Page 25 of 26

Re: Usapang Pera

Posted: Wed Apr 11, 2018 1:46 am
by SirZap
eto may bagong kwento ako.

yung kaibigan ko, bale yung kuya nya, nagpahiram ng pera sa mas bata nyang kapatid para makakuha ng work. so kasama duon yung damit para may formal office clothes. so sabi ng kaibigan ko nag-suggest sya na tumingin sya sa H&M, kumabga tingin lang ng style duon para nasa uso pa yung proma. so nung namili sinamahan sa SM Dept. store. dun namili ng ilang damit tapos namili din sa H&M. so nag-start na sa work. after 2 months siningil. in short yung utang hindi pa daw babayaran kasi kukunin daw sa clothing allowance which would be released after ma-regular meaning 4 months pa more.

eto ang problem na nakita nila ng kuya nya. una, may kinuhang samsung s8. meaning huhulugan iyon for the next 2 years. so yung kuya nga kaibigan ko naiinis kasi inuna yung cellphone kesa sa pagbayad ng utang sa damit. pangalawa, kinuwenta ng kabigan ko yung hulog sa cellphone + pang-araw-araw lalalabas may sobra pang pera na pwede naman ipanghulog. pero hindi pa rin daw kasi mas maigi daw na kunin na lang sa clothing allowance. pangatlo, yung mismong pangkuha ng hulugan na phone inuna, hindi man lang nagbayad muna at sana hiniram na lang yung isa pang phone ng kaibigan ko na S6, S7 kasi yung currently na ginagamit. nagkakamot ulo silang magkuya :facepalm: pang-apat eto pa, yung the same na mas bata nilang kapatid may cellphone dati na iphone 7 pinadala ng mommy nila galing states. so nasaan na yun? :huh:

pahabol pa yung kwentong H&M. sinisi pa ng mas batang kapatid yung kaibigan ko kase kulang pa nga daw yung pambili ng damit. ang siste, dahil nag-suggest daw sa H&M daw tumingin pero dun pa rin bumili. take note, ulitin natin yung part na dun muna sa SM Dept. store muna bumili bago pumunta ng H&M. so kung nandun ka na ang alam mong kukulangin yung pera mo para sa damit eh bakit ka pa bibili sa mas mahal? :fight:

Re: Usapang Pera

Posted: Wed Apr 11, 2018 7:01 am
by DarkRushBeat
Haist....Baka gusto jumaporms ng wala sa lugar he he he....

Re: Usapang Pera

Posted: Wed Apr 11, 2018 9:30 am
by Daniel
failed priorities

Re: Usapang Pera

Posted: Mon Apr 30, 2018 7:04 am
by Oink McOink
Had to learn cryptocurrency because of work and it is enticing..almost.

The greatest drawback of the whole thing is not cryptocurrency itself but the community that supports it. I think over 90% of the people are toxic. People are so greedy that any meaningful progress in that field is overshadowed by greedy people hiding behind the internet. Everything is an investment, even if the project's sole focus is innovation and enriching the concept. I was intrigued by the new ideas coming from cryptocurrency at first but now eh I feel I don't want anything to do with it unless work requires.

Re: Usapang Pera

Posted: Fri May 04, 2018 9:08 pm
by DarkRushBeat
Ako i haven't sold my Bitcoins yet...And di pa naman ako masyado sold into the whole cryptocurrency thing...Ang habol ko for now is the hassle-free payment online (via Coins.ph), lalo na magpapakabit na ko ng cable dito sa bahay...Not to mention, i can load my number anytime i want...

Re: Usapang Pera

Posted: Thu May 10, 2018 5:46 am
by skp_16
Mga comments na ""Huwag mo na sila singilin. Isipin mo nalang mga ginastos sila sa pagpapalaki sayo." :facepalm: :facepalm: :facepalm:


Re: Usapang Pera

Posted: Thu May 10, 2018 11:18 am
by NinjaLooter
Mahirap yan. Unang una magulang yan. Hindi na dapat sinisingil. Pangalawa yung magulang dapat huwag automatic na aasa lang sa anak Lalo na may sariling pamilya na pala.

Re: Usapang Pera

Posted: Thu May 10, 2018 9:51 pm
by SirZap
nabasa ko yan kanina.

mukhang NAGULANGAN sya. :fight:

seriously ... eto pananaw ko:

1. lahat ng sides tama. yung mga nagasasabi na huwag nang singiling blah blah blah. agree ako. yung iba naman sabi ang utang ay utang, kumbaga iba yung obligasyon nila na magpalaki sa iyo iba na ngayon may sarili ka nang pamilya, agree din ako.

2. at dahil hindi mo masingil ngayon kailangan mo dapat magTANDA ka na. base sa kwento, ibig sabihin kulang sila ng pera. that means wala silang ipon. kasi kung may ipon sila at ganyang ang sitwasyon syempre hindi sila kukulangin. at kung gusto mong maningil kahit may ipon ka singilin mo pa rin dahil nga iba na sitwasyon mo at may PCOS ka nga. at may mga pangangailangan ka rin. sa ngayon hindi mo na sila magsisingil dahil hindi nila nasi-seen yung messages mo.

3. dahil dyan, sa susunod huwag ka nang magpautang. mag-ipon ka muna. yung katumbas ng 6 na buwang gastusin. kapag nakaluwag saka ka na magpautang. ngayon dahil magulang mo naman sila nasa sa iyo kung pauutangin mo sila ulet. kung ayaw mo ok lang. isa pang pwedeng gawin ay maglaan ka ng 1% kada sweldo at yun ang ipa-utang mo o kung gusto mo ipamigay mo. na kahit hindi mo masingil eh ok lang kasi maliit na halaga. kung sino mauna ibigay mo na o ipa-utang mo kapag umangal sila sabihin mo yun lang ang halagang kaya mong ipahiram o ibigay. kung may magbayad sa kanila e di magaling, kumbaga pandagdag sa ipamimigay mo o ipauutang.


----------


grabe! pina-igsi ko na sa isipan ko... humaba pa rin :sweat: :surprise:

Re: Usapang Pera

Posted: Sun May 13, 2018 6:20 am
by skp_16
Image

Re: Usapang Pera

Posted: Sun May 13, 2018 9:43 am
by Daniel
pasa-pasang "pangarap"

Re: Usapang Pera

Posted: Sun May 13, 2018 3:56 pm
by DarkRushBeat
Yan ang tinatawag na "cycle of life"....Kaya when my boys one day finally decides to start their own family, i will see to it na wala sila dito parehas sa poder namin, i want them to suffer/learn & make them independent....

Re: Usapang Pera

Posted: Thu May 17, 2018 2:20 am
by skp_16
Agree ba kayo dito?
Having a child is like earning millions of money. Masarap magkaron ng anak. Para saan pa ang maraming pera kung hindi ka mag aanak?
Nagpakasal ka pa kung hindi lang din kayo matatawag na pamilya... oo mahalaga ang pera sa panahon ngayon,, pero may mas hahalaga pa ba sa mahal sa buhay na pwedeng mawala sayo dahil mas inuuna mo pera? Family should come first.
I will give up everything just to have a child. Magka-baby lang ako i-gigive up ko ang trabaho ko. Walang katumbas na yaman ang magkaroon ng anak.

Re: Usapang Pera

Posted: Thu May 17, 2018 10:05 am
by Daniel
Siguro mas mararamdaman mo lang talaga yung saya ng may anak kapag nagkaroon ka na mismo ng anak.

Naalala ko noong high school isa sa mga topic dun sa religion subject namin, merong mga choices ang mga adults: magpari o madre, single-blessedness, o magpamilya. Siyempre maraming yung last choice ang pipiliin.

Siyempre may kanya-kanyang epekto sa pera. Yung isa, galing abuloy ang pera. Yung isa, solo ang pera at walang ibang gastusin kundi sarili o kung merong BF/GF. Yung huli, siyempre sa asawa at anak.

Re: Usapang Pera

Posted: Fri May 18, 2018 6:27 am
by skp_16

Re: Usapang Pera

Posted: Sat May 19, 2018 1:36 pm
by DarkRushBeat
I will give up everything just to have a child.....Pati trabaho?

Anong katangahan yan? Unless mayaman ka na siguro, pwede....

Personally sa akin, having a kid also means money.....Pero pag me anak ka na, mas mararamdaman mo maging matipid sa pera dahil sa dami ng gastusin...

Re: Usapang Pera

Posted: Sun May 27, 2018 2:41 am
by SirZap
minsan i-treat mo rin daw sarili mo sabi ng peso sense

#5. maglaro ng playstation


Re: Usapang Pera

Posted: Sun May 27, 2018 9:09 am
by Daniel
pareho lang yung number 5 at 8. :lol:

Re: Usapang Pera

Posted: Sun May 27, 2018 12:43 pm
by DarkRushBeat
Masaya na ko basta meron ako mabili para sa sarili ko each pay...Either books from Booksale or Transformers or action figures na gusto ko....Yung videoke dehins, unless wala ako kapitbahay na maiistorbo...Yung matulog ng bongga, kapag pamilyado ka na, good luck....

Re: Usapang Pera

Posted: Sat Jun 09, 2018 5:33 pm
by SirZap
natawa ako sa sinabi ng isang NEDA officer na kayang mamuhay ng disente sa 10k ang family of 5. :lol:

buti na lang yung isang senior officer sinabi naman na 42k daw ang reasonable according to his estimates. kasi naman yung 10k daw lumang standard daw yun na hindi na na-update. :facepalm:

Re: Usapang Pera

Posted: Sun Jun 10, 2018 1:13 am
by Daniel
10k pa lang ubos na agad sa rent at utilities :sweat:

dun pa lang sa mga cities na may mga sub-meter ang kuryente, aabot agad ng 1k.