Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
Wendy's naman sinasawsaw ko yung fries sa Frosty.. Natutunan ko lang sa nililigawan ko dati and ok din naman..
And yep minsan nakakaumay yung tamis ng dressing ng yum ng jollibee..kaya madalas TLC kinukuha ko para medyo masapawan ng tomato and lettuce yung tamis.. ending parang kumain ng garden salad na may patty..
Magaganda nga promotions ng BK lalo na nung bagong bukas sila dito sarap mag bottomless hi-c apple pero ngayong may eded na may epekto na yung sobrang tamis niya na flavor..
Unfortunately tagal ko ng nagbabalak mag army navy pero till now di matuloy tuloy,buti pa yung Zark's na nasa katipunan napuntahan namin..
Yung Snack Shack saan ba mga ba located mga branches nila?
^ Sa ngayon UP Area 2 pa lang at sikatuna pafs, if ever mapadayo ka well worth the trip. 70 pesos quarter pounder, 135 half pound, tapos add-ons mga jalapenos, bleu cheese, bbq sauce etc etc. Best burger for me dito sa Philippines, and not just in terms of pagka-sulit.
skp_16 wrote:Ako lang ba dito ang inuubos muna ang fries bago galawin yung burger?
Present! Fries muna ako bago mag burger. Parang 2 course meal ako kumain.
Right now, BK at Brother's burger ang parati ko kinakain kung gusto ko ng burger. Same with ron_bato, hinahanap ko na yung barbecue/grilled taste. Nakukulangan na ako sa McDo at Jollibee. I work in Makati and live in Santa Rosa, Laguna. So di ko napupuntahan yung mga ibang grilled burger places sa Metro Manila.
parokyano wrote:Magaganda nga promotions ng BK lalo na nung bagong bukas sila dito sarap mag bottomless hi-c apple pero ngayong may eded na may epekto na yung sobrang tamis niya na flavor..
Those were the good old days. Yung BK branch sa morayta dati di tumagal compared sa Jollibee at McDo branches.
Nalugi yung daw yung BK dahil sa bottomless nila. May nagdadala pa daw ng Coleman sa counter para i-bottomless
Pambihira naman kasi yung iba nating kababayan, porke bottomless inaabuso talaga, parang umiigib lang. Kulang na lang magdala ng drum
senbonzekura wrote:ask lang kung nakapagtry na dito sa big better burger pahingi lang ng feedback...also san ba banda sa katipunan yung zark's?
Okay naman yung BBB, not the best, but considering the price pwede na. Grilled din siya, pero kung tama pagkakaalala ko di ako natuwa sa Bun, pero malasa yung patty and malaki naman. Good price din para sa akin.
parokyano wrote:@ron
Thanks, try namin pasyalan yung sa silatuna
@senbonzekura
Ok naman b.b.b. na try ko yung grilled burger na may bbq sauce and onions.. iirc parang pandesal yung bun na ginagamit nila..
No problem pafs, highly recommended yan! Punta ka sa FB page nila, pwede ka mag pre-order sa kanila thru text kasi mahaba pila lagi, and kung bibili kayo, wag niyo paabutin ng 6 pm, kasi mabilis sila maubusan
I tried 8Street Bites.. Kung tipid ka pero you want a tasty burger na mas malaki sa Crave. It's not a bad alternative.
Under 170-180php may matino at masarap na burger ka na with fries as side dish. Angus+Wagyu yung burger patty nya.