Page 7 of 9

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Sat Jul 11, 2015 11:26 am
by Daniel
yup minsan per year naman

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Sat Jul 18, 2015 5:01 pm
by Darkshader
Kung may pagkakataon ka mag abroad ... go na iyan. Hindi na pinag iisipan iyan especially 1st World Country. Lalong lalo na kung permanent resident ang makukuha mo. Lahat ng mahirap sa simula lang .. pero makakapag adjust din after 1 year. Konting tiis, ma petition mo asawa at anak mo at magulang okay na. Walang barkada, malungkot ... simula lang iyan. Mas maganda nga at makakapag ipon ka ng pera ... hindi puro gimik at bisyo ... you will meet new friends eventually. Importante pag matanda ka na eh may option ka kung saan mo gusto mag retire ... sa abroad with your family or sa pilipinas dahil mas maraming mararating ng foreign money mo.

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Sat Jul 18, 2015 7:46 pm
by grayfox17
Madaming chance at opportunity para makapag abroad pero ang common mistakes talaga na nakikita ko sa mga kapwa OFW eh hindi sila marunong humawak ng pera at mag ipon ng para sa sarili nila. Walang masama sa pag splurge ng konti at pag remit pag may pangangailangan engkaso wala na halos natitira pa sa kanila ni ultimo plane ticket pauwi uutangin pa. Di pa kasama dyan yung wagas kung makapag syaping, komo may lumabas lang na latest gadgets bili agad pero pag uwi ng bahay buburaot pa ng bigas ng housemate tapos nilagang itlog lang ang ulam....

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Sat Jul 25, 2015 12:49 am
by Darkshader
@grayfox

Tama ka. Problema pag nakapag abroad either iyong OFW ang magastos or iyong asawa mo ang magastos sa pilipinas. Dapat may plano kayong mag asawa kung saan dapat mapunta ang pera. Tsaka hindi talaga advisable magkahiwalay ang mag-asawa, nagkakaroon ng problema sa relationship at nandiyan iyong mga tukso. So kung may pagkakataon eh petition or kunin mo ang asawa mo, especially kung wala pa kayong anak. Ganon kasi relative ko, eventually kinuha na din ng mga brother-in-laws ko mga asawa nila. Iyong mga anak nila after maka graduate ng college sa pilipinas nag hanap na din ng trabaho sa U.A.E. kaagad. Then kinuha na rin mga Girlfriends nila para maghanap ng trabaho doon, then nagpakasal after a few years. Isang bahay lang sila tulong tulong sa gastusin. Galing nga nitong pamangkin ko, matanda lang ako ng ilang taon sa kanya pero dahil engineer nag-abroad siya noong year 2003 yata sa U.A.E. ... mura lang suweldo niya parang less than $3,000 a month noon. Ngayon parang $110K na siya a year.

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Wed Jul 29, 2015 4:09 am
by Darkshader
Iyong nephew ko na nasa U.A.E., ayon nasa New Zealand na. Kararating lang kahapon. Parang pinsan ko nga lang siya, ilang taon lang agwat namin.

Immigrant yata siya, not working visa. Inaalam ko pa ang detalye kung paano siya nakapunta doon ... para ma share ko sa inyo. Not sure kung petition ba siya by family relative.

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Wed Jul 29, 2015 9:15 am
by grayfox17
^plano ko din dati yang new zealand dati nung bago ako umalis ng SG kaso nung naka uwi na ko narealize ko mas maigi nasa pinas na lang din ako...oo mlaki nga ang kita pero iba ang burnout mo pag OFW ka :sweat:

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Sat Aug 01, 2015 6:17 am
by Darkshader
grayfox17 wrote:^plano ko din dati yang new zealand dati nung bago ako umalis ng SG kaso nung naka uwi na ko narealize ko mas maigi nasa pinas na lang din ako...oo mlaki nga ang kita pero iba ang burnout mo pag OFW ka :sweat:
Syempre iba ang OFW sa isang Immigrant. Dahil contract ka lang maybe two years then renew ka na naman ulit. Tsagaan talaga iyan, para makaraos. Kung makakahanap ng job na matagal tagal and may possiblity na maging permanent resident eh mas maigi iyon.

About my nephew again, just talked to him the other day. Nag apply lang siya online. Hiningi lang profile niya at asawa niya. Tapos naghintay lang ng isang taon ... ayon approve na immigrant. Wala ng show money. So i think puwede tayong mga Filipino na mag apply sa New Zealand, hindi masamang subukan. Kung nakatira ako sa Pilipinas i won't think twice to move there. Nauna na rin sa New Zealand iyong brother in law niya, so doon muna sila pansamantala nakatira.

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Sat Aug 01, 2015 10:54 am
by grayfox17
^pwede matanong kung saang website sya nag apply ser? :sweat: try ko lang wala naman mawawala eh hehehe....

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Tue Aug 04, 2015 2:18 pm
by Daniel
Sumubok ako dati sa NZ. http://www.immigration.govt.nz/

Points system din. May age factor, field of career, college degree, etc.

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Tue Aug 04, 2015 2:25 pm
by kurtsky
Madali kaya makapasok sa nz? Kung bpo experience lahat icrecredit kaya yun? Showmoney wala noh?

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Tue Aug 04, 2015 2:26 pm
by kurtsky
Ano kaya age limit pag punta nz? Baka pag late 30s hindi na

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Tue Aug 04, 2015 2:50 pm
by Daniel
Wala naman sigurong age limit dun. Yung iba ang technique, mag student visa. Pag naka-student visa, pwede ka rin magtrabaho.

Sa konti ng tao dun maghihigpit pa ba sila? :mrgreen: Naghihigpit lang sila dahil sa health concerns.

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Tue Aug 04, 2015 3:16 pm
by skp_16
Gusto ko magka buhay abroad. Gusto ko maging nomad.

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Tue Aug 04, 2015 8:11 pm
by grayfox17
Daniel wrote:Sumubok ako dati sa NZ. http://www.immigration.govt.nz/

Points system din. May age factor, field of career, college degree, etc.
naalala ko na sinubukan ko din to way back pagkagaling ko SG and pasado naman ako, di ko nga lang yata tinuloy yung ibang part ng application for migrant visa :sweat:
skp_16 wrote:Gusto ko magka buhay abroad. Gusto ko maging nomad.
easier said than done :shock:

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Tue Aug 04, 2015 8:23 pm
by skp_16
It is more difficult for us Filipinos but possible. I've been following several pinoy/pinay travel bloggers who were able to make traveling their lifestyle.

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Tue Aug 04, 2015 8:38 pm
by grayfox17
yung notion kasi ng mga pinoy na makapag abroad is actually straightforward and kung tutuusin madaling proseso lang basta qualified ang isang individual tsaka syempre kapag ginusto talaga ...the hard part comes in pag survival na sa abroad ang pag uusapan lalo na dun sa mga gusto maging immigrant, dyan na kasi papasok yung conflict mo sa sarili mo in dealing with homesickness, culture shock, overcoming temptation to overspend and a lot more. When it comes down to it, nagkakatalo lang talaga sa mentality nung tao yan.

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Tue Aug 04, 2015 11:05 pm
by Darkshader
Iyong pamangkin ko siguro nasa 34 or 35 yrs old siya ng pumunta siya sa new zealand last week. Not sure kung electrical or civil engineer with maybe 9 or 10 yrs experience sa U.A.E.

Ganon talaga ma home sick ka sa simula, pero may skype, tango at facebook na para update palagi sa mga relatives mo. May TFC & GMA channel na din para update ka din sa pinoy shows and balita. Mag videogames or mamasyal pag off mo para libangin mo sarili mo. I think mas marami ng paraan ngayon para hindi ka ma homesick compared like 10 yrs ago.

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Tue Aug 04, 2015 11:13 pm
by grayfox17
akala ko nung una immune ako sa homesickness kasi loner talaga ko pero once nakaranas ka ng hirap talaga, bigla na lang mag flashback syo yung pamilya mo tapos talagang mapapaiyak ka na lang. Siguro it would be safe that ALL ofw succumbed to homesickness atleast once abroad. Good thing about it is that it passes naman and you get to learn to live with it. It all just depends on how you would prioritize your work-life balance din. All my time in SG i never really relied on social media to communicate back home- call me old fashioned pero i always made sure I call up so I can hear my family's voice once in a while, naka prepaid lang kasi ako so a good 5 to 20 minutes of chatting over lunch is more than enough for me and I do that atleast once a week para makibalita. Dun lang solb na ang homesickness ko.

Naging pamatay oras ko na lang talaga is mag photography tsaka mag games sa bahay pag off, stressful kasi pag foreigner ka, ikaw ang target na batuhan ng mabibigat na trabaho most of the time :sweat:

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Wed Nov 25, 2015 4:03 am
by Darkshader
Credit Card ayan ang pamatay kung hindi ka marunong gumamit. Daming offers dito sa States, offeran ka nila sa bawat store na pasukan mo, kahit grocery store na offer na rin. Tsaka iyong car and house loan pamatay din iyan kung hindi ka marunong mag handle ng utang mo.

Re: Ang Buhay Abroad

Posted: Wed Nov 25, 2015 8:10 am
by grayfox17
Darkshader wrote:Credit Card ayan ang pamatay kung hindi ka marunong gumamit. Daming offers dito sa States, offeran ka nila sa bawat store na pasukan mo, kahit grocery store na offer na rin. Tsaka iyong car and house loan pamatay din iyan kung hindi ka marunong mag handle ng utang mo.
di lang CC kundi pati mga postpaid plans ng phones, daming ganyan sa abroad na kukuha kuha tapos later on kakapusin sa pambayad tapos ang ending mag aawol sa work at lalayas na lang ng bansa ng basta na lang iiwan ang utang, nadamay pa tuloy yung mga matitinong nagttrabaho :sweat: ...