Page 39 of 42

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Thu Apr 13, 2017 7:14 pm
by Sn@kemaru
Sino na ba dito sa PPS ang naka-plat nito? Please stand up.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Sat Apr 15, 2017 11:46 pm
by Daniel
si altahi alam ko na-platinum nya ito

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Sun Apr 16, 2017 2:20 pm
by Sn@kemaru
^ Nice. May mapagtatanungan ako kapag nahirapan ako sa plat. hehe

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Apr 18, 2017 6:21 pm
by VincH
parang paulit ulit na lang mga next missions after 31 na pinahirap lang ang difficulty. pati cut scenes sa 2nd battle kay Quiet inulit lang din. nakaka confuse.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Apr 18, 2017 6:25 pm
by grayfox17
may 2nd battle kay quiet? :shock:

natuwa ako nung una ko na-encounter si quiet, mission 10 yata yun, pinag tyagaan ko sya talunin ng puro tranq lang :sweat:

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Apr 18, 2017 6:35 pm
by VincH
^yes meron. parehong pareho except mas mahirap sya talunin ngayon. 1 shot lang nya dead ka agad. after mo talunin inulit yung mga scenes nung una nyong encounter. parang di sila magkaka kilala ulit :huh: nakakalito.

para tuloy side missions na lang yung mga natitirang missions.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Apr 18, 2017 7:01 pm
by grayfox17
hindi naman sa pang aano pero parang binaboy na lang yata ni kojima ang kwento ng mgs5..hindi man lang inayos ang timeline ng story. :sweat:

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Apr 18, 2017 10:45 pm
by Daniel
pwede raw pala supply drop sa unang laban. sa 2nd, hindi na ata pwede. :lol:

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Wed Apr 19, 2017 7:22 pm
by Sn@kemaru
grayfox17 wrote: Tue Apr 18, 2017 7:01 pm hindi naman sa pang aano pero parang binaboy na lang yata ni kojima ang kwento ng mgs5..hindi man lang inayos ang timeline ng story. :sweat:
Hindi kaya kasi may alam na sya na aalisin/aalis na sya sa Konami?

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Wed Apr 19, 2017 7:38 pm
by grayfox17
Sn@kemaru wrote: Wed Apr 19, 2017 7:22 pm
grayfox17 wrote: Tue Apr 18, 2017 7:01 pm hindi naman sa pang aano pero parang binaboy na lang yata ni kojima ang kwento ng mgs5..hindi man lang inayos ang timeline ng story. :sweat:
Hindi kaya kasi may alam na sya na aalisin/aalis na sya sa Konami?
Suspetsa ko din to nung una. Maaga nya natunugan ang mga bagay-bagay na hindi pabor sa kanya kaya ganun ang ginawa nya. Kahit sinong taong paalis sa isang kumpanya, lalo na if not in good terms, sigurado may bababuying trabaho yan bago lumayas.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Wed Apr 19, 2017 8:11 pm
by VincH
parang binara bara na nga lang yung istorya sa bandang huli. parang wala nang patutunguhan eh. kinda disappointing dahil ang ganda ng takbo ng istorya hanggang mission 31. meron uling repeat na main mission after 2nd battle kay Quiet na inulit uli pati mga cut scenes.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Thu Apr 20, 2017 6:59 am
by Crazycajun
Ako disappointed on how the story was told. Lahat nasa cassette tape. Wala kang storya na makukuha sa mismong paglalaro eh.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Thu Apr 20, 2017 3:55 pm
by grayfox17
ang badtrip pa sa larong to yung nababawasan ka na lang ng tao dahil sa mga pasaway na staff, hirap pa naman tanggalin ng mga yun lalo na pag mataas ang rank nila tapos dalawang level kagad ang mtatagpas sa dept mo pag tinanggal mo yung troublemaker... :banghead:

Nakaka-rindi din yung kada start ng mission, lagi na lang naka-plaster ang pangalan ni kojima sa cinematic bago mag landing. We get it he invented the game pero technically its still konami's property. :shock:

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Thu Apr 20, 2017 6:59 pm
by Sn@kemaru
^ Pagtyagaan na lang siguro natin yun name ni Kojima dun. Legacy na lang nya sa MGS at Konami yun.

Regarding sa mga staff, may napanood ako sa YT na pwede mga babae lang ang staff mo basta alam mo yun mission at time para siguradong babae ang pwede mo ma-rescue. Pwede mo pa i-reload yun part na yun para magbago-bago ang hitsura at stats nila.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Thu Apr 20, 2017 7:05 pm
by grayfox17
Ewan ko kung swertihan pero karamihan ng mga maaayos ko na staff yung mga babae kasi sila yung A+ sa kin. Tapos yung mga mababa ang level ginagawa ko na lang guard sa motherbase hehe...

Ang isa pang nakaka miss dito is yung pwede mo i-fulton yung mga tangke basta hindi ka detected. Damay din yung driver sa loob haha.. inuubos ko lagi yung mga heavy infantry mission kasi kadalasan sila yung may magagandang rank.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Fri Apr 21, 2017 12:45 pm
by Daniel
ginawang parang tv episode kada mission.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Sat Apr 22, 2017 11:08 am
by VincH
i think natapos ko na. hanggang 50 missions pero puro mga repeat missions na lang sa bandang huli na mas difficult. after mission 31 parang 2-3 missions lang ang may kinalaman sa story. yung mission 46 repeat mission ng pinaka una pero may ire reveal na shocking hehe. hindi ko na sasabihin sobrang spoiler na kasi hehe.

yung pinaka story talaga nya is hanggang mission 31. the rest pambahaba na lang na parang walang ending. still a great game overall for me. :2thumbs:

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Mon Jun 19, 2017 11:35 pm
by jmsv
Sulit ulitin yung game from scratch. Yung paglalaruan mo mga kalaban sa mga sneaking missions tpos medyo mahirap pa since kulang mga gamit. Saya balikan. Kahit wala na yung story. Iba talaga yung feel nung game.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Jun 20, 2017 12:24 pm
by grayfox17
Ok din yung todo stealth ka pag papasok sa isang base tapos kung kelan papunta ka na sa LZ dun ka pa mahuhuli, ilang beses nangyayari sa kin to lalo na sa side missions, buti na lang walang scoring dun kaya kahit ubusin ko mga kalaban walang kaso lalo na yung mga bandang airport ... :sweat:

Tapos nadiscover ko pwede pala mag fulton kahit umaandar pa yung isang heavy vehicle basta undetected ka hehe...

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Jun 20, 2017 1:23 pm
by Daniel
nag-pure stealth gameplay ako kaya ang tagal ko matapos ito. :sweat: