Page 1 of 16

The Travel thread

Posted: Fri May 09, 2014 1:05 pm
by skp_16
This thread is about traveling to other places as a tourist.

Do you have any tips, suggestions, recommendations, and/or questions about traveling? Post it here!

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Since early last year, I've been itching to travel which led me to reading blogs about traveling specifically "budget traveling" or what others call as "backpacking". Ang daming palang paraan maka biyahe without spending much. Most of the bloggers are young, mid 20s - mid 30s ang age nila. Ang dami na nilang napuntahan na bansa by backpacking. Base sa mga nabasa ko, pinaka cheap puntahan ay South East Asian countries like Thailand, Malaysia, Cambodia, Laos, Myanmar, and of course Philippines.

Kayo mga pafs, saan lupalop ng mundo ang napuntahan niyo na? Nasubukan niyo na ba mag backpacking or you prefer to travel for leisure?

Re: The Travel thread

Posted: Fri May 09, 2014 1:40 pm
by Daniel
SG, HK, US, Italy, France, UAE, NZ :mrgreen:

Sa UAE ang daming Pinoy kahit sa airport pa lang.

With backpacking, usually bedspace lang halos ito. Sa 1 kwarto may ka-share kang mga ibang tao. Parang dorm. Usually kasama na sa bayad ang breakfast. Mura ito kumpara sa hotel kaya may risk din.

US and Europe halos pareho lang ang pamasahe at requirements sa tourist visa. Around 40k. Yung iba nanghihingi na ng itinerary galing sa airline (schedule ng alis at balik). Makakatulong kung yung application as a a group (family, etc) para mas mataas ang chance na ma-approve.

Usual sites na napupuntahan ko para maghanap ng tutuluyan, wimdu.com, agoda.com, hotels.com

When it comes to plain ticket, lalo pag budget airlines, every now and then nagbabago ang presyo ng ticket kaya magandang matyambahan yung sale price.

Re: The Travel thread

Posted: Fri May 09, 2014 1:59 pm
by deathzero23
Makabayan ako at anak mahirap (hehehe) kaya local pa lang napupuntahan ko.
Lately lang naman ako nahahatak sa travel. Di naman ako mahilig sa malayong byahe. Pero pag andun na ako sa lugar, na-aappreciate ko na. Siguro dahil sa gastos kaya 50/50 ako sa mga lakaran. Style kasi ng mga nakakasama ko eh Biglaang Lakad. Eh yun pa naman ang ayaw na ayaw ko. Pano, mga nag-aabang ng murang airfare.

Bohol, Puerto Princesa at Ilocos pa lang napupuntahan ko.
Gusto ko balikan yung Bohol since nagkalindol doon. I feel lucky na we went to Bohol before the earthquake happened.
Gusto ko muna libutin ang kaya ko libutin dito sa Pinas muna bago sa labas ng bansa.

Tips?
Roll your clothes to have more storage space in your bagpack or luggage.
Laging mag-save. Especially for those "biglaang lakad".
Palawan trip? Go in this order: Puerto, Coron, El Nido. (doing it in reverse, may get you dismayed)

May Nature Trippers ba dito? Kamusta mga adventures nyo?

Re: The Travel thread

Posted: Fri May 09, 2014 2:15 pm
by skp_16
Daniel wrote:SG, HK, US, Italy, France, UAE, NZ :mrgreen:

Sa UAE ang daming Pinoy kahit sa airport pa lang.

With backpacking, usually bedspace lang halos ito. Sa 1 kwarto may ka-share kang mga ibang tao. Parang dorm. Usually kasama na sa bayad ang breakfast. Mura ito kumpara sa hotel kaya may risk din.

US and Europe halos pareho lang ang pamasahe at requirements sa tourist visa. Around 40k. Yung iba nanghihingi na ng itinerary galing sa airline (schedule ng alis at balik). Makakatulong kung yung application as a a group (family, etc) para mas mataas ang chance na ma-approve.

Usual sites na napupuntahan ko para maghanap ng tutuluyan, wimdu.com, agoda.com, hotels.com

When it comes to plain ticket, lalo pag budget airlines, every now and then nagbabago ang presyo ng ticket kaya magandang matyambahan yung sale price.
Nice tips! Salamat! :agree: :2thumbs:

Re: The Travel thread

Posted: Fri May 09, 2014 4:06 pm
by Daniel
^^ You're welcome!

Yup epektib yung pag rolyo ng mga damit sa bagahe. Iwas lukot na rin.

Sa local gusto kong puntahan yung Palawan. :mrgreen:

Sa Boracay hassle-free naman ang biyahe basta settled lahat ng sasakyan: airplane, bus from airport to Caticlan at ferry papunta ng isla mismo.

Re: The Travel thread

Posted: Fri May 09, 2014 4:17 pm
by deathzero23
Boracay.... september pa kami pupunta dun. Backpackers lang. 2-3 days. Manila-Caticlan-Manila = 2189.75php airfare nakuha namin.

Re: The Travel thread

Posted: Fri May 09, 2014 5:32 pm
by OnceAnAngeL
China, singapore, Hongkong and thailand.

Hongkong - suot ng maayos. Mid 90s, 1st time namin mag Hongkong sobrang casual lang ng damit namin sobra. After namin mag ocean park pumunta kami mall kasi may bibilhin bag yung mom ko. Habang nag tatanung yung mom ko, yung nag aassist samin busy sobra sa ginawa niya na hindi man lang tumingin samin tapos kung may tatanungin na bag, kukunin lang niya then lalagay sa table tapos balik nanaman sa work niya. Parang dabog pa nga minsan yung bigay.
Nung sinabi ng mom ko na bibilhin na yung bag biglang nagbago... Iniwan niya kung ano man yung ginagawa niya, dun lang siya nag bigay ng tea, then pag nag tatanung na yung mom ko naka smile na siya habang nag sasabi kung ano uso bla bla. :roll: siguro akala tanung tanung lang kami kasi mukha na kami marumi. summer kasi nun and kakatapos lang mag ocean park. Pero kami ng sister ko naiilang na sobra after nun.
Tbf yun lang yung bad experience namin sa HK. 00's dami na middle class Filipinos nag sshopping sa HK kaya mababait na sila sa Filipino. :lol: favorite place ko na 'to for vacations lalo na pag Dec, lamig. :lol:

SG - 1x palang ako nakaka punta. Ok lang mag casual na damit unlike sa hK na feeling ng mga tao nasa Paris sila. :bigmouth: dami rin mga Filipino. marurunung mga locals nila mag English. Yung server sa twg na filipino nag bigay pa free macaroons.

Thailand - business lagi pinupunta namin dito pero minsan may halo narin bakasyon. Parang malinis na metro manila lang yung bangkok. Mababait naman mga thais eh. Minsan nga nakakailang pa yung sobrang bait nila. :sweat: mura and masasarap ang food dito.

China - mom ko lang madalas. Business trip lang din dito. Sasama daw niya ako sa October para turuan.


South korea ang plan namin puntahan this year kaya tips naman sa mga naka punta na SK. :mrgreen:

Hopefully madala ko yung parents ko sa europe bago dumating yung time na nahihirapan na sila mag lakad. Ngayon kasi ayaw nila pumunta. Hindi daw practical yung gastos papunta dun and yung expenses kung gusto mo comfortable ang stay. Pero pag na turn over na sakin yung mga business eh plan ko sila dalhin dun.

Re: The Travel thread

Posted: Tue Jun 10, 2014 1:59 pm
by skp_16
Might go to Japan this December! Excited ako kahit hindi pa sigurado! Hahaha! Pero sana matuloy! :lol: :2thumbs: :cheer: :pray: :pray: :pray:

Re: The Travel thread

Posted: Tue Jun 10, 2014 2:20 pm
by Daniel
Naks naman! Madali raw kumuha ng visa dun a.

Re: The Travel thread

Posted: Thu Sep 11, 2014 2:09 pm
by Daniel
https://ph.news.yahoo.com/discover-ph-n ... 16423.html

Discover PH now, German tells Pinoys

Re: The Travel thread

Posted: Thu Sep 11, 2014 3:49 pm
by deathzero23
sobra na ba ang 10k na pocket money sa Boracay for 2 days and 3 nights? Di naman ako kakain sa mamahalin. feeling ko baka sa pasalubong at t-shirt ako mapagastos ng mejo mahal lang... may iba sa sabi sakto na raw ang 5k eh..

...first timer lang po sa Bora. Sana may makitang artista hehe

Re: The Travel thread

Posted: Thu Sep 11, 2014 3:59 pm
by Daniel
Sobra-sobra na yung 10k actually lalo kung naka-budget plane ka naman. :D

Depende rin sa tutulugan, kung station 1, 2 o 3. Sa pagkain ka lang siguro mapapalaki ng gastos. May mga resto tulad ng Gerry's Grill, Shakey's (o Pizza Hut yata) at Starbucks e.

Re: The Travel thread

Posted: Thu Sep 11, 2014 4:27 pm
by deathzero23
Ah ok.. tama salamat bro.. :D
Sa Station 2 kami nakapag-book ng accomodation. Kasi daw may sariling pool if ever umulan and malapit shore daw ng bora. Siguro isang Gerry's at Starbucks lang ok na.. The rest ibang foods na mura like yung mga napanood ko sa Pop-Talk sa GMANewsTV, yun ang sa tingin ko dapat masubukan para maiba.

Re: The Travel thread

Posted: Sat Sep 13, 2014 8:48 pm
by RAYANT8
kakagaling ko lang Hong Kong kahapon (3rd time) medyo kakasawa na walang bago mapuntahan...puro pekpek shorts nakikita ko LOL

puro Asia pa lang napuntahan ko

Singapore (2X)
Hong Kong (3x)
Macau (1x)
Malaysia (1x)
Indonesia (1x)

Re: The Travel thread

Posted: Sat Sep 13, 2014 9:19 pm
by skp_16
Ako 2 countries palang...

Hong Kong (4x) = summer 1992, December 1994, summer 2005, summer 2006
Austriala (2x) = summer 1998 in Sydney and then Melbourne, summer 2006 in Gold Coast

Nakapunta na ako 2x sa Singapore pero hanggang airport lang. Stop over ng few hours papunta't pauwi ng Australia.

Re: The Travel thread

Posted: Sat Sep 13, 2014 9:51 pm
by RAYANT8
skp_16 wrote:Might go to Japan this December! Excited ako kahit hindi pa sigurado! Hahaha! Pero sana matuloy! :lol: :2thumbs: :cheer: :pray: :pray: :pray:
totoo bang walang Visa? disappointed baby ko sa HK disneyland...walang Frozen! LOL baka sa HK Japan meron :grin:

Re: The Travel thread

Posted: Sun Sep 14, 2014 12:41 am
by Daniel
Meron pa ring visa sa Japan.

Re: The Travel thread

Posted: Tue Sep 16, 2014 11:12 am
by VincH
hindi pa ako nakakaalis ng luzon. pinakamalayo kong napuntahan ay Baguio :sweat: :oops: :bigmouth:

walang time :banghead:

Re: The Travel thread

Posted: Thu Sep 18, 2014 12:59 am
by Darkshader
Living in the states (california) eto iyong mga napuntahan ko. Limited nga lang kasi hindi naman talaga ako pala-gala, hindi tulad ng mga americans na every weekend, every month or holidays na talagang lumalabas para mamasyal.

1. Reno, Nevada
2. Lake Tahoe, Nevada
3. Las Vegas, Nevada
4. Houston, Texas
5. Salt Lake City, Utah
6. Orlando, Florida (Disney World and NASA)
7. Los Angeles & Anaheim, California
9. New York, New York
10. Washington, D.C.
11. Hongkong
12. Incheon & Seoul, South Korea
13. Sacramento, California
14. Napa Valley, California (mga wineries nandito)
15. San Jose, California
16. Atlantic City, New Jersey

I lived in San Francisco, one of the best place to visit in the U.S. Kung sino ang may planong mag visit, let me know ... para mabigyan ko kayo ng idea kung saan maganda mamasyal.

Target to visit next time:
- Hawaii
- Singapore
- Japan
- Cancun, Mexico - Watch the video in this link. For sure this will convince you to visit Cancun. http://www.xcaret.com/ and the place i want to stay someday http://www.villapalmarcancun.com/

- Cabo, San Lucas, Mexico - Pag naayos na, binagyo kasi. Dito ko gusto mag stay http://www.dreamsresorts.com/index.php/our-resorts-spas meron din sila sa Cancun.

Re: The Travel thread

Posted: Thu Sep 18, 2014 1:38 am
by Darkshader
Sabi ng co-worker ko pag gusto mo ng nightlife at maraming puntahan na theme park mag cancun ka. Kung iyong tipo mo eh sa hotel ka mag stay or ikakasal ka eh piliin mo cabo san lucas.

Pinakita kasi ng coworkers ko mga pictures na kuha niya sa phone. Maganda, ang bonus non kasama siya sa picture na naka two-piece siya lol. Hindi niya naisip guy ako haha.

Anyways, besides the awesome beach sa cancun eto ang dahilan bakit gusto ko siya puntahan. Xplor watch the video.

http://www.xplor.travel/?_ga=1.24664851 ... 1410973076