The not so good things outside Philippines/other countries

Talk about things about video games. What are your other hobbies? What's your favorite TV show? Are you into sports. Any recommended restaurants? Do you travel?
User avatar
skp_16
The Fight: Lights Out
The Fight: Lights Out
Posts: 10653
Joined: Tue Jul 15, 2008 4:36 am
PSN ID: skp7_13
Location: Greenhills, San Juan

Fri Sep 14, 2012 4:55 am

Nawala yata yung ganitong thread? :huh: Anyway, ano sa tingin niyo ang hindi gaanong maganda sa ibang bansa especially first world countries?

- wala silang street foods o kaya karinderia :lol:
- malaki nga ang kita, pero mahal naman ang cost of living (tama ba?)
Lord, grant me the strength to be content where I am, the patience to wait on Your timing, & the faith to remember that You have Your hand always on my heart. Amen.

PSN ID: skp7_13
User avatar
parokyano
LeBronista
Posts: 14003
Joined: Thu Jan 12, 2006 1:11 pm
PSN ID: LeBronista

Fri Sep 14, 2012 8:48 pm

yung mga relaitves ko sa UK mahal nga daw ang pag-kain dun or mga grocery goods kaya madalas sa labas sila umoorder ng food kaysa magluto..

sa US naman pag may trabaho ka kapag hindi mo makontrol appetite mo lolobo ka kasi madaming kainan and "mura" daw sabi ng uncle ko na sa NY naka base dati..

and ito nga.. nung umuwi lately yung relatives ko from london may kasama silang puti na kaibigan ng pinsan ko.. minsan na sa mall sila and bumili daw ng food yung puti habang kumakain hindi man lang nag-aalok yung puti.. eh ilang araw na din nila kasama yung puti.. and sagot nga nila halos yung meal nung puti so nakita niya yung customs natin na kapag may pagkain mahilig tayo mag-alok lalo na sa bisita.. tapos daw nun bumili ng tinapay yung tito ko.. then nakita nung puti kung ano yun and kung pwede daw ba niya itry.. di naman sa sinasabi ko na masama ugali nung puti.. mabait siya and cowboy.. di lang siguro sila sanay na mag-alok sa iba.. kailangan mag-ask muna kung gusto nila magbigay or hindi..
Image
User avatar
Khrysler Jerikho
Crimson Ai's Rated R Nekostar
Posts: 4997
Joined: Sun Dec 14, 2008 11:53 am
PSN ID: Khrysler_Jerikho
Location: <<Gun Gale Online>>

Sat Sep 15, 2012 5:55 am

First world country: mas pinoproblema kung ano nasa TV kesa sa bansa nila.


Ay ganun din pala dito sa Pinas. :bigmouth:
Image
User avatar
Darkshader
Syphon Filter
Posts: 3048
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Sat Sep 15, 2012 10:45 am

@parokyano

Ganon talaga sa amerika hindi uso ang mag-alok ng pagkain ang mga puti, dahil uso dito eh KKB, kanyang-kanyang bayad or bili. Magkayayaan ang mga barkada lumabas, automatic na iyon na KKB, wala kang pera ... huwag ka ng sumama ... unless someone volunteer to pay you. Pero iyong mga born or laki na mga filipino sa america hindi naman ganon kasi nakikita naman nila sa magulang nila na mapag-bigay sila.

So syempre pag-pumunta ang isang puti sa pilipinas, wala sa kanilang ugali ang mag-alok ... selfish in away ... pero ganon talaga sila ... unless you ask them kung gusto mong matikman iyong kinakaain nya ... pero nakakahiya naman na mag-ask ka ng ganon.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
ChardPurple
Warhawk
Posts: 840
Joined: Wed Apr 11, 2012 4:44 pm
PSN ID: chard_newfag

Fri Sep 21, 2012 11:14 am

I think that's part of our hospitality. Parang ganito, sa western countries pag may bisita sila ihahain nila yung leftovers nila or whatever na kakainin nila for that particular meal unlike dito sa 'tin na magpapabili or magluluto pa at minsan ipangungutang pa yung pambili para lang may ipakaing "masarap" sa mga bisita.
Image

Now Playing: Super Meat Boy, Uncharted 2 (PS4)

"Substance over style, quality over quantity, practicality over idealism."
User avatar
skp_16
The Fight: Lights Out
The Fight: Lights Out
Posts: 10653
Joined: Tue Jul 15, 2008 4:36 am
PSN ID: skp7_13
Location: Greenhills, San Juan

Wed Sep 26, 2012 3:03 pm

Parang wala yata mashadong "not so good things" sa ibang bansa...walang nagpopost dito. :lol: :bigmouth:
Lord, grant me the strength to be content where I am, the patience to wait on Your timing, & the faith to remember that You have Your hand always on my heart. Amen.

PSN ID: skp7_13
User avatar
ShadowoftheDarkgod
Twisted Metal
Posts: 1030
Joined: Mon May 21, 2007 6:14 am
Location: Ryoko Owari

Wed Sep 26, 2012 4:18 pm

Naku ayaw ko nga nyang ugali na yan yang nagaalok ng pagkain.
Minsan kasi kahit ayaw mo namang alukin aalukin mo para masabing "hospitable" ka.
Langya ka impokritohan yan eh, kung ayaw mong alukin eh di wag. Masama yan magsisinungaling ka pa.
Tapos natawa ako dun sa foreigner, nagtanong sya, inalok daw sya ng pagkain, pero nakita nya yung pagkain paubos na.
Di daw nya alam pano sya magrerespond wahahaha :bigmouth: :rofl: :rofl:
And remember kids:
the more posts you have, the bigger your pens is.
PSN ID: ShadowoftheDark
User avatar
Daniel
PlayStation
Posts: 16052
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Wed Sep 26, 2012 4:23 pm

skp_16 wrote:Parang wala yata mashadong "not so good things" sa ibang bansa...walang nagpopost dito. :lol: :bigmouth:
sige magpo-post ako :bigmouth:



pag may banggaan sa kalye, pati kabilang lane clear naman, traffic din. nakikiusyoso kasi. parang pinas din. :bigmouth:
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
SirZap
Big Daddy
Posts: 4383
Joined: Mon Dec 01, 2003 5:34 pm
PSN ID: SirZapp

Wed Sep 26, 2012 8:35 pm

depende kasi yan kung ano yung "not so good things outside"
ito ay base lamang sa opinion ng ibang tao
1. new zealand - wala amsayadong gimikan
2. japan - mahal pagkain
3. some middle east country - kapag wala akng balbas, reyp ka
Image
Like · Comment · Share
You and 101 others like this.
User avatar
ShadowoftheDarkgod
Twisted Metal
Posts: 1030
Joined: Mon May 21, 2007 6:14 am
Location: Ryoko Owari

Wed Sep 26, 2012 9:54 pm

SirZap wrote:depende kasi yan kung ano yung "not so good things outside"
ito ay base lamang sa opinion ng ibang tao

3. some middle east country - kapag wala akng balbas, reyp ka

malay mo sa iba di bad thing yan :bigmouth:
And remember kids:
the more posts you have, the bigger your pens is.
PSN ID: ShadowoftheDark
Ps3diehardfan
Aquanaut's Holiday
Posts: 386
Joined: Thu May 17, 2012 1:06 am
PSN ID: fanboy_201
Location: Marikina city

Wed Sep 26, 2012 11:15 pm

1.pag school hours at nasa mall ka huhulihin ka ng pulis (para sa mga teens) lang kasi akala nila
Cutting classes ka

2.bawal mag patugtog ng malakas

3.bawal bumili ang bat ng yosi/beer/games na mature

4.hindi nawawala ang mura sa bibig nila laging may f*****

5.yung mga bata hindi nila ginagalang ang magulang nila at yung magulang hindi rin tinuturuan gumalang

6.pag nag graduate ka na dapat me sarili ka ng bahay

7.yung mga kano lagi nila pinag babayad ng RENT yung mga anak nila

8.nakakatakot yung mga black american pag namamalimos sayu

9.yung mga puting americano pag nakakita ng mga muslim akala nila terorista ka agad.

10.pag nag bibigay ka ng pagkain sa mga puting americano parang akala nila me lason kaya ayaw nila tangapin kahit fav nila.
PlayStation Network ID: Fanboy_201 US
User avatar
Daniel
PlayStation
Posts: 16052
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Thu Sep 27, 2012 12:08 am

SirZap wrote:depende kasi yan kung ano yung "not so good things outside"
ito ay base lamang sa opinion ng ibang tao
1. new zealand - wala amsayadong gimikan
mas marami pa raw kasi ang mga baka kesa sa tao :bigmouth:

saka ang mga establishments tulad ng malls, nagsasara ng 5pm at 6pm, pag weekdays.
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
choy
hype lang
Posts: 5280
Joined: Sat Feb 01, 2003 1:21 pm
PSN ID: choyPSX
Location: GM Place, Home of the Canucks
Contact:

Mon Nov 05, 2012 11:47 pm

masyadong pala-asa sa gobyerno mga tao dito. pag hindi sila matulungan ng gobyerno, parang katapusan na ng mundo. sabagay sa pinas din ganyan, parang lahat ng tao umaasa sa gobyerno lang. pero at least sa pinas alam natin na walang silbi ang gobyerno.
<( )> You have earned a trophy.
_/ \_ Hype lang yan


All form, no substance

PSN ID: choyPSX
Currently playing Gran Turismo 5
User avatar
deathblitzer
Aquanaut's Holiday
Posts: 372
Joined: Fri Dec 21, 2007 12:55 am
PSN ID: deathblitzer

Thu Nov 08, 2012 10:30 am

Mga Europeans naive sa hirap. Shocked sila pagnalaman nila na magulo pala ang mundo. Yung boss ko na European, sumakay daw ng bus sa Pinas papuntang norte, naka tayo daw siya ng ilang oras. Yun na daw ang worst bus ride niya ever. :grin:

Yang mga backpackers na yan, astig sila kung astig, game kung game, pero hindi naman lahat yan mga cowboy. May kaartehan din yang mga yan. :huh:
User avatar
Nikkuh
Motor Toon Grand Prix
Posts: 86
Joined: Wed Oct 31, 2012 11:53 pm
Location: Candy Kingdom

Fri Nov 09, 2012 12:01 am

Kung may balak kang bumisita sa neighbor or friends mo sa US, kailangan mong magsabi bago ka pumunta. Kasi pag pa-surprise ang ginawa mo and natsambahan mo pang nagdi-dinner, hindi ka aalukin na sabayan sila o even offer you food.

Sabi ng prof ko during Spanish class, Europeans are frank. Example, sinabihan ka ng mabaho, it may sound offensive pero hindi. Direct to the point talaga.

Last, sanay ang mga Koreans na magdisplay ng luxuries nila. They would even buy something expensive to prove it kahit di nila agad mabayaran and they're fond of cosmetic surgeries.
| Lurker |

PSN ID: Abbyruvian
User avatar
Daniel
PlayStation
Posts: 16052
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Fri Nov 09, 2012 1:30 pm

Mas maganda pa nga ang pagiging prangka, kesa sinasabi habang nakatalikod ka. hehehe

Nasa delivery lang siguro.
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
Nikkuh
Motor Toon Grand Prix
Posts: 86
Joined: Wed Oct 31, 2012 11:53 pm
Location: Candy Kingdom

Fri Nov 09, 2012 2:01 pm

^ Yup. :grin: Hindi kasi sanay ang Pilipino sa ganun, gusto yung dahan-dahan sa pagsasalita. Yung tipong think before you speak.
| Lurker |

PSN ID: Abbyruvian
Ps3diehardfan
Aquanaut's Holiday
Posts: 386
Joined: Thu May 17, 2012 1:06 am
PSN ID: fanboy_201
Location: Marikina city

Fri Nov 09, 2012 9:18 pm

^asaran nalang gawin nyu
PlayStation Network ID: Fanboy_201 US
User avatar
Darkshader
Syphon Filter
Posts: 3048
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Tue Nov 13, 2012 7:57 am

Maraming bakla at lesbian sa San Francisco. Culture shock ako ng dumating ako sa amerika. Mga bading ang mamatso pa naman ng body buit tapos nakasuot ng black shirt na see thru. Tapos sabay torid kissing sa public ... :rofl: Liberated talaga.

First time ko nag Mall sa Daly City. Ofcourse daming pinoy ... teenager pa ako non. Halos mabali iyong neck ko kakatingin left and right sa mga asians na bebot na dumadaan. Actually good thing sya ... hindi sya bad thing hehe. Mga teenagers and high school kids dito ang lalaking bulas.
Last edited by Darkshader on Wed Nov 14, 2012 1:19 am, edited 1 time in total.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
Daniel
PlayStation
Posts: 16052
Joined: Mon Jun 09, 2003 12:54 pm
PSN ID: Bobo-Bambano
Location: Monaco
Contact:

Tue Nov 13, 2012 10:31 am

Kaya siguro na-inspire magladlad si Rustom dahil diyan sa San Francisco. :lol:

Na-describe sa akin ang San Francisco, fashionista ang mga tao.
Image
PSN ID: Bobo-Bambano (US), Hunghunk (Asian SG), imajackiechanfan (Asian HK)
User avatar
TurnBased
Grind Session
Posts: 3471
Joined: Tue Jul 11, 2006 4:55 pm
PSN ID: twolfkg

Tue Nov 13, 2012 1:32 pm

Nung pumunta ako ng Hong Kong, kapag nalalaman ng mga locals diyan na Chinese ako(pero hindi marunong mag Chinese), tinitignan ako nang masama na parang "hindi alam ang sariling wika"

Sa bagay ganyan din naman sa Pinoy.
PSN ID: twolfkg / TurnBasedPPS
3DS FC: 4468-1101-2937
PC: Bioshock
Vita: Final Fantasy IV The After Years
3DS: Professor Layton vs Phoenix Wright Ace Attorney
User avatar
Darkshader
Syphon Filter
Posts: 3048
Joined: Fri Aug 08, 2003 4:36 am
Location: USA
Contact:

Wed Nov 14, 2012 1:24 am

Mga chinese at mexicans pag nag-iimmigrate na sa amerika tinuturuan parin nila ng sariling wika iyong mga anak nila. Kaya kahit born sa amerika mga anak nila nakakaintindi ng sariling wika or nakakaintindi.

Mga pinoy nakatungtung lang sa amerika ayaw na nilang turuan mga anak nila. Kesyo dahilan nila eh nasa amerika na daw or kaya mahihirapan iyong anak nila mga adjust sa prep or kinder ... kaya english na agad. Problema non pag hindi ka nakakaintindi ng tagalog eh parang nahahati iyong mga filipino. Pag pumasok ka sa college magkakasama iyong mga bagong dating sa isang sulok at iyong mga born na pinoy na sa ibang sulok din. Ganon kasi na experience ko dito ng dumating ako.
PSN ID: Darkshader

Gamer/Toy Collector
User avatar
Tracer1
Heavenly Sword
Heavenly Sword
Posts: 8369
Joined: Thu Mar 13, 2003 1:27 am
Location: Sa tabi-tabi lang
Contact:

Thu Nov 29, 2012 1:15 am

PHL won’t stamp visas on China’s new e-passports

The Philippine government on Wednesday said it will not stamp entry visas on new Chinese passports bearing the controversial nine-dash line map delineating China's territorial claims in the West Philippine (South China) Sea. The nine-dash line covers nearly the entirety of the sea, including areas that are well within Philippine territory and several disputed islands.
Philippine immigration authorities will instead stamp a separate visa application form, the Department of Foreign Affairs said. This will be done “to avoid the Philippines being misconstrued as legitimizing the nine-dash-line claim of China," Presidential Spokesperson Edwin Lacierda told reporters in a text message. The move follows the news that Vietnamese border guards have been refusing to stamp entry visas on the controversial new passports.
More... http://ph.news.yahoo.com/phl-won-t-stam ... 28222.html


Naks... tapang ng pinas ah :agree: :agree:
PS3 Rulez!!!

"Boycott Chinese products!"
Ps3diehardfan
Aquanaut's Holiday
Posts: 386
Joined: Thu May 17, 2012 1:06 am
PSN ID: fanboy_201
Location: Marikina city

Thu Nov 29, 2012 7:15 pm

^ may amerika kasi eh. Pati vietnam :rofl:
PlayStation Network ID: Fanboy_201 US
Ps3diehardfan
Aquanaut's Holiday
Posts: 386
Joined: Thu May 17, 2012 1:06 am
PSN ID: fanboy_201
Location: Marikina city

Thu Nov 29, 2012 7:32 pm

Maraming bakla at lesbian sa San Francisco. Culture shock ako ng dumating ako sa amerika. Mga bading ang mamatso pa naman ng body buit tapos nakasuot ng black shirt na see thru. Tapos sabay torid kissing sa public ... Liberated talaga.

First time ko nag Mall sa Daly City. Ofcourse daming pinoy ... teenager pa ako non. Halos mabali iyong neck ko kakatingin left and right sa mga asians na bebot na dumadaan. Actually good thing sya ... hindi sya bad thing hehe. Mga teenagers and high school kids dito ang lalaking bulas.
Sa oakland madami. Pero pag inasar ang bakla dun kawawa talaga sila. :| hindi katulad dito pag inasar ang bakla lumalaban pa at susuntokin ka pa
PlayStation Network ID: Fanboy_201 US
Post Reply