Ang Buhay Abroad

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
Post Reply
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4504
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

Fri May 16, 2014 2:57 am

Daniel wrote:
skp_16 wrote:Get together ang PPS...sa Hong Kong :grin: :lol:
Pwede rin! Sa Sony event sa HK. :lol:
tapos daan na rin ng Macau :cheer:
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
Daniel
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 17188
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Fri May 16, 2014 10:39 am

SirZap wrote:tapos daan na rin ng Macau :cheer:
taya muna sa casino tapos diretso ng china. mali. vietnam na lang. hehehe
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
PitchBlack
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 914
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

Wed May 21, 2014 10:43 am

ang standard of living ba sa SG almost same na sa US? (wag lang yung new york alam ko sobrang mahal dun hehe).. how about salary? ex. kung gaming industry/company papasukan ko..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
grayfox17
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Wed May 21, 2014 10:41 pm

PitchBlack wrote:ang standard of living ba sa SG almost same na sa US? (wag lang yung new york alam ko sobrang mahal dun hehe).. how about salary? ex. kung gaming industry/company papasukan ko..
i can only speak for my exp back in SG so unsure ako how living standards in US fare up in comparison. Yes mataas ang living expenses sa SG pero manageable naman. Kasi sa pinas tumataas ang expenses PERO ang sahod hindi. Sa SG mataas man ang living expenses pero kakayanin naman ng sinasahod mo - that is of course nasa decent level naman ang kinikita mo (about SGD1200 and above). Kung binata/dalaga ka tapos single pa at di mo need magremit parati madali ka makakaipon pero pag may obligasyon ka na sa pinas medyo dun ka mahihirapan mag budget.

Being a practical person has its definite advantages. Kasama na dyan ang mag stick sa prepaid phone, wag na kumuha ng mga gamit na kelangan bayaran monthly, limit the clothes/shoes you buy, etc. Kahit pa maglustay ka ng pera sa pagkain ok lang kasi very affordable ang meal dun kaya karamihan kahit mga lokal prefers to eat out than cook at home. Ang tanging papatay lang ng budget mo ay ang pagbili sa mga mamahaling gamit, kahit pa gadget or damit pa yan. Just stick on things that you REALLY need and can definitely use - kung di pa naman sira ang pantalon mo wag ka bibili ng bago, pag natastas ng konti then aralin mo paano tahiin yan, gets? :lol:

Technique ko para makaipon is that mag set aside ka ng quota ng ipon for yourself from your pay for atleast 2 years (bahala ka na kung magkano) THEN saka ka magbibibili ng mga gusto mo basta importante yung nilaan mong "safety" na ipon hindi magalaw. That way, medyo mura na ang mga gusto mong bilhin at hindi pa matataga ipon mo.

And whatever happens, NEVER tell anyone how much your total savings kahit pa sa magulang mo - trust me on this. :sweat:
**** ****!
User avatar
PitchBlack
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 914
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

Thu May 22, 2014 9:46 am

^

thanks sa info.. sabi nga din ng friend ko yan dapat atleast 1,200-2,000 SGD salary kunin ko kasi kung below lang din.. sa PH nalang daw ako.. meron ako friend nagwork sa KFC sa SG.. halos hindi sya nakaipon kasi kahit masmtaas sweldo dun compare sa KFC dito sa PH.. mahal naman bilihin lumalabas yung remaining savings nya parang nakukuha lang din nya sa PH.. kaya TEXT SPEAK VIOLATION pang 1yr umalis na sya dun.. umuwi na ng PH hahah.. mahirap din daw maghanap ng work sa SG ngayon eh.. mahigpot na raw...

anyway, pagdating sa savings matipid naman ako and wise spender not big spender.. so no problem.. tapos single pa ako..haha.. yun nga lang kasi karamihan sa pinoy, pag biglang malaki yung salary may tendency magastos sila.. kasi iniisip mababawi naman nila kagad sa next sahod kasi malaki salary nila.. just like call center agents and casino workers kahit mga agent ng (real estate).. puro inom weekly, gastos sa gadgets, sa kotse.. pero walang savings..

simula bata ako hangang magcollege sobrang kuripot ako.. tapos nung 1st job ko 30k salary kagad.. parang nagulat ako, so may times na sobrang magastos ako.. pero lesson learned na ako.. since na exp. ko na yun alam ko na kung ano tama and mali..

onga pala.. kung nasa abroad ka.. san pinapadaan yung payroll/salary? cash? kailangan ba magopen ka muna ng own account o yung company na bahala magasikaso?..

diba ang seaman hawak daw ng family yung salary nila? kung baga diretso daw sa family kapag swelduhan..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
Darkshader
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 3048
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Thu May 22, 2014 11:23 am

Sa america kailangan mo ng checking account. Most employer doon dinadaan ang suweldo mo sa checking para hindi ka narin mahirapan magpunta ng bangko. Iba naman checke parin ang binibigay.

Ang maganda sa states halos lahat ng bills like home utilities, medical, credit card, shopping, puwede mo na bayaran by internet, by check or by phone. Sa pilipinas nanakawin sulat mo sa post office kung nag issue ka ng cheke. Government agency cash parin ang kailangan kaysa check ... hindi man puwede magbayad thru internet para hindi ka na pumila. Iyong renewal ng registration ng car dito sa states automatic na din papadala pa sa iyong renewal sticker or car plate. Kahit drivers license renewal ID pinapadala na din sa bahay mo just send the payment.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
grayfox17
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Thu May 22, 2014 1:05 pm

PitchBlack wrote:^

thanks sa info.. sabi nga din ng friend ko yan dapat atleast 1,200-2,000 SGD salary kunin ko kasi kung below lang din.. sa PH nalang daw ako.. meron ako friend nagwork sa KFC sa SG.. halos hindi sya nakaipon kasi kahit masmtaas sweldo dun compare sa KFC dito sa PH.. mahal naman bilihin lumalabas yung remaining savings nya parang nakukuha lang din nya sa PH.. kaya TEXT SPEAK VIOLATION pang 1yr umalis na sya dun.. umuwi na ng PH hahah.. mahirap din daw maghanap ng work sa SG ngayon eh.. mahigpot na raw...

anyway, pagdating sa savings matipid naman ako and wise spender not big spender.. so no problem.. tapos single pa ako..haha.. yun nga lang kasi karamihan sa pinoy, pag biglang malaki yung salary may tendency magastos sila.. kasi iniisip mababawi naman nila kagad sa next sahod kasi malaki salary nila.. just like call center agents and casino workers kahit mga agent ng (real estate).. puro inom weekly, gastos sa gadgets, sa kotse.. pero walang savings..

simula bata ako hangang magcollege sobrang kuripot ako.. tapos nung 1st job ko 30k salary kagad.. parang nagulat ako, so may times na sobrang magastos ako.. pero lesson learned na ako.. since na exp. ko na yun alam ko na kung ano tama and mali..

onga pala.. kung nasa abroad ka.. san pinapadaan yung payroll/salary? cash? kailangan ba magopen ka muna ng own account o yung company na bahala magasikaso?..

diba ang seaman hawak daw ng family yung salary nila? kung baga diretso daw sa family kapag swelduhan..
sa SG, your pay goes to your savings account. Ikaw mismo ang dapat mag open nun tapos bigay mo na lang sa employer mo yung acct number mo. Most employers do this pero yung ibang kumpanya na maliliit lang cheke pa rin na binibigay or cash ang sahod ng empleyado.

Take note, yung decent salary na tinutukoy ko is dapat yung ACTUAL take home pay mo, karamihan kasi ng employer iba ang nilalagay sa kontrata mo na sahod kumpara sa totoong inuuwi mo. This is to circumvent the changing procedures of hiring foreigners. May mga iba nga na-employed through agency need magbalik ng sobra sa agency sa sahod nila so kung 2000 ang nakukuha ng empleyado pero ang dapat nya take home is 1000 lang, need nya ibalik sa agency yung sobra, part yun ng deal between the employee and agency and lokals knows about it too. Headhunters, in general, does not charge applicants kasi bayad na sila ng mga employer to get people for them.

Ako mismo guilty din ako sa pagiging big spender way back since my first job pero on my last job here sa pinas and my last one sa SG nadala na ko at natuto na ko mag ipon ng husto kaya nakuha ko mabili yung mga gusto ko later on without compromising yung tinabi ko na budget. Ang nkakatakot kasi sa abroad is that anytime pwede ka mawalan ng trabaho at pag wala ka mtatakbuhan na tutulong syo kawawa ka talaga kaya dapat ready ka lalong lalo na may nakatabi kang pera na pambili ng ticket pauwi.
**** ****!
User avatar
PitchBlack
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 914
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

Fri May 23, 2014 9:53 am

^
mahirap yung agency.. ganun yung friend ko, agency na nga sya tapos work pa nya sa KFC.. magkano lang sweldo ng KFC sa SG tapos kakaltasan pa ng agency, talagang wala sya naipon nun.. sabi nya exp. lang daw naiuwi nya..hahaha

maganda talaga direct hire kaso dapat magaling ka.. or swerte para yung employer mismo magasikaso ng papers..

meron isa din akong friend direct hire sya.. ginawa nya nagapply sya online pero nilagay nyang address/tel is relative nya na nasa SG.. pero nandito lang sa PH yung friend ko.. so nung tumawag daw, dinahilan na wala sa bahay.. kaya ginawa bili sya kagad ng ticket papuntang SG for interview.. ayun tanggap sya, direct hire.. madali sugro makahanap ng work nya kasi ECE graduate sya..

yung ibang friend ko naman tourist visa style for 2months hangang sa makahanap sya ng full time work.. pero atleast hindi din sya agency.. ang ok sakinala may kamaganal sila para atleast free yung stay nila for a few weeks/months.. kaya natitipid nila yung pocket money while looking for a job..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
grayfox17
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Fri May 23, 2014 3:46 pm

mga pinsan ko dati dumaan din sa agency and they had to endure that agreement hanggang sa mabayaran nila ng buo ang agency. Not all agencies require the applicant to return the excess to them, yung iba need mo lang bayaran yung fee nila and 1 month worth of salary and this was way back 2009 pa, hindi na ko sure sa lakaran ngayon ng mga agency. Pero ang siste, pag unang punta mo pa lang at sinabihan ka na need ka nilang singilin para lang sa pass application eh layasan mo na. Wala kasing charge dapat yun.

FYI lang pre, ang higpitan kasi sa SG across all LOB apektado PERO nag hire pa rin ang mga kumpanya ng foreigners. Pag yung LOB mo is yung kaya naman punan ng isang lokal (F&B, cust serv, retail,etc) asahan mo madami ka kumpitensya pero pag yung LOB mo eh hindi naman ganun karami ang aplikante tulad ng mga speech therapist, high-level positions, oil&gas, etc then may chance ka pa rin makapasok. I was jobhunting for 6 months. And ang labanan lang talaga is work experience and skillset. Pag undergrad ka medyo mahirap.

Wala naman mawawala kung susubukan mo mag apply kahit dito pa lang sa pinas.
**** ****!
deathzero23
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Fri May 23, 2014 4:03 pm

Ang gusto ko lang sa ibang bansa eh yung kikitain mo doon eh makakapagpundar ka agad ng sarili mong bahay dito sa pinas less than 3 years time na hindi ka mangungutang sa bank o kukuha ng loan sa pag-ibig. Ang masakit kasi sa mga loan schemes maputi na buhok mo, nagbabayad ka pa rin ng utang.

Kaya di mo masisi ang marami gusto umalis dito. Pero syempre may iilan na pinipiling maging positibo sa buhay at mamuhay dito pinas.
Ang laki kasi ng tax dito sa atin eh kaya di ramdam agad ang malaking ipon. Lagi na lang sapat o kulang at madalang ang sobra.

Iba pa rin ang direct hire at employer pa magaasikaso ng tiket at papers mo. Jackpot na rin yun. Pero dapat talaga worthy ka job position.
User avatar
grayfox17
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Fri May 23, 2014 5:25 pm

Sa SG madalang lang ang mga kumpanyang mag aasikaso ng papers mo at sasagot ng tiket mo. More often than not, ikaw lang din gagawa ng mga yan kahit pa direct hire ka. Madali nga makapag ipon pero kasi ang problema nga sa SG yung dapat na sahod mo na nakalagay sa kontrata minsan hindi yun ang net pay mo kasi nga naka declare lang sa papel na dapat XXXX ang sahod mo para palabasin na legal ang pag hire syo. Isa kasi yan sa batayan para mabigyan ka ng work permit sa SG, yung pay na dapat mo makuha for the role you are applying for.

Karamihan ng ofw dun sa SG tulad ko naghuhulog pa din sa pag ibig, iba nga sa min dinededma na ang sss kasi alam namin lahat na sobrang pahirapan mag loan dun tapos maliit lang makukuha mo unlike sa pag ibig na madali pa mag claim. Dami nga din dun ang tatagal na sa sg pero di pa rin makapag pundar ng bahay sa liit ng kita tapos kasabay pa monthly expenses na kelangan ipadala monthly so no choice kundi dumaan sa pag ibig talaga.
**** ****!
User avatar
Darkshader
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 3048
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Sat May 24, 2014 12:18 am

Sa Amerika guys mura din ang bahay. You can afford it basta huwag kang titira sa city or sikat na area. Dapat bumili ka ng bahay ng medyo malayo sa city like suburb area mga 1 to 2 hrs ang commute mo para talagang mura. Kaso ang problema naman doon nauubos ang oras mo sa driving or commute, tsaka kung mag drive ka magastos din sa gasoline.

For example ang bahay sa San Francisco na 3 bedroom nasa $600K - $850K. Pero kung bibili ka sa malayo like Sacramento same 3 bedrooms pero nasa $300K - 500K na lang.

Ngayon kung gusto mo talagang mas murang mura huwag kang tumira sa magandang states like Hawaii, California, Washington or New York. Piliin mo iyong state na may snow or maiinit or kaya naman daanan ng hurricanne ayan medyo mura mga bahay diyan ... example sa maiinit na lugar is Texas, New Mexico, Arizona, Georgia, Nevada and syempre Florida. Iyong inuulan ng snow diyan ka bumili sa Utah, Idaho, Colorado. Iyong daanan ng hurricane diyan sa Kansas, Oklahoma and Arkansas. Sa mga nasabi kong states na iyan you can buy a house na mas malaki ang lupa, malaki at maraming rooms, at mahahabang drive ways to park your car. At typical 3 bedrooms range from $150K - $300K. Iyong ibang style nga kala mo mansion with high ceilings pa.

Ngayon kung sa pilipinas mo iuuwi iyong pera at gagawa ka ng dream house mo okay na iyon. You can spend $100K about P4Million pesos. Pero one story house lang yata iyan para sa ganyang price.

So in the end, either you bring home your money ($100K for example) sa pilipinas para magpagawa ng gusto mong bahay. Pero if you go to Florida and spent $150 - $250K konti lang deperensya still nasa Amerika ka parin nakatira. Kagandahang sa america pag matanda ka eh mura binabayaran mong medical or konti lang co-pay mo sa medical bills. Sa Pilipinas mahirap pag nagkasakit ka ikaw lahat unless you get a health insurance. Kaya maraming mga amerikano nag reretire sa Florida kasi mura bahay doon tsaka maraming beaches and syempre daming magagandang girls hehe, especially siguro sa Miami.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
PitchBlack
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 914
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

Sat May 24, 2014 4:16 pm

@grayfox17

ibig sabihin ba kung agency ka wala ka pag asa maging regular? or pwedeng regular/full time job pero agency ka? since HRM grad ako marami nagsasabi sakin may apply daw ako ng casino hotel sa SG.. kasi yan din work exp. ko.. pero sabi naman ng friend ko mas hina hire nila yung locals nila sa mga hospitality industries kesa mga foreigners.. ano ba karamihan work ng pinoy sa SG? DH, IT or hospitality industry?

may kakilala kami na graphic designer ng uncle ko (tauhan lang nya) pero nagresign and pumunta ng SG.. umasenso sya dun tapos nagustuhan sya ng boss nya kaya inasikaso papers nya pati family nya dinala na dun.. ang problema yung 1 apartment dun 2 family nakatira.. dahil sobrang mahal daw.. kung sabagay yung inuupahan ng friend ko na apartment, 1 apartment tapos 4 room and iba iba tao.. sabi nya kasi 20k+ (PHP) upa nila per room.. ang liit lang ng each room nila. ganun daw kasi kamahal upa dun..


@Darkshader

ang mahal ng condo sa Metro manila 2M-5M studio type lang parang bahay ng kalapati yung laki.. kung sa province naman sakto lang yung 2M-5M na bahay kaso ang layo naman nya kung ang work mo sa Manila.. unless nalang kung magreretire ka and gusto mo nalang magsettle sa province..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
grayfox17
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sat May 24, 2014 4:46 pm

PitchBlack wrote:@grayfox17

ibig sabihin ba kung agency ka wala ka pag asa maging regular? or pwedeng regular/full time job pero agency ka? since HRM grad ako marami nagsasabi sakin may apply daw ako ng casino hotel sa SG.. kasi yan din work exp. ko.. pero sabi naman ng friend ko mas hina hire nila yung locals nila sa mga hospitality industries kesa mga foreigners.. ano ba karamihan work ng pinoy sa SG? DH, IT or hospitality industry?

may kakilala kami na graphic designer ng uncle ko (tauhan lang nya) pero nagresign and pumunta ng SG.. umasenso sya dun tapos nagustuhan sya ng boss nya kaya inasikaso papers nya pati family nya dinala na dun.. ang problema yung 1 apartment dun 2 family nakatira.. dahil sobrang mahal daw.. kung sabagay yung inuupahan ng friend ko na apartment, 1 apartment tapos 4 room and iba iba tao.. sabi nya kasi 20k+ (PHP) upa nila per room.. ang liit lang ng each room nila. ganun daw kasi kamahal upa dun..

Kahit dumaan ka sa agency or direct hire ka ng employer may pag asa ka pa din maging regular, its all about performance lang talaga. Ang probationary status is 3 months usually pag direct hire ka para maging officially permanent ka, pag dumaan ka kasi sa agency at ok naman performance mo may chance ka ma-absorb ng employer. Same thing lang naman. Hindi ka lang mareregular pag malinaw na ang position na hinahawakan mo is contractual lang talaga at may nakasaad na timeframe kung hanggang kelan ka lang nila kailangan (e.g. period of 3 months to cover for an employee who's on maternity leave). I was hired directly and I never attempted the agency method so I can only state what I know up to the point I left in SG, who knows baka iba na policy ng mga yan - proceed with caution lang talaga if you will opt to take the agency to land a job kasi they can only help you find an employer and get an interview pero pag inaapply na ang work permit mo at nareject, labas na ang agency dun. Ang pagkakaalam ko hindi ka naman sisingilin ng agency ng full payment hanggat di ka pa nakakapag simula so that's a good thing.

Ang mga pinoy sa SG nagkalat sa halos lahat ng LOB kaya nga minamata tayo ng mga lokal kasi karamihan ng mga pinoys makikita mo sa mga frontlines sa halos lahat ng establishments pati sa mga opisina lang holding better positions and getting better pay. Isa pa, yung pagsagot kasi ng employer sa tirahan at tiket mo depende sa kumpanya mo, like i said, not all companies practice this - atleast, not those that i know of during my entire 4 years in SG.

Kung mag aapply ka sa casino sa SG better secure an NBI clearance from here kasi by right hindi talaga kailangan ang NBI clearance pag mag jobhunt ka dun kasi most companies do not really recognize this pero from what i heard kelangan mo daw yun pag mga casino ang specifically applayan mo.

Uulitin ko, oo priority ang mga locals/pr's sa SG ngayon across all LOB PERO they still hire foreigners. Mas mahirap nga lang to get in kumpara before.
**** ****!
User avatar
Darkshader
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 3048
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Sun May 25, 2014 6:13 am

@pitchblack
Iyong nasabi kong price sa house na P4 million dapat may lupa ka na patatayuan, syempre hindi puwede sa metro manila iyon dahil kulang iyon. For you to create your dream house sa metro manila kailangan talaga nasa P8-12Million ang gastusin mo kasama na lupa. Kung gagastos ka lang ng ganon then I rather move to another state like florida or utah, or maybe here in california like sacramento city. Kasi kahit papaano may trabaho ka kahit malayo commute. Masyadong mahal ng mga lupa sa metro manila. Mura lang sa america kasi gawa lang sa kahoy ang bahay, sa pilipinas dapat made of concrete.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
ShadowoftheDarkgod
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 1030
Joined: Mon May 21, 2007 6:14 am
Location: Ryoko Owari

Sun May 25, 2014 9:26 am

grayfox17 wrote: Take note, yung decent salary na tinutukoy ko is dapat yung ACTUAL take home pay mo, karamihan kasi ng employer iba ang nilalagay sa kontrata mo na sahod kumpara sa totoong inuuwi mo. This is to circumvent the changing procedures of hiring foreigners. May mga iba nga na-employed through agency need magbalik ng sobra sa agency sa sahod nila so kung 2000 ang nakukuha ng empleyado pero ang dapat nya take home is 1000 lang, need nya ibalik sa agency yung sobra, part yun ng deal between the employee and agency and lokals knows about it too. Headhunters, in general, does not charge applicants kasi bayad na sila ng mga employer to get people for them.
Sir, palinaw lang nito. Kunwari ang offer sayo eh 4K SGD, pano mo malalaman na yun talaga ang take home pay mo?
And remember kids:
the more posts you have, the bigger your pens is.
PSN ID: ShadowoftheDark
User avatar
grayfox17
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sun May 25, 2014 4:07 pm

ShadowoftheDarkgod wrote:
grayfox17 wrote: Take note, yung decent salary na tinutukoy ko is dapat yung ACTUAL take home pay mo, karamihan kasi ng employer iba ang nilalagay sa kontrata mo na sahod kumpara sa totoong inuuwi mo. This is to circumvent the changing procedures of hiring foreigners. May mga iba nga na-employed through agency need magbalik ng sobra sa agency sa sahod nila so kung 2000 ang nakukuha ng empleyado pero ang dapat nya take home is 1000 lang, need nya ibalik sa agency yung sobra, part yun ng deal between the employee and agency and lokals knows about it too. Headhunters, in general, does not charge applicants kasi bayad na sila ng mga employer to get people for them.
Sir, palinaw lang nito. Kunwari ang offer sayo eh 4K SGD, pano mo malalaman na yun talaga ang take home pay mo?
OK, ganito yan.

Lets say ang offer sayo is S$4k and malinaw na nakalagay yan sa kontrata/payslip mo PERO may breakdown to make that amount - to reach that price meron na nakalagay sa kontrata or payslip mo na 4k nga ang total but naka-include na dun ang kung ano-anong variables like OT pay, transpo pay, etc. so ang lalabas na total is 4k pero ang NET mo lang is nasa 2k lang pala, gets? Ang reason kasi behind this is paiba iba nga ang conditions to secure a work pass and isa sa mga conditions na yun is yung dapat na ibayad sayo ng employer. Now, may advantage pa rin yun para sa empleyado lalo na dun sa mga renewal na lang, kung after i-add up ang mga yan at kapos pa rin to meet the minimum pay requirements all they gotta do is give you a raise - pero yun nga lang kadalasan barya lang ibibigay pero oks na yun kesa wala. Kung may advantage, definitely meron din namang disadvantage, more often than not, hindi ka makakapag negotiate for a higher raise, they will just lay it down on you and mangyayari dyan parang "take it or leave it na lang."

Take note, hindi naman lahat ng kumpanya ginagawa to. Yung iba tulad ng mga malalaki at kilalang kumpanya (called MNC's) do give the rightful amount that they promised. So pag nilagay nilang 4k total then 4k talaga iuuwi mo.
**** ****!
User avatar
OnceAnAngeL
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 1355
Joined: Sat Jun 14, 2008 6:40 pm
PSN ID: NovisNoah
Location: Q.C./Greenhills
Contact:

Sun May 25, 2014 5:22 pm

@pitchblack
Meron kayong wholesale/retail business diba? Ba't hindi mo nalang tuloy yun and i expand? Marami akung kaibigan na sobrang gusto mag start ng business pero walang capital. Ikaw meoron na. :sweat:
Mabilis ang growth ngayon sa ph lalo na sa bpo sector kaya dumadami ang yuppies and tumataas purchasing power ng filipino.
Kami nag eexpand ng iniimport and sana ma penetrate narin ang manufacturing.
Yung highschool friend ko na construction materials ang family business lumaki sobra ngayon dahil sa construction boom nung late 00s.

About sa price ng bahay. Yung 5 million+ na "studio type" condo na sinasabi niyo eh sa mga location na yun ng mga established na cbd eh. :sweat: Yung bahay namin sa may scout area qc(townhouse) mababa lang bili nung 2007. :sweat: scout area walking distance sa timog/thomas morato and malapit sobra sa q.ave. tsaka kung papa rent mo naman yung bahay na binili mo sa mga commercial district babalik din sayo yun pag tagal. :sweat: Yung combine monthly rent ng "3"house and lot na pinaparent namin sa Meycauayan mas mababa pa sa monthly rent ng isang 2 bedroom condo na pinaparent namin sa may Alabang Zapote. :sweat: Mura nga sobra yung kuha namin sa Bulacan kaso naging stagnant naman yung price ng lupa.

Sa may binondo ka diba? Yung benavidez garden inoffer samin dati yung 2 bedroom unit nila with 1 maids quarter. Nalimutan ko na kung 3 or 4 mil. Medyo lumana yung building pero katabi niya mismo yung hope and walking distance lang siya sa Metropolitant hospital and malapit din siya 168 mall.

OT
Parang hindi ko kaya sa ibang bansa tumira. Pag nag vacation kami ng 1 week parang nammiss ko na yung room ko. :mrgreen: hindi ko ma imagine na mawala ng 1 year.
Games- http://farm8.staticflickr.com/7423/9606 ... 67db_z.jpg - 8/28/2013
Fig Collections - http://farm8.staticflickr.com/7308/9609 ... c06a_o.jpg

PSN: NovisNoaH
3DS FC: 2363-5679-1542
Steam: Limpanot
User avatar
ShadowoftheDarkgod
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 1030
Joined: Mon May 21, 2007 6:14 am
Location: Ryoko Owari

Sun May 25, 2014 7:45 pm

minsan talaga paps mapapaisip ka eh saka minsan meron ding opportunity na lalapit sayo.

nung pumutok nga yung issue ng kay napoles talagang gustong gusto ko nang lumayas dito sa pilipinas eh. nakakabwisit.


Sir Grayfox, salamat sa sagot. So ano ang maganda kong itanong pag may ganyang offer, tatanungin ko ba na 4K ba ang neto ko o 4K ba talaga ang matatanggap ko?
And remember kids:
the more posts you have, the bigger your pens is.
PSN ID: ShadowoftheDark
User avatar
grayfox17
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sun May 25, 2014 11:13 pm

ShadowoftheDarkgod wrote:minsan talaga paps mapapaisip ka eh saka minsan meron ding opportunity na lalapit sayo.

nung pumutok nga yung issue ng kay napoles talagang gustong gusto ko nang lumayas dito sa pilipinas eh. nakakabwisit.


Sir Grayfox, salamat sa sagot. So ano ang maganda kong itanong pag may ganyang offer, tatanungin ko ba na 4K ba ang neto ko o 4K ba talaga ang matatanggap ko?
No problem. :grin:

Hindi mo need itanong bec most likely diretso na nila ipapakita or sasabihin syo yung computation at breakdown. Its up to you na lang if you will take it - ikaw lang makaka decide nyan. Negotiation is probably out of the question na rin but you can always try. Kasi sa SG, your pay will usually commensurate with experience, meaning, pag naimpress sila sa credentials mo they will tell you outright na they can give you more.

But then again, dont expect too much lalo na sa panahon ngayon. Plenty of things got changed from the time I started my adventure in SG up until I decided to go back home for good especially employment practices. :sweat:
**** ****!
User avatar
ShadowoftheDarkgod
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 1030
Joined: Mon May 21, 2007 6:14 am
Location: Ryoko Owari

Mon May 26, 2014 7:06 am

ok sir salamat. kaya pala napauwi din kayo kasi base sa kwento nyo sir mukhang ok na kayo sa singapore kala ko yung uwi nyo eh vacation lang. salamat ulit sir!
And remember kids:
the more posts you have, the bigger your pens is.
PSN ID: ShadowoftheDark
User avatar
grayfox17
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Mon May 26, 2014 7:41 am

ShadowoftheDarkgod wrote:ok sir salamat. kaya pala napauwi din kayo kasi base sa kwento nyo sir mukhang ok na kayo sa singapore kala ko yung uwi nyo eh vacation lang. salamat ulit sir!
this just might help you decide:

https://finance.yahoo.com/news/singapor ... 34777.html
**** ****!
User avatar
Darkshader
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 3048
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Mon May 26, 2014 11:20 am

@onceanangel
Ako naman pag nagbakasyon sa pilipinas na miss ko din room ko sa california. Baliktad tayo. Kaya ko na miss kasi dami kong sinusundan na tv shows, mga collection ko (anime, toys, videogames), iyong kotse ko, iyong bilis ng internet dahil mabagal sa pinas, tsaka iyong lamig ng weather. Siguro 4 weeks is enought for me to take a vacation.

Pag nag mall ako nagsasawa na din ako sa pilipinas noong nandiyan ako. Four times a week nasa mall ako kaya nag sawa ako. I need to go out of town like laguna or palawan or bora, but for me to do that eh magastos din kasi mga singil sa resort parang dollars na din ang convertion. Wala rin kaming sasakyan to go out of town, nahihirapan ako mag commute dahil sa init. Tsaka for you to avail the discount dapat binili ko na iyong ticket or reservation ng matagal na. Kaso problema sa atin bihira mag sale kung meron man palpak like cebupacific. Sa states nasanay ako na daming promo sa groupon every day kaya talagang mainganyo ka gumastos kasi 40-70% from resort, food, items etc. Airlines daming promo din basta hindi thanksgiving kasi nagmamahal pag ganong holiday kasi nag uuwian mga tao for reunion ... other than that the best ang thanksgiving pag shopping dahil sa bagsak presyo.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
PitchBlack
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 914
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

Mon May 26, 2014 11:56 am

@Darkshader

yun nga eh sobrang mahal na ng lupa sa metro manila.. if ever gusto ko talaga metro manila lang.. wala ako balak sa north or south area.. kaya dapat todo sipag ako para yumaman.. haha.. pwede sa province kung rest house..haha pero hangang pangarap lang muna yun..

anyway.. nagtataka nga ako bakit kahoy mostly bahay sa US.. sabi nga ng mama kung nung pumunta sya parang de-assemble daw yung bahay dun.. sobrang mahal ba ng concrete dun? o gusto lang nila kasi mas mainit yung wood kesa concrete during winter..


@grayfox17

pero pag agency diba meron Fee bago ka nila hanapan ng work sa SG or abroad? naalala ko yung friend ko nagapply din sa agency para magwork sa SG sinisingil sya ng malaking amount (5digits) nagback out sya.. haha ang gulo kasi ng mga friends/nakilala ko nagwowork sa SG tska yung naka exp. na dun.. iba iba sinasabi nila na mahirap na raw ngayon magwork dun.. hindi na raw basta basta (naghigpit).. yung iba naman sabi ganun parin depende nalang daw sayo tska sa employer..

parang 2 klaseng field lang gusto kong work sa SG.. either IT industry or hospitality industry (ewan ko lang kung malaki sahod ng restaurant staff dun)..

may isa akong kilala nagwork sya for 1yr sa australia as waiter (baka describe nya sa work nya taga refill lang daw sya ng buffet) pero naka almost 1M daw sahod nya for 1year with TIP.. yung tip daw ang malaki kesa sahod.. pero tanga, pag uwi dito bumili ng limited editon honda civic mugen worth 1M.. hahaha

sa EU/US/middle east.. marami nagsasabi mas malaki daw naiipon nila na tip kesa salary.. sa SG ba ganun din ka galante mga tao dun?? hehe


@OnceAnAngeL

meron naman capital pero hindi sobrang laki..hehe actually sa survey konti lang nagsusurvive na Family Business usually hangang 2nd gen lang.. pag dating sa 3rd gen either nalugi or ayaw ituloy.. nakaka hinayang lang din kasi 70yrs+ na yung business naman since 1942 pa..

hindi ko gusto yung business concept.. i appreciate and alam ko grabe pinaghirapan ng grandfather and mother ko yung business para tumagal ng ganun.. pero ang hirap magbusiness pag hindi mo gusto.. just like your job/work mahirap magtrabaho pag hindi ka nageenjoy sa ginagawa mo..

gusto ko talaga sariling business.."I would rather make my name than inherit it." ok lang sakin kahit maliit na business basta masaya ako.. kaso kulang pa exp. ko kaya gusto ko muna magwork abroad.. kung di locally wala ako maiisip kung saan ok.. hehe

diba maraming area sa scout in QC na bumabaha kaya siguro mura, up down kasi mga lugar dun.. parang sa Banawe area/talayan village mura din bahay pero bumabaha naman.. yung business lang naman yung nasa binondo.. taga QC (araneta ave) kami.. pero both parents and grand parents laking binondo.. pero dati bahay namin sa ongpin pero na demolish na nung 6-7yo ako.. kaya lumipat kami sa QC..

ok maginvest sa binondo area.. kahit sabihin mong baon sa utang yung maynila.. mataas parin value ng lupa sa binondo.. parang makati/BGC..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
PitchBlack
Jumping Flash!
Jumping Flash!
Posts: 914
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

Mon May 26, 2014 11:59 am

@Darkshader

yan ang isa sa gusto ko sa US.. grabe sila magpromo.. halos lahat ng bagay may promo sila..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
Post Reply