Page 4 of 8

Re: Anong pangarap mo na negosyo?

Posted: Fri Sep 28, 2012 11:10 am
by Masterpogi04
seymour wrote:^^ hmm. madaming resto? 20m is too much I know hehe.
sakto lang yan para sa fine dining resto... purchaser ako sa resto eh... :bigmouth:

Re: Anong pangarap mo na negosyo?

Posted: Sat Oct 06, 2012 2:22 pm
by squall_leonhart
Maging authorize dealer ng Nike shoes and products para lahat ng lumalabas na limited Air Jordan for sure meron ako :bigmouth: :sweat:

tsaka apartment for rent :grin:

Re: Anong pangarap mo na negosyo?

Posted: Sun Oct 07, 2012 10:43 am
by VincH
maging exporter ng scrap

magkaron ng franchise ng isang matatag na fast food chain.

yan muna.

Usapang Negosyo

Posted: Thu Apr 23, 2015 5:18 pm
by NinjaLooter
Sa mga may sariling negosyo, kumusta naman ang negosyo niyo? I'd really like to start my own business soon. When I say soon, I mean really soon.

Re: Usapang Negosyo

Posted: Thu Apr 23, 2015 5:34 pm
by jmsv
Mas flexible ang time mo. pero hindi totoo na sayo lahat ang oras. kailangan tutok, lalo na sa unang mga taon sa negosyo .

Re: Usapang Negosyo

Posted: Thu Apr 23, 2015 5:43 pm
by NinjaLooter
jmsv wrote:Mas flexible ang time mo. pero hindi totoo na sayo lahat ang oras. kailangan tutok, lalo na sa unang mga taon sa negosyo .
Understandable naman yan pero mas motivating kasi sa iyo ang negosyo. Hindi yung suwelduhan ka lang.

Re: Usapang Negosyo

Posted: Thu Apr 23, 2015 6:19 pm
by Daniel
dati may ice for sale kami :D

Re: Usapang Negosyo

Posted: Fri Apr 24, 2015 1:33 am
by grayfox17
ako tumutulong sa family business namin sa ngayon habang nag freelance on the side... mahirap din tulad nung swelduhan na empleyado kasi need mo pa rin kumilos, pag di ka kasi gumalaw - literal wala kang kikitain. Pero magaan naman in a way na doable ang workload at konti lang pproblemahin mo. Although mahina man ang kita pero enjoyable ang perks kasi nga flexible ang oras, di mo need mag commute araw araw, di kelangan bumangon ng maaga parati, di mo kelangan problemahin ang ibang tao at ang pinaka gusto ko is yung makakagalaw ako ng ayon sa gusto ko, plus, I can game whenever I want.

Re: Usapang Negosyo

Posted: Fri Apr 24, 2015 8:33 am
by deathzero23
Daniel wrote:dati may ice for sale kami :D
kami rin.. pandagdag barya lang. sayang kasi space ng freezer eh:lol:
3-4php na ang yelo ngayon.

Kung may kakayahan ka bumili ng property kahit maliit. Get it.
Then paupahan mo. Pero dapat maganda location sa commercial area.
Sabihin na iba ng "negosyong tamad" ang pag-papaupa, eh importante may pera buwan-buwan.

Ang gastos na lang kasi sa paupahan eventually eh maintenance na lang then tubong lugaw ka na lang.
After makatubo or ipon, pundar ka uli.. ikot mo yung pera.
Sakit nga lang sa ulo yung tax... amelyar, etc..

Re: Usapang Negosyo

Posted: Fri Apr 24, 2015 2:32 pm
by Daniel
deathzero23 wrote:
Daniel wrote:dati may ice for sale kami :D
kami rin.. pandagdag barya lang. sayang kasi space ng freezer eh:lol:
3-4php na ang yelo ngayon.
nung time na yun 0.50 lang ang yelo :lol:

Re: Usapang Negosyo

Posted: Sat Apr 25, 2015 11:14 am
by VincH
jsnepo wrote:Sa mga may sariling negosyo, kumusta naman ang negosyo niyo? I'd really like to start my own business soon. When I say soon, I mean really soon.
may I know what kind of business are you trying to start if you dont mind?

----

gusto kong magkaron ng business na kaya kong bantayan kahit wala ako sa site. any ideas?

Re: Usapang Negosyo

Posted: Sat Apr 25, 2015 1:37 pm
by Calvspogi
jsnepo wrote:Sa mga may sariling negosyo, kumusta naman ang negosyo niyo? I'd really like to start my own business soon. When I say soon, I mean really soon.
Nice one! tama yan. Ang hirap talaga pag may boss, pero mas mahirap na pag ikaw ang boss. Pero yan ang challenge dyan, na worth risking for.

Re: Usapang Negosyo

Posted: Sat Apr 25, 2015 4:41 pm
by SirZap
VincH wrote:
jsnepo wrote:Sa mga may sariling negosyo, kumusta naman ang negosyo niyo? I'd really like to start my own business soon. When I say soon, I mean really soon.
may I know what kind of business are you trying to start if you dont mind?

----

gusto kong magkaron ng business na kaya kong bantayan kahit wala ako sa site. any ideas?
so gusto mo pala yung automatic business?

try looking ideas from this http://fourhourworkweek.com/

as for my idea, pwede pala akong maging distributor ng softdrinks dito sa amin.
pwede kong kunin pinsan ko at ilang kapitbahay for delivery.
syempre tutukan ko sa una, pero kapag master ko na pwede ko nang ibigay sa pinsan ko, may sweldo sya at 10%.
mag-issue na lang ako nga check kapag may delivery mga trucks.
hindi sya fully automated pero at least magiging flexible ang time ko sa ibang araw.

Re: Usapang Negosyo

Posted: Mon Apr 27, 2015 2:58 pm
by NinjaLooter
VincH wrote:
jsnepo wrote:Sa mga may sariling negosyo, kumusta naman ang negosyo niyo? I'd really like to start my own business soon. When I say soon, I mean really soon.
may I know what kind of business are you trying to start if you dont mind?
Food-service related. I don't target to be fancy but instead have regular daily customers so it won't be catering. I have ideas of what the menu will be like and where the store will be.

Re: Usapang Negosyo

Posted: Mon Apr 27, 2015 3:13 pm
by grayfox17
^carinderia-type or food stalls tulad nung mga nasa mrt stations lang?

Re: Usapang Negosyo

Posted: Mon Apr 27, 2015 3:20 pm
by NinjaLooter
No. May lugar, lamesa, mga silya etc. Hay... daming gastos.

Re: Usapang Negosyo

Posted: Mon Apr 27, 2015 3:41 pm
by grayfox17
^so canteen type sya? ok ang food business kaso talagang tutok ka dapat kasi nga perishable goods yan eh. Dapat din tantsado mo yung variety ng menu mo according to the days and holidays. My mom runs a canteen right outside our home and mahirap talaga nung una pero it's been running for over 10 years na rin. All it took was getting the right location and choices to put in the menu.

Re: Usapang Negosyo

Posted: Mon Apr 27, 2015 3:44 pm
by VincH
Food-service related. I don't target to be fancy but instead have regular daily customers so it won't be catering. I have ideas of what the menu will be like and where the store will be.
sayang ngayon ka lang nag post hehe.. may pwesto kapatid ko last year sa DLSU tapat ng Archer's Palace. ok sana tatauhin talaga kaya lang huminto sila dahil stressful daw at halos wala na silang time. gusto ko sana ipagpatuloy kaso malayo ako.

pagisipan mo din ang ganung style ng business kasi sila halos wala din extrang time, ubos oras from pamamalengke ng madaling araw hanggang pag close ng store. kailangan tutok ka din sa ganung business kasi bara bara yung mga bantay nila pag hindi natutukan.

Re: Usapang Negosyo

Posted: Mon Apr 27, 2015 3:51 pm
by VincH
so gusto mo pala yung automatic business?

try looking ideas from this http://fourhourworkweek.com/
sana nga. yung hindi masyadong intindihin.

parang gusto kong mag franchise ng convenient store :sweat:

gusto ko ding maging distributor ng mga computer parts and gaming accessories kasi kahit papaano hilig ko. yung walang physical store, online lang :mrgreen:

Re: Usapang Negosyo

Posted: Mon Apr 27, 2015 4:20 pm
by deathzero23
^convenience store? si Family Mart, 4M daw ang pa-franchise..
how about on-line selling hangga't di pa sinasakop ng BIR? :lol:

ok sana food truck kaso may pinipiling market eh unless talagang may pera at hilig mo.
location talaga at type of people importante pag food business..

Naalala ko may na-feature sa Rated K.. FX driver, sumugal sa carinderia business dahil may talent siya magluto.
ayun, marami nang napundar at napagtapos mga anak nya.. Yun nga lang nakatutok pa rin siya, siya pa rin ang cook eh..