Page 1 of 10

Usapang Japan

Posted: Wed Sep 18, 2013 12:39 pm
by Daniel
Kung walang Japan, malamang wala ring PlayStation. Wala ring PinoyPS. :huh:

May mga Yakuza pa rin di ba?

May mga English words ba dun? O Engrish?

Pag nasa loob ka raw bullet train, parang normal lang daw ang takbo ng tren pero sa bintana, blurred na yung makikita mo.

Madali rin kayang kumuha ng visa dito?

Kumusta kaya dito pag tourist?

Re: Usapang Japan

Posted: Wed Sep 18, 2013 2:30 pm
by skp_16
Simula naging "multiple visits" ang Visa sa Japan, ang dami kong facebook friends na nagpunta doon.

Re: Usapang Japan

Posted: Wed Sep 18, 2013 2:44 pm
by Daniel
Kumusta ang experience nila sa Japan? Puro positive at wala namang negative? hehe

Re: Usapang Japan

Posted: Wed Sep 18, 2013 2:54 pm
by skp_16
Daniel wrote:Kumusta ang experience nila sa Japan? Puro positive at wala namang negative? hehe
Negative. Realistic rin daw pala ang mundo doon, akala nila parang anime. :bigmouth: :bigmouth: :bigmouth:

Re: Usapang Japan

Posted: Wed Sep 18, 2013 3:02 pm
by Daniel
Tapos pag may away, hindi turn-based?

Ang mga buhok nila hindi nakatayo, tulad ng kay Goku?

:lol:

Re: Usapang Japan

Posted: Wed Sep 18, 2013 7:41 pm
by Seraph011
Umm..maingay ba talaga ang mga haponesa? :bigmouth:

Re: Usapang Japan

Posted: Wed Sep 18, 2013 9:12 pm
by jcads
Seraph011 wrote:Umm..maingay ba talaga ang mga haponesa? :bigmouth:

maingay kapag/habang??? :bigmouth:

Re: Usapang Japan

Posted: Thu Sep 19, 2013 12:13 am
by Seraph011
Kapag....natutulog? MAlakas daw sila maghilik... :bigmouth: :bigmouth:

Re: Usapang Japan

Posted: Thu Sep 19, 2013 1:26 pm
by eynjel18
Madali rin kayang kumuha ng visa dito?
mas madali kung may kasama kang magaapply na nakukuha na ng visa dati. yun kasi ginawa ko, yun ermats at erpats ko eh nakapunta na doon ilang beses na. nung naapprove na yung mga visa namin eh kami na lang ng utol ko ang pumunta dun.

kung ikaw lang naman eh basta complete mo lang yung requirements nila at dapat may show money sa banko at certificate of employment ka para hindi sila magduda at alam nilang babalik ka rin dito sa pinas.

Masarap tumira siguro sa Japan, sobrang linis at ang ganda ng mga kalsada at at hindi masakit sa mata. halos lahat ng kanto may stoplight at lahat ng design ng stoplight eh parepareho.

Medyo mahal pagkain pero masarap at malaki rin yung servings. pati halos walang marunong magEnglish buti na lang at nakakaintindi ako ng konting basic na Japanese, kakapanood ng anime :sweat:

Pero parang malungkot din tumira dun. sobrang tahimik dun sa lugar ng na pinagstay namin, pati halos walang tao sa kalsada. Andaming mong makikitang mga lolo't lola sa daan, pero malalakas pa sila.

Nung first time kong sa express na train, nahilo ako, tumigin kasi ako sa labas ng bintana kasi gusto kong makita yung view, dapat pala sa loob lang ng train ang tingin. Pero kinalaunan eh nasanay na rin ako.

Bihira lang akong makakita ng magagandang haponesa, marami ring panget, pero ang puputi nila. Pati bihira ang mataba, siguro wala pang 5 ang nakita kong sobrang obese.

Matagal pa siguro bago ako makabalik dun ulit, mahal kasi pamasahe pati gusto ko sa Kyoto naman next time pero mas mahal ata dun :sweat: Mas gusto kong kasing makita yung mga province part kesa sa mga city.

Eto magandang basahin on what to expect in Japan, though not 100% accurate:
http://www.cracked.com/article_20118_5- ... japan.html

Re: Usapang Japan

Posted: Thu Sep 19, 2013 4:10 pm
by TurnBased
Meron kaming friend ng GF ko na haponesa, pumunta dito last August para manood ng Bazooka Rocks. Fan kasi siya ng All Time Low.

Nung una nacuculture shock siya. Nagugulat siya pag may nakita siyang naka motor na hindi naka helmet. Tsaka pinipilit kaming bumili ng buko, iyun hinihiwa tapos lalagyan ng straw. Wala kasing buko sa Japan. Nagugulat din siya nung bumibili siya ng pasalubong para sa family niya, nagugulat siya 200 pesos lang daw isang bag.

I don't know kung siya lang iyung ganito or most Japanese are, pero hindi siya aware sa gamit niya. Nung hinatid namin siya sa hotel niya, iniwan niya nang nakabukas iyun pintuan sa hotel room niya. I had to go back and close it. Nawala din iyun iPhone niya nung nanonood kami ng concert. Based sa observation ko, more likely na hinulog niya iyun phone kesa na pickpocket. Mas concerned pa siya sa mga contacts niya than the fact na nawala iyung phone niya.

Also, her face nung nakakita ng crispy pata. lol

Re: Usapang Japan

Posted: Thu Sep 19, 2013 4:20 pm
by VincH
gusto ko makapunta ng Japan dati nung marami pa usong anime na televised locally hehe

----
Nung hinatid namin siya sa hotel niya, iniwan niya nang nakabukas iyun pintuan sa hotel room niya. I had to go back and close it.
kala siguro nya honest at honorable ang mga tao dito tulad sa Japan :bigmouth:
Mas concerned pa siya sa mga contacts niya than the fact na nawala iyung phone niya.
normal lang ito. maski ako ganito din. may na meet din akong malaysian na nawalan ng phone at mas concern din sya sa mga contacts. nagtataka lang ako, kung iphone naman yun pwede nya naman ma-retrieve ang mga contacts nya. yan ay kung naka back up ang data nya sa computer nya or sa icloud.

Re: Usapang Japan

Posted: Thu Sep 19, 2013 4:22 pm
by TurnBased
Insured ang phone niya, so may bago na siyang iPhone ngayon :sweat:

Re: Usapang Japan

Posted: Thu Sep 19, 2013 8:29 pm
by skp_16
TurnBased wrote:Meron kaming friend ng GF ko na haponesa, pumunta dito last August para manood ng Bazooka Rocks. Fan kasi siya ng All Time Low.

Nung una nacuculture shock siya. Nagugulat siya pag may nakita siyang naka motor na hindi naka helmet. Tsaka pinipilit kaming bumili ng buko, iyun hinihiwa tapos lalagyan ng straw. Wala kasing buko sa Japan. Nagugulat din siya nung bumibili siya ng pasalubong para sa family niya, nagugulat siya 200 pesos lang daw isang bag.

I don't know kung siya lang iyung ganito or most Japanese are, pero hindi siya aware sa gamit niya. Nung hinatid namin siya sa hotel niya, iniwan niya nang nakabukas iyun pintuan sa hotel room niya. I had to go back and close it. Nawala din iyun iPhone niya nung nanonood kami ng concert. Based sa observation ko, more likely na hinulog niya iyun phone kesa na pickpocket. Mas concerned pa siya sa mga contacts niya than the fact na nawala iyung phone niya.

Also, her face nung nakakita ng crispy pata. lol
Very safe kasi sa Japan. Kwento ng pinsan ko na nag bakashon doon nung summer, nag punta sila sa isang coffee shop, yung mga nandoon iniiwan lang yung gamit sa table kapag pipila para umorder.

Re: Usapang Japan

Posted: Fri Sep 20, 2013 4:12 pm
by TurnBased
By the way, she LOVED her stay in the Philippines(even if nawala phone niya). Umiyak siya nung paalis na siya :hug:

Re: Usapang Japan

Posted: Sat Sep 21, 2013 12:48 am
by Sn@kemaru
This is going to be my favorite thread here in PPS.

Isa sa mga life-long dreams ko and yet to be realized is to go to Japan.. even for just a visit.

Siguro dahil na rin sa influence ng anime and videogames kaya naging special na sa puso ko ang Japan. Kung papiliin man ako ng kahit ano bansa na pupuntahan ko, Japan agad ang nasa isip ko.

Also, other than the Philippines, Japan is the other country that I tried to learn the most. From it's mythical creation, Japanese mythology, to Sengoku era, up to Meiji era, hanggang sa World War 2 (and all the atrocities happened then). Para bang na-enchant ako sa beauty of the history, culture and people of Japan.

Noon single pa nga ako, gusto ko pa noon ay isang Japanese ang maging wife ko.
Ngayon may anak na ako, name ng daughter ko ay Ayame. kapag nasundan pa and hopefully boy naman, Aoshi naman ang ipapangalan ko.

Given with a choice of swords, between the European Greatsword and Japanese Katana = Katana
Samurai or Pirate = Samurai
Ninja or Thief = Ninja.

Matagal na ako contemplating... siguro kung tinanggap ko yun offer sa akin noon na maging DBA ay malamang nakapag-stay na ako sa Japan ng at least 6 months.. for the training. Either sa Tokyo or Kyoto daw ang titirhan ko dun. Hindi ko lang tinatanggap kasi ayaw magpa-iwan ng asawa at anak ko ng ganun katagal or else uuwi sila sa byenan ko at iiwan ang bahay na pinundar namin.

Re: Usapang Japan

Posted: Sat Sep 21, 2013 5:15 am
by skp_16
^ Pareho pala tayo pafs, gusto ko rin ang Japan! Japan rin ang gusto kong next out of the country destination ko.

Pinapanood ko lagi kapag tungkol sa Japan ang palabas sa Discovery, Nat Geo, o History channel. :grin:

Mahilig rin ako sa Japanese myths. Pinapanood ko ang Spooky Kitaro at isa sa pinaka favorite kong game of all time ay Okami! :2thumbs: :agree:

One of my favorite clothing brand is Uniqlo.

Samurai/Ninja >>>>>>> pirate, thief, knight, archer, mage, etc etc etc :lol:

Re: Usapang Japan

Posted: Sat Sep 21, 2013 9:46 am
by VincH
nagka work ako sa isang japanese company at nagkaron din ako ng chance na mapunta sa japan kaya lang umalis ako sa company na yun. sabi ng office mates ko dati tahimik daw tuwing hapon sa japan, paglabas mo halos wala kang makitang tao. yung iba sa kanila kapag inabutan ng pasko napapaiyak dahil may work pa din sila at naaalala ang pinas :lol:

napaka workaholic ng mga japanese. sobrang tahimik sa office, ayaw ng basta basta naguusap kayo, nagte-text at bawal din makinig ng music during work hours :sweat:

Re: Usapang Japan

Posted: Sat Sep 21, 2013 10:42 am
by TurnBased
^kaya nga. I'd rather go there as a tourist. It's a beautiful country but I wouldn't live there permanently.

Re: Usapang Japan

Posted: Sat Sep 21, 2013 2:26 pm
by Sn@kemaru
@skp: Sa Channel 4 (local channel) ba yun may mga Japan Topics? Pinapanood ko yun kapag natyempuhan ko.

Ano film ba yun kay Sho Kusugi na nagpapaligsahan sila ng isang European knight sa mga sword nila. Yun sa knight, itinusok nya yun sword nya sa isang water fountain then nag-ceremonya siya ng konti at nag-apoy yun sword niya. Ganun din ginawa ni Sho sa katana niya, then nagtapon siya ng mga rose petals sa tubig. Lahat ng petals na dumikit sa edge ng katana niya ay nahiwa/nahati. Ganun ka-sharp ang katana niya. :win:

Nung napunta ng Japan yun isang ka-work ko sa isang project, nag-request ako na padalhan niya ako ng authentic katana. kahit na yun short blade lang or wakizashi. Ang pasalubong niya sa akin, katana keychain. hehe

When it comes to scent of a woman, ang sabi ng playboy professor ko noon na mahilig din mag-travel abroad, marami na daw siya natikman ng mga ibang lahi pero Pinay pa rin daw ang pinaka-mabango. Sa Chinese at Japanese daw ay may kakaibang scent daw. Yun ang sabi niya. Hindi pa naman ako nakakatikim ng ibang lahi. Mga pinay pa lang. :sweat:

Sana magkaroon ng Tenchu sa PS3... kahit remakes, ok na sa akin.

Re: Usapang Japan

Posted: Sat Sep 21, 2013 3:13 pm
by eynjel18
ako nung dati pa nung elementary/highschool ako, yung may palabas na Oh Tokyo! ni Ellen, dun ako nahilig na puntahan ang Japan one day. Sayang nga lang hindi ako nakapunta sa Akihabara. Pero nagenjoy din ako, lalo na dun sa Mt. Fuji at Fuji Q Highlands, grabe mga rides dun hindi ko kinaya.

Re: Usapang Japan

Posted: Sun Sep 22, 2013 12:05 am
by Sn@kemaru
Ako siguro, kahit saan parte na lang muna ng Japan. masabi ko man lang sa sarili ko na nakarating ako ng Japan.. kahit sa Okinawa.. part pa rin naman ng Japan yun.

Re: Usapang Japan

Posted: Sun Sep 22, 2013 5:23 am
by alex042795
ako pangarap kong makapunta dito..gusto kong makita kung maiksi yung palda ng mga students :mrgreen: ,gusto ko din makakita ng mga temple, at gustong gusto kong makakita ng cherry blossom :)

Re: Usapang Japan

Posted: Sun Sep 22, 2013 11:30 pm
by Sn@kemaru
^ haha yan din ang ilan sa mga gusto ko makita. Also, gusto ko makita at ma-explore yun mga castles.

Re: Usapang Japan

Posted: Tue Sep 24, 2013 6:54 pm
by Daniel
So ano yung mga mabibigay nyong tips sa pagkuha ng visa, kahit tourist lang, para makapunta ng Japan?

Para makapunta tayo sa Japan. :mrgreen:

Re: Usapang Japan

Posted: Fri Sep 27, 2013 7:12 am
by SirZap
noon kung tinanggp ko yung offer na maging HOSTO....

kidding aside, gusto kong makita Mt. Fuji