Ang Buhay Abroad

Talk about things other than video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
Post Reply
deathzero23
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Fri May 02, 2014 2:33 pm

OFW ka ba o may planong maging OFW?
Saang bansa? UAE, Singapore, Japan, HK, China, USA, Canada, etc.?
Paano ka naka-punta? Sariling sikap, may kamag-anak na tumulong, etc.?
Talk about your experiences in the life abroad. Lessons to share, Tips & Tricks everything
And yeah, everyone wants to save the money they earned.
In this thread, it's Pinoy Meets World.....

So to kick things off, i'll just repost / quote the recent discussion posted in this thread:
http://pinoyps.com/viewtopic.php?f=25&t ... 0#p2206820
to here.
PitchBlack wrote:sa totoo lang ako ayaw ko na talaga sa PH.. ang dami kong ayaw dito.. mahina lang talaga loob ko para mag abroad.. kasi hindi ko alam kung masarap ba talaga buhay sa abroad o muka lang masarap.. para sakin ok lang sa PH kung may business ka na maganda ang takbo.. kasi kahit gaana kapangit yung PH, may pera ka pangbili ng gusto mo at wala ka paki kung ano mangyari sa PH kasi may pera ka naman.. pero kung fix salary ka lang like corporate/office worker.. parang hangang ganun ka nalang.. sakit pa sa ulo yung problema sa PH/govt..

gusto ko magabroad.. hindi ko lang alam kung kakayanin ko ba magwork dun, or tiisin yung culture, discrimination, environment, etc.. may mga friends ako na nasa abroad, pag nakikita ko FB post nila parang angsasaya nila.. sabihin na natin mahirap yung trabaho dahil todo kayod para kumita.. diba may kasabihan na dapat masaya ka sa ginagawa mo (kahit mahirap) basta gusto mo.. kagaya ko ayaw ko sa PH ibig sabihin ba para sakin yung lugar na to?

tanungin ko narin yung mga nagwowork sa abroad (any countries) na may exp na.. kahit ba gaano kapangit ang PH or ugali ng pinoy.. mas mabait parin ba talaga mga pinoy compare sa ibang race?
deathzero23 wrote:Well pag nag-abroad ka, be ready for discrimination of all sorts. Pag nasa US ka, sasabihin nila:
"Damn you Asians, your taking away our jobs!, We should be the one working in our own soil!"

75% ng mga pinsan ko nasa Canada. So far, buhay na buhay sila doon. Yung asawa ng pinsan ko na welder, after 1 year may sariling bahay at sasakyan na. Syempre, uunahin mong mag-invest sa basic needs. Food, Shelter, Clothes, Transpo. Makakaipon basta walang sobrang luho.

May pinsan ako sa Washington. Silang mag-asawa nag-wowork. Shifting nga lang para may maiwan mag-alaga sa mga anak. Mahal ang magbayad ng Nanny. May sariling bahay at dalawang sasakyan. Pasyal na lang ang luho nila.

Well, magtitiis ka talaga pag nasa abroad kasi wala ka sa sariling "Home Turf" mo ika nga.
Though yung kapatid ko, may offer mag-abroad pero ayaw nya. Sabi nya sa akin, "Nabibili ko pa naman yung mga pwede kong bilhin dito eh. Basic needs at luho. Bakit pa ako aalis? Siguro pag di ko na kaya financially, that's the time."

Siguro kanya-kanyang pananaw at needs na lang yan. If you want big money for big future, abroad ka. Kung kaya mo pa mabuhay dito pinas & able to finance everything, you stay.

If you want to be big time here and your a rank & file employee, mahirap. Yung mga gusto mong palitan sa posisyon eh di papayag maalis.
One of the best ways to be big time by yourself eh magkaroon ng sariling business. Ikaw pa ang boss. Kagandahan nun, makakatulong ka na magbigay ng trabaho sa iba. Management, Financing and Market competition lang ang magpapahirap sa negosyo.

Sa business naman, gawing self-sustaining at least. Yung iba kasi nalulugi kasi masyado naghahangad ng mabilis na ROI. Yung profit, unti-unti darating yan. Wag lang magwaldas ng pera.

Darkshader wrote:Ako talaga bata palang ako gusto ko na talaga mag abroad. Suwerte naman dahil veterano ng world war 2 tatay ko kaya nakapunta kami sa states. Mahirap buhay sa umpisa sa states dahil wala kaming kamag anak pero basta tulungan ... back to zero ka, ipon lang, then bili ng gamit sa bahay, then after few years car naman.

Iyong wife ko bored na bored siya dito sa states, nasanay na laging naglalakwatsa at nanonood ng sine sa pilipinas. Eh ako taong bahay. Magastos kung lagi kang gumigimik sa states hindi ka makakaipon. Ngayon after 3 yrs busy na siya dahil two jobs na siya at nalaman niya mahirap ang buhay sa states pero atleast may ipon sa bangko at nabili naman niya gusto niya. We just bought a new car. Konting tsaga lang.

Dalawang brother in law nagpakihirap magtrabaho sa dubai as engineers. While the wives (my sisters) took care of their kids in the 80's. Naka graduate mga anak nila ngayon ... mga engineer at architect sa mapua, after graduation nag stay lang sila ng 6 months sa parents nila sa dubai para mag hanap ng trabaho. Siksikan sila sa isang bahay lahat ... ngayon after 10 yrs ang lalaki na ng mga suweldo ng mga pamangkin ko nasa $120,000 dollars ang suweldo a year. May gusto nga na kumuha na company sa isang pamangkin mas malaki offer pero inayawan niya dahil malaki tax sa states, sa middle east walang tax.
deathzero23 wrote:^kaya naman pala mabilis makaipon nasa middle east, walang tax. taka nga ako sa friend ko dun, after 3 months, may AlienWare gaming laptop na agad.

As far "Taong Bahay", me too.. Give me gaming console ok na ako hahaa.. lol

Can someone create dedicated thread for this topic? Like "Usapang Abroad"? pang-general overseas thread.
Puro specific country kasi meron tayo. Japan at Singapore. Ok naman pala takbo ng kwentuhang abroad eh.
grayfox17 wrote:^ Just to say my piece on this matter, walang pipigil sa kahit kaninong may gustong mag abroad. Madali magipon or mangutang para may mapakita na show money, madali makisuyo sa mga kakilala na nasa abroad na makituloy at mag refer sa kahit na anong opening PERO ang hindi alam ng nakararami na ang pag abroad ay malaking hamon sa inyong pagkatao, pananaw at nakasanayan - hindi porke sandamakmak na experience or datung na naipon nyo or may kapit kayo eh malaki na pag asa nyo na swertihin kayo. Ayaw nyo maniwala? read on.

Ang dami ko nakilala na sumugal at pinaghandaan ang pag abroad pero bigo sila kahit pa nag agency na sila. Naubos ang dalang pera at kinailangan pang mangutang para may pambili ng ticket pauwi. Meron naman ako mangilan-ngilan na nakilala na walang kaplano-plano mag ofw, nag turista lang at namasyal tapos nagkataon may nakitang job posting sa isang store habang namamasyal then sinubukan nya mag inquire and on the spot na-hire sya ng ganun lang kadali. Above average pa sahod nya. Talk about luck di ba?

Payo ko lang, wag kayo basta basta pumunta sa kahit saang bansa ng hindi kayo lubusang handa. Malalaman nyo pag buo na loob nyo o hindi. Di lang kasi budget at lakas ng loob ang sinasabi ko kundi ibayong research sa gagawin nyo para pagdating nyo dun you know what to expect na. Dami ko naging housemate na nag transient lang ng ilang weeks to 1 month with the mindset na "sawa na sa pinas" kaya nag abroad pero sila pa yung mga minalas. Ang pinupunto ko lamang po ay hindi kasi sila nabilinan specifically kung gaano kahirap mag hanap ng work abroad tulad na lang dyan yung status ng mga foreigner dun kung higpitan ba or what. Sa madaling salita, misinformed sila - yung mga tipong naaya lang at gora lang sila. Madaming nadadale sa ganito. Sobrang dami.

Eto pa, sige nag abroad ka at naswertehan ka pa ng magandang sahod - ang tanong, tatagal ka ba? meron iba pinayagan magbakasyon lang ng 1 week ng boss nila pero pagbalik tanggal na sila sa trabaho, iba naman kaka-promote lang bigla naman na-dissolve ang project after 1 month so tapos ang kontrata nya, at ang pinaka masakit dun, yung dapat mong sahurin ang di mo talaga nakukuha monthly - minsan nga wala ka pa bonus at increase tapos ang makulit pa, after mo ibawas ang monthly expenses mo saka mo mare-realize na "damn, break even pala sa kinikita ko sa pinas."Di ka naman basta basta pwede mag awol dahil baka may bond yung employer mo. Di pa po kasama dyan yung racism at stereotyping sa yo dahil banyaga ka na maaari din makaapekto ng husto sa morale mo at growth mo sa kumpanya. Willing pa ba kayo sumugal ng basta basta lang?

Ok, so you're still around reading this so I assume interesado ka nga talaga mag abroad at all cost. What you need to understand is kanya kanya man tayo ng pangangailangan sa buhay at iba-iba pa man tayo ng swerte't kamalasan eh dapat you have to know first what you really need to do. Gusto mo lang ba mag abroad para makaranas makabili ng mgagandang gadgets or maging maayos ang buhay? Syempre madami sa tin sasabihin "para sa greener pasture" pero sa naranasan ko sa SG, yung mga taong nagsasabi ng ganun ang sya pang maluluho; kitang kita mo kung sino ang mga pinoy na lumaki sa hirap kasi sila pa mismo ang mahihilig pumorma ng branded, maglamyerda at gumamit ng magagarang celphones pero ang ulam nilagang itlog lang at nambuburaot pa ng sinaing ng kapwa housemate - tapos yung mga lumaki naman ng may kaya sa buhay sa pinas sila pa yung matitipid sa materyal na bagay at marunong humawak ng pera. Hindi ko nilalahat pero karamihan lang. Oh di ba? kaplastikan talaga.

Btw, as for the one asking kung mababait ba talaga ang pinoy compare sa ibang race? i have to say NO. Sure, we pinoys are good in our own way and own right pero kasi alam na natin ang baho ng lahi natin lalo na ang kawalan ng disiplina sa halos lahat ng bagay whereas ang mga ibang lahi pag nakuha mo tiwala nila, pupusta ako sayo sila pa unang tutulong syo when you least expect it. And I say this truthfully because I have experienced this several times myself. I do not mean to badmouth our own pero kasi - prangkahan na lang - may pagka iskwater ang mga pinoy most of the time (ingay sa gabi, kalat anywhere, jaywalking, mapangmata at mapagmataas) at dinadala pa rin sa ibang bansa so in effect napapasama tingin sa tin. Ang laban lang natin ay hindi ang pagiging pinoy natin kundi ang mga angkin abilidad at tyaga na nakagisnan natin as an individual. Citizenship or nationality has got nothing to do with it at all. So learn to "undo" your filipinoism when you step on foreign soil, take out your "pinoy pride" when you're there because it will never help you. Wala pakialam ang mga employer mong kano or briton or intsik kung ano pa ang nationality mo, ang importante lang sa kanila ay kung paano ka magtrabaho. Yun lang.

Closing statement ko: if you have to go abroad because you are really positively sure na yun lang ONLY means mo na umunlad at umasenso then GO by all means. Pero kung may maganda ka na posisyon at maayos bayad mo habang andito ka sa pinas then please, do yourself and your family (if you have) a favor and NEVER give that up.

skp_16 wrote:Not so good dito ay mahirap talaga mag ipon.

Madami akong na-meet na foreigners na early 20s palang sila pero well traveled na. Paano kaya nila yun nagawa? Naiinggit ako.
deathzero23 wrote:^Ah sila ba? Baka mga anak mayaman naman yun. May nakasabay kami foreigner sa noong nag-Puerto Princesa tour kami. Bata pa sa amin. Well traveled, yun pala anak ng Sheik. Fully shave kasi ang head and beard kaya di halata gaano na Arab pala ang bagets. Naka-Naruto shirt pa. Matangkad lang.

RE: Laking Mahirap pero Maluho, Laking Mayaman pero Matipid
I think it's reversal of stuffs, psychology, etc.. Siguro yung mga laking mahirap na naging maluho eh kaya sila naging ganun eh, maybe dun nila naramdaman na "Buong buhay ako lumaking mahirap, bakit di ako magpapasarap? Kelan ko pa dadanasin ito? Baka maghirap uli ako."
While yung mga laking Mayaman na naging matipid eh thinking nila "Totoo nga sabi nila, Mahirap nga buhay, I learned my Lesson."

I'm not justifying the acts but, I'm posting a possible reason what causes those kind of thinking among our kababayans abroad.
grayfox17 wrote:
deathzero23 wrote: RE: Laking Mahirap pero Maluho, Laking Mayaman pero Matipid
I think it's reversal of stuffs, psychology, etc.. Siguro yung mga laking mahirap na naging maluho eh kaya sila naging ganun eh, maybe dun nila naramdaman na "Buong buhay ako lumaking mahirap, bakit di ako magpapasarap? Kelan ko pa dadanasin ito? Baka maghirap uli ako."
While yung mga laking Mayaman na naging matipid eh thinking nila "Totoo nga sabi nila, Mahirap nga buhay, I learned my Lesson."

I'm not justifying the acts but, I'm posting a possible reason what causes those kind of thinking among our kababayans abroad.
Income-wise, kasi abot kaya ng tao na may malaking kita kaya nakakalustay ng ganun. Pag ofw ka at malaki kita mo, madali lang makabili ng mga mgagarang gadget na para ka lang namili ng simpleng tshirt tapos sunod na sahod, bawi din ang nilabas mong pera. Lahat naman tayo alam natin na dala ng pagod at stress gusto rin natin marelax kaso ang iba napapasobra - nagiging shopaholic na sa dami ng sapatos, celphone, etc.

Wala naman masama sa ganitong pag uugali dahil kahit ako naging ganun din. Ang problema lang talaga is pag kontrol sa budget to the point na nakokompromiso na ang mga priority nila sa pagbabayad ng bill or groceries. Or worst, uuwi ng pinas na halos konti lang ipon.
Daniel wrote:Yung ratio kasi ng kita at gastos malaki pinagkaiba e dito at sa ibang bansa. Nakapagtrabaho ako dati na minimum ang sweldo sa US, sa tingin ko naman kaya akong buhayin nun, minus yung renta sa bahay. Dito hindi ko magagawa yun.

Yung sasakyan, imported na nga mahal pa. Ang layo pa rin sa sweldong kinikita mo.

Baligtad pa nga tayo, 3rd world country pero brand new ang kotse. Pag 1st world, maraming kumukuha ng 2nd hand lang. :sweat:

grayfox17 wrote:
deathzero23 wrote:being shopaholic is never good. I agree on that. But may mga kilala rin akong sobrang sinop na laki rin naman sa hirap.
well, you'd be surprised to know that most people claim that they don't pero ask them again when they start receiving about 50K pesos for OT pay alone. Di pa kasama monthly salary at tax refund and you'll see what I mean. Basta pera asahan mo magbabago ang tao nyan, mga tipong nag aaway na ang magpapamilya dahil lang sa hindi napamaskuhan ni ofw, yung mga dating kuripot pero todo painom halos every weekend lalo na pag uuwi pinas at masaklap pa, kung sino yung mga dating nakilala mong mababait sila pa ang nagiging ogag talaga kahit pa kamag anak :lol:

I guess its safe to say anybody would definitely go through that phase given the chance to do so. The point here is that having an extremely good pay is a good motivation to become an ofw pero do not let it become your only drive to leave your family. You really have to know for yourself na handa ka in all aspects kasi flying abroad actually dims your success rate and that is something not all people can willingly accept in them - kahit pa anong pagpapasa-diyos ang gawin nila.

I am just here trying to give the right mindset sa mga interesadong mag abroad kasi madaming unspoken rule about becoming one. Ang lagi mo lang maeencounter na info is yung mga nakapag-pundar ng ganito, ganire - halos puro materyal na bagay ang nakatali sa concept ng pagiging ofw pero wala pa yata ako nakitang nag discuss na about sa anong totoong nangyayari sa kalooban ng gusto or mga naging ofw na. Akala ng karamihan masarap dun pero ang totoo, kaming mga naging ofw ay hindi maituturing na bayani kundi mga alipin lang din pinagkaiba lang sa ibang bansa ay halos wala nang pantay na karapatan pantao tulad ng tinatamasa natin sa pinas....

and when you're on a foreign soil, kahit gaano pa kadami ang maging friends mo or magparamdam na kesyo they will always be there for you, deep inside, you will always be on your own. I have learned this the really hard way myself.
Darkshader wrote:Ang pag aabroad talagang sugal iyan. Payo ko lang ko susugal ka kailangan gumawa ka ng research sa country at sa company na papasukan mo. Kung may company website sila mas maganda para makita mo description at company history nila. Halos naman lahat na google mo. You guys can check http://www.yelp.com kung ano naman ang rating ng mga customers nila. Ngayon kung maliit lang na company papasukan ninyo, medyo delikado kasi any time puwede magtanggalan depende sa income ng company. Unless may kakilala ka or kamag-anak ka na makakapag bigay ng info kung maayos iyong owner/employer na gusto mong pasukan.

So far sa iyong mga company sa U.S., Canada at Europe okay naman. Pero may mga ilan ilan na company na pagdating nila dito sa states eh hindi tama ang pasahod or kaya konti lang pahinga nila. Dapat ganon mag reklamo ka na sa Kinauukulan or punta ka sa Dept of Labor. Kaso problema tayo mga filipino tinitiis at hinahayaan lang mga ganon. Kaya mga puti or ibang lahi hindi nila maloko loko kasi talagang lalaban at isusumbong sila sa kinauukulan. YOU HAVE TO KNOW YOUR RIGHTS!

Tungkol naman sa mga filipino na mahilig magyabang at mag flaunt ng mga kanilang damit, alahas or gadgets. Depende na sa tao iyon at paano sila kagaling mag budget at mag manage ng finances nila. Ako hindi naman kami mayaman pero pinalaki ako ng magulang ko na mag tipid. Kaya inggit na inggit ako sa mga ibang bata na may pera or nabibili nila mga gusto nila. Kaya ng nakapunta ako sa states nag trabaho ako sa mcdonalds habang nag aaral sa college. Ako nag bayad ng tuition ko sa school, nag bigay ng pera sa gastusin sa bahay at nakabili ng videogames. Tapos after 7 yrs ayan nakahanap na ako ng magandang trabaho. Ayan na iyong bumibili na ako ng maganda damit, watch, at kumakain sa restaurant at may ipon na din sa bank at nakapag bakasyon na sa ibang parte ng amerika. My salary is still decent pero hindi ako gumagastos na mas malaki sa kinikita ko. Hindi rin ako palit palit ng cellphone ... every two or three years ako magpalit after the contract. Kasi ibang mga pinoy pag nakahawak ng pera, gastos dito gastos doon, iinom, mag susugal, kaskas ng credit card ... hindi ka nga makakaipon. Iyong iba naman pati ba naman iyong pagsasabong ng manok dinala sa amerika, ayon nahuli sila ng mga police mga tanga talaga. It doesn't matter kung resident ka ng isang bansa or OFW, basta alam mo ang priority mo pag nakuha mo suweldo mo hindi ka mababaon sa utang.

Kung middle east naman at punta medyo mahirap. Kaya kailangan mga pinoy doon magtulungan. Kaya mas maganda kung may kamag anak ka na mabuti na makakapag patuloy at sama sama kayo para menos gastos sa ano mang bagay. Iyong pagiging domestic helper medyo mahirap iyan ... tsambahan kung matino ba employer mo or hindi. Kung magiging domestic helper ka lang, medyo delikado lalo na kung middle east pa.

PitchBlack wrote:wow dami ko sobran natutunan dito.. parang tinamad na ako magabroad..hahaha.. tska medyo OT na tayo.. maganda nga kung may sariling thread.. dapat kayo mag TS kasi mas mataas post rate nyo.. :grin:

naiintindihan ko bakit may ibang tao na umasenso sa ibang bansa ayaw na bumalik sa PH.. kasi pag umuwi sila puro aasa or hihingi nalang mga relatives or friends nila.. pag hindi binigyan magagalit.. pero may iba naman pabongga kung umuwi sa PH.. tapos panay gastos dito.. maganda talaga pa may sariling thread regarding life abroad.. :sweat:

isa yun sa mga napansin ko.. wala naman kasi kami relatives na nagwowork sa abroad.. karamihan nandito lang sa PH.. meron iba pero US/canadian citizen na sila noon pa iba naman nasa china.. fil-chi kasi kami, kaya karamihan ng relatives ko nandito puro may business.. tska lahat may kaya sa buhay.. and meron kami family business na 69yrs na (pero wala ako hilig sa ganung biz, gusto ko sarili ko or ibang concept)..

napanood ko kasi yung movie na "secret life of walter mitty" nakaka inspire yung ginawa nya.. kaya gusto ko mag abroad or travel (pleasure) baka mahanap ko yung hapiness and mas makilala ko sarili ko.. :lol:

nakaka inis kasi magbusiness sa PH.. lahat ginagaya nalang.. kung hindi ginagaya, ifafranchise nalang kaya ang tendency nagsasawa kagad mga pinoy.. ex. yung pearl shake or milk tea or yogurt, nagtayo lang yung isa nag gayahan na lahat sa buong PH.. kaya ang nangyari mabilis magsawa ang pinoy.. kaya ako hindi ako fan ng franchise lalo na yung nauso sa atin na food cart..
User avatar
Daniel
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 17316
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Fri May 02, 2014 4:07 pm

May plano. Ang tanong, saan at kailan? Baka kailangan ko pa ng mga certificates mula sa mga bigating kumpanya tulad ng Microsoft o Cisco o Apple. Baka yung work experience na nakuha ko rito sa atin, baka kahit kalahati hindi ma-recognize sa ibang bansa.

Share ko na rin yung post sa kabilang thread
deathzero23 wrote:..konting OT lang ha
may nakita akong article:
http://www.rappler.com/move-ph/balikbay ... ing-abroad
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
deathzero23
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Fri May 02, 2014 4:11 pm

May nga international companies, willing kang gastusan makuha ka lang nila pero..
Provided na magaling at skillful ka sa in-o-offer nilang job position sayo.
User avatar
DarkRushBeat
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 6161
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Fri May 02, 2014 6:33 pm

Actually, habang hindi pa ko 35, i am planning to find a career abroad..My NBI and Passport are ready....

Already sent out numerous applications. I received an offer 2 weeks ago from a Malaysian company. Hopefully we'll enter into negotiation soon...

Mahirap, OO, kasi malalayo ako sa family ko kung sakali, lalo na meron akong 2nd baby na lalabas anytime this month. Pero ang mindset ko kasi e, ang homesickness, kasama yan ng sacrifice na gagawin mo pag nag trabaho ka outside PH. I mean, paninindigan lang yan sa decision na ginagawa naten.

Dami ko kilala, naka ilang buwan lang, umuwi na. OO, talagang mahirap. Pero strategy lang yan pano mo malalabanan. Ang focus ko e maka ipon para din sa future ng family ko. Saka hindi naman ako habang buhay nasa abroad. Syempre i want to settle down sometime soon.
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
User avatar
PH.Queso
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 706
Joined: Thu Mar 18, 2010 3:17 pm
PSN ID: jezielcheez101
Location: Sa Ating tagpuan, Tagpuan
Contact:

Fri May 02, 2014 9:11 pm

Very informative thread, ganda, kahit di pa ko nag wowork, gusto ko magkaroon ng kaalaman regarding different thoughts about working overseas.
PSN: jezielcheez101

"Daig ng SUPLADO ang GWAPO!"

POGI - Presence of God Inside

PS3
PSP
KTC 23L15


BRAVO BASTE!
Currently Playing: Ni no kuni & GTA V
User avatar
Seraph011
Kaizoku-o
Posts: 14562
Joined: Sun Nov 04, 2007 10:02 pm
PSN ID: Seraph01
Location: Shin sekai

Fri May 02, 2014 9:26 pm

Yeah..mahirap sa US but at the same time madali.

Mahirap para sakin kasi I'm away from my wife and 1 year old baby. My family had to migrate here around 2009 and we've had to stay here since then except yung mga uwi ko noon for about 2 months a year. Buti na lang my girlfriend (now my wife) and I had a really good and strong relationship. Now we''ve been married 2 years and have an awesome 1 year old baby seraph! I'm about to get my US citizenship interview in a week and if everything goes smoothly, I would be able to petition them to join me here by early next year. On that aspect, emotionally mahirap kasi everyday ko sila namimiss and nakikita ko lang lumaki yung baby namin through skype/facetime...lol dito ko na-appreciate ang technology!

Professionally naman, doctor ako satin pero ang hirap makakuha ng residency dito. Kailangan may connections ka na solis or may extensive clinical experience ka dito sa US which I have neither. Ang hirap para sakin kasi ang tagal ko pinaghirapan yung pagiying doctor ko just to go here and not practice. To top it off, I only got a job as a part time bookseller..lol pag inisip mo parang tindera lang yun sa national bookstore, part time pa. About half a year ago though, I got promoted to merchandising manager at the Barnes and Noble I'v been working on. A bit better pay and it offers health and benefits so kahit papano ok naman. I'm not sure yet how we'll be financially pag dating ng wife and baby ko dito pero tulad nga ng sabi ng ibang members natin, tulong tulong lang. Nasabi ko din na madali naman dito kasi kung matiyaga ka, masipag ka at ipapakita mo ang effort mo sa trabaho, you do get rewarded. Ngayon ko lang naranasan na kahit papano, nabibili ko yung gusto ko. Sabi ko nga, yung sweldo ko dito as manager is just as much as my friends who are now consultants in ther medical field of practice...less pa ang stress sakin at walang hospital duty hours...8 hours a day lang. I do hope to get promoted in the next few more years to assistant store and hopefully maging eventual store manager din. Again tiyaga lang at maraming dasal.

Sa mga nagpaplano...go for it. At this point sa Pinas, i don't see you losing on anything. Mahirap pero kaya. And eventually tingin ko mapapabuti naman yung buhay niyo and more importantly yung sa family niyo. ^_^
Seraph M.D.
An1mo
User avatar
Mandac8
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 4021
Joined: Sat Jul 10, 2010 4:37 pm
PSN ID: Mandac_08
Location: 台灣 No Man's Land
Contact:

Fri May 02, 2014 9:57 pm

Work Hard, Play Hard. :agree:
"Riding is my LIFE.
Anything that happens
before or after is
just Waiting."
User avatar
Darkshader
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 3048
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Fri May 02, 2014 10:04 pm

Sa mga gustong malaman kung anong mga rules ng U.S. immigration panoodin ninyo ang show ni attorney gurfinkel sa abs cbn. Binibigyan ka niya ng tip bilang isang tourist or immigrant or u.s. citizen pag dating sa immigration law ng america.

Tama iyong sinabi ni seraph most of the time iyong tinapos at work experience mo sa pilipinas hindi recognize pagdating sa america. You have to go back to school and take an exam. Ang madalas na nakukuha na job dito sa states kahit papaano ay nursing at accounting, dahil balik ka lang siguro ka sa school ng 1 year and pass the exam ay okay ka na. Compared sa ibang course na talagang hindi mo magamit or hindi recognize dito sa states dahil hindi ka nagtapos dito. May friend ako store manager sa rite-aid (parang mercury drug at puregold na pinag sama) hindi nakatapos ng college pero as a store manager nasa $100K ang suweldo a year. Bata pa nasa 36 yrs old lang. Matagal na ako nagpapasok sa kanya kahit part time lang, kaso layo iyong store branch niya sa bahay ko kaya mahirap din mag commute. Minsan iba din iyong may kakilala ka parang tulungan ka sa paghahanap ng job.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
deathzero23
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Sat May 03, 2014 6:05 am

Bigla ko naalala yung boom ng nursing job sa abroad. To the point na... Pati licensed Doctors eh nag-aaral maging nurse makapag-abroad lang.
I mean if I was a doctor, that so much or too much pride to swallow... di ba?

Sobrang hype naman kasi yung Nursing dati eh.
User avatar
DarkRushBeat
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 6161
Joined: Thu Nov 02, 2006 10:12 am
Location: The Twilight Zone

Sat May 03, 2014 8:52 am

Goal ko talaga e makapag abroad at maka ipon...I have personal reasons why i want to do it...
Everybody wants Happiness, Nobody wants Pain...
But you can't have a Rainbow, without a little Rain....


Wrestling/Handheld Games/Horror/Zombie Films/Paranormal/Basketball Shoes/Body Building


Gameboy/Nintendo DS/PSP/Nintendo 3DS
FC: 1934-0903-9050
deathzero23
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Sun May 04, 2014 4:12 pm

Life as an OFW: The grass is not always greener
http://www.rappler.com/move-ph/balikbay ... states-ofw
User avatar
skp_16
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 10708
Joined: Tue Jul 15, 2008 4:36 am
PSN ID: skp7_13
Location: Greenhills, San Juan

Sun May 04, 2014 10:30 pm

I think I'm one of the few Pinoys who never dreamed or wanted to work abroad. :ashamed: :oops: :sweat:
Lord, grant me the strength to be content where I am, the patience to wait on Your timing, & the faith to remember that You have Your hand always on my heart. Amen.

PSN ID: skp7_13
User avatar
grayfox17
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Sun May 04, 2014 11:11 pm

^ive known plenty of people dito sa pinas na isang kahig isang tuka man sila pero ayaw din nila mag abroad kasi nakuntento na rin sila sa buhay dito. Karamihan kasi, aminin man natin o hindi, sadyang naiinggit talaga ang iba sa tin sa mga nakapag abroad dala ng mga natamasa at napundar nila - walang mali dun sa totoo lang pero kasi sobrang inggit nila hindi na nila naiisip ang ibayong paghahanda na kelangan nila para maabot yung mga narating ng mga nkapag abroad. Basta na lang susugod at susugal at dala lagi ang "bahala na" attitude tapos mtatauhan lang pag minalas. At ang ending sasabihin na lang sa sarili "baka ayaw ni lord na mag abroad ako"..toinks.. when we all know na optional po ang pag abroad talaga.

Sabi ko nga sa mga nauna kong post, iba iba ang swerte at kamalasan ng tao. Minsan kung sino pa handa sya pa ang minamalas, at kung sino pa yung eengot engot sila pa yung sinuswerte. Ang gusto ko lang sabihin is kung ano man ang maging kahinatnan mo dapat may backup plan ka. Kahit mga naging ka-housemate ko palyado sa ganyang bagay eh. Nakahanap nga ng work pero wala pa ilang buwan akala mo kung sino na kumilos biglang wala pa ilang linggo tinanggal sa work, ayun, napauwi na walang ipon. Kaya kung dati panay payo ko kung pano dumiskarte sa paghanap ng work sa abroad, ngayon sinasabihan ko sila wag na kayo tumuloy kung maganda sahod nyo at trabaho nyo sa pinas.

Di pa kasama dyan yung mga nag abroad dahil may tinatakasan na kung anuman dito sa pinas. That is, by far, not really a solution sa problema kasi pagbalik mo andun pa rin yung tinakasan mo. Highly impractical and improbable na makakaganda ng buhay mo, unless of course wala ka talagang konsensya pero that's another thing.

I say again, mag abroad ka kung sa tingin mo sa sarili mo na yun lang talaga ang paraan para umunlad ka at umasenso PERO kung maayos estado mo dito wag mo bibitawan kung ano man ang meron ka ngayon sa pinas.

Sugal man na maituturing ang pag-abroad pero hindi mo kinakailangang itaya ang lahat ng meron ka para makamit ang magandang buhay. Matuto kang umatras muna at mag isip isip. It is, as they say, for your own good so might as well take your time to think about it no matter how long it takes.
**** ****!
User avatar
Daniel
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 17316
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Mon May 05, 2014 2:31 pm

Mga natutunan ko rin: dito at abroad.

1. Walang madali: trabaho, pera. Daanin lang sa tiyaga. Kasama ang talino at dasal din.
2. Kung naghihirap ka ngayon, basta nagsisikap at gumagawa ng paraan, matatapos din yan.
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
deathzero23
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 6283
Joined: Wed Dec 12, 2012 12:23 pm

Mon May 05, 2014 3:28 pm

I admit na nakaka-feel ako ng inggit sa mga classmates ko ngayon na nakakapag-abroad or nakapagpatayo na ng sariling bahay.
Yung iba naka-UK tour, South Korean tour, Japan tour. Eh ako, wala pa. Puro dito pa lang sa Pinas.

Pero it doesn't mean na kelangan ko makipag-karerahan against them. Kanyang-kanyang swerte lang talaga. Bottomline is paano ba nila ginawa yung may pang-afford sila sa mga tours na yan? Syempre, nagsumikap at nag-ipon. A college friend of mine who never worked abroad, just working here as a Senior Designer in a Arch'l. Firm. He went SG, Malaysia, HK trips. It took him one year to save up for that.

Iniisip kasi ng iba, mabilis mag-ipon ng perang pangbyahe sa mga international tours. Hindi rin unless super taas talaga ng sahod mo.
User avatar
grayfox17
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Mon May 05, 2014 9:04 pm

it all boils down to common sense din tlaga no matter how you look at it. Yung iba ok na ang status sa abroad pero nagkatampuhan lang sa boss bigla na lang nag awol at lumayas ng bansa na unsettled lahat ng bayarin ..yung mga ganung bagay ba
**** ****!
User avatar
skp_16
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 10708
Joined: Tue Jul 15, 2008 4:36 am
PSN ID: skp7_13
Location: Greenhills, San Juan

Mon May 05, 2014 10:05 pm

deathzero23 wrote:I admit na nakaka-feel ako ng inggit sa mga classmates ko ngayon na nakakapag-abroad or nakapagpatayo na ng sariling bahay.
Yung iba naka-UK tour, South Korean tour, Japan tour. Eh ako, wala pa. Puro dito pa lang sa Pinas.

Pero it doesn't mean na kelangan ko makipag-karerahan against them. Kanyang-kanyang swerte lang talaga. Bottomline is paano ba nila ginawa yung may pang-afford sila sa mga tours na yan? Syempre, nagsumikap at nag-ipon. A college friend of mine who never worked abroad, just working here as a Senior Designer in a Arch'l. Firm. He went SG, Malaysia, HK trips. It took him one year to save up for that.

Iniisip kasi ng iba, mabilis mag-ipon ng perang pangbyahe sa mga international tours. Hindi rin unless super taas talaga ng sahod mo.
May mga tao kasi na halos lahat ng ipon ay sa pag travel ginagastos kaya nakakapag biyahe sila agad kahit wala pang 30 years old. Yung tipong pag may enough money to travel, biyahe na agad. Hindi muna nila iniisip yung pag iipon for the future. IMO ok rin yun kasi mas ok bumiyahe biyahe as young as possible para enjoy talaga.

Medyo ginagawa ko na nga rin yan eh. I'm planning to go to Japan, Korea, and Singapore next year. :agree: :2thumbs:
Lord, grant me the strength to be content where I am, the patience to wait on Your timing, & the faith to remember that You have Your hand always on my heart. Amen.

PSN ID: skp7_13
User avatar
Daniel
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 17316
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Mon May 05, 2014 11:16 pm

Kung hindi tayo mga gamers baka sa travel siguro napunta ang budget natin :bigmouth:
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4515
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

Mon May 05, 2014 11:53 pm

yang travel na yan. puro kuripot mga barkada ko at batchmate kaya wala naman akong makasama :lol:
api na naman mga friends ko :rofl: kaya I ended up walang travel after college. :facepalm:

pero that was before, ngayon may pamilya na na kahit may pera syempre priority family.

about working abroad, sa aking kung pera lang talaga, noon pa sana, recently naiisip ko hindi dahil sa pera mismo kundi yung quality of life.
last year first time kong mag-abroad, kita ko talag difference sa pinas. yes may magaganda at mas mayos na lugar kumpara sa metro manila tulad ng davao pero kasi iba yung experience kapag nasa abroad.
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
skp_16
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 10708
Joined: Tue Jul 15, 2008 4:36 am
PSN ID: skp7_13
Location: Greenhills, San Juan

Mon May 05, 2014 11:58 pm

Daniel wrote:Kung hindi tayo mga gamers baka sa travel siguro napunta ang budget natin :bigmouth:
This :agree: :2thumbs: :win:

----------------------------------------------------------------------------

Mas maganda talaga kung bumiyahe biyahe muna bago magka asawa and/or anak. Mahirap na kasi pag may anak na not unless kaya mo siya/sila isama.
Lord, grant me the strength to be content where I am, the patience to wait on Your timing, & the faith to remember that You have Your hand always on my heart. Amen.

PSN ID: skp7_13
User avatar
Darkshader
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 3048
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Tue May 06, 2014 2:36 am

Noong nag ka work ako ng full time dito sa states nag travel ako kaagad. Kaya the first 4 yrs pumunta agad ako ng New York City (twice), Utah, Las Vegas, and Orlando Florida (Disney World). Sayang nga at hindi ko naisip umuwi ng pilipinas kaagad kasi 2 weeks lang vacation binigay sa akin every year the first 5 yrs sa company, naghihinayang kasi ako sa pamasahe ang mahal pauwi. Tapos ng nakauwi na ako ng 2005 sa pilipinas, naku every year na iyon hanggang 2010. Nag stop na lang kasi nandito na asawa ko sa states. Ngayon lang ako umuwi ulit ng 2014. Tsaka isang dahilan kaya ayaw ko umuwi dati ng pilipinas kasi ako lang mag-isa, wala akong katulong mag bayad sa gastusin ... gusto ko may kasama ako haha. Yari ako dahil sa dami ng kamag anak ko sa father side for sure kakantyawan ako, pero ako ang tipong tao hindi nadadaan sa kantyaw or mag papauto para malibre lang sila noh. Hirap kaya kitain ang pera sa amerika.

Ngayong may asawa na ako naisip ko pumunta sa Florida ulit or maybe Europe (England, France, Italy, Germany, Switzerland, Greece) or maybe Asia like Japan, Singapore and South Korea (ulit). Kaso hirap ngayong buntis na asawa ko baka mapunta ng ang pera kay baby.

I do agree na kung hindi ako nag buy ng videogames at nag collect ng mga toys and books for sure dami ko ng napuntahan. Sa dami ng pera na nagastos ko sa toys over the years, ano ba naman iyong $4,000 for sure na naka punta na ako ng Europe matagal na to tour around.

Okay din iyong mag cruise isa rin na gusto kong gawin. Dito naman ako nakatira sa San Francisco, malapit lang sa port ng tubig kaya either i can go to Alaska or South America cruise ship. Iniisip ko din pumunta ng Hawaii, tutal malapi lang din iyon sa California.

Sarap mag travel kaso walang pera haha. Kaya naiingit din ako sa mga flight attendant at mga nagwowork sa airlines, libreng flight every year.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
grayfox17
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Tue May 06, 2014 10:01 pm

di hamak mas mahal mag photography kesa mag gaming hehe :sweat: :sweat: :sweat:
**** ****!
User avatar
Daniel
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 17316
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Wed May 07, 2014 10:22 am

mas malaki naman yata ang kitaan sa raket sa photography kesa gaming e (pay for platinum) :sweat:
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
PitchBlack
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 914
Joined: Fri Jul 27, 2012 3:25 pm
PSN ID: Pitch_Black_9
Location: Mysterious Island

Wed May 07, 2014 4:37 pm

ngayon ko lang nakita etong thread ah.. hahaha.. ako naman wala pa ako exp. magwork abroad.. puro pleasure/vacation lang sponsored by my parents..hahah only child lang kasi ako.. yearly kami nagaabroad since 10yo ako (27 na ako ngayon) hehe pero napuntahan ko palang (8x HK, 6x taiwan going 7 this year, 1x SG, 1x china) yung SG lang sarili kong gastos kasi with friends yan.. kaya alam ko difference ng ibang bansa compare sa atin.. hehe..

hindi ko akalain doctor pala si @Seraph011 dito sa PH..hehe meron palang doctor mahilig sa gaming/toys...hahah..

if ever magwowork ako abroad gusto ko sa asia SG (kaso crowded na raw ng pinoy, tska mahigpit na, napansin ko rin na kupal mga singaporean).

sa taiwan naman ok din.. kasi pabalik balik na kami dun.. problema TEXT SPEAK VIOLATION factory worker lang hanap nila dun..

yung Japan/korea ok pero tour lang gusto ko dun.. kasi hindi ata sila marunong magenglish.. wag lang middle east takot ako ma-rape ng lalake (kung uso parin yan ngayon) hehe..

gusto ko din US, aus, new zealand, canada.. kaya lang mahina loob ko kasi mga "Puti" sila, nasanay ako sa mga asian.. hehe pag asian countries kasi hindi kayo nagkakalayo ng itsura.. pero pag purio "puti" parang di mo alam kung ano gagawin mo..haha

sa totoo lang may family business naman kami dito almost 70yrs na.. pero hindi ko talaga hilig or ayaw ko imanage yung business namin.. i know pinaghirapan ng grandfather ko pero baka pagdating sa generation ko (if ever ako nagtake over) ako sisihin pag nalugi.. sa mga magpipinsan kasi wala gusto mag inherit.. mother ko yung nagmanage nung namatay lolo ko.. 23yrs na nakalipas.. sabi ko if ever ako magmanage gusto palit business or sariling kong business.. kaso sabi ng mga uncle/auntie and parents ko hindi pa raw enough exp ko.. magwork muna ako sa iba.. i only have 2yrs exp. work sa (resorts world manila) hindi naman related sa gusto ko yung work ko dun.. after that 2.5yrs na ako tumutulong sa family business.. pero i realized hindi ko talaga gusto yung business namin..

kaya naisip ko baka need ko magwork abroad, kasi nababadtrip lang ako dito sa PH.. traffic, pollution, low salary, walang disiplina, corrupt govt, etc..

tanong ko, malaki ba natutulong ng TESDA? to work abroad? ok kaya sa hawaii or guam? or magcruise ship nalang ako? atleast nasa barko lang pero lahat ng countries maiikot ko..hehe..
PSN ID: Pitch_Black_9 (US)
Trophies:http://psnprofiles.com/Pitch_Black_9(Platinum Hunter)


I did it because i can, I can because i want to, I want to because you said i couldn't.
User avatar
grayfox17
Aquanaut's Holiday
Aquanaut's Holiday
Posts: 7533
Joined: Tue Feb 28, 2012 9:52 am

Wed May 07, 2014 9:00 pm

Daniel wrote:mas malaki naman yata ang kitaan sa raket sa photography kesa gaming e (pay for platinum) :sweat:
true PERO you really have to know what you're getting into before ka kumita sa pag photography. I never tried to turn my hobby into a career, it simply takes the fun away. :lol:
**** ****!
Post Reply