The not so good things in the Philippines

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
Post Reply
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

deathzero23 wrote:being shopaholic is never good. I agree on that. But may mga kilala rin akong sobrang sinop na laki rin naman sa hirap.
well, you'd be surprised to know that most people claim that they don't pero ask them again when they start receiving about 50K pesos for OT pay alone. Di pa kasama monthly salary at tax refund and you'll see what I mean. Basta pera asahan mo magbabago ang tao nyan, mga tipong nag aaway na ang magpapamilya dahil lang sa hindi napamaskuhan ni ofw, yung mga dating kuripot pero todo painom halos every weekend lalo na pag uuwi pinas at masaklap pa, kung sino yung mga dating nakilala mong mababait sila pa ang nagiging ogag talaga kahit pa kamag anak :lol:

I guess its safe to say anybody would definitely go through that phase given the chance to do so. The point here is that having an extremely good pay is a good motivation to become an ofw pero do not let it become your only drive to leave your family. You really have to know for yourself na handa ka in all aspects kasi flying abroad actually dims your success rate and that is something not all people can willingly accept in them - kahit pa anong pagpapasa-diyos ang gawin nila.

I am just here trying to give the right mindset sa mga interesadong mag abroad kasi madaming unspoken rule about becoming one. Ang lagi mo lang maeencounter na info is yung mga nakapag-pundar ng ganito, ganire - halos puro materyal na bagay ang nakatali sa concept ng pagiging ofw pero wala pa yata ako nakitang nag discuss na about sa anong totoong nangyayari sa kalooban ng gusto or mga naging ofw na. Akala ng karamihan masarap dun pero ang totoo, kaming mga naging ofw ay hindi maituturing na bayani kundi mga alipin lang din pinagkaiba lang sa ibang bansa ay halos wala nang pantay na karapatan pantao tulad ng tinatamasa natin sa pinas....

and when you're on a foreign soil, kahit gaano pa kadami ang maging friends mo or magparamdam na kesyo they will always be there for you, deep inside, you will always be on your own. I have learned this the really hard way myself.
**** ****!
User avatar
Darkshader
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3031
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Ang pag aabroad talagang sugal iyan. Payo ko lang ko susugal ka kailangan gumawa ka ng research sa country at sa company na papasukan mo. Kung may company website sila mas maganda para makita mo description at company history nila. Halos naman lahat na google mo. You guys can check http://www.yelp.com kung ano naman ang rating ng mga customers nila. Ngayon kung maliit lang na company papasukan ninyo, medyo delikado kasi any time puwede magtanggalan depende sa income ng company. Unless may kakilala ka or kamag-anak ka na makakapag bigay ng info kung maayos iyong owner/employer na gusto mong pasukan.

So far sa iyong mga company sa U.S., Canada at Europe okay naman. Pero may mga ilan ilan na company na pagdating nila dito sa states eh hindi tama ang pasahod or kaya konti lang pahinga nila. Dapat ganon mag reklamo ka na sa Kinauukulan or punta ka sa Dept of Labor. Kaso problema tayo mga filipino tinitiis at hinahayaan lang mga ganon. Kaya mga puti or ibang lahi hindi nila maloko loko kasi talagang lalaban at isusumbong sila sa kinauukulan. YOU HAVE TO KNOW YOUR RIGHTS!

Tungkol naman sa mga filipino na mahilig magyabang at mag flaunt ng mga kanilang damit, alahas or gadgets. Depende na sa tao iyon at paano sila kagaling mag budget at mag manage ng finances nila. Ako hindi naman kami mayaman pero pinalaki ako ng magulang ko na mag tipid. Kaya inggit na inggit ako sa mga ibang bata na may pera or nabibili nila mga gusto nila. Kaya ng nakapunta ako sa states nag trabaho ako sa mcdonalds habang nag aaral sa college. Ako nag bayad ng tuition ko sa school, nag bigay ng pera sa gastusin sa bahay at nakabili ng videogames. Tapos after 7 yrs ayan nakahanap na ako ng magandang trabaho. Ayan na iyong bumibili na ako ng maganda damit, watch, at kumakain sa restaurant at may ipon na din sa bank at nakapag bakasyon na sa ibang parte ng amerika. My salary is still decent pero hindi ako gumagastos na mas malaki sa kinikita ko. Hindi rin ako palit palit ng cellphone ... every two or three years ako magpalit after the contract. Kasi ibang mga pinoy pag nakahawak ng pera, gastos dito gastos doon, iinom, mag susugal, kaskas ng credit card ... hindi ka nga makakaipon. Iyong iba naman pati ba naman iyong pagsasabong ng manok dinala sa amerika, ayon nahuli sila ng mga police mga tanga talaga. It doesn't matter kung resident ka ng isang bansa or OFW, basta alam mo ang priority mo pag nakuha mo suweldo mo hindi ka mababaon sa utang.

Kung middle east naman at punta medyo mahirap. Kaya kailangan mga pinoy doon magtulungan. Kaya mas maganda kung may kamag anak ka na mabuti na makakapag patuloy at sama sama kayo para menos gastos sa ano mang bagay. Iyong pagiging domestic helper medyo mahirap iyan ... tsambahan kung matino ba employer mo or hindi. Kung magiging domestic helper ka lang, medyo delikado lalo na kung middle east pa.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
deathzero23
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6274
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

..konting OT lang ha
may nakita akong article:
http://www.rappler.com/move-ph/balikbay ... ing-abroad
User avatar
PitchBlack
Double Dragon
Double Dragon
Posts: 870
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

wow dami ko sobran natutunan dito.. parang tinamad na ako magabroad..hahaha.. tska medyo OT na tayo.. maganda nga kung may sariling thread.. dapat kayo mag TS kasi mas mataas post rate nyo.. :grin:

naiintindihan ko bakit may ibang tao na umasenso sa ibang bansa ayaw na bumalik sa PH.. kasi pag umuwi sila puro aasa or hihingi nalang mga relatives or friends nila.. pag hindi binigyan magagalit.. pero may iba naman pabongga kung umuwi sa PH.. tapos panay gastos dito.. maganda talaga pa may sariling thread regarding life abroad.. :sweat:

isa yun sa mga napansin ko.. wala naman kasi kami relatives na nagwowork sa abroad.. karamihan nandito lang sa PH.. meron iba pero US/canadian citizen na sila noon pa iba naman nasa china.. fil-chi kasi kami, kaya karamihan ng relatives ko nandito puro may business.. tska lahat may kaya sa buhay.. and meron kami family business na 69yrs na (pero wala ako hilig sa ganung biz, gusto ko sarili ko or ibang concept)..

napanood ko kasi yung movie na "secret life of walter mitty" nakaka inspire yung ginawa nya.. kaya gusto ko mag abroad or travel (pleasure) baka mahanap ko yung hapiness and mas makilala ko sarili ko.. :lol:

nakaka inis kasi magbusiness sa PH.. lahat ginagaya nalang.. kung hindi ginagaya, ifafranchise nalang kaya ang tendency nagsasawa kagad mga pinoy.. ex. yung pearl shake or milk tea or yogurt, nagtayo lang yung isa nag gayahan na lahat sa buong PH.. kaya ang nangyari mabilis magsawa ang pinoy.. kaya ako hindi ako fan ng franchise lalo na yung nauso sa atin na food cart..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
deathzero23
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6274
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

RE: "Nakakainis Kasi Mag-Business sa PH"
^now you mentioned it. We're definitely back on topic hahaha.. Dami kasing process. Lalo na pag big businesses. Daan dito, diyan, doon tapos masama may under the table pa. Pag di ka nag-abot pahihirapan ka pa... Hmmm smells like Makati? hahaha..

Yan yung numero unong nirereklamo ng mga Foreign Businessmen.
User avatar
PitchBlack
Double Dragon
Double Dragon
Posts: 870
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

^
oo nga eh.. kaya konti lang nagiinvest dito sa atin na foreigners.. kaya nahihirapan din ako magisip kung ano ba papatok sa pinoy.. kasi parang boring mga pinoy eh.. parang walang ka taste-taste.. ex. kuntento na sila madaming kanin tapos konti ulam.. kuntento na sila kahit maliit lang sa servings or simple lang ang presentation ng food..

anyway, parang never pa pumasok sa isip ko na ang sarap maging pinoy or proud ako maging pinoy.. nung bata ako lagi ko sinasabi na sana pinanganak nalang ako sa US, Japan, EU, AUS, canada etc.. kasi parang mas astig dun (i mean yung mga 1st world countries lang hehe)..

kapag nanoood ako ng US tv shows, madalas sabihin ko gusto maging ganyan, gusto ko gawin yan, sana may ganyan sa atin, astig ng ginawa nya, meron palang ganyan dun.. etc.. hahaha parang idol na idol ko yung mga ibang bansa kesa satin..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
deathzero23
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6274
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

^It's more on culture preference/impression na yan. Ako rin ganyan din nung bata ako. Kasi naman lahat ng good stuffs aminin na natin eh pag gawang USA eh astig. Gamit na gamit yung word na "ORIGINAL". Sasabihin natin, sana ganyan dito sa Pinas.

May niligawan akong fil-chi. Eh yung girl medjo pro-pinoy at rebelde sa conservative 2nd gen-chinese parents. Sabi nya gusto nya pure pinoy dahil totoo sa nararamdaman at hindi parang "constricted" sa galaw ng ilang chinese conservative guys. Pinagbabawalan siya ng parents nya pumatol sa Pinoy dahil ang pinoy daw ay masyadong emotional. Ayaw nila ng emotional. Eh rebelde, sabi nya magaling magmahal ang pinoy hahaha..

we must be proud of our race no matter what. It runs in your flesh and blood. hindi dahil wala ang race natin ng mga ganitong bagay na meron ang ibang race eh it's not a heavy reason not to be proud. Just think of this way, GOD has reasons why he gave stuff to certain races that others don't have & vice versa.

Isa sa mga nakakainis na medjo related. Yung mga parents tinuturuang mag-english yung mga toddlers and kids nila. Ok lang yun. Pero ang nakakainis eh pag pinag-tagalog yung bata eh walang alam or sometimes slang. Worst scenario, slang ang tagalong paglaki kahit dito sa pilipinas pinanganak.
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

One thing na napansin ko sa ibang bansa, proud sila sa bansa nila, sa salita/wika nila, kahit na alam ng marami na may pangit din sa kanila.

Halimbawa, yung racing team may flag ng bansa nila sa kotse nila.

Marunong silang mag-English pero nagsasalita pa rin sila ng sarili nilang wika (Italian o Arabic o Malaysian o Chinese).

Agree ako na medyo may pagka-boring ang Pinoy. Hindi raw maituturing na pagkain pag walang kanin. Asian thing siguro ito. Masarap din naman kumain ng maraming ulam. Kaya nga tayo nag-aaral magluto nun e. :sweat:
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
Darkshader
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3031
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Nag punta ako ng SM north may nakita akong couple nag date sila. Iyong girl may itsura at mayaman siguro ... biglang pinakinggan ko siya kung paano mag salita ... english at tagalog na may kaartehan gayang gaya doon sa tv sitcom na "please be careful with my heart" iyong anak ni sir chief na babae. Na artehan ako ... magsasabi ng "wow" and "oh really". Ok lang mag taglish pero to the point na aartehan hindi maganda.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
PitchBlack
Double Dragon
Double Dragon
Posts: 870
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

@deathzero23

fil-chi din ako (100% pure chinese blood) and karamihan din mga relatives ko puro chinese din napangasawa (whether full blood or atleast half) may iba pure pinoy naging asawa pero iilan lang.. mostly may chinese blood dapat.. pang 3rd gen na ako na lumaki dito sa PH.. since medyo modern and na mix na yung traditional ng chinese and Pinoy sa fil-chi community.. marami narin talaga nagkaka partner ng pure pinoy.. even my friends na hindi mo akalain na ganun.. aside from being conservative.. kaya ayaw ng fil-chi sa mga pinoy.. kasi pagnaging asawa mo na pati buong pamilya aasa din sayo.. unless nalang mayaman or may kaya sa buhay yung pinoy.. kasi diba ang mindset ng pinoy kapag fil-chi mayaman na kagad or even ibang nationalities.. hindi ba kakapit or iba ginagamit lang nila or puro hingi, etc..


@Daniel

ang japan ba nasakop na ng US? or naging allied lang talaga? or talaga sobrang pride and proud lang ng mga japanese.. pero bakit yung guam and hawaii diba english narin salita nila? tingin ko kaya ganyan din sa atin kasi sinakop tayo ng US, tapos spanish kaya may konting spanish yung tagalog.. pero bakit kaya sa japanese wala tayo nakuhang ugali..

medyo OT: mas ok ba magwork sa guam or hawaii kesa US mimso? magkano kaya rate dun sa guam/hawaii? and chance na makapag work dun?
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Darkshader wrote:Nag punta ako ng SM north may nakita akong couple nag date sila. Iyong girl may itsura at mayaman siguro ... biglang pinakinggan ko siya kung paano mag salita ... english at tagalog na may kaartehan gayang gaya doon sa tv sitcom na "please be careful with my heart" iyong anak ni sir chief na babae. Na artehan ako ... magsasabi ng "wow" and "oh really". Ok lang mag taglish pero to the point na aartehan hindi maganda.
Minsan nakaka badtrip talaga...Lalo na sa panahon ngayon ang dami ng feelingera't feelingero...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
skp_16
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 10555
Joined: Tue Jul 15, 2008 4:36 am
PSN ID: skp7_13
Location: Greenhills, San Juan

PitchBlack wrote: nakaka inis kasi magbusiness sa PH.. lahat ginagaya nalang.. kung hindi ginagaya, ifafranchise nalang kaya ang tendency nagsasawa kagad mga pinoy.. ex. yung pearl shake or milk tea or yogurt, nagtayo lang yung isa nag gayahan na lahat sa buong PH.. kaya ang nangyari mabilis magsawa ang pinoy.. kaya ako hindi ako fan ng franchise lalo na yung nauso sa atin na food cart..
Para sa akin "not so good" nga yan kasi imbes na mag isip ng bagong concept, gagayahin tapos ite-tweak nalang.

example:
Si Juan Dela Cruz nag bukas ng milk tea shop (specialty is big chewy pearls) tapos after a while si Pedro Reyes naman nag bukas ng milk tea shop (specialty is big crunchy pearls). :bigmouth:
.......
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

DarkRushBeat wrote:
Darkshader wrote:Nag punta ako ng SM north may nakita akong couple nag date sila. Iyong girl may itsura at mayaman siguro ... biglang pinakinggan ko siya kung paano mag salita ... english at tagalog na may kaartehan gayang gaya doon sa tv sitcom na "please be careful with my heart" iyong anak ni sir chief na babae. Na artehan ako ... magsasabi ng "wow" and "oh really". Ok lang mag taglish pero to the point na aartehan hindi maganda.
Minsan nakaka badtrip talaga...Lalo na sa panahon ngayon ang dami ng feelingera't feelingero...
mas nakaka inis yung mga nag call center agents na wala sa lugar mag inggles. ppwede naman mag tagalog na lang baket kelangan pa mag inggles :lol:
**** ****!
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4617
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

kailangan nilang mag-praktis... sorry kahit ako matagal na ako sa industry kailangan pa rin ng praktis
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
deathzero23
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6274
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

skp_16 wrote:
PitchBlack wrote: nakaka inis kasi magbusiness sa PH.. lahat ginagaya nalang.. kung hindi ginagaya, ifafranchise nalang kaya ang tendency nagsasawa kagad mga pinoy.. ex. yung pearl shake or milk tea or yogurt, nagtayo lang yung isa nag gayahan na lahat sa buong PH.. kaya ang nangyari mabilis magsawa ang pinoy.. kaya ako hindi ako fan ng franchise lalo na yung nauso sa atin na food cart..
Para sa akin "not so good" nga yan kasi imbes na mag isip ng bagong concept, gagayahin tapos ite-tweak nalang.

example:
Si Juan Dela Cruz nag bukas ng milk tea shop (specialty is big chewy pearls) tapos after a while si Pedro Reyes naman nag bukas ng milk tea shop (specialty is big crunchy pearls). :bigmouth:
Milk Tea.. Alam ko nauna diyan eh si Ersao.. Now all eyes are for Chatime, Gong-Cha or SereniTea.
Yun yung masakit.. Ikaw yung Pioneer, tapos ang yumaman at mas nakilala yung Nanggaya.
User avatar
xgh0st12x
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 2281
Joined: Wed Jan 16, 2008 5:49 pm
Location: Paranaque

Kahit sa anong anggulo natin tingnan, inherent na sa pinoy ang gaya gaya putomaya culture.
Image
PSN ID (PS4): Gh0st0fSparta12 XBL GT (XB1): xgh0st12x NNID (WiiU): xgh0st12x
Pamilya, trabaho, ehersisyo, home tyeter, bidjo geyms. Copy paste hanggang kamatayan.
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

xgh0st12x wrote:Kahit sa anong anggulo natin tingnan, inherent na sa pinoy ang gaya gaya putomaya culture.
Korak....

On topic...

Nakakabwisit yung madaling madali ka (either papasok sa work or pauwi na), tapos yung public transport mo (either Jeep, Multicab or FX, or Tricycle), e halos tigilan na bawat kanto at halos maghintay sa wala para lang me makasakay sa kanila..
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
Mandac8
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 4415
Joined: Sat Jul 10, 2010 4:37 pm
PSN ID: Mandac_08
Location: 台灣 No Man's Land
Contact:

Most People Think That if Your Staying/Working Abroad Your Already Rich. :facepalm:
"Riding is my LIFE.
Anything that happens
before or after is
just Waiting."
User avatar
skp_16
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 10555
Joined: Tue Jul 15, 2008 4:36 am
PSN ID: skp7_13
Location: Greenhills, San Juan

deathzero23 wrote: Milk Tea.. Alam ko nauna diyan eh si Ersao.. Now all eyes are for Chatime, Gong-Cha or SereniTea.
Yun yung masakit.. Ikaw yung Pioneer, tapos ang yumaman at mas nakilala yung Nanggaya.
Pero sa tingin ko ganyan talaga sa business world. Do the same but make it better.

Examples:
Apple phones vs Samsung phones
Globe vs Smart
ABS-CBN vs GMA (8pm parehong drama, 9pm parehong reality show, 10pm parehong comedy, 11pm parehong news)
.......
User avatar
ShadowoftheDarkgod
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 1015
Joined: Mon May 21, 2007 6:14 am
Location: Ryoko Owari

Tama paps ganyan talaga sa business.

Yung kaibigan kong Chinese sabi nya sa akin kung gusto ko nga daw makipag compete sa isang may business:

a) gayahin mo yung product as in gayang gaya. kung gano sya kasarap ganun din kasarap
b) tapatan mo yung presyo
c) pag talo ka pa din babaan mo price mo saka magdagdag ka

natawa ako pero nung nakita ko nga yang mag milk tea na yan at yung mga zagu nakita ko na tama nga sya
And remember kids:
the more posts you have, the bigger your pens is.
PSN ID: ShadowoftheDark
Post Reply