Here's the full list of world's friendliest islands in 2016 according to Travel + Leisure's readers:
1. Palawan
2. Cebu
3. Luzon
4. Boracay
5. Waiheke, New Zealand
6. Ischia, Italy
7. Tasmania, Australia
8. Fiji Islands
9. Bali, Indonesia
10. Great Barrier Reef Islands
11. Moorea
12. Paros, Greece
13. Bora Bora
14. Exhumas, Bahamas
15. Caye Caulker, Belize
proud to be pinoy
Re: The Good Things in the Philippines
Posted: Mon May 01, 2017 10:22 pm
by skp_16
Wala yata tayong "student loan". Dito kasi bayad muna ng tuition para makapag-aral ka. Sa ibang bansa pwedeng aral muna bayad later, pero baon ka sa utang pagka-graduate mo.
Re: The Good Things in the Philippines
Posted: Mon May 01, 2017 10:38 pm
by Daniel
free tuition lang ata dito care of scholarships.
Re: The Good Things in the Philippines
Posted: Fri May 12, 2017 10:05 pm
by VincH
pagka graduate mo di sure na may trabaho agad. sa tingin ko di applicable dito ang student loan. may ugali ang mga pinoy na ayaw magbayad
Re: The Good Things in the Philippines
Posted: Sat May 13, 2017 11:17 am
by DarkRushBeat
Yung mga magkanda kuba na sa kakatrabaho, pero nakukuha pa rin ngumiti despite the stress & the heat....
Re: The Good Things in the Philippines
Posted: Tue May 16, 2017 9:20 pm
by VincH
sa halagang sampung piso mabubusog ka na sa burger at kwek kwek
Re: The Good Things in the Philippines
Posted: Wed May 17, 2017 10:01 am
by grayfox17
um, anong era yan pre? sa panahon ngayon tatlong kwek kwek lang mabibili mo sa sampung piso.
Re: The Good Things in the Philippines
Posted: Wed May 17, 2017 10:15 pm
by VincH
what i mean is P10 burger or P10 kwek kwek. hindi ko sure kung magkano na sa manila ang kwek kwek pero dito sa probinsya ng laguna P8 lang eh. nakakalito ang post ko. nalilito kasi ako sa tokneneng at kwek kwek. basta yung tinutukoy ko yung malaking itlog hindi yung pugo. busog na ako sa isang piraso parang tokneneng ata ang tinutukoy ko
Re: The Good Things in the Philippines
Posted: Wed May 17, 2017 10:18 pm
by grayfox17
^ah yung malaki na penoy ang laman? 12yata isa dito nyan sa maynila... 3 pesos naman yung maliit. Tsaka tawag ko sa dalawang yan kwek kwek lang din eh, pareho lang naman ang labas.
Re: The Good Things in the Philippines
Posted: Wed May 17, 2017 10:51 pm
by VincH
hehe basta hindi yung itlog ng pugo. busog na ako sa isa. pag sa burger na tig P10 mas nakakabusog.
Re: The Good Things in the Philippines
Posted: Fri May 19, 2017 5:56 pm
by Daniel
yung bayanihan sa jeep, good practice na naipasa na lang thru generations
Re: The Good Things in the Philippines
Posted: Fri May 19, 2017 6:31 pm
by grayfox17
^ayaw na ayaw ko umupo sa gitna ng mga pampasaherong sasakyan - ayoko maging taga abot ng bayad.
Re: The Good Things in the Philippines
Posted: Fri May 19, 2017 9:20 pm
by Sn@kemaru
Nakaka-tuwa yun video ng irish guy re: bayanihan.
Pero last week lang may nakasakay ako sa UV express. Sya yun nasa gitna na taga-abot sana ng mga nagbabayad na nakaupo sa likuran niyan. Aba ang maarteng ale, walang naririnig, walang nakikita.. halos iduldol na nga sa pisngi nya yun pinapa-abot na bayad. either naka-tingin sa celphone or deretso lang ang tingin.
Tapos sa same UV express. May sumakay naman na isang lalaki. nasa unahan naman niya. Ayun nag-abot naman ng bayad yun lalake pero nung hindi agad na-abot ng manong driver yun pinapa-abot ng bayad, aba'y yun lalake binalik yun bayad nung nasa likod at ang sabi ay "eto na bayad mo, ayaw kunin ng driver.".
Hindi man lang naisip na busy sa pagmamaneobra si manong at hindi agad na-abot yun pinapabayad.
Hay.
Re: The Good Things in the Philippines
Posted: Tue May 15, 2018 3:17 pm
by Daniel
Mga magandang feedback ng mga foreigners na dumayo sa Pilipinas