The Travel thread

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
Post Reply
User avatar
RAYANT8
Hardcore Gamer
Posts: 6956
Joined: Sat Nov 08, 2003 3:00 pm
PSN ID: xxRAYANT8xx
Location: Quezon City

kung ako sa states pupunta isa lang target ko Los Angeles California saan ba nakatira si Kobe? hehe
joelagarano
Cosmic Race
Cosmic Race
Posts: 173
Joined: Fri Mar 06, 2009 9:33 am

I have been to these countries, thus far:

Seoul, South Korea
Kuala Lumpur/Malacca, Malaysia
Singapore
Bali, Indonesia
Hongkong
Ho Chi Minh, Vietnam
Doha, Qatar
Madrid/Toledo, Spain
Paris, France

Out of that list, sa Paris ako pinakanagandahan. Ang sarap magikot sa Louvre Museum. My heart was literally pounding when I gazed at the iconic Mona Lisa.
Last edited by joelagarano on Fri Sep 19, 2014 3:01 am, edited 1 time in total.
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

Walang kaparis ang Paris e.
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
skp_16
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 10555
Joined: Tue Jul 15, 2008 4:36 am
PSN ID: skp7_13
Location: Greenhills, San Juan

Darkshader wrote:
skp_16 wrote:Ang mga gusto kong State na puntahan sa US ay Montana, Iowa, Wyoming, North/south Dakota, Idaho.
Halos mga country side iyon at mga mountains siya? Good for out door hikes?
Yup! I love mountains and outdoor hikes!

Mas prefer ko maglibot sa wilderness kesa sa cities.

Sa Europe naman, Norway ang pinaka gusto kong puntahan kasi magaganda rin mga landscape scenery doon.
.......
deathzero23
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6274
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Just got back from Bora.. As a first timer, masasabi ko bitin ang 2 days 3 nights. Hopefully i can comeback next year kahit 3 days 4 nights least or 1 week max. We stayed at station 2 pero mas trip ko ang beach shore along Station 1 near the Grotto.

Medjo makulimlim at may kaunting ulan, lakas ng hangin at sumilip naman din ang araw. Dahil kay Mario. Ok ang night-life doon. May nagwala pang european dahil lasing, naghuhubo at tuwang-tuwa mga koreano. Hinabol pa ng 3 security personnel kaya masaya. Walang Chinese doon dahil may travel ban sa bora ang China. So puro Koreano ang turista doon.

Mapapagastos ka talaga sa Bora kung addict ka sa outdoor activities so better save money on that. Sa pagkain at pasalubong, diskarte kelangan para sa mga nagtitipid. Sa foods, madali naman makita kung sino mura magbenta kahit along the shore pero i prefer sa loob ng D.Mall area. Sa pasalubong, dun kayo maghanap sa D.Talipapa area dahil madaling tawaran. Ok naman yung fruitshakes sa Station 1. Maraming "Paluto" Restos sa D.Talipapa. Sa Night-Life, exciting yung sa Pubcrawl, bar-hopping. Mahal nga lang talaga. Recommendable yung Epic for me. Then you could try Loco Frio sa mga gustong uminom ng lang fruitjiuce with alcohol mix with crushed ice. Souvenir mo yung bottle nila.

Kung meron lang ako kinalungkot sa Bora eh yung mga nag-aalok ng masahe at hair braiding services sa beach shore. Napag-alaman kong yung ibabayad mong pera sa kanilang serbisyo eh hindi nila buong makukuha yun. May kolektor ng kinikita nila at Commission-based lang sila. Kikita lang sila kung marami magpapa-braid ng buhok o magpapamasahe. At midnight makikita mo sa shore lang sila natutulog. Nakakaawa.

Overall, enjoy ang Bora kahit may bagyong Mario. Gusto kong bumalik next year.
User avatar
Daniel
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 21791
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco

Kaya pala minsan di pa sila masisi kung sobrang maghatak ng customer. Kailangan kumita nang maka-komisyon nang marami.

Oo nga maganda talaga yung beach shore ng Station 1, lalo pag umaga.
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
deathzero23
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6274
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

^mas makulit yung mga nag-aalok ng outdoor activities.. Parang stalker. kahit lumakas na nga ang hangin at maulan, alok pa rin sila ng alok. Para-Sailing daw sabi ko, eh ang lakas ng hangin. Humirit ng Sailing sabi ko malakas alon. Tapos nag-alok pa rin, ATV na lang daw. hahaha.
User avatar
skp_16
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 10555
Joined: Tue Jul 15, 2008 4:36 am
PSN ID: skp7_13
Location: Greenhills, San Juan

Very good read!!! :2thumbs: :win:

Image
.......
User avatar
DarkRushBeat
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6260
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

I might be sent to Bagiuo to train a new personnel. San maganda mag stay dun na hotel?
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
Darkshader
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3031
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Mas maganda talaga mag travel pag bata ka pa. Kasi pag matanda ka na mahirap mag lakad lalo na kung malayuan iyong pupuntahan. Tulad ng coworker ko who just got back from spain. Nag stay siya ng 3 weeks and visited 5 cities. Naaawa daw siya sa mga matatanda na kasama niya sa tour kasi iyong mga areas na pinupuntahan nila maraming lakad like castles, old buildings, old town na tourist spot na hindi puwedeng marating ng car kasi masikip ang daanan or malayo ang parking lot.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
deathzero23
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 6274
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Mas ok mag-travel hangga't di pa nagkakapamilya. Unless you're filthy darn rich o willing mo iwanan yung anak mo sa yaya kung meron. Pero nakaka-guilty rin in a way..... Dapat talaga mataas sahod dito sa pinas para ma-entice mag-spend ang mga tao especially sa pag-travel. Iikot naman din yung pera, you helped the industry and the economy too... boploks talaga BIR natin.
User avatar
skp_16
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 10555
Joined: Tue Jul 15, 2008 4:36 am
PSN ID: skp7_13
Location: Greenhills, San Juan

deathzero23 wrote:Mas ok mag-travel hangga't di pa nagkakapamilya. Unless you're filthy darn rich o willing mo iwanan yung anak mo sa yaya kung meron. Pero nakaka-guilty rin in a way..... Dapat talaga mataas sahod dito sa pinas para ma-entice mag-spend ang mga tao especially sa pag-travel. Iikot naman din yung pera, you helped the industry and the economy too... boploks talaga BIR natin.
There is a way to travel without spending a lot. :2thumbs:
.......
User avatar
adams_song182
Resident Evil
Resident Evil
Posts: 801
Joined: Sat Jan 24, 2004 12:25 pm
PSN ID: adams_song182

Pero going on a budget vacation makes you feel limited. Kaya ka nga nag-bakasyon, para ma-enjoy mo ang mga hindi mo nagagawa at wag ka masyado ma-stress.
sana yang album na hawak mo ay hindi pirata, mahirap ata mag-isip at magpuyat ng ilang araw at parang kang may karay-karay na buntong-hiningang hindi matuloy-tuloy
User avatar
RAYANT8
Hardcore Gamer
Posts: 6956
Joined: Sat Nov 08, 2003 3:00 pm
PSN ID: xxRAYANT8xx
Location: Quezon City

pinag-iipunan namin ni misis yung travel talaga namin....naka-booked na kami sa eroplano 1 year ahead para wala na atrasan & may isang taon para mag-ipon kapag out of the country....kapag dito sa pinas at least 3 months naka-booked na yung hotel this thurs-sunday sa subic kami papasyal si chikiting naka-booked yan nung july pa hehe
User avatar
skp_16
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 10555
Joined: Tue Jul 15, 2008 4:36 am
PSN ID: skp7_13
Location: Greenhills, San Juan

adams_song182 wrote:Pero going on a budget vacation makes you feel limited. Kaya ka nga nag-bakasyon, para ma-enjoy mo ang mga hindi mo nagagawa at wag ka masyado ma-stress.
Vacation travel syempre need ng pera para relax.

Pero kung travel as a lifestyle ok na yung "backpacking". Yung sa hostel ka lang titira and mostly street foods ang kakainin, sacrificing comfort just to see the world. :2thumbs:
.......
imban
Rapid Reload
Rapid Reload
Posts: 263
Joined: Sat Jan 07, 2012 7:18 am

marami ako kilalang ganun magaling sa budget travel... hindi kami sumasama sa kanila lol

criteria ko pag travel
1. hindi budget airline / budget airport
2. hindi budget hotel
3. hindi 3 days 2 nights

reasons
1. magbabakasyon ako
2. magbabakasyon ako
3. yung 2 days dun, airport days.. so ano yun 1 day na lang bakasyon? ayoko nga

haha.. kaartehan lang

and hindi totoo na maganda mag travel pag walang anak.. puntahan mo ulet lahat ng napuntahan mo kasama ang maliit na bata.. mas magaling sila mag appreciate ng maliit na bagay

example: naka 10000x ka na sa bora.. dalhin mo maliit na bata.. parang 1st time mo ulet
User avatar
adams_song182
Resident Evil
Resident Evil
Posts: 801
Joined: Sat Jan 24, 2004 12:25 pm
PSN ID: adams_song182

Yeap. Agree ako na hindi masaya na 3 days & 2 nights lang na bakasyon. Mag-allot ka ng solo day for travel. Kaya kami 4 days ang habol namin pag aalis lalo na kung first time pumunta sa babakasyunan.
sana yang album na hawak mo ay hindi pirata, mahirap ata mag-isip at magpuyat ng ilang araw at parang kang may karay-karay na buntong-hiningang hindi matuloy-tuloy
User avatar
Darkshader
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3031
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Maganda talaga mag ipon one year away bago magbakasyon lalo na kung out of the country ang punta mo. I lived in the states, so doon ako tumitingin sa groupon.com, mga 50% or more iyong mga deals nila or more. Mas maganda kung all inclusive ang deals kasama na hotel and food. Pero ingat din sa pag book kung totoo ba na maganda ba iyong hotel na kukunin ninyo, double check yelp.com to see the ratings and pictures. Okay din street food or food court ang kainin pag nagtitipid. You can ask local people where you can go to eat, para ma recommend nila iyong mga masarap na kainan kaysa tourist spot na mahal ang mga prices. Minsan bumibile din kami sa 711 store ng instant noodle or hotdogs para mas mura kaysa mag dinner sa labas. Pag dinner kasi mahal ang prices ng restaurant food.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
Darkshader
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 3031
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Dapat ba isama ang mga bata or hindi? In my opinion depende, kung kids friendly ba iyong pupuntahan ninyo like disneyland and universal for sure mag enjoy sila. Beach is okay dahil makakapaglaro sila sa tubig and create sand castles.

Pero kung romantic gateaway like Paris or europe, mahihirapan lang kayo mag asawa. Nag bakasyon kayo para mag saya at hindi ma stress. Lalo na kung baby iyong dala ninyo, good luck haha.

The best to bring the kids siguro 7 or 8 yrs old na sila, kasi may isip na iyan at matatandaan niya iyong mga pinuntahan ninyo. Mahirap mag dala ng kids kung maraming lakaran iyong gagawin ninyo. Kung mag rent ka ng malaking RV with kitchen and bed inside okay iyon road trip as a family, mas nababatayan mo sila ng mayos. Pero kung mag fly ka bitbit mo a stroller with their pampers and milk pa niya masyadong hassle.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
skp_16
Primal Rage
Primal Rage
Posts: 10555
Joined: Tue Jul 15, 2008 4:36 am
PSN ID: skp7_13
Location: Greenhills, San Juan

Depende talaga kung ano reason mo sa pag travel.

Kung vacation, better talaga pag mas malaki ang budget para may comfort. Kung para makita lang yung country/lugar, pwede na yung budget traveling.

May mga kilala ako na gumagawa talaga ng paraan makapag travel. Halos every 2 months bumabiyahe sila for 1-2 weeks. Pero mga backpackers/budget travelers sila kasi habol nila ay makita yung country.

About sa pag travel na may anak, tama si Darkshader na mas ok kung may isip na yung bata at depende sa lugar na pupuntahan. Naalala ko nag Hong Kong kami noong 2 years old pa lang kapatid ko, wala siyang maalala tungkol doon. :lol: Balak ko mga pag nasa 40s na ako magkaka anak. Priority ko ay mag travel muna na may freedom. :ashamed: :sweat:
.......
Post Reply