 8:59 pm
by eynjel18
Hindi ako makakatulog sa kama ko hanggat hindi ako naghuhugas ng paa. Dapat laging malinis ang paa ko kapag matutulog.
Nakapatay ang ilaw sa banyo tuwing dudumi ako, ayokong makita kahit sarili kong jerbaks. Bubuksan ko lang ilaw kapag na-flush ko na yung toilet.

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Sun Apr 30, 2017 3:49 pm
by DarkRushBeat
abbadon wrote: Sat Apr 29, 2017 6:52 pm I tend to smell the thing I'm reading. Books, comics, magazines... especially when they are new. :ashamed:
Same...Pero hindi magazines...Books lang....Sa akin mas ok amoy ng lumang books na madilaw na ang pages....

@topic

I pick small flowers na kasya sa palad ko, then stuff them inside a book for 2-3 years...Napulot ko itong idea na ito sa teacher ko nung 1st year HS. Maganda din pang decorate afterwards e...

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Sat Jul 29, 2017 7:46 pm
by grayfox17
pag matagal ako nanonood ng tv series, ugali ko na i-pause muna sya tapos nonood ako ng mga youtube videos na para bang commercial tpos saka ko ireresume yung panonood ko ng series :sweat:

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Sat Jul 29, 2017 9:17 pm
by DarkRushBeat
Ewan, pero i like the smell kapag natutusta mga lamok sa mosquito racket he he he....

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Sun Jul 30, 2017 7:14 pm
by Sn@kemaru
DarkRushBeat wrote: Sat Jul 29, 2017 9:17 pm Ewan, pero i like the smell kapag natutusta mga lamok sa mosquito racket he he he....
Ano ba amoy nila?
A sight to behold. Music to our ears. hehe

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Sun Jul 30, 2017 8:22 pm
by DarkRushBeat
Parang medyo sweet smelling yung pagka tusta nila he he....Hinahayaan ko sila mapatay ng racket for a few seconds

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Thu Aug 03, 2017 7:19 pm
by Sn@kemaru
There are times or days na tumatahimik/tahimik lang ako sa work habang nag-iingay/nag-sasaya sila.

Re: Strange Habits you seem to have

Posted: Mon Aug 21, 2017 1:34 am
by grayfox17
bago ako umalis ng bahay i always check kung nakatanggal lahat ng saksakan ng mga appliances sa outlet lalo na sa loob ng room ko :sweat: