The Legend of Zelda: Breath of the Wild [Wii U/Switch]

Do you also play with non-PlayStation devices? Do you enjoy playing as a plumber saving a princess? Or some bald marines? Or maybe you want to play using the touchscreen?
Post Reply
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Wed Mar 15, 2017 6:18 pm

alex042795 wrote:
Wed Mar 15, 2017 12:44 am
Nag digital na ko dito sa zelda, di na ko nakatiis :lol:

haha...di rin nakatiis. :2thumbs: Anyway, since you're just starting out, heed these words carefully:

Image
**** ****!
User avatar
alex042795
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 4293
Joined: Fri Nov 13, 2009 5:37 pm
PSN ID: alex042795
Location: Milan

Wed Mar 15, 2017 7:06 pm

Tama yang comics, arrow pa lang nabili kong item sa unang shop na nakita ko :lol:
Image
[RPHS] PSN: alex042795 -PS4/PSV/PS3
XBL: AlexPapaPH
NNID: alexpapaph
Switch FC: 7896-0448-2000


Solid Green and Gold
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Thu Mar 16, 2017 12:17 am

END GAME GEARS
Image

Image

and finally! :cheer: :cheer: :2thumbs: :2thumbs: :win: :win:

Image

... after spending more than 50hours in this game ni wala pa ko sa 1/4 man lang :sweat: :lol:. And to think I took my sweet time exploring everything I could. Ang galing talaga ng larong to, wala ako masabi. :win:

Image
**** ****!
VincH
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 3409
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

Sun Mar 19, 2017 9:02 am

ayos! mukhang worth it ang pagbili ko ng Wii U! :2thumbs:
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
bahtul
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 874
Joined: Thu Dec 31, 2009 10:22 am
PSN ID: blitz-j
Location: McKinley Taguig

Tue Mar 21, 2017 9:33 am

Nakakuha rin ako nyang guardian weapons ++ kagabi. Nilabanan ko yung shrine na combat trial. 4 na weapon nasira sa akin kasi puro +20 lang pero sulit kasi tatlong ++ weapon makukuha. Problema, ayokong gamitin at baka masira rin! Bakit naman kasi walang repair! Hahaha
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Tue Mar 21, 2017 10:14 am

bahtul wrote:
Tue Mar 21, 2017 9:33 am
Nakakuha rin ako nyang guardian weapons ++ kagabi. Nilabanan ko yung shrine na combat trial. 4 na weapon nasira sa akin kasi puro +20 lang pero sulit kasi tatlong ++ weapon makukuha. Problema, ayokong gamitin at baka masira rin! Bakit naman kasi walang repair! Hahaha

ok lang yan pre, makakakuha ka pa rin naman ng ganyan sa mga test of strength na shrines, tapos pwede ka rin makabili pero later on the game mo na makikita yun.

Ang diskarte ko para maka-ipon ako ng ganyang weapons is dun ka pumunta sa mga MAJOR test of strength na shrines tapos tyagain mo lang silang matalo para makapulot ka ng weapons nila at piyesa. Then antay ka ng blood moon para mag respawn sila at balikan mo ulit. Ang habol mo hindi lang yung weapons kundi yung mga drops nila dahil need mo mga yun later on. :agree:

Onga pala, ipon ka na rin ng rupees habang maaga dahil kakailanganin mo yun for upgrades later on.

Para mapadali ang paglaban mo sa mga guardians, need mo ng shock arrows tsaka upgraded na statis para makahirit ka ng free hits sa kanila. Always go for headshots at pag malapit na mabasag weapon mo, hagis mo na lang sa kanila para mas malakas ang damage sa kanila. :agree:
**** ****!
User avatar
bahtul
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 874
Joined: Thu Dec 31, 2009 10:22 am
PSN ID: blitz-j
Location: McKinley Taguig

Tue Mar 21, 2017 11:29 am

Noted. Salamat sa tips. Pwede pala balikan yung shrines na yun kapag nag blood moon.

Kuripot pa ako ngayon eh. Source of rupees ko pa lang eh apples. Luto ko x5 apples sabay benta. Instant 50 rupees na yun! Hahaha.
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Tue Mar 21, 2017 11:48 am

hehe...may LEGIT grinding method para sa rupees pre. Tingnan mo yung screenshots ko kung magkano na ipon ko dyan. :2thumbs: Hindi yan glitch or bug kasi kasama talaga sa laro yan.

Check here for more details - http://www.polygon.com/zelda-breath-of- ... -mini-game

Since open world game to, pwede mo na sya puntahan kung gugustuhin mo. Kelangan mo lang cold protection na gear. Took me nearly 3 hrs to get from 200rupees to about 20K. :2thumbs:

Pagdating sa pagluto ng food buffs, mag experiment ka lang. Para makakuha ka ng long lasting effects, magluto ka ng 5pcs ng same na klase ng ingredient. Halimbawa, yung mga spicy pepper, luto ka ng lima nyan para mas matagal ang cold protection buff nya. Tapos meron ding isa pang method ng pagluto bukod sa pot, maghagis ka ng food sa open fire para lumabas yung mga bbq or baked versions nila. Maliit lang ang hearts na offer nya pero ok na rin kung sakaling walang pot na malapit.

Another thing about guardians, kaya importante ang headshot sa kanila kasi pag tinatarget ka na nila tirahin mo lang sila sa mata para ma-cancel yung targeting animation nila syo. Pag dun naman sa mga naglalakad lang sa map, unahin mo banatan mga binti nila para masira at ma-disable sila agad tapos ganun pa din tira pa din sa mata. Puro ganun lang. Mas epektib kung may ancient arrows ka na (later mo na makukuha to) kasi laging one hit kills ang guardians using those pag diretso sa mata mo sila tirahin.
**** ****!
User avatar
bahtul
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 874
Joined: Thu Dec 31, 2009 10:22 am
PSN ID: blitz-j
Location: McKinley Taguig

Tue Mar 21, 2017 2:22 pm

Di pa ako ganun kalayo. Nakaka 24 shrines pa lang ako :bigmouth:. Kaya tuwang tuwa ako dun sa x3 na ++ weapons. OP sa level ko. Hahaha

Ano max stamina? Nag 1 full stamina circle muna ako bago ko sinimulan yung heart upgrade. Sulit na ba yun? Sagad ko na lahat heart next upgrades?
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Tue Mar 21, 2017 3:42 pm

bahtul wrote:
Tue Mar 21, 2017 2:22 pm
Di pa ako ganun kalayo. Nakaka 24 shrines pa lang ako :bigmouth:. Kaya tuwang tuwa ako dun sa x3 na ++ weapons. OP sa level ko. Hahaha

Ano max stamina? Nag 1 full stamina circle muna ako bago ko sinimulan yung heart upgrade. Sulit na ba yun? Sagad ko na lahat heart next upgrades?

hindi ko alam kung ano max stamina kasi puro hearts kinukuha ko. IMHO, mas maganda mag invest sa hearts kesa stamina kasi mag regenerate naman yun ng kusa pero ang hearts hindi. Meron din mga inn na pag kinuha mo yung special package nila meron ka bonus na consumable hearts or stamina bar (check mo yung screenshot ko, yun yung mga may dilaw na heart at stamina wheel at pag naubos sila need mo ng food buff or inn para makuha sila ulit). Isang beses lang ako ang uprade ng stamina sa buong gameplay ko at katiting pa. :sweat:

Ang kagandahan sa larong to is may pandaya sa hearts, subukan mo mag luto ng limang hearty truffle at instant 30 hearts agad yun hehe...

Para makarami ka din ng shrines unahin mo akyatin yung mga tower para matanaw mo kagad ang mga malalapit na shrine. Iilan lang naman kasi ang main quest tapos yung iba side quests na lang kaya hindi hassle maglibot.

Hayaan mo lang mabasag mga weapons na dala mo, wag mo tipirin kasi makakapulot ka pa rin naman ng iba at mas maganda pag nakalayo ka. :agree:
**** ****!
User avatar
bahtul
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 874
Joined: Thu Dec 31, 2009 10:22 am
PSN ID: blitz-j
Location: McKinley Taguig

Tue Mar 21, 2017 4:57 pm

Hardcore souls series player ako kaya sanay sa mababa buhay, mataas stamina bar! Kaya first investment ko eh full stamina circle, 2 circle in total na. 4 pa lang hearts ko. Hahaha. Para sa akin eh sulit naman mahabang stamina bar, Ang dami ko nang nalilibot at naaabot. Ang layo pa ng glide mo kaya daming mapupuntahan.

Grabe naman yung instant 30 hearts. Ang haba ng buhay mo nun! Hahaha

Nakaka-addict maghanap ng shrines sa larong ito. Dun ako natutuwa. Ganda pa ng mga puzzles. Di ko lang trip yung scanner nila. Hindi tutunog kung di ka kikilos :facepalm:
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Tue Mar 21, 2017 5:19 pm

bahtul wrote:
Tue Mar 21, 2017 4:57 pm
Hardcore souls series player ako kaya sanay sa mababa buhay, mataas stamina bar! Kaya first investment ko eh full stamina circle, 2 circle in total na. 4 pa lang hearts ko. Hahaha. Para sa akin eh sulit naman mahabang stamina bar, Ang dami ko nang nalilibot at naaabot. Ang layo pa ng glide mo kaya daming mapupuntahan.

Grabe naman yung instant 30 hearts. Ang haba ng buhay mo nun! Hahaha

Nakaka-addict maghanap ng shrines sa larong ito. Dun ako natutuwa. Ganda pa ng mga puzzles. Di ko lang trip yung scanner nila. Hindi tutunog kung di ka kikilos :facepalm:

ako naman hardcore monster hunter player kaya more on skills ako instead of gears haha... sanay na sanay din ako sa exploration kasi ugali ko na magkalkal sa bawat sulok ng mapa para lang maka ipon ng materials :sweat:.

Ang style ko is kahit hindi malayo ang abot ng glide ko then nilalakad ko na lang, dami pa ko nakokolektang resources along the way pag naglalakad lang. May mga shrine puzzles din ako na biglang madadaanan na hindi mo usually matatanaw midair kaya laking bagay mag travel on foot na lang din - sa ganitong way ako naka discover ng mga shrines na hindi usually napipick up ng shrine detector dahil naka baon pa sila.

Tsaka totoo yung hearty truffle na 5pcs kasi full recovery yan kagad pag nagluto ka nyan, laking bagay na may reserba kang ganyan lalo na pag may kakalabanin kang boss.

As for the shrine detector, hindi talaga tutunog yan pag hindi ka gumagalaw. Kelangan humakbang ka kahit isang step lang para sumagap yan. Nakaka detect lang yan PAG nakaharap ka sa direksyon kung saan located yung hinahanap mo.

May mga quest or shrines din ako na nilalagpasan lalo na pag hindi ko masolve. May isang motion control na shrine sa hateno na hindi ko matapos kahit gamitan ko ng stasis kaya iniwan ko na lang din. Marami naman kasing iba pa kaya hindi ko need pag ubusan ng oras ang isa haha...
**** ****!
User avatar
bahtul
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 874
Joined: Thu Dec 31, 2009 10:22 am
PSN ID: blitz-j
Location: McKinley Taguig

Tue Mar 21, 2017 6:34 pm

Eto character ko. Starting armor pa lang meron ako. Hahaha
Image
Last edited by bahtul on Tue Mar 21, 2017 6:51 pm, edited 1 time in total.
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Tue Mar 21, 2017 6:46 pm

ok lang yan pre, matagal ko din naging gamit yang armor na yan tapos upgrade na lang sa fairy para tumaas ang defense. Ang cute nga nyan pag naglalakad eh, tumutunog talaga yung bakal hehe... :sweat: At since may ice rod ka, may pandaya ka din dyan - freeze mo kalaban mo saka mo i-attack, mas malakas damage sa kanila ng ganun. Yung leaf na hawak mo pati torch hindi mo kelangan bitbit parati sa inventory mo, iilan lang ang practical use nyan tapos madali ka rin makakapulot ulit kaya di mo kelangan dalhin lagi yan.

Tyagain mo din maghanap nung mga korok seeds, kelangan mo sila para makapag upgrade ka ng inventory mo later on. Explore lang, marami sila at nagkalat pa, halos magkakalapit lang din ang location. Accdg online nasa 900 daw lahat-lahat ng korok seeds sa buong game pero ako naka 50+ pa lang ako sa buong laro ko.

Since may ancient weapons ka, gamitin mo sila against guardians para tumaas ang damage mo sa kanila. At kahit mabasag yan wala namang kaso, makakapulot ka ulit ng mga yan later on. Pero kung talagang ayaw mo masira agad yung mga tinitipid mong weapons then tyaga ka na lang mag remote bomb sa mga kalaban. :sweat:
**** ****!
VincH
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 3409
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

Sun Mar 26, 2017 7:20 pm

may mga frame drops daw sa Wii U version na annoying. mukhang mapapaaga bili ko ng Switch.
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sun Mar 26, 2017 7:22 pm

^sa switch meron din frame drops PERO hindi noticeable. I am playing purely on handheld and never tried it docked. :sweat:
**** ****!
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Tue Mar 28, 2017 6:01 pm

buti na lang nakita ko etong video comparison na to... :sweat: :lol: and makes me even prouder for zelda. :2thumbs:

**** ****!
User avatar
bahtul
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 874
Joined: Thu Dec 31, 2009 10:22 am
PSN ID: blitz-j
Location: McKinley Taguig

Wed Mar 29, 2017 7:08 am

Saan mahahanap yung naguupgrade ng inventory limit? Hindi ko pa rin sya nakikita eh nakaka +40hrs na ako :sweat: .

Saan ka rin pala nagfarm ng rupees? Gusto ko mabili lahat ng armor kaya lang kapos sa budget :bigmouth:
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Wed Mar 29, 2017 12:17 pm

bahtul wrote:
Wed Mar 29, 2017 7:08 am
Saan mahahanap yung naguupgrade ng inventory limit? Hindi ko pa rin sya nakikita eh nakaka +40hrs na ako :sweat: .

Saan ka rin pala nagfarm ng rupees? Gusto ko mabili lahat ng armor kaya lang kapos sa budget :bigmouth:

Si hestu, parang malaking brocolli sya. Mattyambahan mo sya sa labas mga stables. Nalimutan ko lang kung saan. Sa kanya mo ibabayad yung mga korok seeds pang upgrade ng inventory - weapon, bow at shield stash lang ang ma-upgrade nya.

Yung farm ng rupees madami naman way, luto ka ng puro karne tapos benta mo, farm ka din ng mga jewels tapos benta mo rin. Yung ginawa ko is yung bowling mini game. Hanapin mo yung link na binigay ko sa mga previous post ko. Kada strike 300 rupees agad yun kaya need mo lang is cold protection na gear.
**** ****!
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sun Apr 02, 2017 1:09 pm

sa lahat ng secrets na nadadaanan ko sa game na to, dito ako pinaka nagulat :sweat: ... and here i thought i've seen it all...
[source]

**** ****!
Post Reply