Usapang Pera

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
Post Reply
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

^yan din natutunan ko sa Rich Dad Poor Dad book. gumastos ka sa mga bagay na magbibigay ng pera sayo pabalik :agree:
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

I never bothered selling my stuff talaga. Natutunan ko lang yung olx kaya sinubukan ko at ayun naalis ko na rin yung mga items na hindi ko na rin ginagamit, bawas kalat na extra kita pa hehe...dami ko pa namang abubot na dala galing abroad lalo na gadgets.. :lol:

At mula nung nagsisimula ako magbenta ng mga abubot ko dun ko narealize na parang mas happy ako na kumikita ako kesa gumagasta. I mean, i still do spend on stuff like groceries and food pero pagdating sa mga mamahaling bagay medyo dun ako nag aalangan maglabas ng pera. :sweat:
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

balak ko din magbawas ng mga extrang mga gadgets at mga abubot. susubukan ko ang minimalist lifestyle.
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

VincH wrote: Tue Apr 25, 2017 8:06 pm balak ko din magbawas ng mga extrang mga gadgets at mga abubot. susubukan ko ang minimalist lifestyle.
Laking tulong Pafs. Lalo na kapag nag invest ka sa mga renewable energy source. Ako bumili ng solar lantern, every morning before work, nilalagay ko na sya sa spot where the sun usually shines brighter during the day. Then kukunin ko na sya ng 6 PM uli. Yun na pinaka ilaw namin sa room, maliwanag na, tipid pa..I rarely turn on our LED bulbs sa kwarto...And kapag lilipat na kami sa bahay na pinapagawa namin, i'll also order some solar lighting kit...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....

Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building

Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

DarkRushBeat wrote: Tue Apr 25, 2017 8:34 pm

and kung magbebenta ka sa olx try to bundle them instead of paisa-isa. Mas madali magtaas ng presyo pag maramihan ang items ang ibebenta mo tapos para isang lakaran na lang din. Halimbawa sa games, instead na individual ibebenta ko na kagad 3 games for the price of 1 so kung luma yung titles tama na yung 3500 siguro, di ka na talo dun lalo na't wala ka nang balak pakinabangan ulit.

Bukod sa extra kita, maganda din kasi tingnan yung bawas ang kalat sa kwarto. Maigi nang maibenta habang may value pa sya kesa yung nakatambak lang hanggang sa masira, lalo nakakapanghinayang pag ganun.

So far dami ko na nabenta since nov when i started using olx.
**** ****!
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

grayfox17 wrote: Tue Apr 25, 2017 8:40 pmSo far dami ko na nabenta since nov when i started using olx.
Sana sa akin mo na lang binenta PSP mo nun or PS Vita....

@topic...Pera rin naman ang stocks investment...Pero tama ito...

Image
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....

Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building

Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

grayfox17 wrote: Tue Apr 25, 2017 8:40 pm and kung magbebenta ka sa olx try to bundle them instead of paisa-isa. Mas madali magtaas ng presyo pag maramihan ang items ang ibebenta mo tapos para isang lakaran na lang din. Halimbawa sa games, instead na individual ibebenta ko na kagad 3 games for the price of 1 so kung luma yung titles tama na yung 3500 siguro, di ka na talo dun lalo na't wala ka nang balak pakinabangan ulit.

Bukod sa extra kita, maganda din kasi tingnan yung bawas ang kalat sa kwarto. Maigi nang maibenta habang may value pa sya kesa yung nakatambak lang hanggang sa masira, lalo nakakapanghinayang pag ganun.

So far dami ko na nabenta since nov when i started using olx.
parang ganyan na din ang gagawin ko sa mga old ps3 games ko. ewan ko ba kung bat ngayon ko lang naisip. pawala na ng pawala ang value nagiging kalat pa. habol ko talaga yang maging malinis at maayos na kwarto. yung mga nakalagay ay yung mga kailangan lang talaga. naiinggit ako dun sa mga malilinis na setup ng kwarto :sweat:
DarkRushBeat wrote: Tue Apr 25, 2017 8:34 pm
Laking tulong Pafs. Lalo na kapag nag invest ka sa mga renewable energy source. Ako bumili ng solar lantern, every morning before work, nilalagay ko na sya sa spot where the sun usually shines brighter during the day. Then kukunin ko na sya ng 6 PM uli. Yun na pinaka ilaw namin sa room, maliwanag na, tipid pa..I rarely turn on our LED bulbs sa kwarto...And kapag lilipat na kami sa bahay na pinapagawa namin, i'll also order some solar lighting kit...
ayos ah. magaya nga hehe... naisip ko tuloy na bumili na din ng solar charger para sa mga phones at ibang gadgets ko. paarawan sa umaga then charge sa gabi. useful din yang solar lantern kapag may brownout :agree:
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

VincH wrote: Tue Apr 25, 2017 8:55 pmayos ah. magaya nga hehe... naisip ko tuloy na bumili na din ng solar charger para sa mga phones at ibang gadgets ko. paarawan sa umaga then charge sa gabi. useful din yang solar lantern kapag may brownout :agree:
Ganito actually next purchase ko..And magkakabit din ako neto sa may balcony ng bahay na pinapagawa namin...

Image

Already tested the likes of this sa local hardware na binilhan ko ng genset recently. Maliwanag talaga basta maganda yung spot nya where it can get sufficient sunlight...I already have a solar powered fan na ginagamit namin ngayon, perfect sya kapag brownout, parang regular fan ang lakas...Pwede sya via solar power or AC electricity...Dati price nya sa Lazada is 1,7k, i got it for 1k...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....

Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building

Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

VincH wrote: Tue Apr 25, 2017 8:55 pm parang ganyan na din ang gagawin ko sa mga old ps3 games ko. ewan ko ba kung bat ngayon ko lang naisip. pawala na ng pawala ang value nagiging kalat pa. habol ko talaga yang maging malinis at maayos na kwarto. yung mga nakalagay ay yung mga kailangan lang talaga. naiinggit ako dun sa mga malilinis na setup ng kwarto :sweat:
Mababa na halaga ng mga ps3 games ngayon, ang bnew nga pumapalo na lang ng 800+ ngayon. So para hindi ka malugi naman, pagsama-samahin mo na sya para makapag bitaw ka ng mataas taas na presyo. Kahit papano bumalik pa pera mo. Wag mo ibenta ng isahan, sayang pa pagod at pamasahe mo - kahit papano pag bundle isang bitbitan na lang.

Kung walang pumapatos ng games lang, subukan mo ibenta kasama yung console. Sabihin nating complete console plus 10 games bitawan mo ng 12K tapos pag binarat ka down to 10k then hindi ka na talo nun. :2thumbs:

Anong pipiliin mo? nakakalat lang sila o madispose na may extra kita ka pa? :lol:
DarkRushBeat wrote: Tue Apr 25, 2017 8:44 pm
grayfox17 wrote: Tue Apr 25, 2017 8:40 pmSo far dami ko na nabenta since nov when i started using olx.
Sana sa akin mo na lang binenta PSP mo nun or PS Vita....
kung nagsabi ka lang noon pre kahit sana binigay ko na lang syo. Hindi naman kasi ako nagbebenta dahil sa pangangailangan sa pera, nagbebenta ako para lang tlaga mabawasan ang kalat at wala na din ako mapagbigyan. Sa dami ng abubot ko, mas nakakahinayang na masira sila at mawalan ng value nang nakatambak lang habang nasa kin pa ang mga yun. Atleast pag nabenta ko hindi ko na problema pag nasira sa kamay ng ibang tao yun. :sweat: So far wala pa naman akong buyers na nagreklamo, natutuwa pa nga ang karamihan kasi mga good condition lahat ng nabili nila sa kin.

I dont mind giving away stuff that i no longer use, pero pinipili ko rin yung pagbibigyan ko. Hindi ako namimigay ng gamit dun sa mga alam kong hindi rin maaalagaan yung binigay ko lalo pa't ako mismo ingat na ingat ko din ang mga yun.
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

^ah yes tama ibundle ko na lang. ayoko din talaga ng paisa isa. andami ko pa makakausap at nakakapagod lang lalo na kung may mambabarat pa hehe... na realize ko na madami pala akong ginastusan na mga gadgets na ngayon ay kalat na lang at walang value.
DarkRushBeat wrote: Tue Apr 25, 2017 9:03 pm Ganito actually next purchase ko..And magkakabit din ako neto sa may balcony ng bahay na pinapagawa namin...

Image

Already tested the likes of this sa local hardware na binilhan ko ng genset recently. Maliwanag talaga basta maganda yung spot nya where it can get sufficient sunlight...I already have a solar powered fan na ginagamit namin ngayon, perfect sya kapag brownout, parang regular fan ang lakas...Pwede sya via solar power or AC electricity...Dati price nya sa Lazada is 1,7k, i got it for 1k...
ayos yan. may na research ako na solar din na led tv pero 24" lang. pwedeng pwede na ang laki kung pang tv lang. hindi na gano mamomroblema pag puro solar ang gamit kapag nag brownout. i hope bumaba pa ng bumaba ang mga presyo ng mga solar panels in the near future.
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

DarkRushBeat wrote: Tue Apr 25, 2017 8:44 pm
grayfox17 wrote: Tue Apr 25, 2017 8:40 pmSo far dami ko na nabenta since nov when i started using olx.
Sana sa akin mo na lang binenta PSP mo nun or PS Vita....

@topic...Pera rin naman ang stocks investment...Pero tama ito...

Image
tama yang advice na yan lalo na kung mag long term ka. kapag sa mga sureball na stocks or blue chips kung tawagin, hindi ka talo kapag mag cost averaging ka monthly. bumaba man ang presyo, madami ka din naman mabibili pag constant ang presyo na binibili mo monthly so yung average price mo eh halos same lang din.

swerte ka kung may makuha kang basura stocks na tingin mo tatagal at magiging blue chips sa future. sure na magiging milyonaryo ka. :D
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

VincH wrote: Wed Apr 26, 2017 6:28 pm ^ah yes tama ibundle ko na lang. ayoko din talaga ng paisa isa. andami ko pa makakausap at nakakapagod lang lalo na kung may mambabarat pa hehe... na realize ko na madami pala akong ginastusan na mga gadgets na ngayon ay kalat na lang at walang value.
Tip lang pre kung sa OLX ka magbebenta, make your ad title catchy like "12 PS3 games bundle for 5k last price" para mabilis ka maka-attract ng buyer. :agree:

About sa stocks, hindi ko pa rin napupush yung pag review ng fundamentals nya. :sweat: Plano ko kasi mag invest ng konti just to test things out. :)
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

^hehe pwede. sasamahan ko na din ng mga freebies na walang value para maka attract pa. dudugtungan ko ng "with freebies" :bigmouth:

ang alam ko merong stock trading game yung col financial. pwede ka mag trade using virtual money. kapag napalago mo for sure ready ka na mag trade using real money :D
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

VincH wrote: Wed Apr 26, 2017 7:14 pm ^hehe pwede. sasamahan ko na din ng mga freebies na walang value para maka attract pa. dudugtungan ko ng "with freebies" :bigmouth:

ang alam ko merong stock trading game yung col financial. pwede ka mag trade using virtual money. kapag napalago mo for sure ready ka na mag trade using real money :D
Yung mga freebies na nakuha ko sa mga previous ps4 games ko sinama ko na din nung binenta ko. Tuwang tuwa nga yung mga buyer ko, kadalasan puro collector pa naman yung mga kumakagat sa ads ko.

Ready na ko mag sign up sa col financial pero may minimum yata na amount as maintaining balance, di ko lang maalala kung 25K ba or more. Maganda din sa kanila kasi meron silang financial advice kung alin ang bibilhin at alin ang hindi. Narinig ko yung COL thru Bo sanchez pero nag aalangan ako sumali sa grupo nya so ginawa ko nag download na lang muna ako ng mga reading materials regarding stocks. Basa basa muna bago sumali sa mga grupo na tulad ng kay Bo. Blanko talaga ako pagdating sa ganyan eh. :sweat:
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

buy and sell lang naman ang stocks at gagawin mo yun thru a licensed broker. ok ang mga reviews na nababasa ko kay Bo. conservative sya mag pick ng mga stocks at suitable for long term, with matching motivational tools pa. pa member ka din sa facebook group na "Traders Apprentice Pilipinas". makaka kuha ka dun ng mga stock picks ng libre. sa COL P25k ang kailangan para makapag open, kung gusto mo mas mura try mo sa Philstocks. ang alam ko P5k ang opening account dun.
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Nagbasa basa din ako sa ibang board regarding sa feedbacks ng mga sumali kay Bo and accdg to them yung makukuha mo lang daw na mga materials when signing up eh makukuha lang din ng libre online.

Yung mga suitable stocks for buying na binibigay ni bo eh meron din daw sa COL financial. It would be better daw to self-study na lang instead of signing up for BO para no need to pay for a monthly subscription. Bukod kasi sa mga financial advice puro words of wisdom lang din naman ang binibigay nya. Kaya yun ang balak ko gawin - mag aral muna at my own pace tapos diretso na ko sa COL financial.
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

yes. ganun nga din mga nababasa ko. kapag may account ka na sa COL nagbibigay naman sila ng research at stock picks. conservative din sila magbigay at pang long term din. merong model portfolio yung COL na pwede mo gayahin and most of the time kumikita naman pero pang mid to long term. ang advise ko lang eh yung pang invest mo ay yung perang hindi mo kakailanganin agad kasi kapag bumaba ang presyo ng stocks mo at need mo nang cash mapipilitan kang magbenta ng palugi.

imo maganda mag invest ngayon kasi paakyat ang PSEi.
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

the other thing holding me back in investing stocks is yung puhunan. Naalala ko yung boss ko na pinay dati sa SG, natuwa masyado sa pag invest ng stocks a few years back tapos nung biglang bagsak yung market kinailangan pa mag loan ng husband nya na singaporean ng 10K SGD from the bank para lang pambawi... mula nung hindi na sya umulit. :sweat:
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

baka yun yung financial crisis nung 2008. sobra dami lugi nun worldwide. maswerte ako kasi after ng recession dun ako nagumpisa at bigla akyat ng mga presyo :)

isa sa pinaka importanteng skill din sa stock trading ay yung pag alam mo kung kelan ka mag cut loss. yes, minsan kailangan tanggapin ang mga losing trades. madaming nag invest sa stock market na pagkababa ng presyo ng binili nyang stock naka hold pa din at walang cut loss plan at umaasa na lang na tataas pa in the future, ayun lalong naiipit, isa na ako dun :sweat:
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Plano ko sana mag time deposit na lang ako para safe pero ang baba ng gains. Mas maigi pang magtabi na lang ako ng kalahati ng sahod ko every month para mas malaki ang savings ko.

Papatusin ko din yang stocks basta naka gain na ko ng sapat na knowledge at mag iipon din ako ng budget na ipangsusugal ko nang para hindi ma-compromise yung rest ng ipon ko hehe...
**** ****!
Post Reply