^* ISKUL BUKOL *^

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

dito tayo mag share ng mga karanasan natin nung tayo'y student pa lang... umpisahan ko na ulit... :sweat:

Image

Image

Image

Image

Image
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

eto kinaiinisan ko sa mga math teachers

Image

-------

nakipag kita ako sa dati kong classmate na di ko nakita for almost 20 years. yung mga ibang teachers daw namin sumakabilang buhay na. medyo nalungkot ako.
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

pag tumanda ka na tapos naiisip mo yung mga terror mo na teacher parang natatawa ka na lang eh pero nung kabataan natin halos ipakulam mo na sa inis ang mga yun. :lol:
**** ****!
User avatar
Sn@kemaru
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 8190
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

VincH wrote: Tue Apr 04, 2017 6:08 pm eto kinaiinisan ko sa mga math teachers

Image

-------

nakipag kita ako sa dati kong classmate na di ko nakita for almost 20 years. yung mga ibang teachers daw namin sumakabilang buhay na. medyo nalungkot ako.
Yun pamangkin ko kay misis, pinag-kumon nila.
Dumating ang exam, nasagutan lahat ng bata questions pero hindi gumamit ng method na tinuro ng teacher. ayun, puro question mark ang nakuha instead na mga checks.
Image
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

turo kasi ng mga math prof namin dati nung college (graduate sila ng ME at civil engr.) na dapat lang talaga matutunan ng estudyante muna yung mga long method kasi pag nasanay sa pag derive using shortcut may chances na baka ma-overlook daw yung ibang details lalo na kung san nakuha ang isang value or what. Dapat lang gamitin ang shortcut pag naintindihan na yung normal method muna.
**** ****!
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

akala ko thread para sa tv show :lol:

buhay estudyante. di malabong walang matipuhang kaklaseng maganda (o pogi, pag babae ang estudyante).
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Hmmm...

- Palaging basted nung HS
- Nasunog ko 1 part ng classroom namin dati by accident after ako mabasted
- Nag summer classes ako twice dahil lagpak ako sa Math dati
- Nag suot ako PE uniform habang lahat e naka regular uniform. And i'm the only one sa school naka PE uniform, so i stood out...
- Dahil usong uso nun ang Jordan 11, kinulayan ko ng pentel pen na black yung LA gear na sapatos ko para magmukhang Jordan 11
- College di ko masyado na enjoy, naging mabilis lang college sa akin, 2 year course lang kinuha ko e...
- Natuto ako mag bilyar nung college
- Bulakbol mode din nung college, after ng classes diretso sa suking shop para mag Counterstrike or Half Life
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

elementary:
-masaya pa kasi nakakapag enjoy ka pa after school
-mahina ako sa math noon
-nahilig ako pumapak ng ovaltine at milo noon ng hindi na tinitimpla
-dun ko nadiskubre ang anime at videogames
-maayos pa mga tropa ko ng mga panahon na to
-namulat na sa kamunduhan
-best years of my life
-graduation gift ko noon- pinayagan ako bumili ng pellet gun. :sweat:

highschool:
-dito na ko natuto mag yosi, gumala at gumago
-lumala ang gaming habits ko ng mga panahon na to
-struggle sa subjects pero nakaraos naman
-dito na ko nagsimula mamulat sa iba't ibang klaseng rock
-natuto rin ako maadik sa mga maka-kaliwang babasahin
-nakatanggap ako ng 3310 bilang graduation gift galing kay inay

college:
-halos wala ako kahirap hirap sa mga subjects ko kahit pa sa math
-natuto ako maging loner dala
-natuto mag budget dahil dito ko naranasan ang maging tag-gutom talaga
-natuto rin ako mag ayos ng sariling schedule
-natuto na rin ako uminom ng alak pero mild lang
-yung petiks mode ka ng ilang buwan after ko matapos lahat ng units ko tapos nag aantay na lang ng graduation march. :cheer: Cellphone na bago (nalimutan ko na yung model) ang regalo ulit sa king pagtatapos. :2thumbs:
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

Sn@kemaru wrote:Yun pamangkin ko kay misis, pinag-kumon nila.
Dumating ang exam, nasagutan lahat ng bata questions pero hindi gumamit ng method na tinuro ng teacher. ayun, puro question mark ang nakuha instead na mga checks.
grayfox17 wrote: Tue Apr 04, 2017 8:24 pm turo kasi ng mga math prof namin dati nung college (graduate sila ng ME at civil engr.) na dapat lang talaga matutunan ng estudyante muna yung mga long method kasi pag nasanay sa pag derive using shortcut may chances na baka ma-overlook daw yung ibang details lalo na kung san nakuha ang isang value or what. Dapat lang gamitin ang shortcut pag naintindihan na yung normal method muna.

depende din sa prof. may mga prof na kahit di mo sinundan mga methods nila, may credit ka pa din. unfair masyado kapag walang points kahit tama ka pa din.
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

Daniel wrote: Thu Apr 06, 2017 11:24 pm akala ko thread para sa tv show :lol:

buhay estudyante. di malabong walang matipuhang kaklaseng maganda (o pogi, pag babae ang estudyante).
torpe ako nung high school at college nyahahaha! :sweat: :mrgreen:
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

VincH wrote: Fri Apr 07, 2017 5:28 pm
grayfox17 wrote: Tue Apr 04, 2017 8:24 pm turo kasi ng mga math prof namin dati nung college (graduate sila ng ME at civil engr.) na dapat lang talaga matutunan ng estudyante muna yung mga long method kasi pag nasanay sa pag derive using shortcut may chances na baka ma-overlook daw yung ibang details lalo na kung san nakuha ang isang value or what. Dapat lang gamitin ang shortcut pag naintindihan na yung normal method muna.

depende din sa prof. may mga prof na kahit di mo sinundan mga methods nila, may credit ka pa din. unfair masyado kapag walang points kahit tama ka pa din.

You can get away with this kung highschool ka pa lang or freshman sa college pero pag higher level ka na, di pwedeng hindi ka specific. Grad pa naman ako ng mapua so lahat talaga ng mga prof namin noon brutal lalo na sa major subjects. :sweat: Hate na hate ko pa naman yung mga prof na mahilig magpa exam ng ibibigay yung sagot tapos ipapakita mo pano nakuha yun. :banghead:
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

^haha! same school pala tayo :lol:

brutal talaga mga prof dun pero nung nag quarterm medyo naging "forgiving" na at mas madali pumasa. personal na observation ko lang. nung hindi pa quarterm dami ko bagsak umabot ata 1 time ng 15 units :lol:
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

^yun oh! meron pala dito na same sa alma mater haha... nung 1st year college ko semestral pa rin kami, second yr na yata ako nung nagsimula ang quarterm. Malaki advantage pag quarter sem kasi hindi mo need tyagain ng matagal yung mga prof na kups pati rotc namin nun saglitan lang. Ang downside lang is hilaw ang mga student kasi kulang sa panahon para makapag adjust sa lessons at saglitan lang ang bakasyon.

Sa buong college life ko sa mapua, sa 2 subject lang ako bumagsak. Delayed ako ng 1 sem for graduation pero kung itatapat mo sa normal semestral period, parang sakto pa rin ako sa 4yrs course.

Di pala ko engineering, com.sci ako. Pero mga prof naman namin lahat alumni din ng engineering sa mapua din mismo kaya yung nakasanayan nilang paghihirap noon sa min pinasa. :sweat:
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

^ME ako hehe... hindi ko talaga trip ang course ko. binalak kong mag shift to CoE pero di ko na tinuloy. feeling ko nga din naging hilaw mga students dahil sa quarterm eh. napansin ko kasi after quarterm parang wala nang nagto top sa board di tulad nung semestral pa. parang sakto lang din ako sa 4 yr course dahil sa quarterm kahit na bulakbol ako nung semestral. may isang subject pa nga ako na 3-5 times ko lang pinasukan dahil tinatamad akong hintayin kahit na 2hrs ko lang hihintayin. :sweat:

nung hindi na mandatory ang ROTC pinili ko ang civil service. laking ginhawa for me :sweat:
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

^wow... :shock: ME ka pala, isa ka pala sa mga tinaguriang diyos haha. First choice ko talaga ang com. sci. pero sa UST muna ako nag exam, tyempong lumabas agad yung result ng entrance exam ko sa mapua kaya yun na yung kinagat ko. :sweat:

Mas masarap pa rin yung campus sa intra, mas enjoy ang buhay dun kasi daming makakainan na mura at matatambayan na net cafe pati sm manila. Pero nung nilipat yung course namin sa makati tag hirap kami lahat - pano kasi ang mamahal ng pagkain tapos wala ka matambayan kundi glorietta. Ultimo yosi ang mamahal pa dun. :sweat:

Kasama ako sa first batch ng civil service noon at pinagtatawanan lang namin yung mga nagpumilit mag ROTC kasi sila nakadapa sa quadrangle sa intra ng tirik ang araw samantalang kami nasa lilim at nagmemeryenda lang. :sweat:

Believe it or not, naging substitute prof namin dati si lumen - laking gulat ko na prof pala ng chem.eng. yun. Sobrang ganda na at ang bait pa. Basta pumasok ka lang daw sa kanya papasa ka na agad sabi ng mga immortal na seniors haha...
**** ****!
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Hmmm....Hindi ko naranasan ang ROTC thankfully....pero CAT walangya, OO....Dumating sa point na pinag jogging kami ng Corp Commander namin ng 4 AM sa sementeryo...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Eto pala yung mga sikat na celebrities na galing ng mapua :agree:. Ang madalas ko nakikita dun sa intra si nap gutierrez kasi prof ng PE yun tapos minsan si alvin patrimonio nung foundation day pati yung isang anak na babae ni erap.

Nalala ko si erning (yung partner ni tado) nag transfer yun as IT at halatang anak mayaman kasi may sariling oto, dropout daw yata ng UP or something, lagi namin nakikita sa campus sa makati yun dati.

**** ****!
User avatar
Sn@kemaru
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 8190
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

Ahh... drop-out / kick-out ako ng Adamson U. sa Taft.
Paano ba naman, ang aga ng klase ko. 7AM tapos manggagaling pa ako ng fairview.
Kaya imbes na pumasok ako, pumupunta na lang ako sa videohan at dun na ako maghapon hanggang gabi.
Well, nasa huli talaga ang pag-sisisi.
Image
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

nasa last batch ako ng may CAT. last batch din ng may ROTC. :facepalm:
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

grayfox17 wrote: Fri Apr 07, 2017 6:20 pm ^wow... :shock: ME ka pala, isa ka pala sa mga tinaguriang diyos haha. First choice ko talaga ang com. sci. pero sa UST muna ako nag exam, tyempong lumabas agad yung result ng entrance exam ko sa mapua kaya yun na yung kinagat ko. :sweat:

Mas masarap pa rin yung campus sa intra, mas enjoy ang buhay dun kasi daming makakainan na mura at matatambayan na net cafe pati sm manila. Pero nung nilipat yung course namin sa makati tag hirap kami lahat - pano kasi ang mamahal ng pagkain tapos wala ka matambayan kundi glorietta. Ultimo yosi ang mamahal pa dun. :sweat:

Kasama ako sa first batch ng civil service noon at pinagtatawanan lang namin yung mga nagpumilit mag ROTC kasi sila nakadapa sa quadrangle sa intra ng tirik ang araw samantalang kami nasa lilim at nagmemeryenda lang. :sweat:

Believe it or not, naging substitute prof namin dati si lumen - laking gulat ko na prof pala ng chem.eng. yun. Sobrang ganda na at ang bait pa. Basta pumasok ka lang daw sa kanya papasa ka na agad sabi ng mga immortal na seniors haha...
nye! hehe! hindi ah. nadaan lang talaga sa tyaga. dami ko nga bagsak nung freshman pa ako. tapos halos hindi ko din napakinangan ang course ko. hindi ko naman talaga trip kung tutuusin. mas ok talaga sa intra. dami nagkalat na mga murang kainan. yung pinsan ko na IT ang course na lipat din sa makati. hirap nga daw sya.

si lumen nakita ko din yan. ang alam ko faculty sya ng CHE. maganda talaga sya hehe... ang hirap sa course ko puro kami lalake at bihira mga lalake. kung may babae man mukha ding lalake :mrgreen:
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
Post Reply