Usapang Politics

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
Locked
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

VincH wrote: Sun Mar 26, 2017 6:24 pm ^pag napapauwi ako samin natutuwa ako pag naririnig ko yung alarm pag curfew hours na. isa pa sa pinaka ikinatutuwa ko eh nawala na yung mga maiingay na videooke na umaabot hanggang madaling araw. ewan ko sa ibang areas kung meron pa pero samin totally nawala :D yung dinadaanan ko sa pier anlaki ng iniluwag. nawala yung mga pasaway na nagpapark na malalaking truck dun sa area.

puro magaganda ang mga forecast sa economy ng Pinas. approved ng mga malalaking negosyante at mga alam kong financial firms ang administration na ito. ewan ko ba, may mga tao lang talaga na mas gusto i focus ang mga nakikitang negatibong balita na puro naman tabloid worthy.

wala eh, bugso ng damdamin talaga ang pinapairal. Wala na tayong magagawa dyan if they choose to keep looking back in the past instead of beyond. :lol:

VincH wrote: Sun Mar 26, 2017 6:24 pm sana ganito na lang at wala nang gyera. laking tulong nito sa agriculture at madaming magsasaka ang yayaman :D

Yung mga ganitong prospect dapat lang bigyan ng chance hindi yung kontrahan kagad. Maigi yung magkaron ng mutual agreement in terms of exportation para kahit papano may transparency na rin between the two nations involved. Mahirap kasi pag puro kutuban na lang at magkaron pa ng maling akala na maging daan para gyerahin tayo ng wala sa oras. :lol:
Last edited by grayfox17 on Sun Mar 26, 2017 7:16 pm, edited 1 time in total.
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

^and those kutuban are useless. daming nagsisimulang kaguluhan dahil sa mga chismis.

China first, then Japan. mukhang madami pang darating na mga magagandang pangyayari si Pinas.

High-level economic delegation off to Tokyo
MANILA, Philippines - A high-level delegation led by Finance Secretary Carlos Dominguez is set to visit Tokyo next week to discuss with Japanese officials a list of proposed Philippine infrastructure projects for possible funding assistance.

The meeting, which will be held from March 27 to 28, will be the first session of the Joint Committee on Philippines-Japan Infrastructure and Economic Cooperation.

Hiroto Izumi, special advisor to Prime Minister Shinzo Abe, ex

Hiroto Izumi, special advisor to Prime Minister Shinzo Abe, extended the formal invitation to Dominguez and asked him to co-chair the joint committee following Abe’s state visit to the Philippines last January.

Prime Minister Abe committed during his visit to Davao City last January a total of ¥1 trillion in official development assistance and investments to the Philippines for the next five years.
http://www.philstar.com/business/2017/0 ... tion-tokyo

mukhang may good news nanaman na darating in a few days. i hope :pray: pati Japanese may nakikitang maganda sa Pinas. May nauna nang higanteng billionaire from Japan na nag invest dito (Okada)

Why Japanese billionaire Okada invested in Philippines

http://news.abs-cbn.com/business/12/21/ ... hilippines

nakaka attract na tayo ng mga investors pero yung iba sisirain pa ang sariling bansa para matakot ang mga investors :huh:
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

...Our country's heading to the right path towards a better future and some people would still treat those positive prospects as a hindrance rather than progress. Eto yung mga taong ayaw na ayaw ko kausap kasi ultimo may bagong patakaran kokontrahin agad imbes na bigyan ng chance na maisa-ayos ang dating sistema na nakasanayan natin. I recognize them having the same mentalidad like those paid hacks tulad nung mga aktibistas that we often see on tv :lol: - puro na lang sumbat at lagi na lang pinanghuhugutan ng bugso nila ng damdamin ay ang nakaraan. :rofl:

At kung sswertihin ka pa, makaka-saksi ka ng mga taong biglang susulpot at nagb-beastmode agad ng wala sa lugar. Instant entertainment pa. :rofl:
**** ****!
User avatar
Sn@kemaru
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 8190
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

Basta ako, nawala na ang tiwala ko sa Chinese government. Ang tingin ko na sa kanila ay there's always something fishy with them. If they are a considered a super power now, why are they resorting to land/island/territory grabbing? Bakit hindi pa rin mawala yun label sa kanila na 'pirate capital of the world'? etc.

Regarding naman sa pamumuna sa mga ginagawang mali ni Duterte, tama lang naman na punahin at kontrahin kung talagang mali naman talaga. Kahit sino pa ang ilagay natin sa Malacanang, palagi dapat tayo aalma sa mga maling ginagawa nila. Ano silent na lang tayo kahit harap-harapan na tayo ginagago at tinatrataong uto-uto o mang-mang?
Natural lang na dapat gawin nila ang tama. Kaya sila na-elect kasi yun ang pangako din nila sa mga botante. na pabubutihin ang kalagayan ng bansa. It's where our taxes go. Sige, hindi madalas o hayagan nabibigyan ng "thank you" ang mga magagandang nagawa kasi natural naman dapat yun. Let's face it, ganun din naman tayo sa kapwa natin. it's normal to do good. pero kung bad, dapat sitahin... para ma-korek ang mali.

Nagustuhan ko rin yun drugwar ni Duterte pero sana lang, sana-sana-sana lang ay mga legit bad people yun nahuhuli or napapatay. Sana din ay magdusa yun mga source ng mga ito, yun mga "big fishes". Mas mapapabilib ang tao sa kanya kapag natumba niya ang mga yun. My evil side sometimes tell me na buti nga namatay na yan mga salot ng lipunan, para hindi na dumami. Baka magka-anak pa at ganun din ang gagawin. Population control na rin. mababawasan ang palalamunin ng gobyerno na galing din sa mga buwis natin.

Tungkol naman sa curfew ng kabataan, may mga ilang lugar pa rin dito sa maynila ang hindi napapatupad ito. nandyan yun nagrarambulan pa sa kalye, mambabato ng mga dumadaan sasakyan dahil trip lang nila, manghold ng mga umuuwi mga call center agents, etc. pero kapag nahuli, laya lang din kasi menor de edad. Dito sa area ko, mukhang safe naman.

Pasalamat na rin ako sa curfew sa videoke/karaoke. Kasi may malapit na dito sa amin na Muslim mosque at alam mo naman sila. may mga set schedules sila na prayer na naka-broadcast na malakas. Dati magigigising ako ng 5am dahil sa morning schedule nila. ito yun kapag nakita na nila yun liwanag na araw. Kahit weekends na gusto ko makatulong ng mahaba-haba. Udlot ang tulog ko kapag nag-chant na sila. Ngayon, halos hindi ko na marinig, siguro hininaan na nila.
Same goes with my kapitbahay na kapag weekends, adik sa videoke nila. inaabot sila ng 12mn and sometimes beyond that pa kapag may okasyon. Ngayon mahina na ang videoke nila at hindi na sila inaabot ng 12mn.
Image
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sn@kemaru wrote: Mon Mar 27, 2017 8:10 pm Bakit hindi pa rin mawala yun label sa kanila na 'pirate capital of the world'? etc.

Kwento ng kaopisina kong intsik dati sa SG: In china, there is no such thing as copyright - there is only copy IS right. :sweat:
**** ****!
User avatar
Sn@kemaru
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 8190
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

grayfox17 wrote: Mon Mar 27, 2017 8:14 pm
Sn@kemaru wrote: Mon Mar 27, 2017 8:10 pm Bakit hindi pa rin mawala yun label sa kanila na 'pirate capital of the world'? etc.

Kwento ng kaopisina kong intsik dati sa SG: In china, there is no such thing as copyright - there is only copy IS right. :sweat:
.. and "might is right".
Image
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

hindi din ako fully trusted sa chinese government yet. caveat pa din. for me para silang mga malalaking investors na namumuwersa na pakinabangan ang mga lupa ng mga maliliit na tao. pero wala eh, determinado na sila and we cant risk a war. the best we can do is makinabang na lang. paghatian na lang mga resources sa pinagaagawang area, tutal hindi din naman natin kaya pakinabangan yung mga yun kahit na ibigay pa sa atin.

may mga masasamang comment nanaman ang presidente natin na below the belt. for me eto lang talaga pinaka panira sa admin na ito eh. parang baranggay captain lang kung makipagusap :facepalm:
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
parokyano
LeBronista
Posts: 13937
Joined: Thu Jan 12, 2006 1:11 pm
PSN ID: LeBronista

Buti na lang talaga kinopya ng administradyon ngayon yung economic policies ng PNoy adninistration.. kaya thank you PNoy.. :agree:

and sa mga ayaw ng nagrarant sa mga palpak sa gobyerno aba wag din kayo mag rant about sa mga pangit sa kapwa niyo pinoy or sa pilipinas sa ibang thread.. :lol:
Image
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

aminado naman ako na kahit fan ako ni sen miriam, may mga ginagawa siyang hindi ko gusto, tulad nung pagkuha niyang vp kay bbm. legally walang mali doon.

ang opinyon ko naman sa pagra-rant, may pakialam kasi yung mga taong yun. ayaw nilang lumaganap ang kasamaan. (parang sentai show) :lol:
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
parokyano
LeBronista
Posts: 13937
Joined: Thu Jan 12, 2006 1:11 pm
PSN ID: LeBronista

ako rant ko kay miram noon pa is sobra yung ambisyon niya sa pagiging presidente.. di ko makakalimutan gaano siya kagalit dati ng natalo kay FVR.. yung mga millennials di na inabutan yung side ni Miriam na yun na mbaliw baliw sa pagkatalo.. ang inabutan nila is yung matapang na nagbubunganga pero marunong din magpatawa in public.. dati kasi kundi seryoso yan ay galit na galit naman.. buti nabago niya yun.. pero yung matinding ambisyon niya na maging president naging evident ulit ng parang dinicieve niya yung voters sa totoong kalagayan ng health niya.. nagdadalawang isip talaga ako ng bibilugan ko na pangalan ng VP kasi nga di maganda tingin ko sa kanya sa last debate na sinalihan niya.. pero i still chose her instead of mar tiwala naman kasi ako mananalo na VP si leni.. RIP to MDS.. pero imagine if nanalo si madame miriam and si bongbong tapos yun nga pumanaw siya as president.. marcos nanaman magiging presidente nun.. :facepalm:
Image
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

wala namang perpektong politiko. may mga nakikita akong hindi tama sa admin na ito. mas may weight kasi sa akin ang effect sa economy and so far this administration is doing great. ito din ang dahilan kung bakit supported ko si Pnoy. kung tumakbo nga uli syang presidente at hindi si Duterte eh sa kanya pa din ang suporta ko.

kapag pabagsak na ang economy natin dahil sa mga wrong moves ng admin na ito eh isa na din ako sa mga magre reklamo. so far hindi pa naman at magagaganda pa mga forecast.
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

ang ayaw ko lang naman talaga sa mga tumakbo nitong huling eleksyon eh si binay :bigmouth:

tuwing nakikita ko siyang magsalita, trapo ang nakikita ko. hindi dahil sa kulay nya a.

----

yun din siguro ang hesitation ng mga boboto kay miriam noon. pag nanalo siya at vp niya si bongbong, balik marcos uli.

yung japan napatawad natin. adik pa nga tayo sa jrock, jpop, anime at video games. nag-sorry yung japan e. sila marcos hindi. woooooo!
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

kung napatawad natin ang Japan, bakit ang China hindi? kung mapakinabangan na both parties ang mga pinagaagawang areas at tuloy tuloy pa pagtulong ng China wala na dapat pang ikagalit right? di hamak na mas malala mga pinag gagawa ng mga Japanese sa atin noon. ang China ngayon ay wala namang pinatay at ni rape na mga pinay. kahit papaano nagpapakita na sila ng sinseridad (kahit na nang aangkin pa din ng hindi kanila, may pagka bully pa din) :bigmouth:
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

siguro dahil sa mga pinaggagawa ng china recently.
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
parokyano
LeBronista
Posts: 13937
Joined: Thu Jan 12, 2006 1:11 pm
PSN ID: LeBronista

hahaha.. same hirit from mga marcos fanatics.. ang mga hapon daw pinatawad pero sila hindi mapatawad.. last year lang yata yung emperor nila nag sorry pa ulit ng bumisita dito and iirc lumuhod and nag bow pa yata para sa mga nagawa nilang atrocities noong world war.. afaik nagbayad sila ng war reparations nila sa pinas and yung ibang naging biktima ng abuse nila binigyan din ng ayuda..

tapos ikukumpara sa china na "sincere"? nagpautang lang sincere na.. ang totoong sincere yung igagalang nila yung decision ng arbitrary case na naipanalo ng pilipinas.. or at least hayaan na malayang makapangisda yung mga pinoy sa disputed territories if sincere sila na makikihati or makikipag partner sa pilipinas.. nung dumalaw si duterte pinapasok ang mga pinoy na mangingisda pero ilang araw lang pagbalik ni duterte sa pinas balik ulit sa pangbubully.. wala silang pinapatay siguro.. pero madaming pamilya ng mangingisda and mahihirap na nga eh lalo pa naghirap and nagutom dahil sa kanila
Image
User avatar
Sn@kemaru
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 8190
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

Kung napanood nyo kanina lang yun sa channel 5 yun inteview ni Luchi Cruz Valdes sa Dela Salle professor re: strategy ng china kay duterte. baka nabuksan din ang kaisipan nyo (kung sarado man). Yes, nagpapa-loan ang china sa pinas, may mga investments sa pinas. pero hindi kaya ito ay pampadulas lang ng china para makalimutan ang ginagawa nila pananakop (actually nasakop na) sa West Philippine Sea? Para bang "ayan bigyan kita ng pera para tumahimik ka pero sa akin pa rin yun pinaglalaban mo".

Militarily, wala talaga tayo magagawa. Pero yun ipamukha pa sa china at sa buong mundo na wala na tayong gagawin hakbang. kahit mag-ingay man lang or seek help from UN.. or just resist their offer of 'sincere friendship'?... teka, parang inuulit ko lang yun post ko before.

Totoo. Sa ngayon hindi natin ma-fully utilize yun territory natin dun kasi dahil sa wala pa tayo kakayahan *sa ngayon*. pero hindi ibig sabihin ay payagan na lang na pakinabangan ng iba. Paano pa natin mapapakinabangan yun sa FUTURE kung naangkin na ng iba. Eh di mas lalong wala na tayo magagawa na nun.
Image
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Business is business ika nga.

Parang binungad na lang siguro ng china sa pinas na "di nyo naman nagagamit eh kaya kunin na lang namin, tapos eto polsyento nyo *sabay lapag ng pela*" at malamang may addtl pa yan na yung succeeding na kikitain para sa ginawa ng china sa teritoryo natin eh meron pa rin tayong magiging "share." Problema lang, hanggang kelan ang terms na yun.

:sweat: assumption ko lang to. Kung meron man ako alam sa mga tsekwa yun ay yung magagaling sila mag negotiate. Kumbaga mapapa-take it or leave it na lang. :lol:
**** ****!
User avatar
Sn@kemaru
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 8190
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

^Medyo maganda pa siguro pakinggan kung ganun nga... na at least ay alam ng china na hindi sa kanila yun territory na sinakop nila. Sa same news din kanina, pinakita yun chinese female official na nagtatalumpati at ang sabi nya na karapatan daw nila maglagay ng defense systems dun sa mga isla kasi part yun ng sovereignty nila.
Wala na yun idea na 'pahiram lang kasi hindi nyo naman ginagamit" or 'share na lang tayo' kasi nga sa pangungusap niya ay sa kanila daw talaga yun. Kanila lang at walang ibang dapat maki-share.
Image
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

yeah, that's the thing. Sinakop talaga nila and claimed it for their own. Correct me if im wrong pero parang wala ako natunugang mutual agreement na napresent ng china regarding ownership or kahit man lang lease agreement sa teritoryo natin?

Yan lang ayoko sa kanila, may pagka arogante talaga sila when it comes to claiming on what is theirs. It's as if the world owes them.
**** ****!
User avatar
Sn@kemaru
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 8190
Joined: Mon May 24, 2010 4:58 pm
PSN ID: Snakemaru
Location: Quezon City
Contact:

Ako rin, wala din ako nabalitaan na nagkaroon ng mutual agreement between china and pinas and pati na rin ang ibang bansa na may claim sa SCS/WPS.
Mukha din walang lease agreement kasi kung meron man, dapat nasasambit na ng pangulo na nag-babayad renta ang china sa mga occupied territories ng pinas.

May joke nga eh na sa susunod ay yun moon naman ang i-claim nilang sa kanila. Hahanap lang sila ng pekeng historical document to prove this. hehe

Nung isang araw may nakasakay ako mga taga-PAG-ASA. Na-assign daw sila noon sa Scarborough Shoal kasama ang Navy, AFP, PNP atbp. government agencies ng Pinas.
There was a time daw na may lumapit na chinese navy sa location/base nila. Wala naman daw naging enkwentro pero kahit na ba mga weathermen / meteorologist ay binigyan din sila ng mga mahahabang armas ng AFP kasi kapag nagkaputukan, dapat ready sila ipagtanggol ang territoryo natin.
Image
Locked