Usapang Negosyo

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
User avatar
grayfox17
Ridge Racer
Ridge Racer
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Thu Dec 08, 2016 9:19 pm

Basta pera nakakasilaw talaga. May mga tauhan kami na ok naman sa umpisa mula pa noon, as in madaling mabarkada at sunod kagad sa utos mo pero katagalan humahaba na rin ang sungay. Either impluwensya ng mga matatagal nang empleyado or kakilala. Malala yan pag pamilyado yung tauhan so pag nahulihan yan, idadahilan nyan eh ginawa nya dala ng pangangailangan kasi may pinag-aaral sya. Syempre hindi natin pwede i-contest yun pero ang sisi dyan dun sa tauhan na gumawa ng kupit kasi pwede naman makiusap na bumale ng pera sa amo pero bakit kinailangan pang kumupit di ba?

Epekto din to ng cost cutting. Tulad ng mga small scale na negosyo, dahil maliit lang sila so kaya lang nilang kumuha ng mga 1 or 2 tao lang. At syempre bare minimum ang pasahod sa mga yun. Kukuha si amo ng tauhan na taga probinsya na mababa lang pinag aralan tapos aabutan lang ng 200 per week. Eventually bibilinan ni amo si tauhan sa paghawak ng pera hanggang sa darating yung time na hahayaan minsan ni amo na iwan sa tindahan si tauhan bilang bantay so may tendency na matutuksong kumupit yan kasi makikita nya yung mga malaking halaga without thinking about the consequence na kung mahuhuli ba sya or what. Importante, makadampot sya ng pera pambili ng gusto nya at hindi sya mahuhuli.

Dito sa min, parang free for all ang pera dito. Malayang nakakadampot ang mga tauhan sa kaha ng halos wala nang paa-paalam. Hihingi sa erpats ko ng pang-gasolina or pamalengke or pambili ng ulam tapos wala nang balikan ng sukli. Alam ng tatay ko lahat yun pero hinahayaan na lang kasi alam nya na pag pinagalitan nya or pinalayas nya mahihirapan ngayon kumuha ng panibagong tao. Apektado ang production time at dagdag pasahod na naman. Para sa kanya, highly impractical ang option na magpatanggal ng tao dahil para sa kanya isang maliit na bagay lang yun. Matatagal na rin mga tao namin so alam na nila halos lahat ng gawain dito. Everytime inuungkat ko to dati lagi sa kanya, parati lang sinasabi sa kin na pagdating sa pera eh manahimik na lang daw ako. And that's exactly what I've been doing even up to this very day.
**** ****!
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4451
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

Fri Dec 09, 2016 3:32 am

^^ dude mayroon petty (small) cash system. kuha ka petty cash voucher

Image

tapos dyan mo isulat. then kung tipong may sukli tulad sa gas dapat may resibo as proof. stapler mo after ibigay :2thumbs:

paprimahin nyo rin sa papel na natanggap nya, then papirmahin nyo ulit pag sinoli yung sukli at resibo.

partner-an mo na rin ng listahan sa isang pad paper per day. para may listahan ka ng nilabas na pera.
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
grayfox17
Ridge Racer
Ridge Racer
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Fri Dec 09, 2016 8:53 am

Actually meron kaming mga voucher na ginagawa monthly pero it only details the major expenses like bills, accounts recievable, etc. Erpats ko mismo gumagawa at pumipirma tapos ako na lang ang mag encode then compile nya tapos saka ko naman dadalhin sa accountant quarterly. Pero yung mga petty or cash on hand, dinededma na lang ng erpats ko most of the time. Although at the end of the day, he always collects the money on closing time para siguradong hindi madispalto lahat. Mahirap kasi yung basta mo na lang iiwan yung pera sa kaha tapos magulat gulat ka nasaid na pala. Ano pa silbi ng benta mo sa storefront di ba?

Dati practice na dito yung monitored ang expenses at pumapasok na pera kasi sinusulat talaga pero nung bumalik ako from abroad nagulat na lang ako hindi na nila ginagawa. Pano ba naman, madali lang kasi dayain like pag may bumili pwede nang hindi ilista tapos diretso na lang ibubulsa ang binayad ng customer lalo na pag walang nakakakita. Useless pa kasi kahit sabihan mo talagang hindi din ginagawa ng mga yun kaya siguro di na naglilista. Nakaasa na lang sa kung anong nasa kaha or mga nasa resibo.
**** ****!
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4451
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

Fri Dec 09, 2016 9:30 am

ayun. store pala. :sweat:
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
grayfox17
Ridge Racer
Ridge Racer
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Fri Dec 09, 2016 10:14 am

yep, may retail storefront kami pero majority ng long-time clients namin buy from us by bulk so somehow cheke ang bayad ng mga yun or bank transfer kaya bantay sarado din ng erpats ko mga bayad nun. Pero yung sa store mismo mga petty cash lang pero minsan dumadami din ang benta at any given time lalo na yung mga nagbabayad ng buo. :sweat:
**** ****!
VincH
Ridge Racer
Ridge Racer
Posts: 3409
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

Tue Jan 24, 2017 5:07 pm

medyo bumilis ang process ng pag renew ng business permit ngayon ah
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
kurtsky
Ridge Racer
Ridge Racer
Posts: 1614
Joined: Sat Aug 12, 2006 4:18 am
PSN ID: kurtskyKG
Location: Metro Manila
Contact:

Mon Feb 06, 2017 11:07 pm

Malakas na negosyo food business. Nag franchise kami dati sa pero hindi naka meet ng ROI after 3 years.
Dati, hindi pa adventurous mga tao sa iba ibang klase ng pagkain, pero ngayon iba ibang food stall, food market ang nagsusulputan.
Madami narin kakumpitensiya ngayon kaya kelangan matagal pagisipan. :???:
VincH
Ridge Racer
Ridge Racer
Posts: 3409
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

Sat Apr 29, 2017 9:28 pm

online courses/seminars sa mga gustong matuto ng ibat ibang negosyo

https://www.wecad.co/
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Ridge Racer
Ridge Racer
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sun Apr 30, 2017 2:34 pm

sa experience namin sa negosyo namin, dalawang bagay lang para maging successful at tumagal yan - dapat mabantayan lang ng maigi AT compromise lang.
**** ****!
User avatar
DarkRushBeat
Ridge Racer
Ridge Racer
Posts: 6070
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Sun Apr 30, 2017 3:44 pm

Kung magsisimula ako ng business, gusto ko sa maliit lang muna. Ayoko ng big-time agad...Mas maganda pinaghihirapan ang pag asenso ng papasukin na business....
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Ridge Racer
Ridge Racer
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sat Jun 03, 2017 3:29 pm

mag franchise kaya ako? :sweat:
**** ****!
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4451
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

Fri Jan 12, 2018 10:28 pm

DarkRushBeat wrote:
Sun Apr 30, 2017 3:44 pm
Kung magsisimula ako ng business, gusto ko sa maliit lang muna. Ayoko ng big-time agad...Mas maganda pinaghihirapan ang pag asenso ng papasukin na business....
well kung tutuusin yana ang magandang advise ... start small. kung magkamali ka at nalugi konti lang ang nalugi mo.
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
Daniel
Ridge Racer
Ridge Racer
Posts: 16688
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Mon Jan 29, 2018 4:15 pm

Di ba kilala ang real estate business na malaki ang kita?

Hindi kaya factor din ito sa pagtaas ng presyo ng ibang mga bagay? tulad ng renta ng apartment?
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
Post Reply