yung kaibigan ko, bale yung kuya nya, nagpahiram ng pera sa mas bata nyang kapatid para makakuha ng work. so kasama duon yung damit para may formal office clothes. so sabi ng kaibigan ko nag-suggest sya na tumingin sya sa H&M, kumabga tingin lang ng style duon para nasa uso pa yung proma. so nung namili sinamahan sa SM Dept. store. dun namili ng ilang damit tapos namili din sa H&M. so nag-start na sa work. after 2 months siningil. in short yung utang hindi pa daw babayaran kasi kukunin daw sa clothing allowance which would be released after ma-regular meaning 4 months pa more.
eto ang problem na nakita nila ng kuya nya. una, may kinuhang samsung s8. meaning huhulugan iyon for the next 2 years. so yung kuya nga kaibigan ko naiinis kasi inuna yung cellphone kesa sa pagbayad ng utang sa damit. pangalawa, kinuwenta ng kabigan ko yung hulog sa cellphone + pang-araw-araw lalalabas may sobra pang pera na pwede naman ipanghulog. pero hindi pa rin daw kasi mas maigi daw na kunin na lang sa clothing allowance. pangatlo, yung mismong pangkuha ng hulugan na phone inuna, hindi man lang nagbayad muna at sana hiniram na lang yung isa pang phone ng kaibigan ko na S6, S7 kasi yung currently na ginagamit. nagkakamot ulo silang magkuya
![facepalm :facepalm:](./images/smilies/facepalm.gif)
![huh :huh:](./images/smilies/huh.gif)
pahabol pa yung kwentong H&M. sinisi pa ng mas batang kapatid yung kaibigan ko kase kulang pa nga daw yung pambili ng damit. ang siste, dahil nag-suggest daw sa H&M daw tumingin pero dun pa rin bumili. take note, ulitin natin yung part na dun muna sa SM Dept. store muna bumili bago pumunta ng H&M. so kung nandun ka na ang alam mong kukulangin yung pera mo para sa damit eh bakit ka pa bibili sa mas mahal?
![fight :fight:](./images/smilies/catfight.gif)