Ang Buhay Abroad

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
Post Reply
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sun Jun 08, 2014 6:00 pm

^surprisingly when i got back in pinas a lot has improved in terms of commuting exception na lang siguro yung trapik at kawalan ng disiplina sa daan but doesnt bother me much kasi natuto akong maging pasensyoso lalo na sa daan. Siguro commendable sa kin yung mga ginawa ng ibang govt offices resorting to online procedures to speed up applications/inquiries being looked up for basic information tapos crowd control sa mrt na kung sino lang nasa platform sila lang ang pasasakayin muna. Annoying yung dagsa ng commuters na kasabayan mo pero syempre nasanay na ko sa ganun way back so ang solusyon ko is umalis na lang ng maaga sa bahay.

Since i got back i literally stopped watching local tv shows. Siguro paminsan minsang balita pero I never stayed tuned with anything especially sa mga local shows bec we all know how local media outfits tend to go overboard with their talk shows and telebobos. I mean, they got the mtrcb disclaimer going on moments before your favorite show/movie starts and yet the parents themselves arent exactly putting up much "parental guidance" for their kids. And dont even get me started with the local news, they are really the worst kind, man...
**** ****!
User avatar
barefoot_warrior
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 1729
Joined: Sun Nov 19, 2006 11:15 pm
Location: QC, Philippines

Mon Jun 09, 2014 1:36 pm

I guess Ok na magshare din ako ng experience ko dito, since paalis na rin ako ng pinas in a few months :(

As someone who's been working in the IT industry for 10 years, I've had my fair share of travelling and living abroad. Nakapagtrabaho na ako sa Europe, Africa, US and Malaysia. Let me compare bawat isa.

Europe - I was sent to Europe for 3 months when I was a fresh grad. Tahimik yung lugar and very friendly mga tao. Ang napansin ko dito, pag may leave ka na, hinde na mamomove yan, no matter if there's an error in the system. Hinde uso ang overtime dito. Maayos ang commute. Of course tahimik sa gabi, and mamimiss mo yung ingay ng Metro Manila. And pagdating ng 11pm, puro softcore pr0ns na ang palabas sa tv, siguro para dumami population nila :D Una kong nacompare noon yung airports, ang lalaki ng airports sa Europe at ang gaganda, para kang gumagala sa mall. Mala Changi Airport ng SG yung mga stop over airports ko.

Africa - Kung sa Europe ang gaganda ng aiport, itong napuntahan kong country, mas panget pa sa NAIA. Napaka walang disiplina ng mga tao at walang sistema. Hinde kami makalabas dahil delikado. Hinde ka makapamasyal or makapagsimba. Nandun lang kami sa flat namin, nood ng cable. Pati pag punta namin sa office hatid-sundo kami. Nung dito ako napunta, pakiramdam ko, ang yaman yaman ng pinas. Sa labas ng office namin, parang squatters yung mga tirahan, pakalat kalat pa yung mga tao. Take note na I worked sa Central Bank ng country na yun ah! Mararamdaman mong naghihirap talaga yung mga tao dito. Nung nandito ako, everyday binibigyan kami ng kalahating manok na luto na. 10 kaming magkakasama, so 10 na kalahating manok ang inuuwi namin araw araw. Since sobrang dami, minsan binibigay namin sa mga tagalinis yung mga 4 na kalahating manok. Talagang nag aagawan sila, at nagiging magkakaaway sila dahil dun.

US - What can I say? At least dun sa napuntahan kong lugar, hinde uso ang Overtime sa work, and tahimik yung lugar. Lahat accessible. Sarap tumira dito. Mababait pa yung mga tao sa napuntahan ko, lahat friendly. Only thing I noticed, puro overweight ang mga tao! Makikita mo agad na sagana mga tao dito. Nung minsang tumambay ako sa walmart dahil naghihintay ng sundo, 70% ata ng taong dumaan sa harap ko e overweight at matataba. Walang sinabi katabaan ko sa kanila. Parang ang payat payat ko sa US hehehe
We see what we want to see, whether it's there or not. We choose our own truths.
User avatar
barefoot_warrior
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 1729
Joined: Sun Nov 19, 2006 11:15 pm
Location: QC, Philippines

Mon Jun 09, 2014 1:58 pm

cont.

Malaysia - tumira ako dito for 2.5 years. Parang nasa pinas ka. Kung ipon ang habol mo, makakaipon ka rin dito na para kang nasa SG. Mataas ang crime rate dito, hinde lang binabalita na parang sa pilipinas. Kung sa pinas, irereport na kahit yung nakita sa CCTV lang, dito kahit gang rape, hinde masyado binabalita because tourism is one of the main driving force in their economy. Pinuprotektahan nila image nila. Marami ring mandurugas dito, holdaper. Kahit budul-budol meron din! Though Muslim country to, open country naman sya. Kahit ano pwede mong kainin, meron ding pork sa mga grocery. Pero may discrimination dito, kahit sa mismong citizens nila. Uunahin nila yung mga lokal (mga kayumanggi), sunod chinese, tapos mga bumbay then expats. Kung nagkaron ng court hearing between lokal and chinese, mas papaboran nila ang lokal and so on.

Dito rin kami nagdecide na mag apply sa isang 1st world country as resident. Dati ayaw ko pa, sinasabi ko na masarap pa rin naman ang buhay sa pinas. So kahit happy ako sa pinas, pinagpatuloy ko yung application ko sa 1st world country.

Hanggang umuwi na ako ng Pinas from Malaysia, nagdadalawang isip pa rin ako kung itutuloy ko pa yang application ko sa 1st world country, dahil napaka stressful. Lagi ko sinasabi sa sarili ko single naman ako, di ko kailangang pumunta sa another country, na masaya ako sa pinas, na maganda ang trabaho ko, stable ang demand. Ang hirap mag gather ng documents, not to mention yung financial aspects pa.

Pero pag uwi ko ng pinas, narealize ko, sa US, kahit anong edad, OK magtrabaho, walang age discrimination. Pano na lang ako? Tumatanda na ako. Pano kapag matanda na ako? Hinde na ako tatanggapin sa mga companies. Narealize ko na ang hirap tumanda sa pinas ng walang pera. Tapos, lecheng napoles to, nagpapakasasa sa tax ng mga tao, kuryente na pinakamataas ang rate sa buong mundo, MRT na isang kilometro ang pila. Minsan nakakabuwisit na isipin din. Nakaka stress din hahaha.

Hanggang sa na approve na yung visa ko. Proud ako sa visa ko kahit paano, dahil wala naman akong kamag anak sa pupuntahan kong country or walang tulong ng kahit sinong kakilala dun, pero na approve pa rin ang resident visa ko. Nilakad ko lang ng mag isa, walang agency or backer, though sabay sabay kami ng mga kasama ko sa Malaysia na nag apply. Until now, nagdadalawang isip pa rin ako na umalis. A part of me, gusto pa rin mag stay sa pinas. Pero kung ganito ang sistema, hinde ko alam kung tatagal pa ako. Marami na akong natanong, at pinapagalitan pa ako pag sinasabi kong parang ayoko ng umalis ng pinas. Marami raw gustong pumunta sa country na pupuntahan ko, maunlad na bansa, almost 0% crime rate, tapos hinde ko itutuloy. Sayang daw pera at panahon ko.
We see what we want to see, whether it's there or not. We choose our own truths.
User avatar
Daniel
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 18777
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Mon Jun 09, 2014 3:20 pm

May attachment ka pa rin sa Pilipinas e. Sa umpisa talaga ganun e. Pag tumagal tagal, mas magugustuhan mo na rin dun sa lilipatan mong bansa. Nandun ang benefits e lalo nga pag tanda.
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
barefoot_warrior
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 1729
Joined: Sun Nov 19, 2006 11:15 pm
Location: QC, Philippines

Mon Jun 09, 2014 3:34 pm

Magkakaiba yung feeling kapag nasa ibang bansa ka. Iba ang feeling kapag nagbabakasyon ka, kapag assigned ka lang abroad, kapag OFW and kapag magmimigrate ka. Yung last part na lang hinde ko nararanasan dahil paalis pa lang ako ng pinas.
We see what we want to see, whether it's there or not. We choose our own truths.
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Mon Jun 09, 2014 4:26 pm

ako mismo pinag iisipan ko din kung mag aabroad pa ko ulit, although may budget ako to do just that pero andaming factors involved na mapapaisip ka talaga kung tutuloy o hindi. learning from my exp in SG, mahirap sumugod ng hindi buo ang loob
**** ****!
User avatar
PitchBlack
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 914
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

Tue Jun 10, 2014 10:03 am

@barefoot_warrior

go mo na yun.. tutal sanay ka narin magwork sa abroad.. tska tama sila madami gusto magabroad pero hindi makaalis.. kung may opportunity always say yes.. hehe

trust me, hindi na aasenso ang PH.. unless na totoo yung illuminati, sabi kasi nila after nila ipalago economy ng EU, then US.. next is yung asia naman daw.. you know why, bakit nawalan na ako ng pagasa sa PH? kasi kung ang simpleng bagay/problema hindi magawa pano pa kaya yung malalaking bagay?

ex. kung maglinis ng plato or kwarto mo hindi mo magawa.. pano pa kaya yung ibang masmabigat na responsibilities sa bahay. ganyan ang PH, yung mga small things hindi nila masolutionan pano pa kayo yung iba? habang tumatagal lalong tumitigas ulo ng pinoy.. tska hanggat nakikialam yung church sa govt.. hindi aasenso talaga..

2 things lang nakikita ko para umasenso ang PH.. world war 3 or ibenta nalang ang PH..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
Daniel
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 18777
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Tue Jun 10, 2014 11:15 am

^^ totoo pa rin kaya yung paper clip lang 1 month bago makuha ang request?
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Tue Jun 10, 2014 12:17 pm

kung ako tatanungin, mabuti pang ibalik na lang ang martial law dito sa pinas para mapilitan maging disiplinado ang mga pinoy...
**** ****!
User avatar
ChardPurple
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 867
Joined: Wed Apr 11, 2012 4:44 pm
PSN ID: chard_newfag

Tue Jun 10, 2014 1:31 pm

Daniel wrote:^^ totoo pa rin kaya yung paper clip lang 1 month bago makuha ang request?
Dito sa office may mga request na lampas 1 month bago makuha lalo na yung mga medyo mahal na items.
Last edited by ChardPurple on Fri Sep 07, 2018 11:23 am, edited 1 time in total.
Image

Now Playing: Tekken 7, Gwent: Homecoming, Thronebreaker (PC), Octopath Traveler, Super Smash Bros. Ultimate (Switch)

"Substance over style, quality over quantity, practicality over idealism."
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Tue Jun 10, 2014 2:54 pm

ChardPurple wrote:
grayfox17 wrote:kung ako tatanungin, mabuti pang ibalik na lang ang martial law dito sa pinas para mapilitan maging disiplinado ang mga pinoy...
Of course many will disagree though I agree with that. But the way things are going it seems na mas prone sa abuse ang martial law ngayon in case mabalik yan compared dati.
Problem is, hanggang idea na lang yun. At katakot takot na anarchy ang kasabay nun for sure. :sweat:
**** ****!
User avatar
nagashitty
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 3523
Joined: Sat Nov 08, 2008 4:01 pm

Mon Jul 07, 2014 3:44 pm

next year plano namin ni misis mag abroad. sa qatar naman kami, bali yung parents ko kasi andun kaya mas madali yung pag apply ng visit visa. 6 months kami dun mag vivisit habang mag aapply na rin for work dun. ako mag reresign na ako sa current job ko, si misis indefinite leave dahil teacher sya sa public school. hopefully swertehin naman kami dun sa pag hanap ng work since parehas naman kami may work experience na more than 6 years. naisipan namin to since na bwbwisit na rin si misis sa mga changes sa deped, di tuloy sya ma promote promote haha. mag stay for good na kami siguro dun kung maganda makuha kong work para ma sponsoran ko si misis. wala pa naman kaming anak so parehas kami mag kakayod para makapag ipon agad for our future plans.
i said good day sir!
User avatar
Mandac8
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 4539
Joined: Sat Jul 10, 2010 4:37 pm
PSN ID: Mandac_08
Location: 台灣 No Man's Land
Contact:

Thu Sep 11, 2014 7:21 pm

So Much Stress... What a Bad Year for Me. :facepalm:
"Riding is my LIFE.
Anything that happens
before or after is
just Waiting."
User avatar
kurtsky
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 1614
Joined: Sat Aug 12, 2006 4:18 am
PSN ID: kurtskyKG
Location: Metro Manila
Contact:

Thu Jan 01, 2015 11:26 pm

Gusto ko na mag abroad para mas malaki ang kita kaso ang daming req .
May showmoney ba for australia or sg? Ano mga kelangan?
Last edited by kurtsky on Sat Jan 03, 2015 3:34 am, edited 1 time in total.
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Fri Jan 02, 2015 9:35 am

^Kahit san ka mag abroad matic na yung show money and advisable to bring atleast 50K above - mas maganda if you got a sure place to stay, eto kasi yung madalas minamata ng immigration both in PH and SG sa mga travellers kasi alam nila na style na ng iba yung papasok as tourist pero maghahanap pala ng work. Not sure ako sa exact procedure for AUS pero yung ginawa kong preparation sa pag punta ko sa SG dati was to prepare the basic documentations lang that I would need (authenticated tor & diploma sa DFA, print na ng resume, etc.)

Although naghihigpit na ang SG, tumatanggap pa rin nman sila ng foreigners so dapat may back up plan ka talaga in case wala ka mahanap na work within the timeframe na matatatak sa passport mo.
**** ****!
User avatar
kurtsky
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 1614
Joined: Sat Aug 12, 2006 4:18 am
PSN ID: kurtskyKG
Location: Metro Manila
Contact:

Sat Jan 03, 2015 3:35 am

Worth it ba mga online job websites? Nakakatakot dun pag dating mo abroad scam pala. Lol!
Yung kaibigan ko pinetition siya ng kamag anak niya.
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sat Jan 03, 2015 11:59 am

Worth it naman kasi nung time na nasa SG ako that's how I got my job tapos tsambahan direct employer naman. May mga kumpanya kasi na hindi man ganun kalakihan pero maaayos pa rin. And same as anywhere, ingat ka pa rin sa pagpili ng mga aaplayan mo. Dun ka lang mag rely sa mga kilalang job sites tulad ng jobsdb and jobstreet.
**** ****!
User avatar
Daniel
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 18777
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Mon Mar 02, 2015 5:38 pm

kurtsky wrote:Worth it ba mga online job websites? Nakakatakot dun pag dating mo abroad scam pala. Lol!
Yung kaibigan ko pinetition siya ng kamag anak niya.
check mo sa google kung yung site na titingnan mo ay legit o hindi.

basta pag nanghingi ng bayad para ma-process yung application, red alert na. :D

meron nga, middle east yung site tapos naniningil ng canadian dollars? :bigmouth:
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
Mandac8
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 4539
Joined: Sat Jul 10, 2010 4:37 pm
PSN ID: Mandac_08
Location: 台灣 No Man's Land
Contact:

Tue Mar 03, 2015 12:22 pm

Work Hard, Play Hard all the way. :agree:
"Riding is my LIFE.
Anything that happens
before or after is
just Waiting."
User avatar
kurtsky
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 1614
Joined: Sat Aug 12, 2006 4:18 am
PSN ID: kurtskyKG
Location: Metro Manila
Contact:

Sat Jul 11, 2015 6:07 am

Lagi ng per hour sa US kumpara dito :D
User avatar
Daniel
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 18777
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Sat Jul 11, 2015 11:26 am

yup minsan per year naman
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
Darkshader
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 3048
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Sat Jul 18, 2015 5:01 pm

Kung may pagkakataon ka mag abroad ... go na iyan. Hindi na pinag iisipan iyan especially 1st World Country. Lalong lalo na kung permanent resident ang makukuha mo. Lahat ng mahirap sa simula lang .. pero makakapag adjust din after 1 year. Konting tiis, ma petition mo asawa at anak mo at magulang okay na. Walang barkada, malungkot ... simula lang iyan. Mas maganda nga at makakapag ipon ka ng pera ... hindi puro gimik at bisyo ... you will meet new friends eventually. Importante pag matanda ka na eh may option ka kung saan mo gusto mag retire ... sa abroad with your family or sa pilipinas dahil mas maraming mararating ng foreign money mo.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
grayfox17
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sat Jul 18, 2015 7:46 pm

Madaming chance at opportunity para makapag abroad pero ang common mistakes talaga na nakikita ko sa mga kapwa OFW eh hindi sila marunong humawak ng pera at mag ipon ng para sa sarili nila. Walang masama sa pag splurge ng konti at pag remit pag may pangangailangan engkaso wala na halos natitira pa sa kanila ni ultimo plane ticket pauwi uutangin pa. Di pa kasama dyan yung wagas kung makapag syaping, komo may lumabas lang na latest gadgets bili agad pero pag uwi ng bahay buburaot pa ng bigas ng housemate tapos nilagang itlog lang ang ulam....
**** ****!
User avatar
Darkshader
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 3048
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Sat Jul 25, 2015 12:49 am

@grayfox

Tama ka. Problema pag nakapag abroad either iyong OFW ang magastos or iyong asawa mo ang magastos sa pilipinas. Dapat may plano kayong mag asawa kung saan dapat mapunta ang pera. Tsaka hindi talaga advisable magkahiwalay ang mag-asawa, nagkakaroon ng problema sa relationship at nandiyan iyong mga tukso. So kung may pagkakataon eh petition or kunin mo ang asawa mo, especially kung wala pa kayong anak. Ganon kasi relative ko, eventually kinuha na din ng mga brother-in-laws ko mga asawa nila. Iyong mga anak nila after maka graduate ng college sa pilipinas nag hanap na din ng trabaho sa U.A.E. kaagad. Then kinuha na rin mga Girlfriends nila para maghanap ng trabaho doon, then nagpakasal after a few years. Isang bahay lang sila tulong tulong sa gastusin. Galing nga nitong pamangkin ko, matanda lang ako ng ilang taon sa kanya pero dahil engineer nag-abroad siya noong year 2003 yata sa U.A.E. ... mura lang suweldo niya parang less than $3,000 a month noon. Ngayon parang $110K na siya a year.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
Darkshader
Destruction Derby
Destruction Derby
Posts: 3048
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Wed Jul 29, 2015 4:09 am

Iyong nephew ko na nasa U.A.E., ayon nasa New Zealand na. Kararating lang kahapon. Parang pinsan ko nga lang siya, ilang taon lang agwat namin.

Immigrant yata siya, not working visa. Inaalam ko pa ang detalye kung paano siya nakapunta doon ... para ma share ko sa inyo. Not sure kung petition ba siya by family relative.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
Post Reply