baka may prior nang ipon ang mga yan OR may mga sideline OR even nakahiram ng pera din pang down, mura na lang naman kasi ang pagkuha ng kotse ngayon, if you know how and where to look and who to ask, makaka diskwento ka ng malaki sa downpayment. Tsaka alam mo naman sa mga call center, madali din maglipana ang mga tsismis na ganyan at baka exaggerated na rin kaya madalas pinagmumulan ng insecurity at inggit ng iba. Nung sa last CC ko hindi ako masyado gumagasta, pamasahe, pangkain at yosi lang talaga ang pinupuntahan ng pera ko kasi hindi ako gala, di rin ako mahilig bumili ng gadgets kasi meron na ko ng mga yun at di din ako sumasabit sa mga team events pero I was able to save about 50K din sa 6months ko hehe... pinaka gastos ko na siguro yung pag taxi papasok ng work at madalas starbucks ng 2 weeks straight. Dun pa lang sa pagbili ko ng starbucks tinataasan na ko ng kilay ng mga kasama ko.
Nung minsan nagkaron kami ng parang contest na gawaan ng video dun sa last CC ko, so ako nag offer ako na magdala ng equipment. Dinala ko lang yung mga basic dslr gears ko, goPro at macbook bilib na bilib kagad yung mga kasama ko, kesyo mayaman kagad ang tingin sa kin. Pano ba naman, pobre lang ako pumorma at kumilos sa work, nag gogoto nga lang ako pag lunch tapos pipitsugin pa yung phone na gamit ko kasi hindi ako nakasmart phone then biglang makikitaan nila na may mga gamit ako na ganun.
![Laughing :lol:](./images/smilies/icon_lol.gif)
Kahit yung ibang team nagtatanong na rin sa mga gamit ko kasi sila camera phone lang ang gamit that time. Nung sinabi ko na binili ko "lang" sa abroad mga yun parang naging dating ko bigla sa kanila eh mayabang na agad ako
![sweat :sweat:](./images/smilies/sweat.gif)
natatawa na lang ako pag naaalala ko.. dun ko narealize na "oo nga pala, mahal nga pala dito sa pinas ang mga ganyang gadget at hindi basta afford ng kahit sino lang"
![Laughing :lol:](./images/smilies/icon_lol.gif)
haters gonna hate!
Dun ngayon ako naka-attract ng mga gold digger na tsiks, isang girl na maganda sa team ko panay ang papansin sa kin at nanghiram pa ng pera sa kin at ilang ring cute na girls na taga ibang team tanong naman ng tanong kung pano makapunta ng SG. Kahit ibang TL nakikitanong na rin haha...
![Laughing :lol:](./images/smilies/icon_lol.gif)
man, ang colorful talaga ng industriyang to.