Page 6 of 6

Re: Depression

Posted: Thu Dec 08, 2016 8:58 pm
by VincH
nakikipag kulitan ako sa mga makukulit kong mga pamangkin na mga bata. nakakawala ng stress :sweat:

Re: Depression

Posted: Wed Dec 14, 2016 8:12 pm
by DarkRushBeat
Minsan kung sino pa araw-araw mo kasama sa buhay/bahay, yun pa nagiging dahilan ng depression...

Call me crazy for posting this...Share ko lang..Happened kanina lang...

After work nagpunta ako sa town proper to buy some supplies & my food (pure buko juice & steamed corn)...Pag uwi ko napansin ko meron bagong lutong chicken hotdogs...Tapos nalaman ko yun pala mismo yung hotdogs na binili ko before & etong mother in law ko e pinaluto at hindi daw nya alam na sa akin...

Syempre ako, naghihirap sa pagta trabaho para kumita ng pera tapos madadatnan kong pinakialaman gamit ko, eh di syempre magre-react...

I admit napamura ako ng konti as i can't control my emotion kanina...Pagod na ko sa work, pagod na ko sa byahe from town proper, siksikan pa sa jeep & then this...Eventually kumalma na ko after ko maka kain ng konti...

Tapos dumating byenan kong babae..Kinuwento na yung hotdog e sa akin pala...Nagtatalak na papalitan na lang daw, etc..

Sabi ko : "Sige po Nay, ok na po. Hindi na lang po ako bibili ng processed foods"

Ang sagot sa akin : "Hinde para hinde ka nagagalit diyan. Mga anak mo nga binibili ko pa ng pambaon"

I knew this whole damn thing is getting out of hand...

OO...alam ko MALIIT NA DAHILAN lang, pero LUMAKI....And i also admit my own dam fault na nag react ako agad ng ganun, pero mga Pafs, ganun na ko talaga e, temperamental akong tao...

Ang nakakabwisit lang dito is yung mga sumbat...Kailangan pa ipamukha sa akin yun? Hindi ako pabayaang Ama & i always look after my kids, ultimo pambaon sa school...

Slowly my depression is creeping in due to the fact na everytime nagkakaganito kami ng in laws ko, naiisip ko na wala, i am stuck in this hellhole until siguro manalo ako sa lotto (when i can finally have a home of my own)...Siguro mga year 2075 pa yun, kapag powdered form na mga buto ko sa hukay...

Sorry mga Pafs sa kadramahan, i just need to vent this damn thing out....Tapos itong si Kumander, ang tingin agad sa akin, ako ng ako palaging meron kasalanan....Wala nag mabuti sa mata nya kundi side nya...Ako i'm just a Bogus guy here....

Re: Depression

Posted: Thu Dec 15, 2016 8:40 am
by VincH
^mukhang ang next goal mo in life ay magkaroon na ng sariling bahay ang family mo.

Re: Depression

Posted: Thu Dec 15, 2016 12:34 pm
by DarkRushBeat
VincH wrote:^mukhang ang next goal mo in life ay magkaroon na ng sariling bahay ang family mo.
100% correct Chief...Pumayag na nga ako sa gusto ni Kumander na wag umalis sa compound na ito dahil ayaw nya mahiwalay sa poder ng parents nya...Sabi ko, ok sige ganun talaga e...All i need is a home of my own...

Hirap kasi sa mga ganitong probinsya, magkakasama sa mga 1 malaking compound ang iilang family members...

Here i am depressed again everytime nakikita ko mga in laws ko...Baka meron kayo alam nagbebenta ng time machine, makabalik lang in time, i won't change the past but i will kick myself hard

Re: Depression

Posted: Thu Dec 15, 2016 1:06 pm
by Daniel
minsan nga may ganun tayo. yung pagod ka na sa trabaho, pagod ka na sa biyahe pauwi, maliit na problema pwedeng mag-trigger ng malaking galit. hindi ko alam kung natural na reaksyon yun pag pagod.

siguro kung nakapahinga ng konti bago nalaman yung ganung sitwasyon, baka nakapagpigil pa ng galit o baka nakahinga muna bago makipag-usap.

Re: Depression

Posted: Thu Dec 15, 2016 3:23 pm
by DarkRushBeat
Dapat nga nakapag pahinga ako ng konti...Kaso i can't. Pag uwi ko diretso ako sa pag aasikaso ng mga bata...I hardly have enough time for myself except when i am at work...

Re: Depression

Posted: Thu Dec 15, 2016 3:34 pm
by grayfox17
minsan pagod or bad mood nga ang nagtitrigger ng mga maliit na issue para lumaki pero in some cases yung irita dahil sa nagpatong patong na yung mga maliliit na bagay na yun hanggang sa naipon na rin...

Re: Depression

Posted: Thu Dec 15, 2016 3:47 pm
by DarkRushBeat
Sometimes i think i also need to attend some anger management seminars...

Palagay ko next time mag init ulo ko dito, tatagain ko na lang yung puno nila dito sa compound...

Re: Depression

Posted: Thu Dec 15, 2016 3:59 pm
by abbadon
Some times you try to be the best person you can be, but we can't control our emotions all the time.

Hang in there buddy! Makakahanap ka rin ng tamang paraan.

Re: Depression

Posted: Thu Dec 15, 2016 4:09 pm
by Daniel
ilabas mo na lang dito sa forum :lol:

Re: Depression

Posted: Thu Dec 15, 2016 4:19 pm
by DarkRushBeat
Thanks mga co PPSers...Maybe this Saturday i'll just go out & unwind for awhile ng mag isa....

Re: Depression

Posted: Fri Dec 16, 2016 7:02 pm
by VincH
naintindihan ko yang feeling na yan kapag pagod ka galing trabaho o byahe. ang bilis mo ma irita. ako pagkauwing pagka uwi ko galing byahe iniiwasan ko muna makipag usap at dederetso muna ako sa kwarto at magpapahinga. yung erpat ko ganyan din pag galing byahe. pag nagalit iniintindi ko na lang at hinahayaan ko. iniiwasan kong makadagdag pa sa galit nya.

Re: Depression

Posted: Fri Dec 16, 2016 9:16 pm
by Sn@kemaru
pafs DarkRushBeat, dapat mag-start ka na mag-invest sa lupa.. then build a small home.. then tumira ka doon.
Since ayaw iwan ng wife mo yun family nya ay tumira ka mag-isa doon sa pinundar mo/nyo ni misis.
Tapos mag-set na lang kayo ng araw na uuwi ang family mo sa bahay ninyo.
Ang magiging reason mo ay kung iiwan nyo ang bahay ng walang tao, baka pasukin ng magnanakaw. Kaya nga kumuha ng sarili bahay para tirhan.
At the same time lahat ng katas ng hard work nyo, makikita nyo uti-unti lumalago sa sarili nyo bahay.

In my humble opinion, sayang lang yun pera nyo kung magpapagawa ka ng bahay within the poder of your in-laws AND may balak din pala kayo kumuha ng naka-bukod kayo.

Ang isa pang naiisip ko ay.. di kaya naging dependent na rin kasi ang wife mo sa asikaso / help ng parents nya kaya ayaw nya umalis?
Mahirap ang adjustments kung matagal naka-depend sa parents at kapag nawala na sila ay dun nyo pa lang masubukan ng kayo-kayo lang.
In fairness, nakakatulong din naman talaga ang mga in-laws.. lalo na kung maliliit pa mga anak nyo na hindi nyo maiwan sa bahay or sa yaya na sila lang sa bahay. May mga sad/bad experiences na rin kami with not-so-good yayas in the past.
Pero kung malaki na ang mga anak nyo... then pwede na siguro mag-bye bye na kina lolo at lola, thank them for the services rendered then go on your merry ways.

Re: Depression

Posted: Sat Dec 17, 2016 10:10 pm
by DarkRushBeat
Tiis mode muna for now, kasi maliliit pa mga bata...And yes, malaking tulong ang in laws when it comes to looking after the kids, specially when i am at work...Kung kaya ko nga lang pagsabayin ang work at pag aalaga ng mga bata, gagawin ko...

Hindi ko naman kinakalimutan yun, in fact i will always be grateful for that...Pero minsan iba na rin kasi ang pagmamalasakit kuno sa pakikialam..And yung mga pagtulong na yan ng mga in laws ko, sinusumbat nila yan...

For example yung hipag kong magaling, kunyari enjoy na enjoy alagaan mga bata kapag nasa work ako, tapos magsasalita na lang minsan na wala na daw sya time sa sariling bahay nya, hindi na raw nya maasikaso sariling mga anak nya, etc etc...

Ewan ko kay Kumander pero palibhasa kasi bunso, kaya ganun na lang ang kapit sa parents...She can't bear to be away from her parents...That's exactly where i can beat her...Then she would rant at me na naririndi na raw Ermats nya sa sakin dito sa bahay everytime pinapagalitan ko mga anak ko...Sabi ko sa kanya, well, matatahimik itong bahay na ito, magkaroon tayo ng sariling atin & let's see if this damn house will be noisy as ever again...

Minsan naiisip ko na rin na sa ibang area na lang din magpatayo ng bahay, at least malayo pa sa lintek na in laws ko at mga kamag anak nilang mayayabang na wagas kung mag videoke sa gabi...All i ever wanted was just peace of mind...Minsan nakakasawa na rin mag adjust, mag sorry, etc...

Re: Depression

Posted: Wed Mar 08, 2017 7:59 pm
by NinjaLooter
Image

Re: Depression

Posted: Sun Mar 26, 2017 6:49 pm
by VincH
Never ever give up!!!


Re: Depression

Posted: Sun Mar 26, 2017 7:50 pm
by DarkRushBeat
Lately i've been discovering, other people's noises are contributing to my depression....

Re: Depression

Posted: Mon Mar 27, 2017 7:37 pm
by Sn@kemaru
^ siguro its about time to get out of that circle and choose another sets of people. yun ba nde mga nega ang aura. charot! hehe

Re: Depression

Posted: Mon Oct 16, 2017 6:47 pm
by NinjaLooter
Hello darkness, my old friend.