VincH wrote: ↑Mon Mar 20, 2017 7:00 pm
^maswerte ka at gamer din si misis. nakakaintindi sa atin hehe
hehehe. pero may disadvantage din kasi minsan hindi ako nakakahawak sa controller kapag game niya ang nakasalang.
Ako naman ang bumibili ng games namin. Ako na rin ang pumipili ng games na pwede sa kanya at sa tingin ko ay magugustuhan nya. Once lang sya nagbigay ng pera sa akin para bilhin yun gusto nya game.
Yun Until Dawn at Life is Strange nga ay backlogs ko pa pero natapos na niya yun story mode ng mga yun.
May mga times na gusto ko magpahinga pero gigisingin ako nun at isalang ko raw yun game nya.
Pero kahit na ba gamer din ang wife ko, hindi naman ako abuso sa paglalaro. Syempre, bigayan lang din kami ng time. Kung gusto nya manood ng TV, nood ng TV. Kung gusto nya... yun na.