Page 1 of 3

--- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Sun Apr 02, 2017 3:23 pm
by grayfox17
bukod sa laro ano pa trip nyo kolektahin? sapatos, caps, shirts, pants, colognes/perfumes... lagay lang lahat dito. :2thumbs:

basta nakaka-angat ng sex appeal dapat ibahagi sa buong sangkatauhan :2thumbs:

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Sun Apr 02, 2017 3:40 pm
by SirZap
panalo ang thread na ito :cheer:

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Sun Apr 02, 2017 3:45 pm
by grayfox17
dahil ako gumawa ng thread na to umpisahan ko na....

eto yung gamit ko na pabango ngayon:

Image

hindi ako masyado sa shoes pero pag caps medyo pihikan ako, its all about quality din talaga. Pinapatos ko yung mga tulad ng new era, nike, adidas kasi quality at maganda ang design.

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Sun Apr 02, 2017 7:14 pm
by DarkRushBeat
Here's mine...

When it comes to pants/jeans, i always go for the relaxed fit type...Never ako magsu suot ng skinny or jeggings...Yuck...

Image

When it comes to casual wear, kapag malamig, i go for the fit long sleeves attire...

Image

Kapag mainit, simple poloshirt or polo mismo, pwede na...

Image

Image

Shoes naman, for casuals, this would make do for me...

Image

Pang harabas mode

Image

Pero usually kapag lalabas ako, either sa mall or me ibang lakad, i just go for this attire...

Image

Cologne naman i'm not into that much anymore. Used to have CK One & CK Be dati..Nowadays i go for Axe Black (since 2012)...Tumatagal din naman amoy e...

Saka tip lang, if you wanna have your perfume/cologne last on you, try rubbing a small amount of pet jelly muna sa areas na madalas nyo pabanguhan, like nape, wrists, chests. etc.

Image

Soaps, syempre safeguard pa rin pero i also use whitening soap...

I don't use Eskinol or Master...I just put Cetaphil moisturizer on my face....

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Sun Apr 02, 2017 7:32 pm
by grayfox17
^master talaga... :2thumbs: wala ako binatbat sa mga pamormang ganyan. :win:

about sa pabango, i mix them up and dont use the same scent parati. Kung gagasta lang din naman kayo sa pabango, dapat iba yung pang araw araw at iba din pag may special or importanteng lakad. At dapat meron din kayong pamatay na pabango na para lang sa pang tsiks.

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Sun Apr 02, 2017 7:38 pm
by DarkRushBeat
grayfox17 wrote: Sun Apr 02, 2017 7:32 pm ^master talaga... :2thumbs: wala ako binatbat sa mga pamormang ganyan. :win:

about sa pabango, i mix them up and dont use the same scent parati. Kung gagasta lang din naman kayo sa pabango, dapat iba yung pang araw araw at iba din pag may special or importanteng lakad. At dapat meron din kayong pamatay na pabango na para lang sa pang tsiks.
I have 2 Axe colognes, yung Axe Black (panglakad) and Axe Anarchy (pambahay)...Yung zen & Zest meron din ako pero bigay lang ng mga utol ko....ayus din ang amoy...

As for borloloy sa katawan, i no longer wear any wristwatches...Pero i still wear my buddhist prayer beads...Not because its my main type of fashion, pero i also believe/study in Buddhism, aside from Christianity...

Image

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Sun Apr 02, 2017 7:49 pm
by grayfox17
Ingat na lang din sa pagbili ng mga pabango lalo na yung mga mamahalin, hindi lahat ng mga nasa mall or discounted ones ay maituturing na legit. Malalaman mo kung peke pag medyo mahapdi sa balat at mabilis mawala ang amoy.

If you can find testers ok din yun. Kumbaga orig pa rin naman pero generic na karton lang ang packaging.

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Sun Apr 02, 2017 10:07 pm
by Daniel
abercrombie & fitch perfume. yung amoy ng pabango ng store nila pareho. yun lagi hinahanap kong amoy ng pabango nila.

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Mon Apr 03, 2017 8:34 pm
by Sn@kemaru
baon ko jokes lang. feeling pogi na ako nun kapag napapatawa ko mga girls. :bigmouth:

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Mon Apr 03, 2017 8:38 pm
by grayfox17
^i approve of this post! :agree: Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon tumatalab ang porma, minsan nasa diskarte lang tlaga para maging pogi... :lol:

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Tue Apr 04, 2017 1:43 pm
by NinjaLooter
Never cargo nor skinny. I'm too old for that #@*^.

Share ko lang...

Image

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Tue Apr 04, 2017 5:55 pm
by VincH
hehe nice thread. dati andami kong pinapahid sa mukha tuwing umaga. ngayon sunblock na lang, pag gabi tretinoin cream. pagdating sa pants gusto ko yung baggy, yung hindi ko naaapakan ang pants dahil paliit ang sukat sa paa.

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Tue Apr 04, 2017 6:49 pm
by grayfox17
ang usual na porma ko sa labas is tshirt tapos cargo pants at tsinelas. Mapagsasapatos mo lang ako at pantalon only when its absolutely necessary. Napunta nga ko sa mga bangko ng naka-pambahay lang eh. Importante naka hilamos, sipilyo at facial wash ako tapos syempre pabango na rin hehe.. di ako pwedeng lumabas ng bahay ng hindi man lang nakapag cologne...para akong nanghihina pag walang pabango lalo na deodorant. :lol:

Tsaka sa lahat ng burloloy sa katawan, anklet lang yata ang natripan ko pero relo, bracelet or necklace hindi. :sweat:

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Tue Apr 04, 2017 7:09 pm
by Sn@kemaru
grayfox17 wrote: Mon Apr 03, 2017 8:38 pm ^i approve of this post! :agree: Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon tumatalab ang porma, minsan nasa diskarte lang tlaga para maging pogi... :lol:
Parang si idol Jose lang ba? hehehe

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Tue Apr 04, 2017 8:43 pm
by DarkRushBeat
Me baon din akong jokes....Green jokes nga lang...

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Tue Apr 04, 2017 8:45 pm
by grayfox17
anak ng...puro pamporma ang paksa sa hiblang eto hindi diskartehan ... :sweat:

unti-unti naglalabas ng mga pinagbabawal na teknik ang mga to eh... wag nyo naman masyadong galingan :lol:

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Wed Apr 05, 2017 9:52 am
by SirZap
may tatalo pa ba dito ?

Image

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Wed Apr 05, 2017 3:48 pm
by DarkRushBeat
Kamukha ng mga nakakasabay ko sa gym he he he

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Thu Apr 06, 2017 11:47 am
by VincH
^lol! napatawa ako sa Papawash. naalala ko tuloy yung brief na hindi naba bacon commercial.

Re: --- +++ Pampa-pogi/ganda thread +++ ---

Posted: Thu Apr 06, 2017 11:12 pm
by Daniel
:rofl: at papawash

ang di ko masyadong trip na pang-itaas, yung sando. mag-sando lang siguro ako pag may swimming na outing o kaya maglalaro ng basketball. :lol: