Page 1 of 1

Usapang Probinsya

Posted: Sat May 20, 2017 10:19 pm
by Daniel
Simple ang buhay sa probinsya.

Mas malamig at malinis ang simoy ng hangin.

Mas mura ang pagkain.

Maraming probinsya dito sa atin. 81 lahat. May magkakapareho ng mga dialects. Merong English ang salita at walang masyadong Tagalog.

Provincial rate ang sweldo. Magkano kaya ang pinagkaiba nun ng may kaparehong trabaho sa Manila? Lampas 5k? 10k?

Sana kung provincial rate ang sweldo, provincial rate din ang tax. Para na rin ma-decongest ang Manila.

May mga pagkain na nakadikit sa pangalan ng probinsiya. Lucban longganisa, Vigan longganisa, Bicol Express, atbp

Sa probinsya nandun talaga ang magagandang mga beach.

Ano kaya yung mga probinsya na dapat mapuntahan ng bawat Pinoy kahit 1 beses?

Puro nasa Manila ang balita at mga developments (urban, business, etc) at bakit hindi ganun sa probinsya? Kaya masikip sa Manila e. Sa Tagaytay may mga ilan-ilan na ring mga condominium na tinayo.

Parang The Travel Thread na yata ang dating nito. :D

Re: Usapang Probinsya

Posted: Sun May 21, 2017 12:20 am
by grayfox17
Advantage:
- simple ang buhay
- presko ang hangin
- wantusawa sa mga homecook na lutuin
- di problema ang mga ingredients
- payapa ang paligid
- mura ang bilihin
- madaling pakinabangan ang mga bakanteng lupa
- maeenjoy mo ang mga okasyon tulad ng piyesta, pasko, etc.
- walang problema mag outing anytime lalo na pag malapit sa beach
- madali makapanligaw ng probinsyana :twisted:

Disadvantage:
- malayo sa siyudad
- hindi lahat ng amenities available
- hindi lahat ng hospital ay kumpleto ang medical facilities
- yung mga common sa maynila medyo hard to find at mamahalin pagdating sa probinsya
- just like sa city, pag wala ka pinagkakakitaan patay ka rin
- mahirap ang signal (tv,wifi,cel)
- makikitid ang utak at jologs ang mga taga probinsya
- common ang brownout at pag minalas-malas ka pa matatagalan bago ma-restore
- mahirap masasaklolohan pag may sakuna (bagyo, landslide, etc) tapos sa liblib na lugar ka nakatira
- mahirap ang commute unless may sarili kang vehicle
- ikaw ang aabalahin ng mga kamag anak na taga siyudad na luluwas para magbakasyon (lalo na pag ikaw lang yung kilala nila sa lugar nyo)
- mga aswang at kung ano-ano pang masasamang elemento o laman lupa

Re: Usapang Probinsya

Posted: Sun May 21, 2017 6:27 am
by parokyano
parang di magandang generalization na kapag probinsyano.. jologs at makitid ang utak.. elitist ang dating..

Re: Usapang Probinsya

Posted: Sun May 21, 2017 2:48 pm
by DarkRushBeat
Take it from me, who's been living here in Batangas for the last 8 years....

Pros

- Kahit papano, malamig ang hangin & medyo sariwa pa, lalo na yung mga areas na malapit sa mga farms, or madami puno...
- Malapit sa mga private resorts, hindi mahirap mag book kapag meron team building, family outing, etc etc...
- Kahit papano meron pa rin mumurahin bilhin dito, kagaya ng 10.00 na pansit, pang tawid gutom na rin yun if you're on a budget
- Madami friendly na tindera sa palengke lalo na sa fruits section
- Mas maganda mag urban gardening dito compared to the cities...Mas me chance magbunga ng maayos ang tanim mo...
- Hindi nawawala dito ang SM vs Robinsons Malls na mortal feud
- Madami rin chicks.
- Kung tipid sa budget, marami small scale shops dito, na nagtitinda ng mga glassware, appliances, school supplies, etc etc. Parang Divisoria din ang price, majority of these items come from China..
- Sobrang lamig dito kapag Ber months na, sa sobrang ginaw you have to shut the windows...
- Walang MRT or FX dito na kailangan ipag init ng ulo mo...UV express meron..
- Gawa na ang 1st condo dito by 2019

Cons

- Madalas mag brownout
- Me lasa ang tubig sa gripo (kaya i don't drink tap water here)
- Malas mo kapag napadpad ka sa kagaya ng area ko, maingay sa gabi sa videoke ng mga lintek na kapitbahay.
- Madami din asong gala
- Minsan me mga aswang or tiktik kapag me buntis sa compound
- Ma-traffic din (although not EDSA-like)
- Maalikabok din
- Walang humps ang mga residential area kaya ang mga hunghang na naka motor ayun harurot to the max, lalo pag gabi
- Namimili rin ng pasahero ang mga tricycle drivers dito (feeling taxi drivers)
- Pag inabot ka ng gabi sa daan, malas ka. Hindi sa adik, kundi sa sobrang dilim. Meron mga areas dito na meron nga poste, ninenenok naman ang mga ilaw.
- Uso dito ang 1 malaking compound, then magkakapatid or magkakamag anak ang nakatira...
- Kapag me handaan, expect mo na meron mga taong hindi mo kilala na basta na lang susulpot at makiki kain
- Kapag me handaan, meron pang garapal na me dalang plastic bag at nag ta take out ng handa ng kusa. Galing.

Re: Usapang Probinsya

Posted: Tue May 30, 2017 8:45 am
by SirZap
ako balak ko talaga sa probinsya mag-retire.

Re: Usapang Probinsya

Posted: Tue May 30, 2017 3:03 pm
by DarkRushBeat
SirZap wrote: Tue May 30, 2017 8:45 am ako balak ko talaga sa probinsya mag-retire.
Ako i'm never going back to Manila...Kahit papano mas ok naman dito...Pero pagtanda ko ganito sana gusto ko...

Image

Re: Usapang Probinsya

Posted: Fri Jun 02, 2017 11:34 pm
by Sn@kemaru
Yun ibang managers sa amin na medyo malapit na mag-retire ay nakakuha or kukuha ng lupa sa probinsya. Balak din nila na dun na mag-stay after retirement nila. Magbubukid / magtatanim / poultry / livestock na lang daw sila.

Re: Usapang Probinsya

Posted: Sat Jun 03, 2017 7:19 am
by Daniel
Kung hindi lang ako gamer, gusto kong tumira sa probinsiya, yung malapit sa beach. :D

Re: Usapang Probinsya

Posted: Tue Jul 03, 2018 5:00 am
by Daniel

Re: Usapang Probinsya

Posted: Thu Jul 05, 2018 7:40 pm
by DarkRushBeat
I spoke with my brother-in-law dati...Gusto na nya magretire & mag buhay probinsya na lang din...

Re: Usapang Probinsya

Posted: Fri Jul 06, 2018 4:45 am
by Daniel
Malamig ba sa mga probinsya na medyo mabundok? Yung mga tipong Laguna at Batangas?

Re: Usapang Probinsya

Posted: Fri Jul 06, 2018 9:32 pm
by flipsflops
Daniel wrote: Fri Jul 06, 2018 4:45 am Malamig ba sa mga probinsya na medyo mabundok? Yung mga tipong Laguna at Batangas?
Our house is in Santa Rosa Laguna, malapit sa Nuvali. 40 minute drive pa Tagaytay. Its usually a few degrees less kumpara sa Manila. Mahangin pa.

Re: Usapang Probinsya

Posted: Sat Jul 07, 2018 9:09 pm
by DarkRushBeat
Daniel wrote: Fri Jul 06, 2018 4:45 am Malamig ba sa mga probinsya na medyo mabundok? Yung mga tipong Laguna at Batangas?
Yeah. Lalo na dito sa Batangas..Specially kapag Ber months na...Dumadating ang point sa sobrang lamig we had to close the windows...

Re: Usapang Probinsya

Posted: Sun Jul 08, 2018 1:51 am
by Daniel
tipid sa kuryente a. hindi na siguro kailangan mag-aircon. :mrgreen:

Re: Usapang Probinsya

Posted: Mon Jul 09, 2018 2:39 pm
by Oink McOink
Sa Manila, di pa hinog yung puno ng prutas eh pinipitas na ng mga tambay/ shady people. Dito sa Laoag, kusa na lang nahuhulog mga prutas kasi public tree so wala napitas. It's a testament on not just how respectful people are but how abundant food is sa probinsya.

Re: Usapang Probinsya

Posted: Mon Jul 09, 2018 3:23 pm
by Daniel
Naiisip ko nga minsan, mas maigi yata mag-maintain ng mga probinsya ang Pilipinas e, kesa sa malaking cities. :sweat:

(Ang laki ng Metro Manila pero 4 lang ang linya ng tren, hindi pa lahat mapupuntahan. Masikip na nga, nagdadagdag pa ng mga condominium. Dagdag tao lang, hindi naman nadagdagan ang public transport.)

Re: Usapang Probinsya

Posted: Mon Jul 09, 2018 7:58 pm
by z3kEn
come and visit my hometown san fernando City, la union:D

pros:
- San juan beach/
- thunderbird casino :D
cons: Traffic

Re: Usapang Probinsya

Posted: Mon Jul 09, 2018 10:15 pm
by SirZap
Daniel wrote: Mon Jul 09, 2018 3:23 pm Naiisip ko nga minsan, mas maigi yata mag-maintain ng mga probinsya ang Pilipinas e, kesa sa malaking cities. :sweat:

(Ang laki ng Metro Manila pero 4 lang ang linya ng tren, hindi pa lahat mapupuntahan. Masikip na nga, nagdadagdag pa ng mga condominium. Dagdag tao lang, hindi naman nadagdagan ang public transport.)
di ba sabi nga ni Architect Palafox de-congest na lang Metro Manila.

http://www.gmanetwork.com/news/news/nat ... ies/story/