Depression

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
joelagarano
Cosmic Race
Cosmic Race
Posts: 173
Joined: Fri Mar 06, 2009 9:33 am

Ang mahirap dito sa Pilipinas, hindi ganun kalalim ang pagkaintindi ng karaniwang tao sa depression. The common filipino treats depression as just a fleeting state of sadness and not as a disease. Hence, ang typical na sinasabi natin ay "sus wala yan. kaya mo yan." While that kind of advice sometimes help, usually it just adds to the depression since the one who is being tormented by this disease considers himself weak because he thinks cant deal with his problems.

I too have had battles with depression. My childhood was't really nice. My dad and mom always quarreled and would hurt each other, occassionally in front of me. Tapos may times pa na may tatawag sa bahay namin na babae looking for my dad. Ang pambawi ng dad ko sa akin dati ay bibilhan nya ako ng toys or whatever I wanted. Para bang binibili ako. My parents separated and had their marriage annulled. Dahil dito, hindi ako masyado pala kaibigan. And madalas mas gusto ko sa bahay lang. Lagi kong iniisip na may kasalanan ako kaya naghiwalay parents ko. When I was 13, I already had suicidal tendencies. I tried to commit suicide at that age.

Kaya sa tingin ko, nagkaroon ako ng problem sa pag manage ng mga naging relationships ko. I feared rejection. Kasi ayoko maramdaman yung nakikita ko nung bata ako sa parents ko. Kaya naging possessive ako at naging sobrang emotional pag nag kaka problema ako with my past GF's. Yung first GF ko, nung college ako, 4 years kami kaso naanakan sya ng iba kaya kami naghiwalay. Nung nalaman ko na ganun nga yung situation, I tried to commit suicide twice. Then as the years progressed, naging problematic talaga yung iba kong relationships to the point na I was being taken advantage of dahil sa fear ko ng rejection. I would buy them gifts at inuubos ko talaga sweldo ko pag may konting pagtatalo dahil yun yung alam kong pambawi dahil yun din naman ginawa sa akin nung bata ako. I had to apply for a sabbatical leave din sa work dati because I would get depressed because of my perceived failures sa work, relationships and in life. Two years ago, I tried to kill myself again.

Nung last attempt ko to take my own life, I tried to hang myself from my room's window railing. I was about to pass out when my mom entered my room. Dun ko sya nakita na sobrang iyak ng iyak and then it hit me, I needed to stop doing harm to myself.

Kaya nagpatingin ako sa psychiatrist. Dun inexplain sa akin na sakit ang depression at hindi talaga nadadaan sa palasing lasing at kung ano ano pa. I was under therapy and medication for almost a year. Minsan din daw, genetic ito. The therapy worked. I reconciled with my dad and I let go of the hate and anger eating through my core. I tell you brothers, once you've relinquished all your spite and demons, you'll feel brand new.

Ngayon, I am doing very well. I am currently the General Manager for a company, my family still has complications because dad remarried but other than that, all is well. I have also found the love of my life and I have already told her I will marry her in two years time.

Mga kapatid, if ever you are feeling depressed and you think that you need to harm yourself to end the pain, pls call this number: 804-4673. That is a 24/7 suicide and depression prevention hotline.
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

It's good that things turned out better for you despite your bad experiences in the past. For me, I feel like things are about to get worst ...

Naging ugat din ng depression ko yung family ko. Growing up, lagi na lang ako napapagalitan because of my bad grades tapos being compared constantly to my elder brothers and cousins who were doing very well in school felt like a solid drop kick to my already ailing self-esteem. Di pa kasama dyan yung mga tao sa paligid ko na napapansin lang ako pag may kailangan sa kin or pag may mali ako nagawa. Pero the single most thing that nudged me into depression is the fact that my parents prefers to listen and compromise for other people rather than their own kids. Parang pakiramdam ko I was just a failed investment to them at isang obligasyong palamunin lang at walang timbang yung opinyon namin sa kanila. It sucks that as a son you want to protect your parents pero mas pinipili nilang ginagago sila ng ibang tao tapos lahat ng ipayo namin sa kanila na tama disregard lang - kami pa ang lumalabas na mali. This happens every freaking time and I am really fed up. Isa din problema ko sa magulang ko is they actively show appreciation to what other people does for them pero yung effort naming mga anak halos balewala lang sa kanila. Pag may ginawa kami na konting effort, sumbat agad ang natatanggap namin, ni simpleng pasalamat wala. Ang sakit sa loob na mas madalas mong nakikita na verbal sila mag "thank you" sa mga nagagawa ng tauhan nila or ng mga pamangkin nila para sa kanila pero pag anak na dedma lang. No matter what we do, we will never measure up to their standards and be good enough for them at all.

Getting into another relationship is out of the question for me. It's not my priority right now and I sure as hell can't find time to sustain it either. Kung sa gaming nga tinatamad na ko pano pa kaya pag nagka syota na ko? I also no longer believe in ANY religion anymore so praying won't do me any good. If only I can buy antidepressants easily I would have, problem is, andun pa rin ang mga trobol ko sa buhay.

Not a day goes by that I have really longed to just disappear from existence, yung tipong I would just die in my sleep peacefully or get caught in an accident. I could never really muster enough courage to poison myself, if I were going to harm myself it would be to just put a bullet to my head. Quick and painless, no suffering felt. I even already imagined how my burol would even look like - a few people attending like my immediate family lang since I doubt anyone outside of family would even bother to come down. In just a week I'd be buried and not long after that, people would have already moved on and may have forgotten who I was ... and perhaps, some would actually even be glad that I am no longer around.
**** ****!
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Sn@kemaru wrote:@DarkRushBeat: bro, opinion ko lang ito ha. Regarding your plan to build a house (either prefab or conventional) on your in-laws property is ok. Pero sana short term mo lang yan. Kapag nawala na ang parents ng wife mo, pag-aagawan na ng mga magkakapatid ang property na yan. Ok sige naka-pwesto na kayo ng wife mo but what if dalhin nila sa court ang tamang hatian ng property (extrajudicial settlement)?
I feel you really kasi naranasan ko rin iyan. Isa pa negative in living with in-laws ay mapipilitan ka talaga mag-adjust sa kanila. Ikaw yun mag-bow kasi ikaw yun nakikitira. Lalo na't tayo yun lalaki... nandun pa rin yun naka-ugalian na dapat tayo yun mag-provide, hindi yun babae.
It's good thing (and thankfully after all these years) e natauhan na si Kumander ko to finally realize we really need a home of our own. As for their parents house where we are staying, oo napamahal na sa akin itong bahay na ito pero my wife still has other siblings (mga bayaw ko na nasa Manila) who still has "claims" on this house, usually ginagawa nilang rest house ito if they want to unwind from the stress of the city life..Saka nakakasawa na rin mag general cleaning ng 1 up & down na bahay. Ayos na ko sa plano namin na small bungalow, and i will apply my minimalist skills unto it once done.

As for my depression, andito pa rin pero somehow na alleviate na. I'm no longer a religious guy pero i am an Agnostic type of person now. And of course, i still have my Christian roots with me pero i must say malaking tulong din that i looked into Buddhism & also listen to some Buddhist Chants & mantra, mas nakakatulong ngayon sa akin yun whenever i need to remind myself of patience, patience, patience...

Sa sitwasyon ko mahirap ilabas ang nasa loob kasi i don't drink. May allergy ako eh. Pero thankfully i found people who can listen to me, kahit papano unti-unti kong nasasabi mga gusto ko sabihin sa buhay..Mga hinaing ko...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

...nakaka-depress talaga yung napapaligiran ka ng mga taong nuknukan ng g@go tapos sarili mo pang mga magulang hindi rin nakikinig o nagtatanggol man lang syo. Lagi na lang nila sinasabi na magpasensya pero ang totoo kapakanan lang ng negosyo at mga tauhan ang iniisip, ni hindi man lang kino-consider yung nararamdaman ng anak nila. Kahit anong iwas mo sa mga taong palpak patuloy ka pa ring bubuwisitin sa lahat ng paraan na alam nila. Kahit anong kalma ang gawin ko sa sarili ko talagang di mawala ang galit ko sa mga taong yun.

Everytime I go to sleep I keep wishing that I don't wake up anymore. I am already out of options and death is truly the only way I know to escape my problems. After I'm gone, people will only just temporarily grieve then say "plastik" things about a person who just died pero in truth, I'm certain matutuwa pa sila na wala na ko.
**** ****!
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4617
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

dude, eto ang masasabi ko lang sa estado mo.

sa mga businesspeople na kilala ko walang pakialaman ng business kahit kadugo. nataon na ganyan din ang magulang mo. kaya the best thing to do magtayo ka ng sarili mong negosyo, mas maa-appreciate mo yung point of view nila.


huwag mo silang gawing measurement ng iyong kaligayahan. parang ganito lang yan. may nakasalamuha ako na gusto nya kasi maging doctor pero hindi kaya syang ipag-aral para doon. dahil hindi kaya ng mga magulang nya i-provide kaya kung gagawin nyang standards yung ginawa ng magulang nya sa kanya magiging malungkot be sya habang buhay? pero nagawa nyang itawid yung college nya at nakatapos ng non-medical field na course honor student pa syang naka-graduate sa U.P. Diliman.
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

I think ive been in the same situation na yung magulang ay di kino consider ang feelings ng anak at mas inuuna pa ang kapakanan ng negosyo. Madami din akong frustrations sa tatay ko dati pero ngayon tumanda na ako at iniimagine ko yung situation ko ngayon sa kanya dati eh kahit papaano naiintindihan ko na din sya.

Never ever giveup. Di mo masabi na baka sa near future may magandang event na darating sa future mo na makakapag pabago ng buhay mo.
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Hindi ko naman kino-contest yung priority ng parents ko sa negosyo, naintindihan ko rin sila somehow na kelangan yun tutukan kasi for over 40 years yun lang ang pinagkukunan namin ng kabuhayan.

Ang ayoko lang talaga kasi is yung parang wala man lang effort ang mga magulang ko na ipagtanggol naman kaming mga anak sa mga hindi magandang pangungutya ng mga tauhan nila - sila kasi yung mga matatagal na sa min tapos matataas na ang mga ihi, mahilig pumuna at hindi rin maganda ang tabas ng dila. Sila din yung mga klase ng tao na kahit na anong kabaitan at mabuting pakikisama ang ipakita mo titirahin ka pa rin ng patalikod. Pinapalampas na lang ng erpats ko kasi sa tagal na rin nila sa min asset na rin sila. Hindi porke di nya ma-afford alisin yung tao eh hahayaan na lang ang mga katarantaduhan nila ng hindi nasasabihan tulad ng pasimpleng pangungupit, daig pa ang boss kung kumilos at makapag salita, ni wala ka man lang marinig na magandang lumalabas sa mga bunganga nila. For many times, I spoke to my parents about it pero as expected, nakatungo na lang sila at basta na lang papanigan yung mga yun na kesyo di naman natin kaya mga ginagawa nila, hayaan na lang daw, ganyan talaga sila, etc. In the end, disregard pa rin yung nararamdaman ko at bilang anak dun ako nababanas.

Most of the time pasensyoso akong tao pero taena sa araw-araw na ginawa ng diyos puro ganun na lang ang mapagdadaanan mo, masasaid din talaga ang pasensya mo kahit papano. Matagal ko na rin naisip yung magsariling buhay at lumayas na lang pero ang tanging pumipigil lang sa kin is yung awa ko sa mga magulang ko. Matanda na rin kasi sila at marami na rin silang iniintindi sa araw araw lalo pa't di pa tapos ng college yung bunso namin. Sa ming magkakapatid ako lang ang available na aalalay sa kanila - ang problema, tutulong ka na nga lang sa kanila sumbat pa aabutin mo. San pa ko lulugar nun di ba? Kaya nga lagi kong dasal para sa sarili ko sana ma-deds na lang ako para di ko na intindihin ang mga ganito. Isang bagsakan lang na gastusan yung pagpapalibing sa kin tapos nun makaka move on pa rin naman sila, for sure may matutuwa pa pag nangyari yun.

Guys, sorry kung medyo madrama ako pero matindi kasing hugot sa kin yung lumalaki ako ng hindi man lang nabigyan ng halaga ang nararamdaman ko mula pagkabata. Para tuloy akong "failed investment" na hindi ko malaman. Eto yung core ng depression ko, tuwing sinusumpong ako ng ganito kahit sa paglalaro ng games nawawalan ako ng gana. :!:
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

^sounds like you have lots of rotten employees. madalas balagoong talaga ang mga may ari ng negosyo. nakaka relate ako. nagkaroon din kasi kami ng employee na binigyan kami ng sobrang sakit sa ulo at buti naman napaalis na namin then this year nagparamdam at gusto bumalik. gusto sya pabalikin ng erpat ko kasi makakatulong pa din naman daw sa hanap buhay pero hindi ako pumayag pati na din mga kapatid ko dahil mahahaluan nanaman ng bulok yung mga bagong employees at baka mabulok uli lahat. matindi din ang naging debate namin hanggang sa umabot sa ihihiwalay na lang daw ako sa negosyo. may mga ganun pala talaga magisip na negosyante. in the end nasunod din ang gusto ko na wag na ibalik yung dati naming bulok na employee.

im not sure if this is a sound advice pero bigyan mo kaya sila ng slight hint na kailangan ka nila. yung tipong meron silang hindi magawa dahil wala ka. siguro dun nila mararamdaman ang kahalagahan mo at kahit papaano ma appreciate ka nila. also, pagaralan mo din kung paano mo sagutin yung mga pilosopong bulok na mga employees nyo. kahit papaano makukuha mo respeto nila sayo.

try mo kaya mag travel mag isa. pahinga ka muna sa video games at magpa araw ka at magpa pawis. (may research kasi na lack of vitamin d can cause depression). try mo ang hobby na biking. yan kasi ginagawa ko pag burned out na ang isip ko.
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

hindi naman ganun karami, actually 2 lang sila na problema ko at sa business namin iilan lang kami. Yung dalawang yun ang parang main na taga kilos sa mga order ng mga kliyente, kumbaga lahat ng manual na trabaho alam na nila pati pag deliver sa kanila nakatoka. Ang isa pang nakakaloko sa mga yun, hindi sila yung tipong nagpapa-daig, mataas pa rin talaga tingin nila sa sarili nila eh ni hindi man lang nakatapos ng pag aaral ang mga yun at kung hindi dahil sa erpats ko wala silang pupuntahan. Kahit papano ramdam ko naman na kailangan ako kasi may mga responsibility na ako lang din talaga ang marunong gumawa tulad ng mga monthly paper works.

Tulad nga sa sinabi ko sa isa kong post, hindi na ko nakikipag argumento sa mga taong ayaw magpatalo, di rin talaga iikot ang usapan kasi dadaanin na lang sa taas ng boses, mura at asal hayop. Walang mga utak na ilugar man lang ang sarili kaya out of the question na ang respeto. Kahit anong pakisama talaga ipakita mo wala din, titirahin ka pa rin talaga sa kahit na anong paraan. Mga ungrateful basterds tawag ko sa mga hinayupak na yun kasi plastik.

As for other hobbies, malabo ako mag biking kasi hindi ako marunong mag bike hehe, naisip ko na rin mag outing ng ako lang kaso nanghihinayang naman ako sa gagastusin ko tsaka dala nga ng awa ko sa mga magulang ko hindi ko maafford mawala dito kasi yung mga paperworks na sa kin inasa kelangan din gawin every month. Feeling ko dispensable ako dito sa min, nagkataon lang kasi ako lang marunong mag computer nung mga papeles pero kung siguro may ibang gagawa nun sigurado aalisin na ko sa eksena.

Alot of times sinasabihan ako na "ikaw lang mapagkakatiwalaan/maaasahan ko" or "wala ibang makakatulong sakin" ,etc. The way I see it, yung concern sa kin ng erpats ko doesn't feel like its out of genuine love and affection as a parent, he's just saying that para mapasunod ako sa mga pinag uutos nya. Ganun naman ang mga negosyante di ba? magagaling sa sales talk, magagaling mang-uto. They will just say or do whatever they want just to make you comply.
**** ****!
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

yung nagagawa ba nung 2 "kups" na sinasabi mo, may ibang makakagawa rin?

kahit dun pa lang sa simpleng pangungupit, pwede nang rason para paalisin sila e.

nagtatanong lang naman.
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Daniel wrote:yung nagagawa ba nung 2 "kups" na sinasabi mo, may ibang makakagawa rin?

kahit dun pa lang sa simpleng pangungupit, pwede nang rason para paalisin sila e.

nagtatanong lang naman.
meron pero kasi para na rin silang salesman, sila na din kasi ang mismong madalas na nakakaharap pati kumakausap sa ibang mga kliyente namin. Yung dad ko meron din namang kontak sa mga client pero yung dalawang kups na yun ang parang naging "all around" na - taga luto, taga deliver, taga tanggap at taga prepare ng mga order pati taga singil sila na rin madalas. In short, mabigat din ang trabaho nila so aware naman ako na pag nawala sila medyo mahihirapan ang kumpanya namin pero dala nga na matagal na rin sila ni-retain na lang. Mahirap din kasi pag kumuha ng panibagong tao kasi tuturuan mo pa kaya sapul ang production time namin lalo pa't at any given time may babagsak na order sa min tapos rush pa.

About dun sa pangungupit, ako matagal ko nang nahahalata pero lately ko lang talaga binigyan ng pansin ng husto. Minamata ko mga kilos nila at kaduda duda talaga pag humahawak na ng pera, tulad lang hindi pagbabalik ng sukli, madalas humihingi ng pang abono sa nagastos nila kahit na sobra naman yung binibigay sa kanila bago umalis, etc. I'm dead certain alam ng erpats ko yun and as usual when I brought it up to him he shot me down, sinabihan na lang ako na wag na lang umimik pagdating sa pera para walang gulo. Syempre bilang anak masakit din sa kin yung nakikita ko na naiisahan ang mga magulang ko tapos helpless ka to do anything about it, nakaka-depress talaga, man.

Good thing I don't own a gun, I would have definitely shot them at anytime. Di bale nang makulong, basta mabawasan lang ang g@go sa mundo.
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

ganyang ganyan din nangyari samin. yung mga naging problema naming empleyado masyadong mataas din ang mga tingin sa sarili, hindi din naman nakapag tapos at wala din namang napatunayan sa buhay. buti naman at wala na sila sa min ngayon at yung iba tumino na.

ok na din yung hindi ka na nakikipag argumento. nakakapagod talaga yan. concentrate na lang sa pagpapatakbo ng maayos sa hanapbuhay at make sure na ginagawa ng mga employee ng tama ang mga trabaho nila. ganyan na lang din ang ginagawa ko ngayon. hindi ako nakikipagusap sa mga tao namin kapag hindi related sa work. sa tingin ko appreciated ka ng dad mo sa dahil sa mga sinasabi nya. pinaparamdan nya na importante ka sa buhay nya. if you are that important then for sure na his love for you is genuine as a parent. hindi lang siguro ganun ka expressive. i think normal yung mga ganung trait sa mga negosyante.

hirap talaga yang ganyang sitwasyon pero lahat naman ng mga kilala kong nagne negosyo nagkaroon or currently may mga problema din sa mga tao nila. parehas din ng sayo, masyado nang naging "magagaling" ang mga employee pero nagawan naman nila ng paraan. tulad ng iba, malalampasan mo din yan. kung nagawa ng iba sigurado kaya mo din. wag mo isipin na sana wag ka na lang magising, para ka na din nagpatalo sa mga hinayupak na mga yun. you are better than them. good luck!

mas malaki ang mga hinaharap na problema ni De Lima ngayon kaysa sayo pero tingnan mo sya lumalaban hehehe
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

^Salamat brad sa words of encouragement pati sa iba rin dito na nag cocomment sa mga hinaing ko. I really do appreciate it a lot. It's nice to have someone to talk to outside family with matters like this. Kaya nga minabuti ko na dito na lang magshare kasi kahit papano matino etong board na to di tulad ng ibang forums na sangkaterba ang trolls. Tsaka atleast dito meron ako anonymity kesa naman sa FB na makita pa ng kung sino sino mga pinopost ko. :lol:

Nag usap na rin kami ng masinsinan ng isa kong kuya tungkol sa mga bagay na to pero diplomatic din ang approach nya tulad ng parents ko while ako naman medyo maaksyon agad - either tanggalin sila or patayin na lang hehe...so minsan hindi rin kami nagkakaintindihan pero its still nice na inaacknowledge nya yung opinyon ko.

Tulad mo, sa araw-araw na lumilipas dinadaan ko na lang din sa plastikan para lang maiwasan ang tensyon at para di na rin madagdagan ang mga suliranin ng mga magulang ko. Throughout the years madami na rin sila naging hirap na palutangin ang negosyo kaya kapakanan na lang talaga nila iniisip ko. Kumbaga dun na ko humahatak ng motivation for myself to keep on and keep it on day-in, day-out.

Yeah, bayaan na natin si delima, kahit na walang makuhang documentary evidence against her, natupad naman yung original plan against her and in my opinion yun ay yung pagpapahiya sa kanya. Sa tingin ko, yun lang naman yata ang habol ng mga detractors nya eh, ang masira sya sa publiko at mawalan ng credibility. Kahit lumaban sya wala na rin naman sya kakampi, tinatalikuran na rin sya at sinasabihan na rin ng mga kakilala na maghanap hanap na ng magandang lugar for asylum. :sweat: Malas nya kasi nireresbakan na sya ng mga nasagasaan nya, di na ko magtaka kung isunod si trillanes dyan.
**** ****!
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

hehe buti naman kahit papaano may naiambag kami na mabuti hehehe

wag mo isipin pumatay hehe nakakadagdag lang ng negatibong enerhiya yan at stress. at kung sakaling magawa mo yan ikaw pa din ang talo. kalma lang hehe. nag try ako minsang mag boxing as excercise. try mo din kaya? 1 1/2hrs a day lang naman. dun mo ilabas ang sama ng loob mo sa punching bag. at least mag iimprove pa katawan mo :)
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Naisip ko na rin yan pero mas maganda pag baragan talaga hehehe...narealize ko sarap pala makipag sapakan pag gigil na, ramdam mo lang sakit ng katawan mo after ng bugbugan. :lol:

Usually, what I do to keep my mind off those people is I just keep my head down and work na lang. Dati rati ako pa nahihiya sa kanila at kusang tumutulong kaso nung nabasa ko na ugali nila narealize ko bigla na "teka, ginagawa na ko parang pipitsuging utusan ah?", so ginawa ko binawasan ko sipag ko at di na ko sumusunod sa mga utos nila. Naisip ko na anak ako ng boss so bakit ako nagpapa-under sa mga taong to ng basta-basta? nung nag kwentuhan kami ng erpats ko about dun binigyan na ko ng magandang payo, sabi nya "hayaan mo lang sila, tayo ang BOSS!" Kaya ever since nun sinunod ko bilin ng erpats ko, pag meron silang gusto iutos sa kin hindi ko kinikilos talaga, hinahayaan kong yung ibang tao ang gawin nilang utusan and mula nung para na rin akong naging "untouchable." Ginagawa ko lang kung anong trabahong trip ko at exclusive na utos lang ng tatay ko sinusunod ko, pero yung dalawang kups, hindi. Di ko na sila tina-trato bilang valuable na tao na dapat pakisamahan sa tagal ng stay nila sa min. I just treat them now as who they really are - mga utusan.
**** ****!
NinjaLooter
- Kick this player?
Posts: 6511
Joined: Sun Dec 05, 2004 1:38 am

Hello Darkness, my old friend...
:bigmouth:
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

jsnepo wrote:Hello Darkness, my old friend...
I've come to talk with you again
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
VincH
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3497
Joined: Sat Oct 23, 2004 10:02 pm

mapag uusapan yan :D
saaaandaliiiii laaaaannnggg!!!
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4617
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

DarkRushBeat wrote:
jsnepo wrote:Hello Darkness, my old friend...
I've come to talk with you again
Because a vision softly creeping
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
grayfox17
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 7503
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

SirZap wrote:
DarkRushBeat wrote:
I've come to talk with you again
Because a vision softly creeping
c-c-c-combo breaker! :lol: :rofl:
**** ****!
Post Reply