Page 2 of 2

Re: Usapang web development

Posted: Thu Apr 20, 2017 6:54 pm
by javaChip56
I have a habit of right clicking and Inspecting website codes..
This morning I ran into Odoo and what I found surprised me.. :D
Spent a few hours working on their challenges.. :lol:

Re: Usapang web development

Posted: Fri Apr 21, 2017 12:48 pm
by Daniel
I do that as well kapag interesting yung layout ng website :D

Re: Usapang web development

Posted: Fri Apr 21, 2017 1:06 pm
by skp_16
Sa panahon ngayon medyo necessity na na marunong ka mag web development, graphic design, at iba pang computer skills. Para pwede ka mag work kahit saan for extra income or fulltime job.

Pansin ko karamihan ng travel bloggers na halos non-stop nagtatravel ay may computer skills kaya kahit saan kumikita sila.

Re: Usapang web development

Posted: Fri Apr 21, 2017 1:16 pm
by Daniel
para ma-customize yung blogs na gusto nila. mas madali na rin naman na matuto nung web development (css) dahil hindi programming ang required. more on eye for color and layout. :D

Re: Usapang web development

Posted: Fri Apr 21, 2017 7:09 pm
by grayfox17
nung time na natuto kami ng web dev nung college pure html lang kami, never pa kami humawak ng scripting at all...:sweat:

bumabawi na lang ako sa UI para kahit papano may contribution ako sa group work. :lol:

Re: Usapang web development

Posted: Sun Apr 23, 2017 8:30 pm
by Sn@kemaru
Frontpage Express gamit namin noon sa work ko sa Makati.
Shifting schedule namin at may quota kami. Masarap kapag 10pm-6am ang shift kasi wala yun owner kaya mga visor lang ang kasama namin. Pabilisan makatapos ng quota kaya 4am pa lang tapos na kami sa mga quota namin. Tambay na lang kami sa terrace to wait for the rising sun, kwentuhan, kainan, tulugan, atbp.

Sayang nga hindi ako naka-abot sa free training ng Java.

Re: Usapang web development

Posted: Mon Apr 24, 2017 1:29 am
by Daniel
nung time ko rin as student. html lang din kami. yung javascript hindi ko maintindihan talaga. yung css hindi tinuturo nun. :lol:

dahil ngayon na complex na yung web development, minsan magpapalit lang kami ng 1 letra sa page, may dll file pa kaming kailangang i-update. e di ba pag dll parang windows programming na yun? :lol:

Re: Usapang web development

Posted: Mon Apr 24, 2017 5:34 am
by grayfox17
very basic lang ang programming na tinuro sa min nung college - from c, c++, java, vb at html. Ni wala nga kami .net sa curriculum namin noon, naimplement lang yun after namin maka-graduate. :sweat:

Nag thesis nga ako na 15% operational lang yung program ko noon, buti na lang mabait ang mga panelists namin noon kasi importante lang naman is feasible yung concept. Kahit hindi umaandar basta possible na maging usable yung idea namin for future use. Di ko nga lang alam on how useful our project would be. :lol:

Re: Usapang web development

Posted: Tue Sep 12, 2017 2:38 pm
by Daniel
Yung C# nun bago na lang kaya parang natabunan yung C++. Yung VB napunta sa ASP.Net

=====

Malaking tulong sa pagbilis ng paggawa ng website yung Bootstrap. Mobile-friendly na agad yung website.

Usapang web development

Posted: Tue Sep 12, 2017 6:24 pm
by AaronGlins
Why you need a web developer? R u going to make a company?
There are many web developer here right now, basically i have a little knowledge in web development but I concentrate in web designing and Im happy as a graphics designer now..
If you need some logo or website redesigning you could contact me and lets talk about it, thanks.

Re: Usapang web development

Posted: Tue Sep 12, 2017 9:22 pm
by javaChip56
It's tough to keep up with today's javascript framework.. Ang dami.. At ang madalas na requirement ngayon kahit web app (not static websites), dapat yung available offline.. Sakit sa ulo..

Re: Usapang web development

Posted: Wed Sep 13, 2017 4:12 am
by Daniel
Node.js
Ember.js
D3.js
atbp

jQuery na lang ako nag-focus. :sweat:

Hindi ko alam ano yung gagamitin para available offline.

@AaronGlins, web development to upgrade IT skills. :mrgreen:

Re: Usapang web development

Posted: Wed Sep 13, 2017 11:47 am
by javaChip56
For offline, you need a collection of frameworks and API's.

Browser DB: (localStorage, indexedDb etc)
Background workers: Service Worker, Web Worker
Caching: Application caching (handled din ng Service worker)


Dagdag sa sakit sa ulo pag kelangan paganahin yung web app sa iba't-ibang browsers.. Ang IE at Safari parehong sakit sa may topak pag dating sa compatibility.. :banghead:

Re: Usapang web development

Posted: Wed Sep 13, 2017 12:05 pm
by Daniel
Sabagay usually sa Chrome at Firefox merong mga new features tulad niyang localStorage at Web Workers.

Sakit din sa ulo namin sa office yung compability with IE. Particularly IE8.

Re: Usapang web development

Posted: Wed Sep 13, 2017 6:31 pm
by darkwing_uop
a very timely thread, I was wondering on how to add something like a shopping cart to my website? that accepts credit card payments / COD etc.. what is the best third party service for this? something like https://www.checkmeout.ph/ ?

Re: Usapang web development

Posted: Thu Sep 14, 2017 10:31 am
by Daniel
Not really sure about the payment stuff for web sites. But for software for creating an online shop, I'm familiar with Magento. When it's installed, it already includes options for credit card payments, PayPal, bank transfer, etc.

PayMaya has its API for using it as payment gateway.

Other software that I've heard of: OsCommerce, X-Cart, Prestahop, PinnacleCart. Some are free, some are not though.

Re: Usapang web development

Posted: Thu Sep 14, 2017 11:10 am
by grayfox17
how about dragonpay? dami ko na nakikitang gumagamit neto pati yung pagkuha ng nbi cleareance yan yun isa sa ginagamit nilang payment gateway...

Re: Usapang web development

Posted: Thu Sep 14, 2017 11:24 am
by Daniel
Oo nga pala. Okay yung DragonPay. Nagamit ko sa MetroDeal. :D

Re: Usapang web development

Posted: Thu Sep 14, 2017 11:29 am
by grayfox17
Onga eh, legit yung dragonpay pero i cant remember if they take local cards, kasi nung huli ko sya ginamit parang option lang to pay sa bayad center tapos sa dragonpay manggagaling yung resibo na ibibigay sa bayad center parang ganun... i could be wrong kasi matagal ako hindi gumamit nun :sweat: