Page 3 of 7

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Wed Feb 20, 2013 7:18 am
by choy
Seraph011 wrote:Yeah...ako din hindi ko alam at lalong hindi ko naiintindihan yung explanations about water currents etc..etc..basta alam ko ayaw ko ng malamig at aya ko ng snow!! :fight: :lol:
ano rin yata eh, yung Rockies. it sort of traps the warm air on our side instead of letting it go accross the continent. kasi nga dito sa Canada pag tawid mo ng Rockies eh sobrang lamig na.

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Sun Mar 10, 2013 12:05 pm
by SirZap

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Sun Mar 10, 2013 1:06 pm
by Darkshader
Mga nagrereply ba mismong singaporean? daming mga haters ganon talaga.

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Sun Mar 10, 2013 11:54 pm
by Tracer1
Darkshader wrote:Mga nagrereply ba mismong singaporean? daming mga haters ganon talaga.
Uu... Yahoo Singapore kasi iyon

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Mon Mar 11, 2013 12:51 am
by darkknight
SirZap wrote:http://sg.entertainment.yahoo.com/news/ ... 36500.html

see comments :sweat:

grabe racism sa SG
I didn't know Singaporeans sound like Americans who always complain about immigrants. :facepalm:

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Mon Mar 11, 2013 1:13 am
by darkwing_uop
just wow at the comments

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Mon Mar 11, 2013 8:15 am
by VincH
ok lang yan racists din naman mga pinoy eh :bigmouth:

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Mon Mar 11, 2013 6:30 pm
by solstice
Ganun ba talaga ka-laki yung issue na ninanakawan sila ng mga foreigners ng job opportunities? Di naman kasalanan ng Pinoy yun kung preferred ng employer na sila kunin. Between two people who have the same set (and level) of skills, one is fine with taking less, the other is asking for the moon...common sense lang na yung first option ang kukunin.

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Tue Mar 12, 2013 1:06 pm
by OnceAnAngeL
solstice wrote:Ganun ba talaga ka-laki yung issue na ninanakawan sila ng mga foreigners ng job opportunities? Di naman kasalanan ng Pinoy yun kung preferred ng employer na sila kunin. Between two people who have the same set (and level) of skills, one is fine with taking less, the other is asking for the moon...common sense lang na yung first option ang kukunin.
Usually kasi pag ang Filipino nagttrabaho sa Singapore sila lang ang nandun then yung family nila maiiwan dito sa ph. Yung gastos nila sa Singapore para sa kanila lang tapos papadala nalang sa ph ng pera while yung locals eh buong family nila ang naka tira sa Singapore. Mahihirapan talaga sila makipag compete dahil mas mababa ang cost of living dito sa ph compare sa Singapore.

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Tue Mar 12, 2013 7:39 pm
by solstice
Hmm...di pa rin tama. You get paid according to how well you perform and what you bring to the company. As an employer, di ko na kargo kung meron kang walong anak kaya kelangan mo ng mataas na sweldo. Hindi nila pwedeng gamitin na dahilan na "may pinapakain akong pamilya dito kaya dapat mas mataas ang ibigay mo sakin kesa dun sa mga foreigner". Basta eto ang rate na ibibigay ko sayo. Kung ayaw mong tanggapin, yung isang applicant na payag sa rate ko ang kukunin ko.

Ewan...wala naman akong experience sa ganito kaya siguro di ko maintindihan sorry :sweat:

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Tue Mar 12, 2013 9:38 pm
by SirZap
gusto ko na rin humirit. the reason why singapore flourished is because some businesses were established there at the expense of putting jobs for them thereby losing from others. kumabaga nilipat doon ang trabaho or job opportunity. tapos kapag may na-hire na ibang nationality nanggagalaiti sila eh yun naman ay business decision nung mga employers nila na singaporeans din.

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Sun Mar 17, 2013 11:37 am
by PitchBlack
^
kasi naman sa singapore noon noon pa meron ng malaysian, indian, chinese.. tapos simula ng boom yung country nila sumawsaw pa yung mga pinoys.. so ang tendency maiiinis talaga sila.. like you said, yung company naman ang naghire.. pero para sa mga taga dun, maiinis talaga sila.. yung friend ko nagwowork sa KFC dun, iba iba daw lahi ng crew... imagine mo nalang, kung KFC dito sa Pinas, tapos iba iba lahi nyo.. hindi ba kayo maiinis..

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Sun Mar 17, 2013 11:46 am
by solstice
Well ang tanong...willing ba ang mga Singaporeans na sumweldo ng mababa?

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Sun Mar 17, 2013 12:26 pm
by PitchBlack
^
nakalimutan ko indicate na if ever tumaas na yung economy ng PH, sympre mga asian foreigners dito na magwowork.. so imagine nyo nalang yun.. imposible hindi tayo magagalit kasi magsisipuntahan na dito mga yun.. mahahati yung mga jobs.. so ngayon ganun nafefeel nila, kaya may discrimination.. kung baga ayaw nila may iba pang sumisingit.. kasi halo halo na nga sila dun.. may sasawsaw pa na iba..

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Mon Mar 18, 2013 9:45 am
by OnceAnAngeL
solstice wrote:Hmm...di pa rin tama. You get paid according to how well you perform and what you bring to the company. As an employer, di ko na kargo kung meron kang walong anak kaya kelangan mo ng mataas na sweldo. Hindi nila pwedeng gamitin na dahilan na "may pinapakain akong pamilya dito kaya dapat mas mataas ang ibigay mo sakin kesa dun sa mga foreigner". Basta eto ang rate na ibibigay ko sayo. Kung ayaw mong tanggapin, yung isang applicant na payag sa rate ko ang kukunin ko.

Ewan...wala naman akong experience sa ganito kaya siguro di ko maintindihan sorry :sweat:
Yup, kung ako ang employer hidni ko na kargo ang personal issues nila, basta ako gusto ko ma maximize yung profit ng business ko.... Kaso diyan nagkaka problema, hindi kaya makipag compete ng mga locals kasi mas mataas ang expenses nila compare sa mga Filipinos na ang family eh nandito sa Ph.

Biruin mo pag ikaw nandito sa Pinas at hindi makahanap ng trabaho kasi ang willing lang na ibigay ng mga employer eh 10k a month. Wala ka naman magawa kasi yung mga Nationals sa mas mahihirap na bansa eh tinatanggap to. Pwede mong tanggapin yung 10k a month pero willing kaba babaan yung standard of living niyo? Kung ako maiinis din ako sobra :sweat: Instead na tumaas yung demand sa worker dahil sa baba ng salary eh nandito yung mga foreigner na pinupuno pa ito.

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Tue Mar 19, 2013 7:28 am
by Darkshader
Sa U.S. ang patakaran depende sa states or city. California has a minimum of $8/hour ang pasahod. Kung nakatira ka naman sa San Francisco mas mataas ng kaunti mga $10/hour. Hindi ka puwedeng bumaba ng pasuweldo doon kasi mayayari ka and get sued. The only time that you can pay lower wages as an Employer or Business owner is hiring undocumented people. Kaya sa mga restaurant business, puro mga cook nila sa kitchen either spanish or chinese or minsan pinoy na walang papeles para makatipid iyong restaurant. Kasi kung lahat may mga papeles iyong mga co-worker for sure mahal ang sisingil sa pagkain din. Ngayon syempre it is up to you if you want to hire undocumented people because if the government caught you, deport na iyong worker tapos baka makulong or magmulta iyong business owner. Kaya hindi lang pasahod ang problema mo dito dahil meron pang binabayaran na two insurance (worker's comp and liability). Insurance if your employee get injured and insurance for customers who get injured. So kung meron kang employee na namatay or dinala sa hospital and the bills came worth $500 thousands ... mag file ka na ng bankcruptcy haha. You cannot open a business here in the U.S. without getting those two insurance, dahil magiging illegal business mo pag wala ka non. Kaya mahirap mag tayo ng business sa U.S.

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Fri Mar 29, 2013 7:46 am
by Ps3diehardfan
Iba utak ng pinoy hindi maiinis ang mga pinoy kung biglang dumami mga foreigners na nagtratrabaho sa pilipinas
Kasi gusto ng mga pinoy yung mga ibang lahi Racist na talaga yun pag ayaw nya ng mga Foreigners

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Fri Mar 29, 2013 2:42 pm
by choy
Ps3diehardfan wrote:Iba utak ng pinoy hindi maiinis ang mga pinoy kung biglang dumami mga foreigners na nagtratrabaho sa pilipinas
Kasi gusto ng mga pinoy yung mga ibang lahi Racist na talaga yun pag ayaw nya ng mga Foreigners
hindi totoo yan. pag mangyari yan ganyan din magiging reaksyon ng mga pinoy. mabait tayo sa mga foreigners ngayon kasi kokonti lang sila. pag dumami sila maiinis din tayo.

kami nga dati inis kami sa opis namin, kasi lahat ng amo eh puti.

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Fri Mar 29, 2013 7:09 pm
by Ps3diehardfan
choy wrote:
Ps3diehardfan wrote:Iba utak ng pinoy hindi maiinis ang mga pinoy kung biglang dumami mga foreigners na nagtratrabaho sa pilipinas
Kasi gusto ng mga pinoy yung mga ibang lahi Racist na talaga yun pag ayaw nya ng mga Foreigners
hindi totoo yan. pag mangyari yan ganyan din magiging reaksyon ng mga pinoy. mabait tayo sa mga foreigners ngayon kasi kokonti lang sila. pag dumami sila maiinis din tayo.

kami nga dati inis kami sa opis namin, kasi lahat ng amo eh puti.
Anu ba ginagawa ng amo nyo?

Re: The not so good things outside Philippines/other countri

Posted: Fri Mar 29, 2013 9:12 pm
by darkknight
Actually, pati ang mga pinoy eh racist din, not to the point na we hate others but the way na we make fun of them. Share ko lang experience ko, kapag nakakakita kami ng mga Chinese or Koreans speaking, madalas eh ginagaya namin yung pagsasalita nila yung parang "Ching chong" language and laugh. Tapos kapag nakakakita din ng mga bumbay, ang unang pumapasok sa isip ay mabaho sila so kailangan iwasan or wag huminga pag anjan sila. Meron din, nung nagcocopy yung friend ko ng mga movies, tinanong niya kung ano yung Death at a Funeral. Sabi ko comedy yun, inopen niya at sabi niya "Puro negro yung artista, ayoko to." Eto pa feeling ko Pilipino lang talaga gumagawa nito, yung pagcompare ng kulay ng balat natin, yung bang ifeface-off nyo yung arms niyo at titignan kung sinong mas maputi. Tapos pagtatawanan ka pag mas maitim ka. I'm sure di lang ako yung nakaexperience ng mga ganitong bagay.