Re: Usapang Negosyo
Posted: Thu Dec 08, 2016 9:19 pm
Basta pera nakakasilaw talaga. May mga tauhan kami na ok naman sa umpisa mula pa noon, as in madaling mabarkada at sunod kagad sa utos mo pero katagalan humahaba na rin ang sungay. Either impluwensya ng mga matatagal nang empleyado or kakilala. Malala yan pag pamilyado yung tauhan so pag nahulihan yan, idadahilan nyan eh ginawa nya dala ng pangangailangan kasi may pinag-aaral sya. Syempre hindi natin pwede i-contest yun pero ang sisi dyan dun sa tauhan na gumawa ng kupit kasi pwede naman makiusap na bumale ng pera sa amo pero bakit kinailangan pang kumupit di ba?
Epekto din to ng cost cutting. Tulad ng mga small scale na negosyo, dahil maliit lang sila so kaya lang nilang kumuha ng mga 1 or 2 tao lang. At syempre bare minimum ang pasahod sa mga yun. Kukuha si amo ng tauhan na taga probinsya na mababa lang pinag aralan tapos aabutan lang ng 200 per week. Eventually bibilinan ni amo si tauhan sa paghawak ng pera hanggang sa darating yung time na hahayaan minsan ni amo na iwan sa tindahan si tauhan bilang bantay so may tendency na matutuksong kumupit yan kasi makikita nya yung mga malaking halaga without thinking about the consequence na kung mahuhuli ba sya or what. Importante, makadampot sya ng pera pambili ng gusto nya at hindi sya mahuhuli.
Dito sa min, parang free for all ang pera dito. Malayang nakakadampot ang mga tauhan sa kaha ng halos wala nang paa-paalam. Hihingi sa erpats ko ng pang-gasolina or pamalengke or pambili ng ulam tapos wala nang balikan ng sukli. Alam ng tatay ko lahat yun pero hinahayaan na lang kasi alam nya na pag pinagalitan nya or pinalayas nya mahihirapan ngayon kumuha ng panibagong tao. Apektado ang production time at dagdag pasahod na naman. Para sa kanya, highly impractical ang option na magpatanggal ng tao dahil para sa kanya isang maliit na bagay lang yun. Matatagal na rin mga tao namin so alam na nila halos lahat ng gawain dito. Everytime inuungkat ko to dati lagi sa kanya, parati lang sinasabi sa kin na pagdating sa pera eh manahimik na lang daw ako. And that's exactly what I've been doing even up to this very day.