Ang Buhay Abroad

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
Post Reply
User avatar
Darkshader
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3031
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Noong nag ka work ako ng full time dito sa states nag travel ako kaagad. Kaya the first 4 yrs pumunta agad ako ng New York City (twice), Utah, Las Vegas, and Orlando Florida (Disney World). Sayang nga at hindi ko naisip umuwi ng pilipinas kaagad kasi 2 weeks lang vacation binigay sa akin every year the first 5 yrs sa company, naghihinayang kasi ako sa pamasahe ang mahal pauwi. Tapos ng nakauwi na ako ng 2005 sa pilipinas, naku every year na iyon hanggang 2010. Nag stop na lang kasi nandito na asawa ko sa states. Ngayon lang ako umuwi ulit ng 2014. Tsaka isang dahilan kaya ayaw ko umuwi dati ng pilipinas kasi ako lang mag-isa, wala akong katulong mag bayad sa gastusin ... gusto ko may kasama ako haha. Yari ako dahil sa dami ng kamag anak ko sa father side for sure kakantyawan ako, pero ako ang tipong tao hindi nadadaan sa kantyaw or mag papauto para malibre lang sila noh. Hirap kaya kitain ang pera sa amerika.

Ngayong may asawa na ako naisip ko pumunta sa Florida ulit or maybe Europe (England, France, Italy, Germany, Switzerland, Greece) or maybe Asia like Japan, Singapore and South Korea (ulit). Kaso hirap ngayong buntis na asawa ko baka mapunta ng ang pera kay baby.

I do agree na kung hindi ako nag buy ng videogames at nag collect ng mga toys and books for sure dami ko ng napuntahan. Sa dami ng pera na nagastos ko sa toys over the years, ano ba naman iyong $4,000 for sure na naka punta na ako ng Europe matagal na to tour around.

Okay din iyong mag cruise isa rin na gusto kong gawin. Dito naman ako nakatira sa San Francisco, malapit lang sa port ng tubig kaya either i can go to Alaska or South America cruise ship. Iniisip ko din pumunta ng Hawaii, tutal malapi lang din iyon sa California.

Sarap mag travel kaso walang pera haha. Kaya naiingit din ako sa mga flight attendant at mga nagwowork sa airlines, libreng flight every year.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

di hamak mas mahal mag photography kesa mag gaming hehe :sweat: :sweat: :sweat:
**** ****!
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

mas malaki naman yata ang kitaan sa raket sa photography kesa gaming e (pay for platinum) :sweat:
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
PitchBlack
Double Dragon
Double Dragon
Posts: 870
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

ngayon ko lang nakita etong thread ah.. hahaha.. ako naman wala pa ako exp. magwork abroad.. puro pleasure/vacation lang sponsored by my parents..hahah only child lang kasi ako.. yearly kami nagaabroad since 10yo ako (27 na ako ngayon) hehe pero napuntahan ko palang (8x HK, 6x taiwan going 7 this year, 1x SG, 1x china) yung SG lang sarili kong gastos kasi with friends yan.. kaya alam ko difference ng ibang bansa compare sa atin.. hehe..

hindi ko akalain doctor pala si @Seraph011 dito sa PH..hehe meron palang doctor mahilig sa gaming/toys...hahah..

if ever magwowork ako abroad gusto ko sa asia SG (kaso crowded na raw ng pinoy, tska mahigpit na, napansin ko rin na kupal mga singaporean).

sa taiwan naman ok din.. kasi pabalik balik na kami dun.. problema TEXT SPEAK VIOLATION factory worker lang hanap nila dun..

yung Japan/korea ok pero tour lang gusto ko dun.. kasi hindi ata sila marunong magenglish.. wag lang middle east takot ako ma-rape ng lalake (kung uso parin yan ngayon) hehe..

gusto ko din US, aus, new zealand, canada.. kaya lang mahina loob ko kasi mga "Puti" sila, nasanay ako sa mga asian.. hehe pag asian countries kasi hindi kayo nagkakalayo ng itsura.. pero pag purio "puti" parang di mo alam kung ano gagawin mo..haha

sa totoo lang may family business naman kami dito almost 70yrs na.. pero hindi ko talaga hilig or ayaw ko imanage yung business namin.. i know pinaghirapan ng grandfather ko pero baka pagdating sa generation ko (if ever ako nagtake over) ako sisihin pag nalugi.. sa mga magpipinsan kasi wala gusto mag inherit.. mother ko yung nagmanage nung namatay lolo ko.. 23yrs na nakalipas.. sabi ko if ever ako magmanage gusto palit business or sariling kong business.. kaso sabi ng mga uncle/auntie and parents ko hindi pa raw enough exp ko.. magwork muna ako sa iba.. i only have 2yrs exp. work sa (resorts world manila) hindi naman related sa gusto ko yung work ko dun.. after that 2.5yrs na ako tumutulong sa family business.. pero i realized hindi ko talaga gusto yung business namin..

kaya naisip ko baka need ko magwork abroad, kasi nababadtrip lang ako dito sa PH.. traffic, pollution, low salary, walang disiplina, corrupt govt, etc..

tanong ko, malaki ba natutulong ng TESDA? to work abroad? ok kaya sa hawaii or guam? or magcruise ship nalang ako? atleast nasa barko lang pero lahat ng countries maiikot ko..hehe..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Daniel wrote:mas malaki naman yata ang kitaan sa raket sa photography kesa gaming e (pay for platinum) :sweat:
true PERO you really have to know what you're getting into before ka kumita sa pag photography. I never tried to turn my hobby into a career, it simply takes the fun away. :lol:
**** ****!
User avatar
Darkshader
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3031
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

May mga kakilala ako na taga church namin nakapunta sila sa Australia noong 1990's Nag apply lang daw sila. Mabilis din petion wala pa daw isang linggo eh makukuha ka kung may petition ka sa kapatid mo sa Australia. Basta college graduate ka madali lang mag apply sa Australia. Now, not sure kung binago na nila iyon.

Pati sa Canada madali lang kung may mahahanapang employer. Ganon kasi classmate ko, hinanapan siya ng job ng auntie niya noong 2007 kaya nakapunta siya sa Canada. Iyong classmate ko naman ng elementary nakapunta din sila mag-asawa nag hintay sila ng 3 years yata when they file it. Kahit papaano may pag-asa time flies ika nga basta file mo lang.

Iyong Amerika ang petition sa kapatid aabutin ng 20-25 yrs, pero mga 5 yrs ago tinanggal na yata yon kaya hindi na puwede mag petition ng kapatid (maybe i'm wrong). Parents to child (10-15 years pag adult pag minor less than 1 year lang), Child to parents (1 year), and Spouse (1 year) ang tagal ng petition.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
PitchBlack
Double Dragon
Double Dragon
Posts: 870
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

karamihan ba sainyo hindi nag TNT? or tourist VISA? paano kayo naka punta abroad? or fiancee VISA? haha
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

nag-tourist visa lang. hirap maging tnt e. risk talaga yun. hehe
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
PitchBlack
Double Dragon
Double Dragon
Posts: 870
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

^
pano ka nagtourist visa? may kamaganak kaba dun? mahirap kasi pagwala.. wala ka matutuluyan na free.. unless nalang dami mong baon na pocket money..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

karaniwan merong kamag-anak. yung address nila ang nilalagay naming tutuluyan na lugar.

sa iba naman (europe, middle east), may ipapakitang booking na hotel. yung iba may hinihingi ring itinerary ticket, not necessarily bayad na basta proof na may schedule ng alis at balik.
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
Darkshader
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3031
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Sino ng nakapag tour sa Japan? ilang weeks kayo nag stay at saang place? Any tips kung saan maganda mamasyal?
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
PitchBlack
Double Dragon
Double Dragon
Posts: 870
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

@Daniel

ok.. at the same time naghahanap din kayo ng work dun while on vacation/tour? or karamihan sinasadya talaga? kasi mas madali kesa kumuha ng working visa?

yung friend ko kasi nagstay sa SG ng 1month (tourist visa) pero wala syang nahanap na work.. kaya sayang pocket money nya.. ganun din yung isang friend ko, may regular work na sya dun.. nung pinapunta nya asawa nya para maghanap ng work (tourist din) wala din nahanap/tumawag sa asawa nya.. kaya umuwi nalang ng PH asawa nya.. sya naiwan sa SG..


@Darkshader

japan ang pinka dream tour/vacation ng family namin.. makapunta lang kami dyan for vacation pwede na kami mamatay..hahaha for me buong japan sobrang ganda.. tska favorite ko ever since japanese food.. hindi ako nagsasawa..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

^^ yung sa US naghanap din kami ng work habang naka-tourist visa. yung iba willing mag-sponsor naman. madali rin naman kumuha ng trabaho kung di naman mapili yung maghahanap.

eventually kailangan din ng working visa para maayos yung papel. pag tnt lang kasi ang hirap kumilos. di makauwi ng pinas, hirap kumuha ng papeles, etc.

SirZap wrote:yang travel na yan. puro kuripot mga barkada ko at batchmate kaya wala naman akong makasama :lol:
api na naman mga friends ko :rofl: kaya I ended up walang travel after college. :facepalm:
ako na lang isama mo sa mga ganyang lakad pafs :lol:
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
PitchBlack
Double Dragon
Double Dragon
Posts: 870
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

@all

naka greencard/us citizen naba kayo?? ilan years inabot? tska thru petition or sariling sikap?
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

Yung citizenship usually 5 years pagkatapos magkaroon ng resident visa/green card.
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
Darkshader
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3031
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

PitchBlack wrote:@all

naka greencard/us citizen naba kayo?? ilan years inabot? tska thru petition or sariling sikap?

U.S. citizen father ko. So inabot lang ng 10 months petition kasi under age lang ako at that time wala pang 21 yrs old. Pag nag over 21 ka na aabutin ng 10-15 yrs ang petition bago ka makarating sa states. Pag married ka naman 20 - 25 yrs.

Now that you are living in the states as an immigrant and you want to apply as a U.S. citizen eto ang waiting time.
A. 18 yrs old below - automatic U.S. citizen ka na pag parents mo U.S. citizen. Kailangan mo lang ng change of status apply ka.
B. 18 yrs + You need to lived for 5 yrs as an Immigrant bago ka makapag apply for U.S. citizenship
C. Married to a U.S. citizen - kailangan mo lang mag hintay ng 3 yrs as an Immigrant at puwede ka na mag apply for U.S. citizenship.


Everytime i watch the show ni Atty. Gurfinkel daming bata ang nagsisisi dahil hindi sila nakinig sa parents nila. Naka petition sila noong under 21 yrs old sila pero hindi nila inasikaso kesyo gusto nila sa pilipinas dahil nandoon love life nila, nandoon barkada, may bahay naman sila, pinapadalhan lang sila ng pera ... etc etc. Ngayong over 21 yrs old na sila at married tsaka nila ma-realize na tama pala si mommy dapat pala pumunta na lang ako sa states. Sa huli ang pagsisi. Sabi ni Atty. Gurfinkel dapat kahit ganon ang sagot ng anak ninyo dapat file ninyo parin petition dahil malay ninyo magbago isip nila pag dating ng petition. Atleast hindi sayang ang "panahon" tumatakbo parin ang petition kahit 21 yrs over na sila. Kaso para sa mga anak na eto instead of 1 yr lang eh nakapunta na ng amerika ... aabutin na ng 10 - 25 yrs depende kung married sila or hindi ... hindi ba katangahan iyon? Pinili mo na malayo ka sa magulang mo at ma-stuck sa pilipinas.

Ayaw nga ako petition ng father ko dati kasi daw hindi kami makakatapos ng college tsaka mahal mag aral sa america. Imagine mo kung nag over 21 pala ako at tsaka pala file iyong petition eh aabutin ako ng 10 yrs. Eh hindi naman sila nagtatanong. Buti nalang pinaglaban ng mother ko at siya ang gumastos ng petition namin ng kapatid ko. Problema kasi din minsan ng mga immigrant parents hindi nagtatanong ng advice sa U.S. immigration. libre naman mag inquire.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
PitchBlack
Double Dragon
Double Dragon
Posts: 870
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

^
ah i see, kaya pala yung iba matagal.. above 21 na pala.. pano naman kung ikaw ang nauna kesa sa parents mo? pano mo sila pepetition matagal din ba? pag retired na sila mas madali ba?

gaya sa case ng asawa ng cousin ko.. yung asawa ng cousin ko since birth hindi nya nakita father nya dahil TNT sa US hindi pwede umuwi.. 29yo na sya ngayon (29y nya hindi nakita father nya).. tapos yung kapatid nyang babae pumunta sa US noon pa para magwork hangang sa maging US citizen at dun narin nagasawa.. tapos pinetition nya muna yung mother nila, ilan years din bago na petition (2yrs ago lang napetiton yung mother nila).. tapos next nya ipepetition yung kapatid nya (w/c is asawa ng cousin ko) ang problema dito sila nagpakasal sa PH.. kaya lalo daw mapapatagal yung petition nya.. kasi ipepetition din yung cousin ko..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
migs23
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 2154
Joined: Wed Jan 09, 2008 9:21 pm
PSN ID: migs23 and iamironman23
Location: San Francisco USA

Ako nakarating ako dito sa states dahil pinetition kami ng grand mother ko, nasabit lang ako kaya ako nakasama kasi nafile yung petition ng Dad ko nung 12 years old lang ako, may ruling pala ang US na pag ang pinetition mo ay may anak na minor, finfreeze nila yung age para makasama, blessing lang talaga kasi naapprove yung petition namin nasa 23 nako, pagdating dito nag apply ako agad as a QA Analyst sa games industry. Thankfully natanggap ako agad after 1 month of applying sa Bandai Namco, I worked there for 4 months, tapos unfortunately I was laid off dahil nag mass restructuring sila at the time.

I was unemployed for 2 months tapos tinawagan ako ng Job agency ko na ipapasok ako sa Nvidia as an on call boards analyst, I got hired and worked there for 3 years, may mga time na super slow ang dating ng work at dun nako nagisip na bumalik sa games industry, kinuha ako ng Pole to Win International as a QA tester din, it turns out Namco turned to outsourcing for their QA at ang hinihire nila ay Pole to Win lol, so I tested their games nanaman hehehe, tapos ngayon sa Konami nila ako nilagay.

Sipag at tiyaga lang talaga at hindi dapat humina ang confidence kapag na lay off ka, part na yun talaga ngayon dito dahil sa economy. Right now I'm learning game programming at game design na self study lang mahal kasi college dito eh hehehe kaya self study nalang muna.
PSN ID: iamironman23 and migs23-dad ko ang gumagamit
Nintendo Network ID: iamironman23
PS4 PRO 1tb
PS4 Arkham Knight Edition 2tb
Xbox One S 2tb
Nintendo Switch (Neon Blue/Red)
User avatar
Darkshader
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3031
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

@pitchblack

About your question. Kung 2 yrs palang iyong mother sa america ... eto gawin niya. Mag file na siya ngayon ng petition sa pinsan mo kahit immigrant lang siya. Huwag na niya hintayin maging U. S. CITIZEN siya dahil 3 yrs pa iyon. Kasi kailangan 5 yrs kang nakatira sa america bago maging US citizen.

File na niya ngayon para tumatakbo petition ng anak niya habang hindi pa siya citizen. Then after 3 yrs, tsaka mag apply na iyong mother ng citizenship. Then mag file ulit ng petition iyong mother ngayon citizen na siya. Kung bago dalawang petition iyong pinasa niya, magastos pero mapapabilis iyong dating ng anak niya. Ang gagawin lang ng US immigration is update iyong status at mas bibilis iyong pag dating ng petition. Then aawas nila iyong 3 - 4 yrs doon sa original date na pinasa ng mother niya. Medyo matagal parin you are seeing 15 to 25 yrs depende sa backlog ng U.S.immigration.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
PitchBlack
Double Dragon
Double Dragon
Posts: 870
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

@migs23

bro, yan ang gusto kong work QA analyst or computer networking.. kaso HRM grad ako dito tapos yung work exp. ko sa casino pa.. may pagasa pa ba ako magwork sa ganung field? gusto ko sa US/SG or any countries.. kaso 27yo na ako.. sayang panahon kung maaral ulit ako ng 2yrs course na IT.. pag vocational (months) ba tinatanggap ba sa ibang bansa? ano pala course mo?


@Darkshader

sige sabihin ko yan sa cousin ko, pero tanungin ko muna kung gusto ba nya magmigrate sa US na..haha anyway, sabay ba silang magasawa makakarating sa US? isa isa lang? 3yrs na kasi silang kasal pero wala pang anak.. mas hassle ba kung magkakaanak sila dito? o dapat sa US na?
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
Post Reply