Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
come to think op it, kaya masarap ang gaming nung mga panahon na yun kasi ang source mo lang talaga is either a videogame magazine tapos word of mouth na lang. Hindi pa uso internet nun syempre kaya nakaka tuwa pag meron ka madiscover na secret or may mabasa kang cheat code dahil nandun pa rin yung element of surprise.
Di tulad ngayon na hindi pa release yung game meron na kagad nag leak ng ending.
nung araw astig ka sa mga kaibigan mong mga gamers pag madami kang alam na mga cheat codes. sa akin pa nagpapa assists yung mga gamers para palabasin mga secret stuffs sa Mortal Kombat
tapos nung nauso yung mga rental ng mga ps1 tapos maglalaro ako ng resident evil 2 na may secret weapon or FF7 na malayo na ang save file andami ko na audience sa likod . At pag natapos na laro ko, sigurado may lalapit yan para magpa kopya ng file. Ako naman nagpapa kopya kasi nakukuha lang din naman ng libre sa mga kaklase ko yun. Pero pag pinaghirapan ko yung game file hindi ako nagpapa kopya.
hindi pa uso online mulitplayer noon kaya pag natripan namin magbarkada lumaban ng starcraft o tekken, dumadayo pa talaga kami. Ako yung laging pamato pagdating sa fighting games kasi dun ako sanay pero pag starcraft na ako pa yung unang nabubura sa mapa.. #TangnangZerglingRushYan
meron pa rin naman eh...yun nga lang, mas enjoy noon nung kabataan namin. Natuto ako mag arcade sa star city nun, dun ko first time nalaro yung street fighter haha...
Until now meron color game dito (yung sa perya)....Pero kahit walang perya, tuloy pa rin...Illegally he he he...Minsan yung 10.00 ko, naging 40.00 eh...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....
Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building
^ sira schedule ng pagvivideogames ko nun panahon na yun. punta sa rentahan, kapag brownout, tambay kung saan-saan, tawag sa rentahan kung may kuryente na. kapag meron na, nagmamadaling bumalik sa videohan.
^^madalas pa yung oras ng brownout sumasabay sa schedule ng mga gusto ko panooran. PInaka badtrip yan pag bandang friday night kasi yun yung oras ng xmen cartoons
Come to think of it, parang hindi ko na yata nakikita yung parang maliliit na lamesa na nakapatong sa mga pizza ngayon? dati meron nun eh ...
^^Wala na yata. Wala na ko nakikita ganun ngayon, yung round table na white & 3 lang paa...
@topic...
After school nung elementary, daan kami bago umuwi sa 1 shop na puro SNES rentals...And hindi kami makapaniwala nun after seeing for the 1st time ang graphics ng MK pati fatalities...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....
Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building
kung tutuusin simple pa ang lifestyle nung 90's, atleast noon naranasan ko pa maglaro sa kalsada, ngayon ang mga kabataan hi-tech na talaga. Bata pa lang may cellphone na, marunong na mag FB, natututo na rin maging vain sa pagseselfie, etc...
Atleast ako naranasan ko din ang old fashioned na panliligaw sa paraan ng pagsulat ng love letter using yellow pad tapos tatakbo sa munisipyo para mapadala sa postal office. Then syempre, na-friendzone...
Saka uso pa nun yung hihingi ka ng pic sa crush mo, tapos palusot mo, remembrance purposes only...
Larong kalye ko nun, patintero, tumbang preso, follow the leader (where i hurt my back for 2 weeks), luksong baka, luksong tinik, taguan, agawan base, sipa, then suntukan minsan he he
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....
Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building
^kami noon taguan, habulan, teks, tapos pinaka paborito ko nun yung tatsing - yung bibili ka ng figure tapos lalagyan mo ng alambre at bolts para pampabigat, bowling ng mga batang kalye
Gusto ko man paglaruin ng mga larong kalye ang anak ko pero hindi na kasi safe maglaro ang mga bata sa kalsada ngayon. nagkalat ang mga masasamang loob.
Kaya ang playtime na lang nila ay sa loob ng school grounds or within the premises na lang ng bakuran ko.