DO NOT USE TEXT SPEAK!!!
-
- Motor Toon Grand Prix
- Posts: 38
- Joined: Sat Jan 10, 2009 1:07 am
sya, nya at nyo hindi text speak yan (weird nga, sya at TEXT SPEAK VIOLATION parehong 3 letters, bakit minali pa ng C?)
nla is text speak
"iy" at "y" medyo transparent yan sa tagalog
rohz tama ka ninyo nga mali yung niyo at mas lalo naman sigurong mali ang NYO?
nag eenforce kayo nang rules bakit hindi ninyo ilista kung ano ang textspeak at hinde
Last edited by yegor on Wed Feb 18, 2009 10:44 am, edited 1 time in total.
- Tracer1
- Primal Rage
- Posts: 8165
- Joined: Thu Mar 13, 2003 1:27 am
- Location: Sa tabi-tabi lang
- Contact:
Magiging tama ang NYO... kung may may apostrophe... dapat N'YOyegor wrote:rohz tama ka ninyo nga mali yung niyo at mas lalo naman sigurong mali ang NYO?
PS3 Rulez!!!
"Boycott Chinese products!"
"Boycott Chinese products!"
-
- Motor Toon Grand Prix
- Posts: 38
- Joined: Sat Jan 10, 2009 1:07 am
Tracer1 wrote:Magiging tama ang NYO... kung may may apostrophe... dapat N'YOyegor wrote:rohz tama ka ninyo nga mali yung niyo at mas lalo naman sigurong mali ang NYO?
OO nga tama kung may apostrophe. pero mali pa rin ang NYO NYO NYO
- godlykdude
- Motor Toon Grand Prix
- Posts: 38
- Joined: Mon Jun 04, 2007 10:54 am
- Location: Perth, Australia
- Contact:
Bakit kailangan pang paglaanan ng sandamakmak na pagpuna at karampatang pagbubulay-bulay ang usapin ukol sa pagdadaglat ng mga salitang Filipino na sa tingin nati'y maaari namang gawing mas simple at mas madaling maunawaan at di na kailangan pang pagisipan ng malalim upang maarok ng diwa? Ang tamang pag babaybay sa mga salita ay hindi naman gawaing maituturing na seryoso sa Panitikan man o sa sa pang-araw-araw na diskurso ng mga Pilipino. Dapat nating maunawaan na ang linguahe ay daynamiko, nagbabago, parang organismong may-buhay, nadadagdagan, nababawasan, namamatay tulad ng isang bagay na may buhay. Tulad ng Latin na isa nang Linguaheng maituturing nang patay kung kaya't ito ang ginagamit ng mga pontipa sa Roma, wala nang iba pang pakahulugan sa salitang Latin, di na nababago pa ng panahon, wala ng idadagdag o ibabawas, absoluto ang kahulugan ng bawat salita. Sa katulad na argumento, ang wikang Filipino, ang Lingua-Franka ng mga nakatira sa Pilipinas, sa kagyat ay tinatawag ding Tagalog ng marami, na sa kabuuang katotohanan ay malaking bahagi lamang ng wikang Filipino, ito ay may kakayahang magbago, madagdagan, mabawasan mag ibang anyo tulad ng isang bagay na may buhay. Kung kaya, sa pakiwari ko ay kung katanggap-tanggap sa karamihan na ang pagdadaglat ay isang bariyasyon ng pakikipagtalastasan sa wika na naiintindihan naman ng karamihan, maaari naman natin itong ituring na isang pagbabagong anyo ng wikang nakasanayan na natin.
:whoa: :whoa: :whoa: :whoa:
:whoa: :whoa: :whoa: :whoa:
- rohz
- Primal Rage
- Posts: 3924
- Joined: Sat Jul 12, 2008 8:49 pm
- PSN ID: therohz
- Location: Tyria
meron na akong na ecounter na ganito.yegor wrote:ha pano naging see ya? sino naman pinoy magttranslate ng see ya ang siya?
nagreply sa akin: "k TEXT SPEAK VIOLATION!"
mistranslation: okay siya
proper translation: okay, see ya!
At tinawanan pa ako noong tinanong ko kung bakit "TEXT SPEAK VIOLATION" ay "see ya". Kasi daw ang siya ay "xa".
____________________________________________________________________________________________________
<(_)> You have earned a trophy.
_/ _\_ Resurrection

- jmsv
- Silverload
- Posts: 892
- Joined: Wed Jan 16, 2008 12:39 pm
agree ako doon sa nagsalita nang malalim. dynamic nga ang language so nagbabago talaga nageevolve, pero yoon yung rules dito kaya walang magagawa.
pero naisip ko rin kung magevolve man ang tagalog hindi dapat paurong hindi dapat pabobo yung progress hehe.
kumabaga nagiging ibang dialect na ang text speak hehehe, feeling ko nga nadiscriminate ako nung nahuli ako magtext speak eh. hahaha! peace
pero naiintindihan ko na. kasi rule yoon eh.

LAKERS SUCKS!
You Miss 100% of the Shots You Never Take
-
- Motor Toon Grand Prix
- Posts: 38
- Joined: Sat Jan 10, 2009 1:07 am
alam ko naman kung ano textspeak e. kaso hindi ko lang maintindhan kung anuano ang mga textspeak dito sa pps.
textspeak ba pagbinawasan ang letra o pagpinalitan. pero tama si tracer1 ang nyo magiging tama lang kung n'yo haaaayyyy pero ok lang yan pagnagtextspeak ako may warning naman
textspeak ba pagbinawasan ang letra o pagpinalitan. pero tama si tracer1 ang nyo magiging tama lang kung n'yo haaaayyyy pero ok lang yan pagnagtextspeak ako may warning naman
- rohz
- Primal Rage
- Posts: 3924
- Joined: Sat Jul 12, 2008 8:49 pm
- PSN ID: therohz
- Location: Tyria
Nadali mo!jmsv wrote:agree ako doon sa nagsalita nang malalim. dynamic nga ang language so nagbabago talaga nageevolve, pero yoon yung rules dito kaya walang magagawa.
pero naisip ko rin kung magevolve man ang tagalog hindi dapat paurong hindi dapat pabobo yung progress hehe.
kumabaga nagiging ibang dialect na ang text speak hehehe, feeling ko nga nadiscriminate ako nung nahuli ako magtext speak eh. hahaha! peace
pero naiintindihan ko na. kasi rule yoon eh.
Totoo na buhay ang wikang Filipino pero mayroon pa rin gumagabay sa kanyang paglaki. May mga organisasyon tulad ng U.P. Linguistics Department na nagpupulong at nagdedesisyon kung ano ang mga salita na maaaring baguhin o isalin sa wikang Filipino.
Last edited by rohz on Wed Feb 18, 2009 4:04 pm, edited 1 time in total.
____________________________________________________________________________________________________
<(_)> You have earned a trophy.
_/ _\_ Resurrection
____________________________________________________________________________________________________
<(_)> You have earned a trophy.
_/ _\_ Resurrection
____________________________________________________________________________________________________
- blah_angel
- Primal Rage
- Posts: 978
- Joined: Fri May 30, 2008 9:40 pm
- PSN ID: blah_angel
- Location: Gotham City
- Contact:
Maraming salamat po kay SirZap dahil sa kanya na correct ko yung habit ko na "TEXT SPEAK VIOLATION"
psn id: blah_angel
Sometimes, truth isn't good enough, sometimes people deserve more. Sometimes people deserve to have their faith rewarded.
Sometimes, truth isn't good enough, sometimes people deserve more. Sometimes people deserve to have their faith rewarded.
-
- - Kick this player?
- Posts: 6511
- Joined: Sun Dec 05, 2004 1:38 am
Ika nga ni Lyz3r, "No to text speak. Save our vowels!"
- SirZap
- Big Daddy
- Posts: 4617
- Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
- PSN ID: SirZapp
welcome! at dahil dyan tatawagin ko si a.... ah.... sino nga ba?blah_angel wrote:Maraming salamat po kay SirZap dahil sa kanya na correct ko yung habit ko na "TEXT SPEAK VIOLATION"
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
- blah_angel
- Primal Rage
- Posts: 978
- Joined: Fri May 30, 2008 9:40 pm
- PSN ID: blah_angel
- Location: Gotham City
- Contact:
psn id: blah_angel
Sometimes, truth isn't good enough, sometimes people deserve more. Sometimes people deserve to have their faith rewarded.
Sometimes, truth isn't good enough, sometimes people deserve more. Sometimes people deserve to have their faith rewarded.
- godlykdude
- Motor Toon Grand Prix
- Posts: 38
- Joined: Mon Jun 04, 2007 10:54 am
- Location: Perth, Australia
- Contact:
Sa aking personal na pananaw ay hindi din ako payag at labag na labag sa aking kalooban na tanggapin na ang ating sosyedad ay patungo na sa "kabobohan" na naidudulot ng tinatawag na "text speak" o ang pagdadaglat ng mga salita. Ako ay sumasang ayon na sa abot ng ating makakaya ay ating isalba ang ating wika, mga patinig na "a,e,i,o,u" na maituturing na biktima ng pagdadaglat na ito. Sang ayon din ako ng sandaang kaputol na nararapat lamang na ipatupad sa ating talastasang ito na ipagbawal ang pagdadaglat kagyat sapatin ang pagbabaybay ng mga salita mapa Filipino man o Ingles. Hangga't makakayanan natin ay ating dapat na pahalagahan ang tamang paraan ng pagsusulat ng ating mga salita.
Bagamat, subalit, datapawat, dumadating sa punto ng panahon na ang isang wika ay maituturing na nasa dulo na ng kanyang hangganan. Kung ating matatandaan ay ganitong paraan, (kung paano mo binabasa ang tekstong ito) magsalita ang mga Pilipino noong nakaraang siglo. Hindi ba't parang katawa-tawa sa panahon ito na makabasa ka ganitong sulatin tulad ng aking ibig na ipahiwatig sa panulat na ito? Bagaman ang aking layunin ay makapagpatawa , sa kailaliman ay may nais na ipahatid na mahalagang mensahe at naway mabatid ng marami, na kahit pa gaano natin pilitin, kahit gaano pa natin sukulin, ay hindi natin maitatanggi na ang pagbabago ay narito na. Kung paanong naglaho sa diwa ng mga Pilipino ang tunay na alpabetong Pilipino, na madalas na tawaging alibata ( http://www.mts.net/~pmorrow/bayeng1.htm ), kung paanong nabago ang paraan ng panulat ng mga tao sa Ehipto, kung paanong naging katanggap-tanggap ang wikang Taglish, at ang Linguahe ng mga nasa ikatlong kasarian, sa malao't madali ay magiging bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagdadaglat ng mga salita.
Kung mayroon mang sa atin na tututol sa aking mga tinuran ay maaari lamang na unawain ang nauna ko nang binaggit sa simula pa lamang ng tekstong ito. Ako ay hindi sangayon sa pagdadaglat, ngunit isa itong realidad na tanggapin man natin o hindi ay kusang magpapatuloy sapagkat ang wika ay may buhay.

Last edited by godlykdude on Thu Feb 19, 2009 12:54 pm, edited 2 times in total.
- jmsv
- Silverload
- Posts: 892
- Joined: Wed Jan 16, 2008 12:39 pm
hehe alibata. what if yoon parin ang paraan pag nagsusulat tayo hehehe!
kasalanan yan ng kastila kung ano ano tinuro satin hahahaha!
pero sa buong Pilipinas alam ng mga Pilipino na "No Spain, No Gain"
kasalanan yan ng kastila kung ano ano tinuro satin hahahaha!
pero sa buong Pilipinas alam ng mga Pilipino na "No Spain, No Gain"
LAKERS SUCKS!
You Miss 100% of the Shots You Never Take
- rohz
- Primal Rage
- Posts: 3924
- Joined: Sat Jul 12, 2008 8:49 pm
- PSN ID: therohz
- Location: Tyria
You're talking about jargon and colloquialism. Taglish, being a colloquial language, is allowed here because we are not expressing ourselves through formal speech or writing. Aside from our discussions being informal, everybody is familiar with the words used in both Filipino and English. Now gay speak, being a jargon, is only limited to a certain group or collective. Surely if you started writing like that here only a select few would understand you. Now text speak is somewhere in the middle and for the benefit of mutual comprehension, it is best not to use it here. Sure, there might come a time where "xa" will replace siya, but now is not that time nor is this the place...godlykdude wrote:...kung paanong nabago ang paraan ng panulat ng mga tao sa Ehipto, kung paanong naging katanggap-tanggap ang wikang Taglish, at ang Linguahe ng mga nasa ikatlong kasarian, sa malao't madali ay magiging bahagi na ng kulturang Pilipino ang pagdadaglat ng mga salita.
Kung mayroon mang sa atin na tututol sa aking mga tinuran ay maaari lamang na unawain ang nauna ko nang binaggit sa simula pa lamang ng tekstong ito. Ako ay hindi sangayon sa pagdadaglat, ngunit isa itong realidad na tanggapin man natin o hindi ay kusang magpapatuloy sapagkat ang wika ay may buhay.
Last edited by rohz on Thu Feb 19, 2009 6:38 pm, edited 1 time in total.

Peace!