Page 5 of 26

Re: Usapang Pera

Posted: Wed Mar 01, 2017 3:29 pm
by DarkRushBeat
grayfox17 wrote: Tue Feb 28, 2017 6:16 pm Tipid-tipid din pag may time lalo na sa mga hindi importanteng bagay, pag may murang version ng isang gamit bakit ka pa bibili ng mahal? Justifiable din naman yung "wants <-> needs" dilemma if the item is within your immediate need pero kung sa tingin mo hindi mo pa kakailanganin then look the other way muna. There will always be a next time pa naman to buy it.
Agree ako dito...

Ako ha, a toy collector...Eto lang siste ko when buying a new toy...

1. I always check reviews of the toy sa Youtube....Gusto ko malaman paano ba quality ng toy, kung madali pa ipose or itransform, etc etc etc...

2. I do extra research from fellow toy collectors & always find a seller who's selling the item at a much cheaper price without any catches.

3. I always ask "meron bang KO (knock off) neto"?....I thank God for companies like Wei Jiang, Kubianbao, and those KO companies Takasa Tomy, Tanaka Tosy, etc etc...Why? Because minsan mas ok pa quality ng KO toys compared sa original...

4. I weigh my options kung bibilhin ko na ba ito or hindi pa...Kasi baka mas bumaba pa price after a few months eh...Saka syempre meron din ako mga bagay na kailangan iprioritize muna aside from toys...

In a nutshell, i work hard, i collect responsibly, i don't deprive myself of my fave vice (toys and books) pero i see to it meron ako naitatabi for myself each month, as well as for my boys & i am able to pay my bills on time...

And puro knock off toys na lang nowadays ang pinupuntirya ko...Thank God for China & their copy is right people! :lol: :lol: :lol:

Re: Usapang Pera

Posted: Wed Mar 01, 2017 4:39 pm
by grayfox17
Sakit na rin ng nakararami yung gagasta ng lampas sa naitabing budget para lang masabing "meron" sila. To the point of breaking the bank at tatapyasan ang naitabing ipon basta mabili yung gusto. It helps to have more than 1 bank for savings para mapaglagyan ng majority ng ipon while yung isa pwedeng dala kahit araw-araw.

Re: Usapang Pera

Posted: Wed Mar 01, 2017 10:43 pm
by skp_16
Sino dito mahilig mag travel? Ano tipid tips niyo while traveling abroad?

General tips:
1. Abang ng flight sale.
2. Stay in a hostel, or couchsurfing if you are courageous enough. Hotels are last resort.
3. If may kakilala or relative sa county na pupuntahan, ask if pwede ka makitira.
4. Wag lagi sa magagandang restaurants kumain. Kadalasan mas masarap pa street foods and hole-in-a-wall restos.
5. Taxis are last resort. Lakad lang if exploring the city. Bus pag magco-commute.
6. Pack light para hindi na kailangan icheck-in ang bag.
7. Avoid peak season.
8. Travel slow.
9. Wag sa tourist area kumain at mag shopping.
10. Travel during cold season (pero wag naman siguro winter hehe) para ok lang mag book ng room na walang air-con.
11. Arrive in the morning para first day palang marami nang magawa.
12. Tuesday is the cheapest for plane fares.

Re: Usapang Pera

Posted: Thu Mar 02, 2017 12:11 am
by grayfox17
^may nalimutan ka - plan your trip itinerary ahead of time. Months before the actual departure. Basta nakalatag na yan damay na sa planning lahat yan.

Re: Usapang Pera

Posted: Fri Mar 03, 2017 8:37 pm
by DarkRushBeat
Image

Sad but true....

Re: Usapang Pera

Posted: Sat Mar 04, 2017 12:31 pm
by Daniel
yung kasabihang "ano na lang ang sasabihin ni ganito.....?" yung pinagmumulan

Re: Usapang Pera

Posted: Sat Mar 04, 2017 9:47 pm
by DarkRushBeat
Daniel wrote: Sat Mar 04, 2017 12:31 pm yung kasabihang "ano na lang ang sasabihin ni ganito.....?" yung pinagmumulan
Exactly...Kaya ako wala na paki sa sasabihin ng iba....As long as i'm doing the right thing....

Re: Usapang Pera

Posted: Mon Mar 06, 2017 3:26 am
by SirZap
ang sinasabi ng iba :sweat:

Image

Re: Usapang Pera

Posted: Mon Mar 06, 2017 8:00 pm
by DarkRushBeat
Pwedeng irelate din ito sa thread na ito...

Image

Re: Usapang Pera

Posted: Mon Mar 06, 2017 8:07 pm
by grayfox17
^dapat yan parehong may pang tustos hindi yung one-sided lang.... :sweat:

Re: Usapang Pera

Posted: Mon Mar 06, 2017 8:26 pm
by DarkRushBeat
grayfox17 wrote: Mon Mar 06, 2017 8:07 pm ^dapat yan parehong may pang tustos hindi yung one-sided lang.... :sweat:
Pwede rin one-sided basta marunong mag tabi/mag ipon parehas. Hindi yung umaastang mayaman.

Re: Usapang Pera

Posted: Thu Mar 09, 2017 12:18 am
by skp_16
I don't like Peso Sense. Mashadong "piggy bank mindset" at kulang nalang sabihin nila ay only spend money on what you need and never on what you want.

Re: Usapang Pera

Posted: Thu Mar 09, 2017 7:05 am
by DarkRushBeat
skp_16 wrote: Thu Mar 09, 2017 12:18 am I don't like Peso Sense. Mashadong "piggy bank mindset" at kulang nalang sabihin nila ay only spend money on what you need and never on what you want.
True..In fact someone in my Transformers FB group shared PS post dati about against buying toys daw...Syempre nag react kami...

Pero i thank Peso Sense for their Ipon Challenge. Mine was very successful last 2016 & i am doing that again this year...Every payday i see to it meron ako naitatabi for my boys & for myself..

Re: Usapang Pera

Posted: Thu Mar 09, 2017 8:22 am
by grayfox17
DarkRushBeat wrote: Thu Mar 09, 2017 7:05 am

Or better yet, you wont need simple financial advices tulad ng mga ganyan kasi in the first place saving money is considered to be a life skill na. Part na yan ng survival instinct sa panahon ngayon. Kung alam mo nang maliit lang ang naitatabi mo then spend less.

It all comes down to common sense eh.

Re: Usapang Pera

Posted: Thu Mar 09, 2017 3:31 pm
by DarkRushBeat
Laking bagay din ng pagtatabi ng mga 10.00 coins....

Kapag galing ako sa gym, imbis na sumakay pa ko ng jeep papunta town proper, tinatago ko na lang yung baryang pamasahe sana...Either pang siomai or panlagay sa alkansya

Re: Usapang Pera

Posted: Thu Mar 09, 2017 7:14 pm
by SirZap
skp_16 wrote: Thu Mar 09, 2017 12:18 am I don't like Peso Sense. Mashadong "piggy bank mindset" at kulang nalang sabihin nila ay only spend money on what you need and never on what you want.
parang ganito lang yan. mas focus lang nila ang savings rather than spending. kasi pag sinabi nila na pwede mag spend sa "luho" the tendency is to spend with that "luho"

Re: Usapang Pera

Posted: Thu Mar 09, 2017 7:21 pm
by grayfox17
Ang hirap kasi sa ibang tao is automatic ang utak pagdating sa pag gastos once nakahawak na ng pera, pag dating sa pag iimpok dun naman sila bigla nakakalimot :sweat:. Matatauhan lang pag nakitang halos maintaining balance na lang ang natitira sa balanse ng atm nila. So dun ngayon pumapasok ang "constant" reminder na mag ipon.

Re: Usapang Pera

Posted: Thu Mar 09, 2017 8:03 pm
by DarkRushBeat
grayfox17 wrote: Thu Mar 09, 2017 7:21 pm Ang hirap kasi sa ibang tao is automatic ang utak pagdating sa pag gastos once nakahawak na ng pera, pag dating sa pag iimpok dun naman sila bigla nakakalimot :sweat:. Matatauhan lang pag nakitang halos maintaining balance na lang ang natitira sa balanse ng atm nila. So dun ngayon pumapasok ang "constant" reminder na mag ipon.
Yup brother. Guilty as charged ako dito dati, lalo na nung single pa ko at wala ako paki mag zero balance man ATM ko....

Sa current work ko ngayon, once a month lang sahuran namin...Nasanay na ko syempre sa kinsenas na pagsahod..Kaya nung una skeptical ako sa once a month na pasahod...

Ngayon mas comfortable na ko sa ganitong paraan. Pagbagsak ng sahod every 1st week of the month, nakakapag budget na ko ng maayos, sa utility bills, sa mga ipon, sa binibigay ko ke Kumander, other expenses, etc etc...

Pero i'm not the type of guy na nagsu-surrender ng ATM sa misis..No friggin way...

Re: Usapang Pera

Posted: Thu Mar 09, 2017 11:02 pm
by skp_16
DarkRushBeat wrote: Thu Mar 09, 2017 7:05 am
skp_16 wrote: Thu Mar 09, 2017 12:18 am I don't like Peso Sense. Mashadong "piggy bank mindset" at kulang nalang sabihin nila ay only spend money on what you need and never on what you want.
True..In fact someone in my Transformers FB group shared PS post dati about against buying toys daw...Syempre nag react kami...
Naalala ko yung post na yan na aginst buying toys, na-share rin yan sa Funko Pop group na member ako. :facepalm:

Isa pang ayaw ko sa PS ay yung over use of the term "kuripot". Mas ok kung "matipid".

Kuripot (miser in English) - is a person who is reluctant to spend, sometimes to the point of forgoing even basic comforts and some necessities, in order to hoard money or other possessions.

Matipid (frugal in English) - is the quality of being economical in the consumption of consumable resources such as food, time or money, and avoiding waste, lavishness or extravagance.

Re: Usapang Pera

Posted: Fri Mar 10, 2017 1:06 am
by grayfox17
Yup brother. Guilty as charged ako dito dati, lalo na nung single pa ko at wala ako paki mag zero balance man ATM ko....

Sa current work ko ngayon, once a month lang sahuran namin...Nasanay na ko syempre sa kinsenas na pagsahod..Kaya nung una skeptical ako sa once a month na pasahod...

Ngayon mas comfortable na ko sa ganitong paraan. Pagbagsak ng sahod every 1st week of the month, nakakapag budget na ko ng maayos, sa utility bills, sa mga ipon, sa binibigay ko ke Kumander, other expenses, etc etc...

Pero i'm not the type of guy na nagsu-surrender ng ATM sa misis..No friggin way...

Yun na nga eh. Dito sa pinas kinsenas ang sahuran so nakaapekto sa mindset ng tao yun kasi laging nasa isip nila na "ok lang gumasta ngayon kasi in two weeks sasahod ulit ako" :facepalm:. Ako mismo nung mga unang work ko naranasan ko to. Kaya ayun paglabas ng sahod, withdraw kagad ng pambili ng gusto kahit mahal tapos tipid tipid sa ibang bagay hanggang sunod na sweldo. Karamihan naman ng tao yung magiipon nga ng ilang cut off ng sahod tapos isang bagsak gagasta naman ng pagkamahal mahal. Wala din yung naitabi.

Buti sana kung mababa lang ang kaltasan dito eh hindi naman. Lagas na nga pera mo sa paggasta mo tapos kakatayin ka pa sa mga deductions - ano pa natira syo nun? :shock: Goodluck na lang sa ipon di ba?

skp_16 wrote: Thu Mar 09, 2017 11:02 pm
Matipid (frugal in English) - is the quality of being economical in the consumption of consumable resources such as food, time or money, and avoiding waste, lavishness or extravagance.

Ewan ko kung may kinalaman sa pagka ilocano ko or what pero I have always associated myself with a frugal lifestyle kahit pa noon. Tamang gastos ko lang is yung mga pangangailangan. Yung mga mamahalin kaya ko i-forego kahit pa abutin ako ng ilang buwan. Gusto ko kasi na by the time na bilhin ko yung minamata kong item I make sure na significant pa rin ang maiiwan sa balanse ko.

It helps talaga na gawing practice yung iwan sa bahay at itago ang ATM para iwas impulse buy. Withdraw lang ng allowance tapos iwan pa rin sa bahay yung extrang cash then dalhin lang yung kakailanganin sa ilang araw. Laking menos mo nun kasi mapipilitan ka magtipid dala nga ng sakto lang ang cash on hand mo. It's better this way kasi nadidisplina ko sarili ko sa paghawak ng pera hindi yung sasagad mo yung gastos mo pero hiram ka naman ng hiram ng pera sa kakilala para lang may pantustos sa basic necessities. Wala ka na nga naipon, nagkaka-utang ka pa.