Page 18 of 19

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Mon Apr 03, 2017 8:24 pm
by Sn@kemaru
pansin ko sa office na-uuso na naman yun 'ano'.

lalo na kung yun mga seniors ang nag-uusap parang ganito:

"napanood mo ba yun ano kagabi?
"anong ano?"
"yun ano, kuwan, *isip at sasabihin yun gusto talaga nya tukuyin".

tapos magtatawanan na lang kami kasi nagka-intindihan din sila dahil sa 'ano'.

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Tue Apr 04, 2017 6:38 pm
by VincH
sa tingin ko hindi malalaos ang "ano".

ang nalaos ngayon ay yung "kuwan"

:bigmouth:

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Thu Apr 06, 2017 12:58 pm
by grayfox17
hindi naman masyadong trending pero may mga nakikita akong mga post na pinagttripan yung ermats/erpats nila using practical jokes tapos kita mo na galit na galit talaga yung magulang...i actually dont find that funny at all. :shock:

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Thu Apr 06, 2017 3:14 pm
by SirZap
^^mala-jackass :lol:

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Thu Apr 06, 2017 11:07 pm
by Daniel
parang kay bam margera (skateboarder) nun. naawa ako sa magulang niya. mga senior pa naman yun.

ah yung ano naano ni kuwan

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Fri Apr 07, 2017 3:30 pm
by DarkRushBeat
Mga "tangang questions"...Nakakairita na kapag me ganito sa FB...

"Kapag tinulak ko sya sa kalye, pusher na ba ako?"

"Kapag kumain ako ng Happy peanuts, magiging Happy na rin ba ako"?

Pwe..

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Fri Apr 07, 2017 5:32 pm
by VincH
yung wall ko ngayon punong puno ng mga face morphing nila ng mga kamukha nilang celebrities.

punong puno din ng mga quotes na may colorful background

:facepalm:

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Fri Apr 07, 2017 10:23 pm
by Sn@kemaru
DarkRushBeat wrote: Fri Apr 07, 2017 3:30 pm Mga "tangang questions"...Nakakairita na kapag me ganito sa FB...

"Kapag tinulak ko sya sa kalye, pusher na ba ako?"

"Kapag kumain ako ng Happy peanuts, magiging Happy na rin ba ako"?

Pwe..
Eh yun nakipag-away daw sya sa kalye, street fighter na ba sya nun? :lol:

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Fri Apr 07, 2017 11:45 pm
by Daniel
yung status na may colorful backgrounds, sa android pala galing yun. kaya pala di ko magawa sa phone. :D

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Sat Apr 08, 2017 8:23 pm
by Sn@kemaru
Mukhang na-uuso ang mga lindol ngayon ah.
scary times. :shock:

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Fri Apr 21, 2017 8:48 pm
by DarkRushBeat
Si Lucia Joaquin....Sheesh....

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Sat Jul 22, 2017 4:09 am
by grayfox17
basta kung anong trending yun ang sumisikat at nauuso na lang bigla ... kahit na hindi naman dapat :sweat:

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Sat Jul 22, 2017 4:56 am
by DarkRushBeat
Uso ngayon yung mga "overnight oatmeals" kuno na ilalagay sa ref overnight

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Sat Jul 22, 2017 7:31 pm
by Sn@kemaru
Despacito


Hindi ko pa napapanood ito pero ang dami na versions, may tagalog at bisaya versions pa.

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Mon Jul 24, 2017 11:42 am
by Daniel
May version pa si Bieber

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Sat Jul 07, 2018 5:05 pm
by Daniel
Uso ang pabor kapalit ng shoutout.

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Mon Jul 09, 2018 2:41 pm
by Oink McOink
World cup. Sobrang uso nagdadown vote na ako sa 9gag mawala lang mga WC post.

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Tue Jul 10, 2018 12:09 am
by Sn@kemaru
Sa mga facebook pages, forums at comments section, nauuso yun "Advance ako mag-isip / advance sila mag-isip." phrase.
Kahit sa work ginagamit na rin yan pandagdag sa mga nasabi.

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Tue Jul 10, 2018 6:15 am
by Daniel
Saka yung “baligtad” nakikita ko sa Facebook. Ginagamit na meme. Hindi ko pa nakita yung original na video.

Re: Ano uso/trending ngayon?

Posted: Wed Jul 11, 2018 2:57 am
by flipsflops
Sn@kemaru wrote: Tue Jul 10, 2018 12:09 am Sa mga facebook pages, forums at comments section, nauuso yun "Advance ako mag-isip / advance sila mag-isip." phrase.
Kahit sa work ginagamit na rin yan pandagdag sa mga nasabi.
Wala na pala yung “Edi wow!” “Ikaw na”