Page 1 of 4

Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 12:59 am
by Daniel
Masarap ang Chinese food. Pero iba raw ang lasa ng Chinese food dito kesa sa mga Chinese na bansa tulad ng Singapore, at least yung galing North Park.

Pag Chinese, dapat Chinese rin daw ang mapangasawa?

Lahat ng produkto ngayon gawa sa China. Sila raw ang susunod na pinakamayamang bansa.

Bakit kaya kailangan pa nilang angkinin ang mga islang malapit sa bansa natin? Dahil sa langis? Baka pekein lang din nila e.

Yung Beijing kapareho lang ng oras natin.

Kung may tinatawag na Intsik beho, ano yung beho? Paumanhin sa mga miyembro nating Tsinoy.

Ang Hong Kong ba parte pa rin ng China? Tinatawag ba silang Hongkongese?

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 6:58 am
by DarkRushBeat
Pati pala Salt napepeke na rin sa China e...

Sheesh, what these people won't do to make a living

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 8:12 am
by grayfox17
Hindi lahat ng lutong instik eh masasarap. Mukha lang masarap pero wala pala lasa. Medyo sablay din ang ugali at hygiene ng mga taga mainland, yung tinatawag na PRC.

Tsaka meron nga ko narinig na running joke galing sa mga katrabaho kong singaporean-chinese dati, sabi nila, in china there is no such thing as copyright - there is only copy IS right.

:sweat:

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 8:28 am
by Daniel
Kwento ng 1 tour guide sa Hong Kong, lahat sa PRC fake. Sa HK orig.

Talaga pati asin may peke na rin? Saan naman kaya nila ginawa yun?

Kung sila na ang superpower sa buong mundo, e di lahat ng mga creative works kopya kopya na lang.

Google na nga lang blocked pa sa kanila. Gumawa pa sila ng sarilng Google at YouTube. :lol:

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 10:05 am
by deathzero23
Wala yatang twitter eh.. may sarili sila. Weibo yata..

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 10:53 am
by grayfox17
Ang tanging kabilib-bilib sa mga intsik, para sa kin, is yung mga diskarte nila sa business.......

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 10:56 am
by deathzero23
Yun lang... yung style ng pagtutulungan nila sa kapwa negosyante.
Ewan ko ba sa ilang pinoy hirap i-adapt ang ganung style sa negosyo.
Yung iba kasi tingin sa ka-negosyo kalaban din. hahaha..

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 6:06 pm
by Daniel
Yung Weibo nila yung parang Facebook.

Nasa ugali rin daw nating mga Pinoy na tribo-tribo. Halimbawa mga taga-North hindi masyadong kasundo mga taga-South.

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 7:22 pm
by grayfox17
Daniel wrote:Yung Weibo nila yung parang Facebook.

Nasa ugali rin daw nating mga Pinoy na tribo-tribo. Halimbawa mga taga-North hindi masyadong kasundo mga taga-South.
kalokohan. dami ko tropa sa bandang monumento tsaka las pinas eh cool naman kami lahat....

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 7:40 pm
by Daniel
grayfox17 wrote:kalokohan. dami ko tropa sa bandang monumento tsaka las pinas eh cool naman kami lahat....
mas north at south. mga tipong ilokano tapos bisaya?

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 7:46 pm
by grayfox17
depende na siguro yun

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 8:27 pm
by skp_16
Ayon sa mga travel blogs na nabasa ko, ibang iba ang Chinese food sa China kesa sa ibang bansa. Mas masarap daw sa China.

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 8:35 pm
by grayfox17
in general ok ang chinese foods pero dalawa klase lang ang madalas mo ma-encounter - yung medyo matabang or super anghang lalo na dun sa authentic ones. Pag nasubukan mo yung original talaga na siopao, siomai at noodles nila talagang maninibago ka, sobrang layo sa mga natitikman mo dito sa pinas pa lang. Ultimo mga omelette at stir fried delicacies nila kakaiba. And to really get the chance to taste yung mga sobrang masasarap, antay ka ng chinese new year, dun talaga they spare no expense when it comes to food. :2thumbs:

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 9:46 pm
by Sn@kemaru
Dahil sa ginagawa ng Chinese government sa pag-angkin ng mga isla natin at pambubully nila sa mga fishermen at coast guards natin, nabasawan na ang pagmamahal/paghanga ko sa anything Chinese.

Boycott Chinese Products!

Sa tingin nyo, hindi kaya sinasadya nila magpasok ng mga synthetic na bigas dito sa atin para malason ang mga mamamayan?

Re: Usapang China

Posted: Wed Jul 08, 2015 10:31 pm
by Daniel
di naman siguro. di lang siguro sadya. pero meron din kasing mga laruang pambata na may chemicals kaya di talaga pwedeng isubong bata.

Re: Usapang China

Posted: Thu Jul 09, 2015 3:41 am
by skp_16
Mas gusto ko mag travel sa mainland China kesa sa Beijing at Shanghai.

Re: Usapang China

Posted: Thu Jul 09, 2015 8:24 am
by deathzero23
^Great Wall of China.. Ok na siguro yun..

Re: Usapang China

Posted: Thu Jul 09, 2015 10:59 am
by grayfox17
papalag ang mga investors nyan pag binoycott natin ang mga chinese products...

Re: Usapang China

Posted: Thu Jul 09, 2015 2:45 pm
by DarkRushBeat
Paano na CD R king pag nag pullout ang Chinese investors?

Re: Usapang China

Posted: Thu Jul 09, 2015 4:12 pm
by Daniel
Japan Home Center na lang :D

Re: Usapang China

Posted: Thu Jul 09, 2015 6:00 pm
by VincH
Kung may tinatawag na Intsik beho, ano yung beho? Paumanhin sa mga miyembro nating Tsinoy.
may kasunod pa ito. tulo laway. intsik beho, tulo laway.

wala naman ata ibig sabihin yan. racist at mapanlait lang naman talaga mga pinoy :lol:

Re: Usapang China

Posted: Thu Jul 09, 2015 6:03 pm
by VincH
deathzero23 wrote:Yun lang... yung style ng pagtutulungan nila sa kapwa negosyante.
Ewan ko ba sa ilang pinoy hirap i-adapt ang ganung style sa negosyo.
Yung iba kasi tingin sa ka-negosyo kalaban din. hahaha..
pag marunong ka mag chinese mas malaki matatawad mo :mrgreen:

Re: Usapang China

Posted: Thu Jul 09, 2015 6:48 pm
by grayfox17
DarkRushBeat wrote:Paano na CD R king pag nag pullout ang Chinese investors?
sinong aassemble ng mga gadgets natin kamo pag nag pullout sila?

Re: Usapang China

Posted: Thu Jul 09, 2015 7:21 pm
by Sn@kemaru
Nakakainis lang na totoo mas maraming china made tayo ginagamit ngayon at di hamak na mura din.
Yun ba inaabuso/binu-bully tayo yet wala tayo magawa kundi tangkilikin pa rin ang products nila.
No choice ba?

Nahuli na ba kung sino yun nagbebenta ng synthetic na bigas sa Davao? Sabi daw ni Duterte ipapalamon daw niya yun pekeng bigas sa kumag na yun.

Re: Usapang China

Posted: Thu Jul 09, 2015 11:10 pm
by Daniel
Both China and Taiwan have S.China Sea obligations, says Beijing
http://news.yahoo.com/both-china-taiwan ... Redirect=1