Dumarami na yung mga games na may pinapakitang maps o stages sa Philippines. Pati na rin ang characters. Sumisikat na ang bansa natin e.
Sa thread na ito, ipo-post natin yung mga picture o video ng games na may pinapakitang Philippines o mga Pinoy na characters o kahit anong may kinalaman sa lahi natin. Pakilagay na rin kung anong game yun at kung saang part ng game makikita.
Uumpisahan ko na.
Sly 3: Band of Thieves (PS2/PS3) . Opera of Fear. Setup. Bandang 2:50 may map ng pinas dun.
Tekken Tag Tournament 2 (Arcade, PS3, Xbox 360). May stage ng Philippines. Confirmed ni Harada. Bandang 1:80:40.
O ayan Tekken country na tayo.
Re: Philippines in video games
Posted: Sun Jul 08, 2012 3:54 am
by mkmcarlos
Front Mission 3 PS1
May fortress dun na ang pangalan "Dagat Ahas"
May stage na ang location ay sa Taal at sa Batangas
"Jose" yung pangalan nung isang character na taga Pilipinas.
Re: Philippines in video games
Posted: Sun Jul 08, 2012 8:48 am
by grayfox17
may phil stage ang TTT2? thats nice....pwede sana mag lagay ng pinoy character kaso anong fighting style nun?
Eto ang dalawang character sa Front Mission 3 na pinoy
Jose Astrada
Age: 35
Nationality: OCU Philippines
Occupation: OCU Navy Sniper
Starting Wanzer: Pare Paw 1
Specialities: Rifle
Pham Luis
Age: 17
Nationality: OCU Philippines (she lives in the PLF occupied zone)
Occupation: Anti-government guerilla
Starting Wanzer: Zeros
Specialities: Melee
2) Fight Night Series
Simula ng sumikat si Manny Pacquiao sa larangan ng boxing nasama na siya sa mga boxing games ng EA.
3) Battlefield 1942 PC
4) Tekken Tag Tournament 2
Si Mokujin daw pinoy. Sure na ba ito? Pero ang sure ay ang isa sa map ng game na ito ay sa Pilipinas. Hindi pa lang natin alam kung sang parte ito pero malamang sa Metro Manila siya.
(time 1:18:40)
5) Medal Of honor Rising Sun
Hindi ko nalaro pero alam ko dati na may mission diyan na nasa Pinas =)
Alam ko madami pang games na nasama ang pinas.
Re: Philippines in video games
Posted: Mon Jul 09, 2012 12:51 pm
by TurnBased
Filipina OFW in Yakuza 4
Daniel wrote:
Tekken Tag Tournament 2 (Arcade, PS3, Xbox 360). May stage ng Philippines. Confirmed ni Harada. Bandang 1:80:40.
O ayan Tekken country na tayo.
Alam ko si Harada gusto talaga niyang gumawa ng Filipino Tekken character. Di lang niya alam kung pano.
Re: Philippines in video games
Posted: Mon Jul 09, 2012 3:06 pm
by Daniel
Kaya naging Mokujin na lang.
Yan yung hinahanap ko yung sa Yakuza. Ang gulo lang nung translation sa masahe.
Re: Philippines in video games
Posted: Tue Jul 10, 2012 12:07 am
by andrewleonhart
ang kulit nung stage sa TTT2, may billboard ng Timezone. hehe
Re: Philippines in video games
Posted: Tue Jul 10, 2012 10:09 am
by Daniel
heto kunyari marikina (yung malapit sa sm) hehehehe
di ko masabi pano naging philippines yung stage na yun...LOL, jeep ba yung mga nandun? masyado madilim kasi. haha. pero cool pa din. nice!
Re: Philippines in video games
Posted: Tue Jul 10, 2012 10:41 am
by Daniel
yung area kasi ng marikina, yung bandang sm marikina, may tulay tapos sa ibaba may kalsada. parang ganyan ang feel pag nasa baba. nandun pa yung tren. parang lrt 2.
Re: Philippines in video games
Posted: Tue Jul 10, 2012 11:32 am
by TurnBased
Philippine themed town in Ragnarok Online - Port Malaya. Check out the jeepney. Sabi daw the town was based on Luneta.
Tignan niyo mga monsters. May manananggal, mangkukulam, tapos iyun poring, jejeling.