Page 2 of 7

Re: Usapang Kape

Posted: Fri Nov 01, 2013 10:25 pm
by PototoyPwets
May event tuwing october sa greenbelt yung"coffee origins" .nagbibigay sila dyan ng free taste ng civet coffee.. Mahal sya kasi nga galing nga sa ebak.. Pwede nyo pa itry yung ibat ibang klase ng local beans from the philippines doon sa event..

Ako, 3 years na ako nagtatrabaho sa coffee shop. Di ako masyadong mahilig sa latte.. Double Espresso shot lang solb na ako. Iba yung dating sakin ng bitter taste ng coffee. Never ako nagsusugar sa kape mapa-latte or black coffee.. At yung aroma ng espresso nakaka adik! Haha!

Starbucks, coffee bean or seattles?? Hmm. Halos pareparehas lang naman yan eh.. Nagkakaiba lang sa mga specialty drinks at pastries..

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Dec 09, 2013 8:20 pm
by javaChip56
I had GERD coz of too much coffee last 2011. Pagkalipas ng 2yrs, balik bisyo ulit sa kape..

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Dec 09, 2013 10:02 pm
by VincH
pansin ko parang nanginginig na ang mga kamay ko. ewan ko lang kung epekto ng sobrang kape :mrgreen: :sweat:

Re: Usapang Kape

Posted: Fri Dec 13, 2013 6:07 pm
by jeibi
may mahahanap ba dito na sculpted mugs?

Re: Usapang Kape

Posted: Thu Jan 09, 2014 10:32 am
by Wheelman
VincH wrote:pansin ko parang nanginginig na ang mga kamay ko. ewan ko lang kung epekto ng sobrang kape :mrgreen: :sweat:
Malamang hindi dahil sa kape yan. :lol:

Re: Usapang Kape

Posted: Thu Jan 09, 2014 9:34 pm
by silent_will
Wheelman wrote:
VincH wrote:pansin ko parang nanginginig na ang mga kamay ko. ewan ko lang kung epekto ng sobrang kape :mrgreen: :sweat:
Malamang hindi dahil sa kape yan. :lol:
Lol. Baka pasmado lang pre. Pero seriously ako hindi talaga madalas magkapae dahil nanginginig din kamay ko pag napasobra. Yung venti ng Starbucks hindi ko kaya ubusin, sumasama pakiramdam ko and minsan nagpapalpitate.

Re: Usapang Kape

Posted: Thu Jan 09, 2014 10:10 pm
by deathzero23
starbucks... ano pa ba pwede pamalit dito? minsan kasi nakakasawa na rin.. may mas sasarap pa ba na iced coffee blend? QC area lang ha hehehe..

Re: Usapang Kape

Posted: Fri Jan 10, 2014 2:31 pm
by Daniel
Try Coffee Bean

Re: Usapang Kape

Posted: Fri Jan 10, 2014 7:04 pm
by parokyano
Gloria Jean's yata yung isang nagustuhan ko na coffee shop, mas nagustuhan ko mga ice blends nila dun kaso wala nagsara yung sa shopwise cubao dati and wala na ko nakikita na ibang shop nila.

Re: Usapang Kape

Posted: Sat Jan 11, 2014 4:03 am
by PototoyPwets
deathzero23 wrote:starbucks... ano pa ba pwede pamalit dito? minsan kasi nakakasawa na rin.. may mas sasarap pa ba na iced coffee blend? QC area lang ha hehehe..
Try mo Javanilla ng Seattles best.. Palagyan mo ng jelly para mas masarap. :2thumbs:

Re: Usapang Kape

Posted: Thu Mar 27, 2014 2:40 am
by grayfox17
old town & chek hup white coffee are nice...these two came from ipoh malaysia, origin ng white coffee and for me are way better than those sosi starbucks drinks...

Re: Usapang Kape

Posted: Thu Mar 27, 2014 10:12 am
by DarkRushBeat
Iwasan nyo Jollibee's Iced Coffee....Babala, hindi masarap...

Re: Usapang Kape

Posted: Thu Mar 27, 2014 10:39 am
by Daniel
^^ Thanks for the heads up.

Saan kaya dito yung Java Coffee ni Jackie Chan?

Re: Usapang Kape

Posted: Sun Dec 27, 2015 3:44 am
by SirZap
Open minded ka ba? :lol:

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Nov 28, 2016 1:25 pm
by grayfox17
nescafe creamy latte ang kape ko tuwing umaga :agree:

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Nov 28, 2016 3:11 pm
by DarkRushBeat
Try nyo Kapeng Barako dito sa Lipa, Batangas....

Ay sisipain kayo sa tapang! The red horse of the coffee world...

I once sent a sample pack sa HR namin sa Makati, she drank it after lunch..

Nakatulog naman siya...Mga 2 AM na...

This is perfect in case you guys will need to hit the road early or just having a long road trip...

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Nov 28, 2016 4:46 pm
by grayfox17
nasubukan ko na to, parang energy drink na hindi mo malaman - nung huli akong sumama sa piyesta ng tita ko sa batangas (end of may) pinainom kami ng kape kasi sobrang basag na kami, non stop na inuman mula hapon hanggang 2am...wala pang isang tasa nainom ko totally nawala amats ko, para akong hindi uminom ng alak at balik normal ang ulirat ko... nag tanghalian na't lahat di pa rin ako makatulog :shock:

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Nov 28, 2016 9:13 pm
by DarkRushBeat
Marami na yumaman dito dahil sa kapeng barako. Even my Aussie clients sa work loved it when they paid us a visit here last March...Kaso ngayon sobrang dami na competitors, halos every kanto meron nagtitinda ng kapeng barako

Re: Usapang Kape

Posted: Mon Nov 28, 2016 11:30 pm
by Tibarn
...nakatikim nako ng kapeng barako nung nag outing kami sa taal. Ang sarap pala, ilang beses ako nagpabalik balik sa dispencer.


...anyway, 1 year nako adek sa kopiko blanka. Mapa mainit or iced, sobra sarap. wag nyo subukan maaadek kayo. Gusto ko na nga iwasan. :sweat:

Re: Usapang Kape

Posted: Tue Nov 29, 2016 12:10 am
by SirZap
nakatikim din ako ng barako yung tipong nilaga na dahon. ang biro pa nung nagluluto, medyas daw :lol: