Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
Daniel wrote: ↑Fri Mar 17, 2017 11:23 pm
Ganun na nga. Hindi naman siguro magiging anti-poor kung hihigpitan nila ang pagkuha ng lisensya. Yung mga marunong magmaneho at alam ang batas trapiko lang ang mabibigyan ng lisensya.
Kasalanan ng LTO.
Naku. Alam mo naman ang mental gymnastics kung sakaling magawa nila yan.
Eto nga, papunta lang ako ng grocery.
Pedestrian yung harap ko. Yung nasa box naman, nag yellow na kasi. Kaya go faster. Di umabot.
DarkRushBeat wrote: ↑Fri Mar 17, 2017 4:17 pm
@ topic...
Ewan ko yung tinatamad lang ba or talagang tanga...Me footbridge dito sa Lipa city, pinagawa ng local government pero iilan lang gumagamit, yung karamihan mas preferred pa rin makipag patintero sa mga SUVs, 10 wheeler, etc etc etc...
I'm not saying kasama dito mga senior citizens at PWD na hindi maka akyat ng mataas na hagdan ha...Pero everyday normal people...
Prime example nito ay Commonwealth Ave sa Quezon City. Nabansagan na nga rin ito ng killer avenue/hiway. Kasi nga marami nasasagasaan mga tumatawid.
May mga footbridge naman nilagay pero sadyang mga tamad ang ibang mga tinamaan ng lintek na mas nanaisin pa tumawid at kesa gamitin yun footbridge.
kapag nasagasaan, kasalanan at pananagutan ng driver. pero sila kaya yun wala sa tama nung nasagasaan.
Naisip ko nga sana yung mga sidewalks ng mga kalsada tulad ng Commonwealth may bakod na gawa sa hollow blocks, yung parang sa mga bahay, para walang tatawid. Para mapilitang gamitin yung footbridge.
^^kung gusto nyo dapat may lisensya yung mga tumatawid sa kalsada.
kapag walang lisensya at nabangga ng sasakyan walang pananagutan ang drayber.
kapag tumawid at may lisensysa, pero wala sa tamang tawiran, wala rin pananagutan ang nakabangga.
kung nsasa footbridge at nabangga ng sasakyan dun lang sila mababayaran
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
kapag nabangga yung mga pasaway na tumatawid sa daan kahit bawal, ang driver pa na todo iwas na sa kanya ang makakasuhan ng reckless imprudence at yung pasaway pa yung nagiging biktima
Gagawin at gagawin ng mga pinoy kung ano convenient sa kanila kahit bawal
Naalala ko yung isang beses ng nag-jeep ako. MAy pumara. Sabi ng driver "dun po sa babaan, may mmda". Nag-accelerate si manong pero di niya nakita na tumayo pa rin yung babae para bumaba. Ayun nahulog yung ale. Tayo agad siya tapos hinabol yung jeep, galit na galit na sinigawan yung driver kasi napahiya siya at tinawag niya pa yung MMDA sa paligid. Kaso di nakapagtimpi yung katabi ko sa jeep na sinabi sa MMDA na sinabihan niya yung nahulog pero nagpumilit pa rin bumaba. Mas lalo napahiya yung ale kase wala siya kakampi. magisa lang siya laban sa aming lahat na doseng nakarinig sa sinabi ni manong. Ang nasabi na lang niya sa unang pumalag na "Shut up ka na lang ate!"
Naalala ko dati sa may Ayala (malapit sa Insular Life), there was this guy na sumampa sa railings to take a short cut, ewan, siguro ayaw maglakad or nagmamadali lang sya...Ang dami naka kita (rush hour nun e, around 8 AM). Semplang sya he he he....
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....
Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building
iwasang humingi ng tulong sa kapwa pinoy sapagkat dalawang bagay lang ang mangyayari syo: hihingi ng kapalit na matindi pa sa naitulong sa yo OR isusumbat lang syo ang naitulong nya...
sic001 wrote: ↑Sun Mar 19, 2017 12:32 pm
Gagawin at gagawin ng mga pinoy kung ano convenient sa kanila kahit bawal
Naalala ko yung isang beses ng nag-jeep ako. MAy pumara. Sabi ng driver "dun po sa babaan, may mmda". Nag-accelerate si manong pero di niya nakita na tumayo pa rin yung babae para bumaba. Ayun nahulog yung ale. Tayo agad siya tapos hinabol yung jeep, galit na galit na sinigawan yung driver kasi napahiya siya at tinawag niya pa yung MMDA sa paligid. Kaso di nakapagtimpi yung katabi ko sa jeep na sinabi sa MMDA na sinabihan niya yung nahulog pero nagpumilit pa rin bumaba. Mas lalo napahiya yung ale kase wala siya kakampi. magisa lang siya laban sa aming lahat na doseng nakarinig sa sinabi ni manong. Ang nasabi na lang niya sa unang pumalag na "Shut up ka na lang ate!"
hahahaha buti nga dun sa nahulog.
May mga ganyan talagang pasahero. gusto nila kapag pumara sila ay hinto agad. pero may mga driver na rin ako nasakyan na pinapagalitan yun mga pasahero kapag sa alanganin gusto bumaba.
grayfox17 wrote: ↑Sun Mar 19, 2017 8:46 pm
iwasang humingi ng tulong sa kapwa pinoy sapagkat dalawang bagay lang ang mangyayari syo: hihingi ng kapalit na matindi pa sa naitulong sa yo OR isusumbat lang syo ang naitulong nya...
My thoughts exactly...Me kilalang kilala ako na ganyan, kunyari concerned at nagmamalasakit, isususumbat din pala syo sa huli...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....
Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building
^parang driving lang. overtaking lane sa outermost left lane.
sana gumawa ng ganyan ang gobyerno sa driving. daming mga mababagal na driver na binabara ang left lane. hirap tuloy mag overtake at nakakadagdag sa traffic.
Daniel wrote: ↑Mon Mar 20, 2017 11:05 am
May commercial na pala itong escalator etiquette e.
In fairness naman, konti na lang yung hindi nakakasunod.
Matagal ko na nga rin nakita yan. Ewan ko lang kung napanood ng mga ibang nagpupunta sa SM Malls.
Pati rin mismo sa tabi at ibaba ng escalator nakalagay na yun mga signs na stand here, walk here, something.
Yung elevator dito sa SM sa Lipa City, mainit & minsan mabagal. Bihira akong makarinig ng TY from passengers sa operator ng elevator na nahihilo na minsan at pawis na pawis na sa kakatrabaho...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....
Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building
Eto pansin ko lang din, ang dami sa mga toy collector groups na kasali ako sa FB...
Yung mga taong bibilhin lahat ng stocks ng 1 particular item/toy, tapos ire-resell nila at a much higher price...Kagaya nung nagbebenta ng Jollibee Kids Meal Voltron complete set, hayuf naman sa patong si kuya, 2k....Samantalang di pa nga maganda quality...
Nung buhay pa yung Nike Park dito sa Lipa City, they released back the Air Jordan 11 concords but they have 1 rule, 1 per buyer lang, para makabili yung iba...Meron 1 ang ginawa e binigyan nya ng 7k each yung mga kakilala nya para hindi halatang kanya lahat yung J11's na binibili...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....
Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building
may mga luma akong items na nabenta sa OLX na pinatungan ko sa original SRP at may bumili pa rin..no choice kasi sila kundi patusin dahil wala na sila mahanap na ganun eh
Sino mahilig dito bumili ng mga maning kalbo sa lansangan?
Napanood ko dati sa TV na binababad pala sa kerosene yun mga mani at inaapak-apakan para madali matanggal yun balat.
Yun sa taho naman, iniiwasan ko bumili kapag tag-ulan dahil din sa napanood ko noon. Sa isang pagawaan ng taho, naka-expose sa ulan yun mga taho.