Page 6 of 55

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Mon Aug 05, 2013 11:20 pm
by SirZap
naging Human Victory Cigar si Gary David

pero sana hindi lang iyasn ang huling tira nya. alam ko kaya nya.

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 12:00 am
by skp_16
Nakanood ulit ako kanino! Bwenas yata yung Japanese food na kinain ko bago magsimula yung game! :lol: :grin: :bigmouth:

Image

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 8:45 am
by gabe
Image

“Umiiyak yung panganay ko nung isinisigaw ng mga tao yung pangalan ko. Nakakataba ng puso kasi yung mga tao hindi bumibitaw sa iyo at naniniwala pa rin sila.” - Gary "El Granada" David

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 11:24 am
by joey_ed27
^ Thats nice. :2thumbs: We need everyone form Gilas to have confidence for tonights tough Quatar game.


Also... I like how Alapag played last night.


Napansin ko lang sa Gilas dami natin "sundot" mga reach-in which created a lot of fastbreak points :2thumbs:
Somehow I worry that in some games baka instead of steals eh tawagan ng fouls instant penalty tayo in no time. Anyway baka nga yun talaga gamble ng Gilas rather than play halfcourt defense against bigger players down low.

So far ayos ang defense natin. Sobrang active sa passing lanes :win: Ganda din ng help defense sa switch. I say this even when we lost to Chinese Taipei. :bigmouth:

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 1:34 pm
by nyll47
Sana pumutok na si el granada mamaya :bball:

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 3:28 pm
by deathzero23
Pansin ko lang sa mga international games like this, madalang yung mga volume shooter o dominating scorer in a team compared sa mga pro-league na 25-30ppg. Usually balanced scoring lagi. Ano yun dahil ba sa rules ng FIBA or talagang SOP yun na walang magbabakaw sa mga ganitong klaseng tournaments?

Anyway, sana ma-carry yung momentum ng Gilas mamaya vs Qatar na wala pang talo sa standings..
pansin ko lang last night, LA Tenorio was throwing bricks...

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 3:57 pm
by VincH
^ganun talaga siguro kung puro magagaling na pinagsama sama sa iisang team.

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 4:05 pm
by deathzero23
^Kung sabagay kasi pag All-Star Game naman kahit puro magagaling, may mga bakaw pa rin maglaro eh hehehe

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 9:01 pm
by deathzero23
mukhang hirap makalayo Gilas sa Qatar ah..
watching it now.. 2nd quarter

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 9:14 pm
by ron_bato
Gary Gary Gary Gary Gary!!

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 9:49 pm
by skp_16
deathzero23 wrote:Pansin ko lang sa mga international games like this, madalang yung mga volume shooter o dominating scorer in a team compared sa mga pro-league na 25-30ppg. Usually balanced scoring lagi. Ano yun dahil ba sa rules ng FIBA or talagang SOP yun na walang magbabakaw sa mga ganitong klaseng tournaments?

Anyway, sana ma-carry yung momentum ng Gilas mamaya vs Qatar na wala pang talo sa standings..
pansin ko lang last night, LA Tenorio was throwing bricks...
Pag international tournament teamwork nalang ang kailangan. Pag nagbakaw ka malaki chance na paupoin ka ng coach, pwera lang kung talagang siniswerte ka at pasok lagi ang tira.

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 9:58 pm
by parokyano
Massacre sana kung di nasaktan si douthit nung 3rd.

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 10:02 pm
by xgh0st12x
Parang awa mo kang coach chot, paupuin mo muna si douthit!

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 10:25 pm
by ServiceStar
nice win. ganda ng pinakita ni aguilar at ang lupit ng defense ni norwood kay hayes. grabe yung last shot ni hayes, off the glass pa. ano kaya nangyari sa kanya bakit nawala sa nba, sayang talent niya. sana maging consistent lang si japeth sa defense at hustle. nakakainis naman yung tawag ng referee sa last minutes ng 4th.

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Tue Aug 06, 2013 10:31 pm
by skp_16
A win is a win, pero sayang yung big lead. Winning margin matters in case of tie in standings. :bball:

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Wed Aug 07, 2013 6:36 am
by parokyano
Mas nakakapang hinayang na muntik ma upset ng japan yung taiwan. Malaking bagay sana if manalo qatar mamaya sa taiwan para pinas no. 1 sa group e.

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Wed Aug 07, 2013 8:01 am
by xgh0st12x
Sana maipahinga nila si douthit against hongkong.
By the way, ano ba talaga nangyari dun sa matagal na discussion ng mga ref at nag award sila ng 2 pts sa qatar?

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Wed Aug 07, 2013 8:39 am
by ron_bato
^ Hindi ako sure, pero parang inadvertent whistle ata eh. Parang wala naman dapat tawag pero napito ng ref, so ewan ko kung bakit, pero inaward na lang yung 2 points sa Qatar.

Ito ata mas clear na explanation, iproprotesta daw ng philippines:

http://www.interaksyon.com/interaktv/de ... nt-whistle

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Wed Aug 07, 2013 8:45 am
by deathzero23
Yung sa inadvertent whistle, yung sa replay nung shot nung una tinitingnan kung 2pt or 3pt shot. Pero ewan ko lang visually parang travelling yung ginawa nung Qatar player before making the shot. May instant replay rule ba sa FIBA? dapat ma-adapt nila yung sa NBA kung wala pa. Pasok pa yata under 2 minutes yung nangyari eh.

Tapos may backcourt violation pa na hindi natawag.. Bano bano yata mga assigned refs yesterday.

Nung nainjured si Douthit parang lumakas loob ng qatar...

Re: The FIBA Asia Thread

Posted: Wed Aug 07, 2013 11:55 am
by parokyano
Sinasabi yata ni chot nasa kamay pa n qatar player yung bola when ginawa yung tawag kaya dapat di counted yung tira ng taga qatar. Sa totoo lang halos lahat ng laban ang daming questionable calls and non calls.