Let's talk about anything about video games, no matter what platform it is. What is your favorite game? Who is your favorite character? What are the recently released games? What is DLC (downloadable content)? How do I beat this boss? How do I set up my team?
pwede na kaya yung mga hanabishi na tv dun sa puregold pang ps4? trip ko bilhin yung 42inch tapos 13K lang hehe... wala ko makitang reviews online for the specific ones na naka display dun sa puregold kaya medyo alanganin ako...
Ok. Thanks, Daniel. Mukhang January pa ako makakapagsubscribe talaga, pero 2 years na isusubscribe ko para 2 years ko kakalimutan. Dami releases kasi netong 4th quarter. T.T
Mga boss, ang ps plus ba ay region locked? May nakita kasi akong nagbebenta ng ps plus pero may nakalagay region 1. So pag region 3 ang ps4 ko hindi gagana ang ps plus na binili ko?
Nung Monday naglalaro ako ng PS3, kumukulog na sa labas nagbabadyang uulan.
Biglang kumulog at kidlat. Nawala saglit ang kuryente pero nagbalik naman agad.
Pagbukas ko ng PS3 ko, ayaw na mag-stay ng power. Pag-press ko sa power button, mag-green light lang ng 1 second.
Tulad ng nasa video link.
Paano kaya solution dito? At mga magkano kaya magastos ko kung pagawa?
^ bili na lang ng ps4.. yung presyo na aabutin sa pagpapagawa nyan eh para ka na ring bumili ng bagong unit. dedemonyohin kita hanggang sa bumigay ka na bumili ng ps4.
^ Inaantay ko yun PS4 Pro. Kaya stick muna sana ako sa PS3 habang wala pa yun. Besides, hindi ko pa natatapos yun AC Black Flag at Dragon's Crown. Kaya wag mo muna ako demonyohin. Yun former boss ko nga na nag-sabi sa akin na *safe* daw sya, na-resist ko, ikaw pa kaya. haha
^ Dinala ko kanina yun PS3 slim ko sa isang PS3 tech sa isang mall na malapit sa amin.
Pinagpalit yun PSU ng sa akin at ng sa kanya. Yun PSU ng akin ay gumana sa unit niya, pero yun PSU ng sa kanya ay hindi gumana sa akin. So mukhang ok pa yun PSU ng unit ko. Ang assessment ng tech ay yun board na daw ang sira.
Sabi niya mga nasa 4.5K daw ang board.
Hindi rin ma-eject yun naiwan game sa loob ng drive.
May magawa pa kaya paraan si royginald sa unit ko? Malayo kasi sa akin ang yun shop niya sa Carriedo at taga-Fairview ako.
Saan yun fuse?
Sn@kemaru wrote:^ Dinala ko kanina yun PS3 slim ko sa isang PS3 tech sa isang mall na malapit sa amin.
Pinagpalit yun PSU ng sa akin at ng sa kanya. Yun PSU ng akin ay gumana sa unit niya, pero yun PSU ng sa kanya ay hindi gumana sa akin. So mukhang ok pa yun PSU ng unit ko. Ang assessment ng tech ay yun board na daw ang sira.
Sabi niya mga nasa 4.5K daw ang board.
Hindi rin ma-eject yun naiwan game sa loob ng drive.
May magawa pa kaya paraan si royginald sa unit ko? Malayo kasi sa akin ang yun shop niya sa Carriedo at taga-Fairview ako.
Saan yun fuse?
kuha ka pa ng second opinion. baka hindi board ang makitang problema.
Galing ako kanina (or kahapon ng umaga) sa shop ni Royginald. Sa halagang 2.5K, pinalitan ng board yun PS3 ko at na-repair yun isang DS3 controller ko for ghost movement issues.
Yun nga lang formatted yun HDD ko kaya lahat ng saved data ko burado.
Buti na lang 1 game at a time lang ako at medyo kakasimula ko pa lang sa AC Black Flag.