Page 38 of 42

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Wed Mar 15, 2017 1:55 pm
by Daniel
Kakatapos ko lang ng larong ito. Mission 30. Tapos agad? May next chapter pa pala. Kaya pala di ko nakita yung ibang scenes na nakita ko sa trailers.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Mar 28, 2017 7:58 pm
by Sn@kemaru
Wait mo ako ha..
ay wait din, wala pa pala ako nito. :lol:

Meron ako nakita video sa YT na player nito. Nakuha daw niya lahat ng rewards for playing the game for 1 whole year.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Mar 28, 2017 8:00 pm
by Daniel
ako naman 1 year yung naging pagitan ng last game ko :lol:

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Mar 28, 2017 8:02 pm
by grayfox17
hininto ko na to, tinamad na ko eh. :sweat: nag stop ako sa chap. 30+ yata hehehe..mas naaaliw ako sa side missions kesa sa main missions eh. Wala kasing grading sa side mission kaya pwede ka magpa bara-bara ng diskarte.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Mar 28, 2017 8:46 pm
by Daniel
chapter 31 yung parang last chapter e. the rest, ewan ko kung ano meron. :lol:

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Mar 28, 2017 8:55 pm
by grayfox17
^huh? chapter 30 mismo? kala ko hanggang 50 ang main mission? :shock:

maganda to kaso tinamad na lang talaga ako sa pagka repetitive nya -ganitong ganito din kasi ang peace walker eh. Pero ang malaking turn off sa kin ng larong to is yung hindi pagkaka tugma ng timeline sa mga gamit nya. Langya, 80's ang setting mo pero meron ka nang idroid? :shock: :sweat: Ang sagwa talaga.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Mar 28, 2017 9:34 pm
by Daniel
mission 31 to be exact. :sweat:

yup yung mission hanggang mission 50 parang extra na lang siguro. kasi sa chapter 31 nagawa nila snake yung gusto nilang gawin e. marami pang di nasasagot na tanong pagkatapos nun.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Mar 28, 2017 9:38 pm
by grayfox17
i think nag stop ako sakto sa 30 or 30+, di ko na talaga maalala...tagal ko na kasi hindi nagalaw at nabenta ko na rin yung game ko. Panood ko na rin naman yung ending bago ko pa nalaro, gusto ko lang maexperience yung gameplay kaya pinagtripan ko subukan. :sweat: :lol:

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Fri Apr 07, 2017 5:59 pm
by VincH
currently at chapter 22. Im enjoying this game a lot kaso baka iwan ko muna for few months. nababagalan kasi ako sa pacing ng story.

mas naeenjoy ko din mga side ops. walang ka pressure pressure dahil walang grades :mrgreen:

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Fri Apr 07, 2017 10:27 pm
by Sn@kemaru
Sana kapag dumating na yun copy ko nito (courtesy of my barkadas abroad) ay may makasabayan pa ako nito sa online para sa trophies na rin.
At sana free mp na ito by that time, no need for PS+ na.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Fri Apr 07, 2017 11:45 pm
by Daniel
yung side ops gagawin mo mainly para palakasin yung team mo. :D

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Sat Apr 08, 2017 8:00 pm
by Sn@kemaru
Last time na tumingin ako sa trophy guide nito ay dapat hindi daw updated yun game para mas madali ma-plat.
Hindi na ulit ako napasyal sa guide na yun since last year kaya wala na ako balita ulit sa game kung may updates man.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Sun Apr 09, 2017 11:20 am
by VincH
kasasabi ko lang na di ko muna tatapuson pero tinapos ko na kagabi :bigmouth:

after mission 31 meron pa pala additional missions. sulit na sulit ang game na ito :agree:

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Sun Apr 09, 2017 2:42 pm
by Daniel
yup yung mission 31 yung parang ending.

tapos ang dami pang di nasagot na tanong tulad nang sino si ahab.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Sun Apr 09, 2017 4:38 pm
by grayfox17
nung naglalaro pa ko neto, madalas stealth ako pag papasok sa isang base tapos kung kelan papunta na ko sa LZ dun pa ko biglang mahuhuli ...nasayang tuloy ang stealth ko :sweat:

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Mon Apr 10, 2017 1:10 pm
by nayj
Ang daming bago dito like yung mga new camos. May nakita akong video na may swimsuit camo na. XD

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Apr 11, 2017 7:54 pm
by VincH
grayfox17 wrote: Sun Apr 09, 2017 4:38 pm nung naglalaro pa ko neto, madalas stealth ako pag papasok sa isang base tapos kung kelan papunta na ko sa LZ dun pa ko biglang mahuhuli ...nasayang tuloy ang stealth ko :sweat:
hehe pag ganyan nagre restart checkpoint ako eh. gusto ko mataas score ko.

may 5 or 6 missions ata ako na napag rank ko ng S.

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Apr 11, 2017 8:16 pm
by grayfox17
masarap laruin etong game na to, tinamad lang ako sa pagka-repetitive nya. :sweat: Namimiss ko na nga magpasundo sa chopper with matching final countdown ang soundtrack. :lol:

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Apr 11, 2017 11:36 pm
by Daniel
sangkatutak na restart checkpoint din ako dito :lol:

minsan ang soundtrack ng helicopter ko yung true. :lol:

Re: Metal Gear Solid V: The Phantom Pain

Posted: Tue Apr 11, 2017 11:40 pm
by grayfox17
merong mga time na nabbwisit ako hindi ko ma-stealth ang isang area, binobomba ko na lang talaga agad bago ako pumasok :lol: