Page 4 of 8

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Sat Jul 13, 2013 10:28 am
by PitchBlack
OT:

totoo bang may nananalo sa LOTTO? specially yung mga 100M and above tapos 1 winner lang?

actually dito lang sa PH yung may nananalo sa lotto na hindi pinapakita sa TV yung nanalo kahit na blured/cover yung identity..

sa US, europe, taiwan, HK, SG, etc.. pinapakita talaga nila pero naka hidden yung identity yung iba nga hindi nga pinapakita pa..

sa taiwan nga pinakita yung nanalo ng 700M NT$ pero naka cover yung face nya.. pero atleast pinapakita nila..

kaya sabi sakin ng tatay ko tumaya lang daw ako sa mga maliliit lang na jackpot below 100M.. pag above 100M na kalokohan na raw yun..

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Sat Jul 13, 2013 11:40 am
by ron_bato
^ Meron naman ata talaga, pero may mga rumor din na nakukurakot lang yung lotto eh. May segment dati sa ABS CBN na pinapakita yung mga previous lotto winners na naubos agad pera dahil kung ano-ano binili nila agad. Ito example, pero GMA ang may coverage: http://www.spot.ph/the-feed/46925/lotte ... l-troubles

So kung manalo ako ng lotto, iquiquit ko current job ko ngayon, tatapusin ko dissertation ko para makaturo ako full time tapos invest ko pera ko wisely and just buy enough property and assets for myself and my family. Hindi ko din ipapaalam sa mga relatives ko na nanalo ako, mayaman naman sila eh, para maiwasan na din yung mga gusto lang mang leach or gusto ako icon :lol:

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Sat Jul 13, 2013 1:39 pm
by nagashitty
stop na ako mag work! :lol: papagawa ng sarili naming bahay ng asawa ko. and the rest is iinvest na lang namin.

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Sat Jul 13, 2013 6:57 pm
by Lirgota
Stop work. Buy GTR and Atom. Aircon room forever. Exercise everyday. Play games everyday. Get 100mbps fibr. Meron kaya fibr sa Timberland Heights doon ko sana gusto lumipat. Binaha na kami kasi dito sa village namin since Ondoy and Habagat. Hermit mode!

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Mon Jul 15, 2013 9:55 am
by PitchBlack
@ron_bato

medyo nananiniwala pa ako kung P100M-160M solo winner, na talagang pinamimigay ng PCSO.. ang duda ko lang is yung mga nananalo ng 200M-700M na solo winners.. ok lang siguro kung 3 or more nakakakuha ng 200-700M.. pero kung solo nakakaduda talaga..

imagine pano mo ibibigay yung ganun kalaking amount dun sa solo winner.. for sure ako bago mo makuha yung ng buo yung pera hoholdapin kana ng mga employees ng PCSO, puro hihingi ng balato tapos tatakutin ka na ibubulgar nila identity mo.. tapos puro lagay na yun kaya hindi mo makukuha ng buo yung napanalunan mo..

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Mon Jul 15, 2013 10:13 am
by ron_bato
^ Ako din nag duda na ako sa ganung number, baka may halong magic na yun in terms of baka nakurakot or something. Pero hindi ko alam talaga, puro rumors lang narinig ko about some administrations using the lotto as their own private fund pero nothing confirmed siyempre.

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Mon Jul 15, 2013 11:13 am
by SirZap
ang alam kong irregularities daw sa lotto is yung nananalo ng 2 or more, kasi naman daw yun isa dun ay politiko daw. pero yun nga eh ganun naman din kahit solo, hindi rin naman alam ng dapat makaalam kung sino talaga nanalo.

pero wala naman akong nababalitaan na nangeextort na tagapcso na magbubunyag kung hindi magbibigay. ang alam ko meron naghihingi ng balato na kapitbahay pero dahil hindi binigyan eh pinagtangkaan yung buhay; twice na may nangyaring ganyan.

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Mon Jul 15, 2013 11:23 am
by ron_bato
^ Kaya talagang mas maganda walang may alam na nanalo ka ng lotto eh, yung mga ganyang nangyayari hindi maiiwasan, mas mabuti nang itago mo na lang kung sakali.

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Mon Jul 22, 2013 3:45 pm
by DarkRushBeat
simple lang.....

- build my own house
- have my own business
- build my own gym
- buy my dream car
- help the needy. balak ko magpagawa ng tenement homes for the streetpeople.

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Tue Jul 30, 2013 9:18 am
by VincH
- help the needy. balak ko magpagawa ng tenement homes for the streetpeople.
:agree: :2thumbs:

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Tue Aug 20, 2013 12:16 pm
by kit_mac
Kung manalo ako sa Lotto. I'll build my dream house and invest the rest of the money.

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Thu Aug 29, 2013 10:58 am
by DarkRushBeat
VincH wrote:
- help the needy. balak ko magpagawa ng tenement homes for the streetpeople.
:agree: :2thumbs:
nakakaawa tignan mga homeless people, dito sa Lipa, minsan tinatapon mga Badjao na kunyari e inaalis sa Manila ng DSWD kuno. So if God will give a chance to win, i'd give some back, hindi puro sarili lang.

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Tue Oct 22, 2013 12:40 pm
by conquerorsaint
typical : travel, house, car, pimped out man-cave, toys/figurines (ie sideshow collectibles) galore, investments :sweat:

business venture : gaming-themed cafe/bar a la Capcom Bar in Japan :bigmouth:

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Sun Nov 17, 2013 9:05 pm
by PH.Queso
I'm started to get addicted to the scratch games of lotto. first time to try it, earlier I won something, but not that big. ahahaha, I'll try again tomorrow!

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Sat Dec 14, 2013 10:05 pm
by DarkRushBeat
Congratulations nga pala sa nanalo ng 120 Million nung 1 araw...Mag isa lang daw sa buhay yun...What a very nice Christmas gift! But don't forget to give back, specially sa mga nasalanta ng Yolanda...Million pesos feels good, but when you share your blessings, the feeling inside is a Zillion times better

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Mon Dec 16, 2013 10:36 pm
by SirZap
meron na?! ahahahah, swerte naman nuna :D

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Tue Dec 17, 2013 4:06 am
by DarkRushBeat
Yes, and he's a mere 10 minute drive away dito sa amin sa Lipa City....

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Tue Dec 17, 2013 1:18 pm
by photographer
hmm.... mahirap mag isip kung ano ang gagawin ko dun :?

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Tue Dec 17, 2013 7:35 pm
by Sn@kemaru
Tapusin ang pagpapagawa sa paupahan ko.
then ipagawa yun dream house namin.
then bayaran yun amortization sa bank.
bayaran yun insurance at ikuha ng insurance ang anak namin
maglaan ng savings ang father ko.
magbalato sa kapatid ko.
mag-donate sa church namin.
mag-donate sa Yolanda victims.

yun muna naisip ko ngayon. ilagay muna sa different banks yun natitira pera.

Re: What if manalo ka sa LOTTO? =))

Posted: Wed Jan 22, 2014 2:29 am
by barefoot_warrior
Pag nanalo ako, I will just deposit it in the bank. I think Im earning enough to maintain my very simple life. I will just do my everyday routine :D