Page 1 of 53

Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 6:52 am
by ezelogs
Ito ang panahong uso pa ang makiuso. Kung ginagaya mo ang style ng mga artista, hindi ka tatawaging jologs. Ito ang panahong tapos na ang martial law, pero malayo pa ang new millennium. Hindi pa high-tech pero di naman old fashioned. Saktong-sakto lang!

Pano mo malalaman kung kabilang ka sa henerasyong ito? Narito ang listahan na makapagpapatunay if you are one of us.


1)Paborito mong panoorin ang Shaider, Bio-man, Maskman, Mask Rider Black, Machine Man at kung ano-anong TV sitcom ng Japan na isinalin sa Tagalog. Break muna sa mga laro kapag alas singko na ng hapon tuwing Sabado dahil panahon na para sa superhero marathon.

2)Alam mo ang jingle ng Nano-Nano. (isang kending lasang champoy)

3) Nanood ka ng Takeshi Castle at naniwala kang si Anjo Yllana talaga si Takeshi at si Smokey Manaloto ang kanyang alalay. (Pinagiisipan mo pano sila lumalaban sa final challenge na parang nakasakay sila sa isang bumpcar at nagbabarilan sila gamit ang water gun gayong sa Japan ginagawa yun eh taga Pilipinas sila?)

4)Alam mo ang pa-contest ng Kool 106 na uulit-ulitin mong bigkasin ang Kool 106, Kool 106. hanggang maubusan ka ng hininga.

5) Naglaro ka ng Shake-Shake Shampoo, Monkey-Monkey-Annabelle, prikidam 123, Langit-Lupa-Impyerno, Syato, Luksong-Tinik, Luksong-Baka, 10-20 at kung ano-ano pang larong nakakapagod.

6) Pumunta ang mga taga- MILO sa skul niyo at namigay sila ng samples na nakalagay sa plastic cup na kasing laki nung sa maliit na ice cream. (at nagtaka ka, bakit hindi ganito ang lasa ng MILO kapag tinitimpla ko sa bahay namin?)

7) May malaking away ang mga METAL (mga punks na naka itim) at mga HIPHOP (mga taong naka maluwang na puruntong na kahit Makita na ang dalawang bundok.) Nag-aabangan sa mall na may dalang baseball bat at kung anu-ano pang mga sandata. Sikat ang kasabihang PUNKS NOT DEAD! pero kung gusto mong mag play safe, pwede mong tawagin ang sarili mong HIPTAL.

8) Alam mo ang universal uwian song na uwian na! Na kinakanta sa tono na parang doon sa kinakasal

9) Nagpauto ka sa Batibot pero hindi sa ATBP.

10) Nakipag-away ka para makapaglaro ng brick game. (hi-tech na yun noon)

11) Dalawa lang ang todong sumikat na wresler, si Hulk Hogan at si Ultimate Warrior. Naniwala ka rin na namatay si Ultimate Warrior nang buhatin niya si Andre d Giant dahil pumutok ang mga ugat niya sa muscle.

12) Nagsayaw ka ng running man at kung anu-anong dance steps na nakapagpamukha sa抷ong tanga sa saliw na kantang Ice Ice Baby, Wiggle It, Pray at Cant Touch This, Always( I wanna be with you).

13) Hindi ka gaanong mahilig sa That's Entertainment at pinapanood mo lang ito tuwing Sabado kung saan nagpapagandahan ng production numbers ang Monday hanggang Friday group. (at badtrip ka sa Wednesday group dahil pinakabaduy lagi ang performance nila!)

14) Napaligaya ka ng maraming pinoy bands tulad ng Yano, Rivermaya, Grin Department, Tropical Depression, The Teeth, The Youth, After Image, Orient Pearl, The Dawn, Alamid, Wolfgang, at ang sikat na sikat na Eraserheads. (at aminin mong nakinig ka ng Siakol!)

15) Hindi pa uso noon ang sapatos na may gulong. Noon, astig ka kapag umiilaw ang swelas ng sapatos mo tuwing ia-apak mo ito. Tinawag rin itong Mighty Kid

16) Naniwala kang original ang isang cap kapag may walong tahi sa visor nito.

17) Swerte ka kapag panghapon ka dahil masusubaybayan mo ang mga kapanapanabik na kaganapan sa mga paborito mong cartoon shows tuwing umaga tulad ng Cedie, Sarah, at Dog of Landers a.k.a. Nelo. (Hindi ka ba nagtataka na sa lahat ng mga bida sa cartoons na ito, si Nelo lang ang di yumaman at namatay pa ng maaga)

18) Alam mo ang ibig sabihin ng TIME FIRST!

Bakit kaya ganon? Kahit sang lupalop ka ng Pilipinas naroon, eh nakaka-relate ka sa mga pinagsasasabi ko. Siguro抷 dahil wala pang cable at kakaunti lang ang pagpipiliang channels kaya parepareho tayo ng pinapanood. Maaaring wala pang playstation kaya kung anu-ano na lang ang naiimbentong laro na pwedeng gawin sa kalsada o sa isang bakanteng lote. ANG SARAP BALIKAN DIBA

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 7:25 am
by suoh12
Nice! The good old days. Nakakarelate ako sa lahat dyan sa post mo... :lol:

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 10:23 am
by TurnBased
I can see na kahit nasa abroad na si threadstarter nasa pinas pa rin puso niya :hug:

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 10:32 am
by PototoyPwets
p*ta! hanggang ngayon yun pa din paniniwala ko kung bakit namatay si ultimate warrior! :sweat: :sweat:

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 10:58 am
by vivirunpoco
Nakakarelate ako dito! Nakakamiss nga talaga.

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 12:08 pm
by seymour
Count me in! Kicking a$$ since 1986! :lol:

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 12:21 pm
by hecaitomix
naalala ko yung 2-in-1 brick game ko, 1991 yun :D

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 12:27 pm
by joey_ed27
Haaaayyyyz.. Those were the days :bigmouth:

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 1:26 pm
by skp_16
- Virra Mall ang pinupuntahan para mag rent ng NES, SNES, SEGA

- nagcocollect ka ng NBA cards kung NBA fan ka

- makakabili ka na ng meal sa P20

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 1:34 pm
by seymour
-First Batch to play Magic Cards (Ang mahal mahal! :banghead: )
-Trumpo at Text (nakalagay sa kahon ng shoes) :lol:
-Pag ang basketball shoes mo ay Nike/Rebook/Addidas tapos nasa 2k-3k ang halaga iyon ang pinaka high end na release. Hindi ko afford yun kasi nagtitipid kami kahit gustong gusto ko.
-Kinikilig ka pag sinulat ka ng klasmate mo sa "FLAMES" niya pero hindi mo pinapahalata. :mrgreen:

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 2:38 pm
by ccedie
Naka relate ako dun sa Ultimate Warrior. May poster pa nun ako dati sa kwarto namin. Ako nga pala yung pinapanuod niyong si Cedie.

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 2:42 pm
by akosidirv
Peor lang kamatayan fame ni Hulk Hogan nung earely 90's nung 1993 3 years old ako umiyak ako pag natatalo siya hahaha

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 3:25 pm
by mkmcarlos
Sa may mga facebook account join kayo dito. hehe! https://www.facebook.com/Batang90s

Laking 90's din ako.

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 3:26 pm
by mkmcarlos
:2thumbs:
Image

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 3:40 pm
by Khrysler Jerikho
Ban ko si ezelog! Violation: nambubuko ng edad!!!! :lol:



Seriously though, iba talaga mga nagpapasiya sa atin noon.

Eto pa mga bagay na masasabi mong taga-90s/80s ka nga:

1. Ang mga paborito mong kendi ay Almo, Haw-haw, at Mighty Mouse
2. Ang paborito mong tira sa teks ay ang flying saucer
3. Ang lima para sa yo ay i-sa, da-lawa, cha
4. Ang Rambbo ang pinakamalakas na tsinelas sa paaway
5. Ang paborito mong softdrinks ay Fanta
6. Ang bling-bling mo sa kamay ay limang pirasong Pritos Ring
7. Ang Slam Dunk ay una mo napanood sa ABC5. Magkasunod ang Dragon Ball at Ranma kada 5:30 ng hapon sa RPN9. Si Eugene ay una mo rin nakita sa IBC13. At naniko ka ng kaklase mo habang sumisigaw ng "kuko ni diva"!
8. Ang paborito mong buzzer-beater ay ang running shot ni Rudy Distrito. Pamilyar din sa yo ang mga pangalang Tony Harris, Bobby Parks, Sean Chambers at Lamont Strothers
9. Si Anne Curtis ang paborito mo sa TGIS
10. Kada Pasko, nanonood ka nung palabas sa tapat ng COD sa Cubao

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 4:11 pm
by seymour
Khrysler Jerikho wrote:Ban ko si ezelog! Violation: nambubuko ng edad!!!! :lol:



Seriously though, iba talaga mga nagpapasiya sa atin noon.

Eto pa mga bagay na masasabi mong taga-90s/80s ka nga:


5. Ang paborito mong softdrinks ay Fanta
7. Ang Slam Dunk ay una mo napanood sa ABC5. Magkasunod ang Dragon Ball at Ranma kada 5:30 ng hapon sa RPN9. Si Eugene ay una mo rin nakita sa IBC13. At naniko ka ng kaklase mo habang sumisigaw ng "kuko ni diva"!
8. Ang paborito mong buzzer-beater ay ang running shot ni Rudy Distrito. Pamilyar din sa yo ang mga pangalang Tony Harris, Bobby Parks, Sean Chambers at Lamont Strothers
9. Si Anne Curtis ang paborito mo sa TGIS
Alright!!! :agree:

Paborito ko nun Pop Cola ang mura 3.50 petot lang! :lol:
Alala ko pa si Tony Harris at ang kanyang Dunk na pinapatalbog muna sa floor ang bola! Si Bobby Parks all-time paborito kong Import kasi mabait at maganda ang reverse dunk! :2thumbs: Sean Chambers naman ginagaya ko dati yung freethrow style niya na isang dribble lang at full of concentration! Kahit sa Liga samin ginagaya ko yun! wahahaha!
Si Lamont Strothers naman malupet sa 3 points. :agree:

Di ako mahilig sa TGIS noon eh Gimik ang gusto ko at Flames! LOL :bigmouth:

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 4:40 pm
by PototoyPwets
takteng pritos ring yan! nag flashback bigla mga kinaadikan kong chichirya eh! hahahaha!

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 5:47 pm
by newtype00
nakakarelate ako sa 1-3, 5-6, 8-10, 14 at 17 -18 mo sir ezelogs. 1986 ang aking kapanganakan eh at ang sarap balikan ng mga panahon na iyon. :grin:

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 8:01 pm
by VincH
- nagcocollect ka ng NBA cards kung NBA fan ka
nag collect ako ng NBA cards nung 95 or 96 hehe. grabe sikat ng Bulls dati, sila ang "rockstar team" ng NBA dati. nauso tuloy yung mga pampakulay ng buhok dahil kay Rodman.

------------

dati nauso yung mga poster ng dragon ball na ginagawang backpack gamit ang illustration board

------------

nauso din yung tulip. andami kong nakikita na pinangsusulat kung saan saan especially sa pantalon.

------------

the best ang mga banda nung mid 90s. walang tatalo sa parokya, teeth, weed, yano, grin department at eraserheads.

Re: Dekada 80's at early 90's ERA. Are you one of us??

Posted: Tue Jul 31, 2012 8:08 pm
by Seraph011
Lol..reminds me of the good old days. :agree:

Parang yung sa mga generations na sumunod corny na yung mga hallmarks nila... :bigmouth: