Usapang Negosyo

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Thu Mar 10, 2016 8:18 pm

ako rin hindi na ko babalik sa dating line of work ko, maganda nga sahod ko noon pero literally sabog ka naman sa pagod. Dito sa family business namin im still learning the ropes inside and out. Kahit na mahirap ang ginagawa magaan pa rin sa loob kasi nakakagalaw at nakaka diskarte ako sa paraan na gusto ko araw-araw. Kahit na tambak ang paperworks tapos madaming kelangan asikasuhin ng sabay sabay oks lang kasi masaya ako sa environment na ginagalawan ko ngayon. :agree:

For the longest time, ngayon ko lang naeenjoy yung mga basic privileges na never ko naranasan dati since i started working professionally.
**** ****!
User avatar
nayj
PlayStation
PlayStation
Posts: 994
Joined: Sun Mar 01, 2009 9:57 am
PSN ID: nReiz
Location: -.-. .- ...- .. - .

Fri Mar 11, 2016 8:47 am

Gusto ko rin mag simula ng negosyo. Kaso ang hirap iwanan ng benefits na nakukuha ko from my office work. Any tips kung paano makaka bwelo? Thanks!
---
"Nothing is true. Everything is permitted."
---
Currently Playing:
Nioh (PS4)
User avatar
jsnepo
- Kick this player?
Posts: 6555
Joined: Sun Dec 05, 2004 1:38 am
PSN ID: jsnepo
Location: Marikina
Contact:

Fri Mar 11, 2016 12:05 pm

grayfox17 wrote:ako rin hindi na ko babalik sa dating line of work ko, maganda nga sahod ko noon pero literally sabog ka naman sa pagod. Dito sa family business namin im still learning the ropes inside and out. Kahit na mahirap ang ginagawa magaan pa rin sa loob kasi nakakagalaw at nakaka diskarte ako sa paraan na gusto ko araw-araw. Kahit na tambak ang paperworks tapos madaming kelangan asikasuhin ng sabay sabay oks lang kasi masaya ako sa environment na ginagalawan ko ngayon. :agree:

For the longest time, ngayon ko lang naeenjoy yung mga basic privileges na never ko naranasan dati since i started working professionally.
Yup! Masarap yung diskarte mo ang nasusunod. Lalong masarap kapag gumana ang diskarte mo. Siyempre, observe observe pa din. Market pa din ang nasusunod sa ganitong negosyo.
<(  )>  You have earned a trophy.
_/   \_  PERFECT REVENGEANCE
Getting back without exposing intention.
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Fri Mar 11, 2016 6:40 pm

nayj wrote:Gusto ko rin mag simula ng negosyo. Kaso ang hirap iwanan ng benefits na nakukuha ko from my office work. Any tips kung paano makaka bwelo? Thanks!
mag ipon at magplano. mahirap ang magiging adjustment kasi kung dati nasanay ka na sa kinsenas na sahuran tapos halos wala kang take home na trabaho pero pag sa sariling business kelangan lang maaga pa lang mai-set mo na expectations mo na halos wala kang magiging pahinga at bakasyon tsaka barya-barya lang kinikita mo sa umpisa. At kung dati kahit pumalpak ka sa trabaho walang nagbabago sa sweldo mo pero sa business pag hindi ka kumilos, literal wala kang kakainin. Ihanda mo na rin sarili mo kasi once you have started to put up a business, dun mo lalo malalaman kung gaano kabulok ang gobyerno natin ...
**** ****!
User avatar
nayj
PlayStation
PlayStation
Posts: 994
Joined: Sun Mar 01, 2009 9:57 am
PSN ID: nReiz
Location: -.-. .- ...- .. - .

Fri Mar 11, 2016 6:46 pm

grayfox17 wrote:mag ipon at magplano. mahirap ang magiging adjustment kasi kung dati nasanay ka na sa kinsenas na sahuran tapos halos wala kang take home na trabaho pero pag sa sariling business kelangan lang maaga pa lang mai-set mo na expectations mo na halos wala kang magiging pahinga at bakasyon tsaka barya-barya lang kinikita mo sa umpisa. At kung dati kahit pumalpak ka sa trabaho walang nagbabago sa sweldo mo pero sa business pag hindi ka kumilos, literal wala kang kakainin. Ihanda mo na rin sarili mo kasi once you have started to put up a business, dun mo lalo malalaman kung gaano kabulok ang gobyerno natin ...
Salamat sa info paps! Malaking tulong ito para maihanda ko sarili ko sa binabalak ko. Exciting yung challenge na haharapin. :2thumbs:
That gobyerno part is spot on. Hindi pa ako nag negosyo, ramdam ko na talaga na kulang pa ang kakayahan ng gobyerno natin.
---
"Nothing is true. Everything is permitted."
---
Currently Playing:
Nioh (PS4)
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Fri Mar 11, 2016 7:29 pm

tsaka ser, ipapayo ko lang syo yung sinabi sa kin ng erpats ko nung nagsimula sila ng business back in the 70's: wag mo biglain ang pagtayo ng business. pag isipan mo talaga kung alin ang mas practical para syo - example na lang kung ang iba minamaliit lang ang mga karinderya sa tabi-tabi, magugulat ka pag nalaman mo na mas malaki ang kinikita ng mga yan sa isang buwan kumpara sa mga minimum wage office worker kahit pa ibawas mo ang expenses.

Siguro ang pinaka magiging challenging part sa pag business is yung mga tauhan mo. Napakahirap magtiwala maniwala ka.
**** ****!
User avatar
nayj
PlayStation
PlayStation
Posts: 994
Joined: Sun Mar 01, 2009 9:57 am
PSN ID: nReiz
Location: -.-. .- ...- .. - .

Mon Mar 14, 2016 9:01 am

Thanks uli! Yun ang isa sa mga challenges na naiisip ko. Ang hirap na maghanap ng pagkakatiwalaan ngayon.
---
"Nothing is true. Everything is permitted."
---
Currently Playing:
Nioh (PS4)
User avatar
jsnepo
- Kick this player?
Posts: 6555
Joined: Sun Dec 05, 2004 1:38 am
PSN ID: jsnepo
Location: Marikina
Contact:

Mon Mar 14, 2016 11:45 am

True. Kaya ako bantay ng shop eh. Wala pa naman din akong pasuweldo ngayon. Third week na namin. Sa rate ng kita namin ngayon, breakeven na kami sa monthly bills namin. We just need more daily regulars.
<(  )>  You have earned a trophy.
_/   \_  PERFECT REVENGEANCE
Getting back without exposing intention.
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Mon Mar 14, 2016 12:00 pm

jsnepo wrote:True. Kaya ako bantay ng shop eh. Wala pa naman din akong pasuweldo ngayon. Third week na namin. Sa rate ng kita namin ngayon, breakeven na kami sa monthly bills namin. We just need more daily regulars.
matanong ko lang ser, anong format ng shop mo? internet shop ba yan?
**** ****!
User avatar
jsnepo
- Kick this player?
Posts: 6555
Joined: Sun Dec 05, 2004 1:38 am
PSN ID: jsnepo
Location: Marikina
Contact:

Mon Mar 14, 2016 12:06 pm

PS4 sir... Dito siya sa tapat ng Ateneo, likuran ng Shakey's.

Image
Image
Image
Image
Image
<(  )>  You have earned a trophy.
_/   \_  PERFECT REVENGEANCE
Getting back without exposing intention.
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Mon Mar 14, 2016 12:22 pm

^niiiiccceeee.... :2thumbs: love what you did to the place, lounge ang dating. Bukod sa mga consoles, fully furnished na ba yang pwesto nung nakuha mo o ikaw na nag ayos dyan? Madalas din ako sa mga ganyang lugar dati nung nagsisimula mauso ang mga ps1 na palaruan, isang makakakapag palakas dyan is to hold tournaments, kahit isang console lang ang allotted pwede na.

Eto additional tips pandagdag kita lang lalo na pag tumagal tagal na ng kaunti ng business mo:
-benta ka ng mga gaming merchandise, kahit mga damit lang muna tapos 10 pcs lang ang stock pansamantala. Uso ngayon yan. Nagkalat yung mga murang pagawaan ng mga tshirts, mugs, posters etc tapos magpasadya ka nalang. Damay mo na rin ang pinoyps kung sakali. :lol:
- benta ka din ng bnew games mismo - patungan mo na lang presyo.
- magpa -eload ka, malakas din to
- benta ka tsibog or kape

suggestion lang naman etong mga to ser, tagal ko na rin kasi naisip mag venture sa ganyan kaso hindi natuloy dahil dito sa manila may city ordinance na bawal magtayo ng mga ganyan pag malapit sa mga school premises, tatlong school pa naman malapit sa min kaya nauwi na lang ako sa family business hehe :sweat: :lol:
**** ****!
User avatar
jsnepo
- Kick this player?
Posts: 6555
Joined: Sun Dec 05, 2004 1:38 am
PSN ID: jsnepo
Location: Marikina
Contact:

Mon Mar 14, 2016 12:27 pm

Kami nagpaayos... kami lahat actually. May mga giniba, sinementuhan, pintura, lighting, kisame na paleta, etc kaming ginawa. We actually invested more in the renovation of the place than the electronics. My wife and I did the design using home.by.me para di na kailangan pa ng architect. May kilala kaming contractor na pulido naman gumawa.

We have plans for the business. We're not stopping in just the rental side of things. Long term yung plans namin. First, we need for the business to be self sufficient then we can probably hire someone to help for me and my wife to focus on venturing on what can be added.

Patulong na lang din sa pag-like at share. Eto FB page namin, facebook.com/spawnpointph
<(  )>  You have earned a trophy.
_/   \_  PERFECT REVENGEANCE
Getting back without exposing intention.
User avatar
nayj
PlayStation
PlayStation
Posts: 994
Joined: Sun Mar 01, 2009 9:57 am
PSN ID: nReiz
Location: -.-. .- ...- .. - .

Sat Mar 19, 2016 11:37 pm

Nice lounge! Panalo yung wooden pallets sa kisame.
---
"Nothing is true. Everything is permitted."
---
Currently Playing:
Nioh (PS4)
User avatar
jsnepo
- Kick this player?
Posts: 6555
Joined: Sun Dec 05, 2004 1:38 am
PSN ID: jsnepo
Location: Marikina
Contact:

Sat Mar 19, 2016 11:44 pm

The ceiling is my wife's idea. Mura lang ang paleta eh.
<(  )>  You have earned a trophy.
_/   \_  PERFECT REVENGEANCE
Getting back without exposing intention.
User avatar
Tibarn
PlayStation
PlayStation
Posts: 16153
Joined: Fri Mar 28, 2008 10:21 pm
PSN ID: jhai_radikz
Location: Valenzuela City

Sun Mar 20, 2016 2:59 pm

...nice ng shop mo jsnepo. goodluck sa business, sana dumami pa regulars mo. :agree:
Image
Currently Playing:
PS3: none Switch: SM Odyssey, NBA2K18,Xenoblade Chro. 2
PS4: FF15, Uncharted 4, RE7 FC: SW-8583-1421-4426
User avatar
DarkRushBeat
PlayStation
PlayStation
Posts: 6057
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Tue Mar 22, 2016 3:52 pm

LOL, pumasok na rin ako sa mundo ng negosyo...Im making & selling "Tinapa Spread"...Napulot ko yung idea na yan sa "Bagito" ng ABS CBN dati....So instead of your regular Tuna spread, its Tinapa i use & i ensure walang malansa na aftertaste...

So far i am able to sell the ones i've made already. I need to find someone in the market who can give me quality Tinapas...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
jsnepo
- Kick this player?
Posts: 6555
Joined: Sun Dec 05, 2004 1:38 am
PSN ID: jsnepo
Location: Marikina
Contact:

Tue Mar 22, 2016 8:52 pm

@Tibarn

Thanks sir. Humina ngayong week. Hopefully it's only because of the Holy Week.

@DarkRushBeat

Sir, thanks pala doon sa binanggit mo. I haven't signed up to it since medyo naging busy.
<(  )>  You have earned a trophy.
_/   \_  PERFECT REVENGEANCE
Getting back without exposing intention.
User avatar
DarkRushBeat
PlayStation
PlayStation
Posts: 6057
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Wed Mar 23, 2016 5:44 am

jsnepo wrote:
@DarkRushBeat

Sir, thanks pala doon sa binanggit mo. I haven't signed up to it since medyo naging busy.
No worries BBro. No rush at all....Andyan lang naman yan palagi...Just PM me on FB na lang if yu gave additional queries....
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4421
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

Thu Dec 01, 2016 5:08 pm

jsnepo wrote:Kami nagpaayos... kami lahat actually. May mga giniba, sinementuhan, pintura, lighting, kisame na paleta, etc kaming ginawa. We actually invested more in the renovation of the place than the electronics. My wife and I did the design using home.by.me para di na kailangan pa ng architect. May kilala kaming contractor na pulido naman gumawa.

We have plans for the business. We're not stopping in just the rental side of things. Long term yung plans namin. First, we need for the business to be self sufficient then we can probably hire someone to help for me and my wife to focus on venturing on what can be added.

Patulong na lang din sa pag-like at share. Eto FB page namin, facebook.com/spawnpointph
yung mga idadagdag nyo yung mga nabanggit mo sa akin last time na pumunta ako. yung delegation talaga ng ibang task ang susi ;)
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
jsnepo
- Kick this player?
Posts: 6555
Joined: Sun Dec 05, 2004 1:38 am
PSN ID: jsnepo
Location: Marikina
Contact:

Mon Dec 05, 2016 11:15 pm

At yun ang di ko inaaasahang sobrang hirap gawin lalo na sa tulad ko na di mapagtiwala agad.
<(  )>  You have earned a trophy.
_/   \_  PERFECT REVENGEANCE
Getting back without exposing intention.
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4421
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

Thu Dec 08, 2016 7:49 pm

mahirap nga magtiwala lalo na kung walang "system" to check dun sa pera
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Thu Dec 08, 2016 7:53 pm

sa negosyo namin, walang ibang way para mabantayan ang pera kundi ang tutukan talaga. Kahit di mo na ilista yung expenses basta importante ikaw at ikaw lang ang hahawak ng pera pati sa pag sukli. Pag inasa mo lang yan sa iba, sa umpisa medyo ok pa pero katagalan totopakin din yung tao at unti unti ka nang kukupitan. Ang 100 pwede maging 200 and so on. Proven na namin to, problema lang, hindi magawan ng paraan.
**** ****!
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4421
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

Thu Dec 08, 2016 7:54 pm

^^ meron. magbibilang ka talaga ng pera sa start at end. just to trace what's in between.
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
grayfox17
PlayStation
PlayStation
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Thu Dec 08, 2016 7:59 pm

Ang magandang diskarte dyan is yung mga papel hawakan mo tapos iwan mo lang mga barya barya. Pero bago ka mag iwan ng barya, bilangin mo muna. Now, pag may benta makikita mo agad kasi dadagdag sya pero kung bawas mula dun sa initial na iniwan mo then alam mo agad may kupit. Eto diskarte ko to know kung nangungupit yung mga tao sa min, bago ko iwan yung kaha bibilangin ko muna yung bills tapos pagbalik ko bibilangin ko ulit - tatandaan ko din yung mga denomination na iniwan ko para alam agad. Yung iba kasi pasimple mangupit yung tipong bente lang or singkwenta so that way kahit na maliit na discrepancy lang sa mga bills alam mo na agad.
**** ****!
VincH
PlayStation
PlayStation
Posts: 3409
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

Thu Dec 08, 2016 8:53 pm

ganun din samin. hindi ko alam kung anong way para tutukan ang mga kita unless ikaw mismo tututok. madaming kwento sa akin na same type of business na yung mga katiwala nila for decades ay nasisilaw pa din sa pera. iba talaga ang tao lalo na pag nangangailangan.

naisahan na din kami dati ng tao namin. ipinagpalit ang pagkatao nya sa halagang 20k. naglaho na lang at hindi na nagpakita.
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
Post Reply