Page 3 of 7

Re: Usapang Kape

Posted: Wed Nov 30, 2016 5:42 am
by DarkRushBeat
Routine ko dati (since i work from home nga)

Mondays to Thursdays - 2 cups of coffee (instant) from 7 AM to 8 AM
Fridays (since RD ako ng weekend) - 4 cups from 7 AM to 9 AM

Alright..Ayun, kidney stones kinalabasan ko...

Re: Usapang Kape

Posted: Wed Nov 30, 2016 2:59 pm
by grayfox17
ayun lang, medyo OA nga sa konsumo. Ako isang beses lang talaga magkape sa isang araw at pag gising lang talaga. tatay ko malakas kumunsumo, nakaka apat din sya sa buong maghapon pero instant din ang iniinom nya, yung mga galing sa SG/malaysia na type ng kape.

Re: Usapang Kape

Posted: Wed Nov 30, 2016 7:05 pm
by VincH
nangyari din sa akin na parang nasobrahan na ako sa kape na inaantok na ako pag umiinom ng kape :shock:

naglalaan ako ng isang araw ng walang caffeine para ma reset ang katawan ko sa pagiging dependent sa kape.

Re: Usapang Kape

Posted: Wed Nov 30, 2016 11:50 pm
by Daniel
Meron akong kaopisina dati, 8 kape sa 1 araw.

Re: Usapang Kape

Posted: Thu Dec 01, 2016 12:57 am
by summer_fox
Daniel wrote:Meron akong kaopisina dati, 8 kape sa 1 araw.

:cheer: idol!

Re: Usapang Kape

Posted: Thu Dec 01, 2016 5:57 pm
by hitokiri_recca
Daniel wrote:Meron akong kaopisina dati, 8 kape sa 1 araw.
Sobrang nerbiyoso ba siya ngayon?

Anyway, mahilig din ako uminom ng kape. Every morning, bago ako pumasok sa opisina, nagtitimpla ako ng brewed coffee para sa amin. Gumagasta kami ng more or less Php. 400 a month para lang sa ground coffee (supermarket lang kami bumibili since mura lang.)

In terms of the coffee shops, I always order Mocha coffee. I like SB since very accessible lang sa amin and masarap . Pero mas nagustuhan ko ang kape ng Toby's Estate noong natikman ko a few months ago.

Re: Usapang Kape

Posted: Thu Dec 01, 2016 7:03 pm
by Daniel
hitokiri_recca wrote:
Daniel wrote:Meron akong kaopisina dati, 8 kape sa 1 araw.
Sobrang nerbiyoso ba siya ngayon?
Nung dating kaopisina ko siya, hindi naman. Ewan ko lang ngayon. :D

Re: Usapang Kape

Posted: Fri Dec 02, 2016 1:48 pm
by SirZap
Daniel wrote:
hitokiri_recca wrote:
Sobrang nerbiyoso ba siya ngayon?
Nung dating kaopisina ko siya, hindi naman. Ewan ko lang ngayon. :D
ibig mo bang sabihin, dahil sa iyo napap-kape sya? :sweat:

Re: Usapang Kape

Posted: Fri Dec 02, 2016 2:30 pm
by Daniel
SirZap wrote:ibig mo bang sabihin, dahil sa iyo napap-kape sya? :sweat:

pwedeng oo, pwedeng hindi

tara kape tayo. may iaalok ako. :rofl:

Re: Usapang Kape

Posted: Fri Dec 02, 2016 2:35 pm
by grayfox17
^networking ampf! :lol:

Re: Usapang Kape

Posted: Fri Dec 02, 2016 2:37 pm
by SirZap
Daniel wrote: pwedeng oo, pwedeng hindi

tara kape tayo. may iaalok ako. :rofl:
tara.... pawir :2thumbs:

Re: Usapang Kape

Posted: Sat Dec 03, 2016 12:00 am
by Sn@kemaru
During workdays, 1 cup on the morning and 1 cup in the afternoon.. para mawala yun antok. instant coffee lang ako sa office.
Kapag weekends naman, depende kung magpapatimpla ako kay misis pero average ko kapag weekends ay 1 cup a day.

Re: Usapang Kape

Posted: Sat Dec 03, 2016 2:11 pm
by DonKB-PSX
Ayos! May kapihan din pala dito. Share ko lang yung gamit kong takure na may salaan kapag gagawa ako ng kapeng barako. :mrgreen: Hindi naman araw-araw. Kapag malamig lang ang panahon. Pero minsan naman hot chocolate na may mataas na percentage ng cocoa. :)

Image


EDIT: Btw, hangga't maaari hindi na ako umiinom ng mga 3-in-1 coffee kasi raw nakakalobo raw ng tiyan, eh malaki na tiyan ko palalakihin ko pa. :lol:

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Dec 05, 2016 12:06 am
by Daniel
kaya pala malaki ang tiyan ko. 3-in-1 ang pampagising ko sa opisina kasi :lol:

durog na yung coffee beans diyan nung binili? o ikaw na nagdikdik?

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Dec 05, 2016 4:20 am
by DonKB-PSX
Daniel wrote:kaya pala malaki ang tiyan ko. 3-in-1 ang pampagising ko sa opisina kasi :lol:

durog na yung coffee beans diyan nung binili? o ikaw na nagdikdik?
Yep. Ganyan na siya. Coffee grounds na pag binili. Maraming tinda sa mga supermarkets locally. Try mo iba't-ibang brands. :) Tsaka ang sabi may anti-oxidants daw ang kapeng barako kaya mas ok daw yan kesa sa mga 3-in-1.

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Dec 05, 2016 4:15 pm
by DarkRushBeat
Mas ok talaga Kapeng Barako...Saka matapang talaga...Yan ang preferred choice ng mga bus/AUV drivers dito

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Dec 05, 2016 4:30 pm
by grayfox17
enge naman nyan...langya pag napunta ako ng batangas puro na lang lomi at mga baboy nakakain ko dyan eh...in pernes, daming magagandang tsiks din dyan. :oops:

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Dec 05, 2016 8:07 pm
by Sn@kemaru
Daniel wrote:kaya pala malaki ang tiyan ko. 3-in-1 ang pampagising ko sa opisina kasi :lol:

durog na yung coffee beans diyan nung binili? o ikaw na nagdikdik?
Hala! 3-in-1 din ako sa opis. minsan 2x a day, umaga at after lunch. Kaya siguro lumaki din tiyan ko. :sweat:

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Dec 05, 2016 8:11 pm
by VincH
mukhang nagsimula nanaman ang pagka sobra ko sa kape. nakakaramdan na ako ng antok tuwing umaga pagkatapos mag kape :shock:

wala kayo sa akin. 7 in 1 lagi ako (Jimm's) :lol:

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Dec 05, 2016 8:15 pm
by grayfox17
ako araw araw 3-1 ang kape ko... :sweat: di ko na alintana kung tumaba ako kasi matagal ko nang tanggap na mataba ako nyahaha! :lol: