Page 3 of 7

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Nov 28, 2016 3:11 pm
by DarkRushBeat
Try nyo Kapeng Barako dito sa Lipa, Batangas....

Ay sisipain kayo sa tapang! The red horse of the coffee world...

I once sent a sample pack sa HR namin sa Makati, she drank it after lunch..

Nakatulog naman siya...Mga 2 AM na...

This is perfect in case you guys will need to hit the road early or just having a long road trip...

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Nov 28, 2016 4:46 pm
by grayfox17
nasubukan ko na to, parang energy drink na hindi mo malaman - nung huli akong sumama sa piyesta ng tita ko sa batangas (end of may) pinainom kami ng kape kasi sobrang basag na kami, non stop na inuman mula hapon hanggang 2am...wala pang isang tasa nainom ko totally nawala amats ko, para akong hindi uminom ng alak at balik normal ang ulirat ko... nag tanghalian na't lahat di pa rin ako makatulog :shock:

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Nov 28, 2016 9:13 pm
by DarkRushBeat
Marami na yumaman dito dahil sa kapeng barako. Even my Aussie clients sa work loved it when they paid us a visit here last March...Kaso ngayon sobrang dami na competitors, halos every kanto meron nagtitinda ng kapeng barako

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Nov 28, 2016 11:30 pm
by Tibarn
...nakatikim nako ng kapeng barako nung nag outing kami sa taal. Ang sarap pala, ilang beses ako nagpabalik balik sa dispencer.


...anyway, 1 year nako adek sa kopiko blanka. Mapa mainit or iced, sobra sarap. wag nyo subukan maaadek kayo. Gusto ko na nga iwasan. :sweat:

Re: Usapang Kape

Posted: Tue Nov 29, 2016 12:10 am
by SirZap
nakatikim din ako ng barako yung tipong nilaga na dahon. ang biro pa nung nagluluto, medyas daw :lol:

Re: Usapang Kape

Posted: Tue Nov 29, 2016 1:20 pm
by Daniel
Meron sa Cafe Lupe sa Batangas nagtitinda ng Kape Basilan. Ano kaya lasa nun? :mrgreen:

Re: Usapang Kape

Posted: Tue Nov 29, 2016 1:50 pm
by VincH
nakatikim din ako ng kapeng batangas last year nung nag rent kami ng resort. inutusan pa namin yung katiwala na mamalengke pa ng kape at maguuwi kami :lol:

Re: Usapang Kape

Posted: Tue Nov 29, 2016 8:20 pm
by Sn@kemaru
masarap kapeng barako pero nung nakarami na ako, napa-dalas din ang CR ko. :sweat:
kape ko lately yun Kopiko na may choco granules.

Re: Usapang Kape

Posted: Tue Nov 29, 2016 8:47 pm
by grayfox17
ala eh, magpakape na yung isa riyan ehh.... tamang tama sa paglalaro ng FF15 ng magdamagan haha... :lol:

Re: Usapang Kape

Posted: Tue Nov 29, 2016 9:17 pm
by summer_fox
Oi kape! Eto na nga lang nagpapatakbo sa katawan ko. Mga 3 cups a day lang. Less than that, withdrawal symptoms na. Oryart!

Re: Usapang Kape

Posted: Wed Nov 30, 2016 5:42 am
by DarkRushBeat
Routine ko dati (since i work from home nga)

Mondays to Thursdays - 2 cups of coffee (instant) from 7 AM to 8 AM
Fridays (since RD ako ng weekend) - 4 cups from 7 AM to 9 AM

Alright..Ayun, kidney stones kinalabasan ko...

Re: Usapang Kape

Posted: Wed Nov 30, 2016 2:59 pm
by grayfox17
ayun lang, medyo OA nga sa konsumo. Ako isang beses lang talaga magkape sa isang araw at pag gising lang talaga. tatay ko malakas kumunsumo, nakaka apat din sya sa buong maghapon pero instant din ang iniinom nya, yung mga galing sa SG/malaysia na type ng kape.

Re: Usapang Kape

Posted: Wed Nov 30, 2016 7:05 pm
by VincH
nangyari din sa akin na parang nasobrahan na ako sa kape na inaantok na ako pag umiinom ng kape :shock:

naglalaan ako ng isang araw ng walang caffeine para ma reset ang katawan ko sa pagiging dependent sa kape.

Re: Usapang Kape

Posted: Wed Nov 30, 2016 11:50 pm
by Daniel
Meron akong kaopisina dati, 8 kape sa 1 araw.

Re: Usapang Kape

Posted: Thu Dec 01, 2016 12:57 am
by summer_fox
Daniel wrote:Meron akong kaopisina dati, 8 kape sa 1 araw.

:cheer: idol!

Re: Usapang Kape

Posted: Thu Dec 01, 2016 5:57 pm
by hitokiri_recca
Daniel wrote:Meron akong kaopisina dati, 8 kape sa 1 araw.
Sobrang nerbiyoso ba siya ngayon?

Anyway, mahilig din ako uminom ng kape. Every morning, bago ako pumasok sa opisina, nagtitimpla ako ng brewed coffee para sa amin. Gumagasta kami ng more or less Php. 400 a month para lang sa ground coffee (supermarket lang kami bumibili since mura lang.)

In terms of the coffee shops, I always order Mocha coffee. I like SB since very accessible lang sa amin and masarap . Pero mas nagustuhan ko ang kape ng Toby's Estate noong natikman ko a few months ago.

Re: Usapang Kape

Posted: Thu Dec 01, 2016 7:03 pm
by Daniel
hitokiri_recca wrote:
Daniel wrote:Meron akong kaopisina dati, 8 kape sa 1 araw.
Sobrang nerbiyoso ba siya ngayon?
Nung dating kaopisina ko siya, hindi naman. Ewan ko lang ngayon. :D

Re: Usapang Kape

Posted: Fri Dec 02, 2016 1:48 pm
by SirZap
Daniel wrote:
hitokiri_recca wrote:
Sobrang nerbiyoso ba siya ngayon?
Nung dating kaopisina ko siya, hindi naman. Ewan ko lang ngayon. :D
ibig mo bang sabihin, dahil sa iyo napap-kape sya? :sweat:

Re: Usapang Kape

Posted: Fri Dec 02, 2016 2:30 pm
by Daniel
SirZap wrote:ibig mo bang sabihin, dahil sa iyo napap-kape sya? :sweat:

pwedeng oo, pwedeng hindi

tara kape tayo. may iaalok ako. :rofl:

Re: Usapang Kape

Posted: Fri Dec 02, 2016 2:35 pm
by grayfox17
^networking ampf! :lol: