Page 49 of 97

Re: Nintendo Switch

Posted: Mon Jul 31, 2017 8:52 am
by grayfox17
may MH naman talaga na lalabas next month...yun nga lang japanese sya. :sweat:

Ang gusto ko makita dito sa switch is fighting games. :2thumbs:

Nintendo Switch

Posted: Mon Jul 31, 2017 3:29 pm
by jdmpal
Gusto ko makita srw mainline hehehe

Image
Sent from my iPhone using Tapatalk

Re: Nintendo Switch

Posted: Tue Aug 01, 2017 2:50 pm
by grayfox17
^uy, naunahan ako mag post ng news about MH ... :bigmouth: looks like someone's excited... :lol:

Nintendo Switch

Posted: Tue Aug 01, 2017 3:20 pm
by jdmpal
Hanggang demo lang ako..bibili ako pag may wast release hehe
Image

Sent from my iPhone using Tapatalk

Re: Nintendo Switch

Posted: Tue Aug 01, 2017 3:56 pm
by grayfox17
bakit kaya ganun? revelations ang laging pinoport pero yung RE4,5,6 hindi mailagay sa handheld... :sweat:

Re: Nintendo Switch

Posted: Tue Aug 01, 2017 4:15 pm
by jdmpal
Baka prefer nila na may multi on to go hehe

Re: Nintendo Switch

Posted: Tue Aug 01, 2017 5:12 pm
by grayfox17
honestly natuwa ako sa balita na ipoport ang REV1&2 sa switch kasi it only means one thing - kaya ng hardware yung graphics. Eto siguro yung napabalitang article recently na parang nag ramp up ang capcom na mag port ng mga titles nila sa switch.

Re: Nintendo Switch

Posted: Tue Aug 01, 2017 6:09 pm
by Seraph011
Uy magandang balita yung REV 1 at 2 na yan, isa yan sa mga naenjoy ko na RE games sa 3DS! Sigurado mas maganda laruin yan sa Switch lalo na at dual analog na.

Nag ember din nga ako sa pinoy-n sa fb para dagdag sagap sa news...nakakaenganyo kasi andaming parating sa switch. May nakita ako dun na post na may awang yung switch niya near the power / sleep area...as in may space na noticeable talaga between the case. Meron ba sa inyo na may ganun? Napa check ako nung akin at buti na lang wala, kung meron nakaka paranoid kasi.

Re: Nintendo Switch

Posted: Tue Aug 01, 2017 6:20 pm
by grayfox17
sa kin merong gap tulad ng nasa pic (yung sa taas, between the L shoulder button and the power button)... not that it bothers me kasi iniisip ko na lang baka intentional design talaga yun.

Ang iniingatan ko is wag hawakan yung unit ng isang kamay lang tapos parang naka-balanse sa joycon. Kahit na tiwala akong matibay yung pagkaka-lock ng joycon at ng unit mismo parang may feeling na baka mag snap sya at anytime... :sweat: I usually hold my unit sa body mismo.

I dont mind replaying RER2 pero hindi mo na ko mapapalaro ulit ng RER1, badtrip ako dun sa babaeng monster na hindi mamatay matay. :sweat:

Image

Re: Nintendo Switch

Posted: Tue Aug 01, 2017 6:54 pm
by Seraph011
Yun din sabi nung isang taga p-n..na intentional siguro yun but i honestly doubt na it is...wala pa ko nakita na device na sadyang may gap sa casing, kung kelangan ng exhaust eh siguro naman eh lalagyan na lang nila ng vent instead of maging questionable yung design nila sa case.

Dami ko din nakikita na nagrereklamo pala satin about dead pixels...and how you can't get a replacement sa mga stores. I know its not really a defect as long as it doesn't hamper the use of the product or in the switch's case disrupt gaming pero kahit papano, naisip ko na buti dito eh hindi mahirap mag soli ng mga gamit. Basta may receipt kahit bukas pa medyo madali mag soli,kadalasan no auestions asked naman.

Re: Nintendo Switch

Posted: Tue Aug 01, 2017 7:16 pm
by grayfox17
Ang sakin lang, as long as my device is working fine and its not giving me any noticeable problems when im using it then there shouldn't be a problem. Siguro sinuwerte na lang din ako sa unit na nakuha ko considering na launch day buy pa naman to at partida never ko pa tinesting sa store nung araw ng pagkuha ko ng unit ko - since nag PO ako, pagkabayad diretso alis, pinagtitinginan pa ko ng mga nakapila kasi sila ilang oras nag aantay samantalang ako walk in lang tapos meron kagad unit na inabot sa kin.

Marami talaga mareklamo kahit sa kaliit-liitang bagay - kung sino pa yung wala at hindi makabili sila pa yung wagas kung makareklamo at magagaling maka-puna ng mga hindi naman dapat ginagawang big deal. Pero tingnan mo yung mga may pambili, may nirereklamo ba sila, wala naman di ba?

Re: Nintendo Switch

Posted: Tue Aug 01, 2017 7:38 pm
by Seraph011
Haha buti pala nag preorder ka..dito sa US pahirapan pa din makabili, swerte na lang pag nakakita ka sa gamestop,walmart, target o kung san man. Usually yung iba bibilin para lang ibenta ng mas mahal online.

Anyway, kung ako siguro nakakuha ng ganun na unit,malamang ipapapalit ko din...ma- OC kasi ako sa mga ganyan na bagay lalo na pag dating sa gadgets. Maliban sa maingat, ayaw ko talaga ng may defect/gasgas or ano pa man yung ginagamit ko...hehe pero ako lang yun, di ko alam kung ganun din sa ibang mga tao. Naalala ko tuloy yung sa 3ds noon about having 2 kinds of screen and 1 being better than the other...sa Vita din ata nagkaroon ng ganun pero sa later models na na hindi OLED yung ginamit na display.

Re: Nintendo Switch

Posted: Tue Aug 01, 2017 7:49 pm
by grayfox17
Dito sa pinas nagkaron din ng shortage pero saglit lang. After 1 month nung medyo bumaba ang hype dun ko napansin na medyo nagkaron ng mga available units sa mga local stores - ang problema lang, masyado mahal kasi nag forced bundle ang distributor. Ni halos wala ka mabibilhan ng stand alone unit lang that time, laging may kasamang 2 games pero dun sa kinuhanan ko may offer na unit+1 game so yun ang pinatos ko. Mga bandang MAY ko lang napansin na meron nang mga stores na nagsisimula magbenta ng unit lang at syempre mas mura na sya kumpara nung launch.

Yang sa vita dami rin nagreklamo sa OLED screen nya pero nung nilalaro ko wala naman ako problema. Kung tutuusin hindi ko bibitawan vita ko kung tuloy tuloy sana ang magagandang games for it kaso nilaglag sya ng sony. Last game na nilaro ko sa vita ko before I sold it was RER2.

Re: Nintendo Switch

Posted: Wed Aug 02, 2017 4:59 pm
by jdmpal
Sana m port din Yung tomb raider para may ala uncharted ang switch hehe

Re: Nintendo Switch

Posted: Wed Aug 02, 2017 5:24 pm
by grayfox17
^nagkaron lang ng switch andami na gusto iport oh! :bigmouth: dahan-dahan mahina ang kalaban... :lol:

Re: Nintendo Switch

Posted: Wed Aug 02, 2017 5:43 pm
by jdmpal
Wahahaha :lol:

Re: Nintendo Switch

Posted: Wed Aug 02, 2017 5:50 pm
by grayfox17
^sulitin mo muna ang zelda brad..marami rami ka pang pwede magawa dyan. :bigmouth:

Re: Nintendo Switch

Posted: Wed Aug 02, 2017 5:56 pm
by jdmpal
grayfox17 wrote: Wed Aug 02, 2017 5:50 pm ^sulitin mo muna ang zelda brad..marami rami ka pang pwede magawa dyan. :bigmouth:
Hindi ko pa tapos eh...dami pang hahanapin hehe

Re: Nintendo Switch

Posted: Wed Aug 02, 2017 6:26 pm
by grayfox17
jdmpal wrote: Wed Aug 02, 2017 5:56 pm
grayfox17 wrote: Wed Aug 02, 2017 5:50 pm ^sulitin mo muna ang zelda brad..marami rami ka pang pwede magawa dyan. :bigmouth:
Hindi ko pa tapos eh...dami pang hahanapin hehe
kayanin mo nyahaha! :lol: :sweat:

Re: Nintendo Switch

Posted: Thu Aug 03, 2017 12:10 pm
by grayfox17
.. laking bagay din talaga ang pagiging region free ng switch - walang kaproble-problema mag digital :2thumbs:

Digital version of NBA 2K18 for Switch still on track for launch, physical version pushed to the fall